
CHAPTER 20
EDEN SAINE FLORIDA
Napahigpit ang kan'yang hawak sa 'king kamay na tila ayaw n'yang pakawalan ako. “Inaamin kong pinaglalaruan talaga kita noon pero nagsisi naman ako.”
“Kailan ka nagsisi? Nang malamang may iba akong lalaki?” sunod-sunod kong tanong.
Natahimik s'ya kaya napatango-tango na lang ako. Alam ko na ang lahat. Iyon lang naman ang kailangan kong malaman, kung minahal ba talaga n'ya ako at kung nagsisi ba s'ya.
“Mahal naman kita nga—”
“Ngayon lang naman 'yan.” Putol ko sa kan'ya. “Gan'yan din naman ang sinabi mo noon sa 'kin. Mahal mo ako pero sa huli sinabi mo ring pinaglaruan mo lang ako.”
'Di s'ya ulit nakasagot at mukhang nahihimigan n'ya ang gusto kong mangyari. Unti-unti kong binaklas ang kamay ko sa kan'ya na ikinataranta ng kan'yang mukha. Napatingin sa kamay naming hiniwalay ko.
Bumaba ako sa pagkakaupo sa harapan ng kan'yang kotse at ngitian s'ya. Hindi peke ngunit nasasaktan din. Hindi na ako galit sa kan'ya, natauhan na rin.
“No...” Umiling-iling s'ya sa 'kin at mabilis na bumaba ng kotse. Hinayaan ko s'yang hawakan ako sa kamay.
“Gaya sa sinabi ko nakaraang araw, ayaw kong magkarelasyon ngayon. Hindi na ako maglalaro ng lalaki. Pinipigilan ko na ang larong meron tayo.”
Marahas s'yang umiling ulit sa 'kin at gano'n na lang ang bigla ko nang umiyak s'ya. Pahihirapan pa n'ya yata ako.
“M-Mahal mo ako, eh.” Nag-crack ang kan'yang boses. “Totoong nagsisi ako sa ginawa ko noon, ilang buwan nagdaan ay ro'n ko lang napagtanto na... Mahal na pala kita.”
Bumuntong-hininga ako at binaklas ulit ang kan'yang kamay sa 'kin. “Sasabihin ko na sa 'yo ang totoo. May iba na akong nagugustuhan, hindi na ikaw, matagal na.”
Biglang umasim ang kan'yang boses at mukhang hindi n'ya nagustuhan ang sinabi ko. “Don't say that! Pinaglalaruan mo lang naman mga lalaki mo, ah!” Napataas ang kan'yang boses na ikinasinghap ko.
Napasabunot pa s'ya sa kan'yang sariling buhok. Napakagat labing umiiyak ng tahimik. “Sino? Sino sa kanila ang nagustuhan mo? Gusto mo lang naman iyon at hindi mahal kaya alam kong ako pa rin ang bagsak mo.”
Mabilis akong umiling sa kan'ya. Kinokontrol na h'wag ulit magalit. “Kahit naman hindi ko s'ya gusto o mahal hindi pa rin magbabago ang isip ko.” Umatras ako ng hakbang. “Let's end this game, Khoen. All I know right now ay magkaroon ng payapang buhay at wala nang problema. We can be frie—”
Hinampas n'ya ang kan'yang kotse at nanliliksik na tinignan ako. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa 'min. Akala ko tatanggapin n'ya ito.
“Ayaw ko! Kaya nga ako nanligaw dahil gusto kong maging akin ka!” sigaw n'ya at pinipigilan ang sariling h'wag gumawa ng eksena. “Mahal kita at sigurado ako ro'n!”
“Sige sabihin nating mahal mo ako pero tanungin mo naman kung gano'n din ang nararamdaman ko!” balik kong sigaw at 'di na nga napigilang 'di mainis. Aalis na sana ako pero ganito ang nangyari.
Tila nasisiraan na s'ya ng ulo habang umiling-iling sa 'kin. “Si Croy ba?! S'ya ba ang gusto mo?!” 'Di makapaniwala n'ya akong tinignan. “Ipagpapalit mo ako sa mataba—”
Mabilis na lumapat ang aking kamay sa kan'yang pisngi. Natigilan s'ya at 'di inaasahang magagawa ko iyon. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa inis sa kan'ya.
“H'wag na h'wag ko s'yang mamaliitan sa harapan ko!” bulyaw ko at mabilis na tumalikod at umalis doon.
Sigaw pa s'ya ng sigaw sa 'king pangalan pero sadyang mabilis ang lakad-takbo ko at paliko-liko ang daanan para 'di na n'ya ako mahuli. Magco-commute na lang ako.
Bwiset s'ya. Akala ko pa naman nagbago na s'ya pero mukhang gano'n pa rin, lumala pa nga. Akala ko mawawala na ang galit ko pero bumalik yata. Ayaw ko na kung ano-ano ang sinasabi n'ya tungkol sa pagkatao ni Croy. Mas mabuti pa nga siguro si Croy kaysa sa kan'ya.
Pero 'di pa man ako nakahakbang para tumawid sa kalsada nang biglang may humila sa 'kin. Napahiyaw ako sa gulat pero kaagad n'yang tinakpan ang bibig ko nang isandig ako ng lalaki sa poste.
Nanlaki ang mata ko nang makilala s'ya. Dahan-dahan naman n'yang inalis ang kan'yang kamay sa 'king bibig at sinenyasan akong 'wag matakot. Mabilis ko s'yang hinampas sa balikat na ikinaigtad n'ya.
“E-Eden!” Nanlalaki ang kan'yang matang nakatingin sa 'kin.
Inikutan ko s'ya ng mata. Buti na lang ay nakilala ko na kaagad s'ya. Salamat sa maliwanag na ilaw sa ibabaw ng poste na sinasandigan ko.
“Anong ginagawa mo rito, Croy?” takang tanong ko. Napatingin sa paligid at madilim na kalsada ang nakita ko. Nagsitaasan naman ang balahibo ko nang maramdaman ang takot.
“Sinusundan ka.”
Mabilis akong napatingin sa kan'ya. “Stalker ba kita?” napataas pa ang boses ko ng konti.
Napakamot s'ya sa batok. “Ngayon lang naman, eh...”
Pinanliitan ko s'ya ng mata. “Ang totoo?” Tinaasan s'ya ng kilay.
Tinaas n'ya ang kan'yang kamay. “Okay, matagal na kitang sinusundan.” Seryoso na ang kan'yang mukha pero ramdam ko naman na nahihiya s'yang sabihin iyon.
Napatanga ako. Itinikom ko ang aking bibig nang mapatantong nakabukas ito. “Seriously, Croy. Bakit kailangan mo pa akong sundin hanggang dito?”
“Wala akong tiwala sa kasama mo kanina.” Biglang umiba ang kan'yang timpla ng mukha.
Bigla ko tuloy naalala ang sagutan namin ni Khoen. Narinig kaya iyon ni Croy? Sana naman hindi, inaalala ko ang kan'yang nararamdaman.
Napahilamos ako sa mukha. Gulong-gulo na ako. Mukhang hindi maganda ang mangyayari sa susunod na araw lalo pa't minsan binabantayan ako ni Khoen sa university.
Ano ang mangyayari sa 'min doon?
“Bahala na nga. Uuwi na ako.” Lalagpasan ko na sana s'ya nang pigilan n'ya ako kaya napabalik ako sa dating pwesto.
“Ikaw lang mag-isang uuwi? Sama ka na sa 'kin.” Aya n'ya.
Magsasalita na sana ako pero mabilis n'ya akong hinila at tumungo sa gilid ng pader. 'Di gaanong kadilim kaya nakita kong nakaparke ang isang motor na sa tingin ko ay sa kan'ya.
“Nagmo-motor ka pala?” mangha kong sabi at hinawakan ang kan'yang malaking motor. Sa tingin ko mahal 'to, eh.
Kinuha n'ya ang kan'yang susi sa kan'yang suot na jacket. Wait...
Tinuro ko ang kan'yang jacket. “Ikaw ba ang nasa restaurant kanina?” tanong ko.
Nagkibat-balikat s'ya at ngumisi. Aba! Marunong na makipaglaro sa 'kin! “Guess who?”
Hinampas ko s'ya sa balikat na ikinatawa n'ya. Inaya na nga n'ya akong sumakay na sa motor.
“Ikaw muna mauna. Sunod ako sa likuran mo.”
Umiling s'ya. Nagulat na lang ako nang hinawakan n'ya ako sa beywang. Nagpumiglas naman ako pero mariin n'yang pinermi ang katawan kong nakasandig na sa kan'yang motor.
“Ako na nga bahala,” mahina n'yang sambit at mabilis na binuhat ako at pinaupo sa likuran banda ng motor. Napahawak ako ng mahigpit sa kan'yang brasong nakahawak sa 'king beywang.
“Gugulatin mo ba ako?!” singhal ko at nanlalaki pa ang matang nakatingin sa lupa. Ang taas ng kan'yang motor. Mataas kasi s'ya.
Natawa s'ya sa reaksiyon ko. “Relax, sweetie. Hindi ko naman hahayaang mahulog ka na hindi man lang kita masasalo.” Hindi n'ya ako binitawan dahilan para kumalma ako.
First time ko lang kasi sumakay ng motor. 'Yong mga boytoy ko halos kotse ang dala, s'ya motor talaga. Pero mukhang masaya naman sigurong sumakay rito?
“Humawak sa upuan,” utos n'ya na kaagad kong sinunod. Dahan-dahan n'ya akong binitawan.
“Croy!” sigaw ko sa takot na baka mahulog. Bwiset talaga 'to!
'Di na ako nakaalma. Umangkas na s'ya sa motor banda sa unahan ko. “Humawak ka na sa beywang ko.”
Napaismid ako. “Baka para-paraan lang, ah? Ayaw ko.” Instead na sundin s'ya ay sa balikat n'ya ako humawak.
Isinuot muna n'ya ang helmet sa 'kin at gano'n din s'ya. 'Di ko alam kung bakit dalawa ang helmet nito.
“Baka mahulog ka, ah?” nang-aasar pa n'yang sambit at sinimulan nang paandarin ang kan'yang motor. Woah.
Hindi ako nakinig sa kan'ya at mahigpit lamang nakahawak sa kan'yang balikat. Napahiyaw ako nang bigla n'yang pinaharurot ang motor.
Mabilis kong pinulupot ang aking braso sa kan'yang beywang hanggang sa umabot ang aking kamay sa kan'yang tiyan. Nanlalaki pa rin ang mata. Hindi naman masyadong mabilis pero binigla n'ya ako!
Kinurot ko s'ya sa tiyan na ikinahiyaw n'ya. Nanggigigil ako, eh!
“Eden! Baka mabangga tayo sa ginagawa mo!” sigaw n'ya para marinig ko. Tinatanghay na rin ang aking buhok dahil sa malakas na hangin. Gano'n din sa kan'ya.
Tanga ko rin. Talagang mababangga kami sa ginagawa ko. Sumunod na lamang ako. S'ya kasi!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro