CHAPTER 19
EDEN SAINE FLORIDA
“Ito na maja at soft drinks mo.” Humahangos na inilapag ni Khoen ang pagkain na request ko sa 'king harapan at pabagsak na umupo sa tabi ko.
Nawala tuloy ang isip ko sa lalaking naka-jacket banda sa unahan namin. “Saan ka ba nagpunta?” tanong ko at sinipat ang kan'yang katawan.
Napalunok s'ya sa sariling laway at mabilis na pinunasan ang kan'yang pawis sa noo. “S-Sa labas... Wala naman kasing m-maja at soft drinks dito.” Taas baba ang kan'yang dibdib at inilapit ulit sa 'kin ang maja at inaya na akong kumain.
Sinaniban naman ako ng awa nang makitang pagod ang kan'yang mukha. Sino ba ang mapapagod na kakagaling lamang sa basketball practice tapos tatakbo pa sa labas ng restaurant para humanap ng pagkain ko?
Wala sa sariling pinunasan ko ang kan'yang pawis na namuo sa kan'yang noo. Natigilan s'ya sa ginawa ko at bahagyang nanlaki pa ang matang nakatingin sa 'kin.
“B-Babe...”
Inalis ko ang aking kamay sa kan'yang noo at ngitian s'ya. “Kain na tayo?” masaya kong yaya sa kan'ya at itinapat sa kan'ya ang isang kutsarang maja.
Tulala pa rin s'ya pero sumunod naman s'ya nang sinenyasan ko s'yang kainin ang maja. Dahan-dahan n'yang kinain ang maja habang nakatingin pa rin sa 'kin.
Ngumiti ulit ako sa kan'ya at kumain ng akin. Na konsensya lang ako kaya ko s'ya sinubuan. Kawawa naman na pinaharapan ko s'ya. Buti na lang ay no'ng papaalis s'ya kanina nakapag-order na ako para sa kan'ya.
Tumikhim s'ya at mukhang natauhan na. “Paano mo pala nalaman ang paborito kong pagkain?” Kinuha n'ya ang fettuccine.
Humigop ako ng soft drinks bago s'ya sinagot. “Nagkataon lang. Wala naman akong alam sa paborito mo.”
Nahihiyang tumango lamang s'ya sa 'kin. Confident kasi n'yang sinambit na alam ko ang mga paborito n'ya. Totoong alam ko ang ilang paborito n'ya pero ayaw ko lang ipaalam, baka umasa.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung anong sadya n'ya sa 'kin. Paglalaruan ba n'ya ulit ako? Hindi nga n'ya naipaliwanag sa 'kin 'yong ginawa n'yang panloloko sa 'kin nakaraan.
May parte sa 'kin na gusto ko s'yang paniwalaan pero nadala na ako, eh. Ayaw ko na talagang seryosohin ang kan'yang panliligaw. Two days left before I'll set him free. Hindi na s'ya magiging boytoy ko pagkatapos ng dalawang araw.
He will be the last boytoy. Hindi na ako maglalaro at hindi rin ako sigurado kung papasok pa ba ako sa isang relasyon.
Bigla kong naisip si Croy. Bakit ko nga ba s'ya bigla naisip? Yeah, ilang araw ko na pala s'yang iniiwasan dahil iba na ang nararamdaman ko sa kan'ya.
Hindi dahil sa pagkamisteryoso n'ya kundi dahil iba na ang tingin ko sa kan'ya. Tila 'yong nararamdaman ko sa kan'ya ay katulad ng nararamdaman ko noon kay Khoen. Kaso ang pinagkaiba ay mas lamang s'ya.
Okay, aaminin ko ng may gusto ako kay Croy pero hindi pa iyon sapat. Nakaraan lamang kaming magkakilala kaya dapat suriin ko s'ya ng mabuti.
Napailing na lang ako. Wala naman sa 'king plano na payagan s'yang manligaw, though nagtanong nga s'ya no'ng nakaraan kung pwede ba s'yang manligaw.
Natahimik lamang ako no'n at 'di nakasagot. At 'yon din 'yong time na iniwasan ko s'ya. Palagi n'ya akong nakikita pero ako na mismo ang gumagawa ng paraan para buwagin ang aming landas.
Natatakot na baka masanay akong may naghihintay sa 'kin. Baka masanay akong nand'yan pa rin s'ya kahit talikuran ako ng ibang lalaki.
“So, saan mo gustong pumunta pagkatapos?” tanong n'ya. Kinuha n'ya ang ice tea at saka ininom.
Napaisip naman ako. “Star gazing na lang tayo mamayang alas-siete.” Tinignan ko ang orasan ng wrist watch ko na kakabili lamang no'ng nakaraan. “Alas-singko na pala.”
Mukhang nagustuhan naman n'ya ang sinuggest ko. Mas dinalian pa n'yang ngumuya ng pagkain at tila atat na atat nang umalis.
Gano'n din ang ginawa ko. Halos isaksak ko na ang 'di kalakihang maja sa bibig ko. Gusto ko nang umalis dito dahil ang boring.
“Dahan-dahan naman.”
Napatingin ako sa kan'ya nang pinahid n'ya ang natirang maja sa 'king pisngi gamit ang kan'yang hinlalaki. Napatitig sa kan'yang seryosong mata.
Napasinghap ako nang marinig ang malakas na basag banda sa harapan namin. Napatayo bigla ang naka-jacket na lalaki nang mahulog ang kan'yang baso na nabasag. Ilang tao rito ay napatingin sa kan'ya.
Akmang kukunin n'ya ang nabasag na baso na kaagad s'yang inawat ng waiter sa gilid n'ya.
“Ako na po, Sir.” Ang waiter na mismo ang kumuha ng nabasag na baso habang s'ya ay balisa na. Hindi alam ang gagawin dahil halos lahat ng mga tao rito ay nakatingin sa kan'ya.
“Dalian na natin.” Pagmamadali ni Khoen pero 'di ko maialis ang aking tingin sa lalaki na ngayon ay napatingin din sa 'kin.
Pansin ko pa na kanina pa s'yang patingin-tingin sa 'kin. Maybe school mate ko lang o secret admirer. 'Di na bago sa 'kin.
Ako na mismo umiwas ng tingin nang maramdaman ang kakaibang tensiyon. Gaya nga sa sinabi ni Khoen minadali ko ring tapusin ang kinakain ko.
ILANG lakad ang ginawad namin para makatungo sa parking lot kung saan don namin gagawin ang star gazing. Gusto ko lang talagang makakita ng bituin. Minsan lang din akong tumingin sa langit.
Nakaupo ako sa harapan ng kotse ni Khoen habang nakatingin sa itaas ng langit. Katabi ko rin s'ya at nasa harapan ang tingin. Tila malalim din ang kan'yang iniisip.
Dati gusto ko maging model o kahit artista man lang. Naka-symbolize kasi sa bituin. Para sa 'kin madali lang abutin pero mahirap nang maibalik ang dating gawi.
Ngayon ko lang napagtanto na mas maganda kung tahimik lamang ang iyong buhay. Konti lang ang nakakilala sa 'yo at 'di ka dudumugin ng tao. Ang hirap pala kapag halos ng mga tao ay alam ang personal mong buhay. Ayaw ko no'n.
“May itatanong ako, Khoen,” mahina kong saad habang nakatingin pa rin sa itaas.
Ramdam kong napatingin s'ya sa 'kin, bagay na hinihiling ko noon na sana bumaling naman ang kan'yang atensiyon sa 'kin. Pero iba na ngayon, wala na akong nararamdaman galit o puot sa kan'ya.
“Ano iyon?” Napaharap s'ya sa 'kin at bahagya 'pang lumapit sa pwesto ko.
Napabuga ako ng hininga. Pinalid ang buhok ko sa kaliwa nang umihip ang hangin. “Minahal mo ba talaga ako noon?”
Mukhang hindi s'ya komportable sa tanong ko. Tila hindi alam ang sasabihin. Napangiti na lang ako ng mapait.
Kahit kasi wala akong nararamdaman sa kan'ya, masakit pa ring malaman na wala lang sa kan'ya ang nararamdaman ko noon. Ano ang nangyari ngayon? Dati ako ang humahabol sa kan'ya samantalang s'ya na ngayon ang humahabol sa 'kin.
“H'wag mo nang sagutin dahil alam ko naman.” Napatawa pa ako ng mahina para mawala ang awkward sa isa't-isa. “Gusto ko pa rin malaman mula sa 'yo kung bakit mo iyon ginawa sa 'kin.” Napatingin ako sa kan'ya. “Bakit mo pinaglaruan ang puso ko?”
“Eden...” Nahimigan ko sa kan'yang boses ang pag-alala. “H-Hindi naman importante ang nakaraan, eh.” Mabilis n'yang kinuha ang kamay kong nakapatong lamang sa aking hita. “Ang importante, mahal kita ngayon.”
Kulang pa rin. Hindi talaga ako makaka-move on kung hindi n'ya sasabihin. “Paano kung uulitin mo na naman ang ginawa mo noon?” Pilit na hinahalungkat ang kan'yang matang kumikinang. “Ako ang magiging kawawa sa huli, Khoen.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro