Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18


EDEN SAINE FLORIDA

Mabilis akong lumapit sa kan'ya. Napansin naman n'ya ako kaya agad s'yang tumayo sa pagkakaupo at inayos pa ang kan'yang damit. Nakapolo s'ya at bago lang iyon sa 'kin.

Alanganin s'yang ngumiti sa 'kin. “Uhmm... Hi?”

“Anong ginagawa mo rito?” mahina kong tanong at pinaupo s'ya sa sofa at tumabi sa kan'ya.

Napakamot s'ya sa batok. “Gusto ko, eh.”

Nagsalubong ang kilay ko. “Anong gusto mo?!” Pinanlakihan ko s'ya ng mata.

Umiling-iling naman s'ya na tila mali ang kan'yang binanggit. “A-Ang ibig ko palang sabihin ay gusto kong makuha na ang jersey k-ko. 'Yon n-nga.”

Hindi makapaghintay, ah. Akala ko pa naman makakapunta pa ako sa kanilang bahay. Sayang lang kung hindi dahil hindi ko na makikita pa ang chinitong lalaking iyon.

Napatango-tango naman ako. “Mamaya ibabalik ko sa 'yo. Pupunta kami sa bahay mo mamaya,” sabi ko sa kan'ya.

Linggo ngayon kaya wala kaming klase. Bukas na naman ay makikita ko na si Khoen. Do'n na s'ya magsisimula bilang boytoy ko.

Mabilis s'yang ngumiti at tumango. “Welcome na welcome kayo roon. Akala ko nga 'di ka makakapunta.” Namula pa ang kan'yang taenga. Ang cute lang.

Napahagikgik naman akong napatingin sa itaas. “Gusto ko rin kasi makilala ang kapit-bahay mo,” masaya ko 'pang dagdag na kaagad ikinabagsak ng kan'yang balikat.

Biglang nawala ang masaya nitong ngiti. Napatawa s'ya ng mahina pero labag sa loob naman dahil hindi naman totoong tawa.

“G-Gusto mo pala s'yang makilala?” alanganin n'yang tanong at umiwas pa sa 'kin ng tingin. Natawa tuloy ako dahil mas lalo s'yang naging cute sa paningin ko. Ang taba ng pisngi kasi.

“Ang gwapo kasi!” Tinignan ko pa kung ano ang magiging reaksiyon n'ya. Ang sarap lang pagselosin, eh.

Napasimangot s'ya. “Pumunta lang pala ako rito para marinig lang ang tungkol sa kan'ya.” Napatingin ako sa inilahad n'ya sa 'kin na donut na kaagad kong tinagggap.

“Akin ba 'to?” Baka kasi kulang pa sa kan'ya at pinapahawak lamang sa 'kin.

Tumango s'ya at ngitian ako ng tipid. 'Di pa rin maka-get over. “Aalis na ako.”

Agad akong napatayo nang makitang mabilis s'yang tumayo at dire-diretso ang lakad palabas ng bahay.

Hinabol ko s'ya nang matauhan. “Croy!” tawag ko sa kan'ya dahilan para mapahinto ito sa labas ng pintuan.

Agad ko s'yang hinawakan sa braso at pilit na pinaharap sa 'kin. Inaasar ko lang naman tapos walk-out kaagad. Gusto kong matawa pero 'wag muna, baka kasi sumimangot kaagad.

Napakurap-kurap ang kan'yang mata. “Tinawag mo na ako sa pangalan ko?” 'di mapaniwalang tanong n'ya.

“Alangan naman oink ang itawag ko sa 'yo.” Inikutan ko s'ya ng mata. Fatty kasi ang tawag ko sa kan'ya nang nakaraang araw at ngayon ko lamang s'ya tinawag sa pangalan o baka naman ngayon lang n'ya napansin?

'Di kalauna'y napangiti s'ya sa sinabi ko. Pinipigilang 'wag lumabas ang kan'yang ngipin.

“Magandang pakinggan ang pangalan ko mula sa iyong boses. Sana Croy na lang ang itawag mo sa 'kin.”

Napangisi ako. “Cheesy mo, Croy.” Natawa na lang din kami. Ewan ko ba kung bakit natatawa kami ngayon. Parang wala naman kasing nakakatawa.


~•~•~•~

“Wala ba kayong taga alaga ng baboy?” tanong ko kay Croy habang naka-sandig sa gilid ng kulungan.

Binigyan n'ya ng pagkain ang baboy na kaagad na ikinadumog nito. Natawa na lang ako dahil s'ya ang naiisip ko kapag nakakita ako ng baboy.

“Wala, ako lang, eh.” Ngumiti s'ya sa 'kin bago binigyan ng isang baldeng tubig ang mga baboy.

Naitabingi ko ang ulo. “Wala ka 'bang magulang? Pansin ko kasing kayo lang ni Lolo Romeo nandito.”

Natigilan naman s'ya sa sinabi ko. Naitikom ko tuloy ang bibig. Mukhang personal nga talaga ang tinanong ko.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin sa awkward. “H'wag mo nang sagutin ang tano—”

Umiling s'ya dahilan para tumigil ako sa pagsasalita. “Ayos lang. Actually, wala na sila, nasa langit na.” Nahimigan ko ang lungkot sa kan'yang boses.

Kahit gusto kong ipakitang naaawa ako ay hindi ko ginawa. Alam kong hindi n'ya gustong maawa ako sa kan'ya. Napatango na lang ako at ngitian s'yang tinapik sa balikat na ikinatingin n'ya roon.

“Sorry, hindi ko kasi alam.”

Agad kong kinuha ang kamay kong bahagyang nakatapik sa kan'ya at pasimpleng sinuklay ang buhok kong napalidan ng hangin. Masyado kasi s'yang halatang nabibigla sa bawat hawak ko sa kan'ya.

Napakagat-labi akong patingin-tingin sa paligid, iniiwasan ang matang nakatitig sa 'kin ng lalaking nasa harapan ko. Bakit kasi ngayon pa ako hindi nasanay? Hindi naman ako ganito dati!

Natigilan ako nang makita ang kanina ko pa hinahanap. Naka t-shirt na ang chinitong lalaki at 'di na n'ya nahubad ang kan'yang damit. Sayang, 'yon pa naman habol ko.

Nanlaki ang mata ko nang biglang hinarang ni Croy ang kan'yang malaking kamay banda sa harapan ng mata ko. Nilingon ko s'ya at nakitang masama ang kan'yang tingin doon sa kapit-bahay nilang chinito.

Tinampal ko ang kan'yang kamay at humabol ng tingin sa chinitong lalaki pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang makitang wala na roon sa front yard nila. Sinamaan ko ng tingin si Croy.

“Anong mukha 'yan?” maang-maangan n'yang tanong at tumalikod sa 'kin para ibalik ang kan'yang ginamit sa baboy.

“Next time 'wag ka masyadong pahalatang nagseselos ka.” Agad na ngumisi ako sa kan'yang likuran nang makalapit ako.

Natigilan naman s'ya at nanlalaki matang nakatingin sa 'kin. “A-Anong selos ka d'yan? Paano mo n-nasabi?” Umiwas kaagad s'ya ng tingin at mabibilis ang kan'yang hakbang na pumasok sa bahay.

Natawang-tawa naman ako sa kan'yang likuran habang sinusundan ulit s'ya. Ang cute lang tignan ang kan'yang matambok na pwet habang mabilis na naglalakad. Parang biik, eh.

Nakarating kami sa kusina at tudo hagalpak ako.

“E-Eden!” saway n'ya at namumula na rin ang kan'yang taenga sa hiya.

Tinaas ko ang aking kamay sa ere at kinagat ang sariling labi. “Okay, okay. I won't laugh na.” Napanguso pa ako para pigilan ang pagtawa.

Sumimangot s'ya sa ginawa ko't kumuha ng isang pitsel ng tubig sa ref. Nanlaki ang mata ko nang makitang isang lagok n'ya lang iyon, akala ko pa naman bibigyan n'ya ako.

Inosente naman s'yang napatingin sa 'kin. Pinunasan ang kan'yang labing may bahid na tubig. “B-Bakit gan'yan ka makatingin?”

Napakurap-kurap naman ako at umiwas ng tingin. Umasta na lang akong kumuha ng baso. Tumungo ako papalapit sa kan'ya na ikinasunod naman n'ya ng tingin. 'Di ko s'ya pinansin at kumuha ng panibagong pitsel sa ref at isinalin sa baso ang tubig.

Ininom ko ang tubig na nasa baso habang nakatingin sa kan'ya. Natulala naman s'ya sa ginagawa ko at bahagya 'pang napalunok ng sariling laway. Napangisi na lang ako sa isip ko.

Inilapag ko ang baso sa lamesa at marahan na dinilaan ang labi kong namamasa-masa pa. Napadako ang kan'yang tingin sa 'king labi. Grabe naman makatingin sa 'kin.

“H'wag ka namang pahalata na may gusto ka sa 'kin.” Ngumisi ako sa kan'ya at saka tumalikod. 'Di na inabala kung ano ang naging reaksiyon n'ya sa ginawa ko. Inakit ko lamang s'ya sa simpleng galawan, mukhang nakuha naman sa alindog ko.



~•~•~•~

“Anong gusto mong kainin ngayon?” mahinahong tanong ni Khoen habang inaalalayan akong umupo sa nakuha naming pwesto rito sa restaurant.

Nakatingalang ngumiti ako sa kan'ya at kinuha muna ang menu para pumili ng makakain. Mabilis s'yang umupo sa tabi ko dahilan para lingunan ko s'ya.

Nagtaas s'ya ng kilay at ningusuan ang menu na hawak ko. “Pili ka na, ano pa ang tini-tingin mo sa 'kin?” Bahagya pa s'yang umusog papalapit sa 'kin. Tyansing lang yata 'to.

Napalabi akong pumili ng pagkain sa menu. “May soft drinks ba rito?” tanong ko habang nakatingin pa rin sa menu.

“Restuarant 'to, Eden. Walang soft drinks, baka ice tea meron.” May pagtataka pa sa kan'yang boses at 'di makapaniwalang nakatingin sa 'kin.

Natawa na lang ako sa isip ko. Alam ko namang walang soft drinks dito dahil isa itong mamahaling restaurant. Gusto ko lang talaga s'yang pahirapan.

Napahikab ako bago nilapag ang menu sa lamesa. “Gusto ko soft drinks, ayaw ko muna sa ice tea.” Ngitian ko pa s'ya at nagpa-cute.

Inilapat n'ya ang kan'yang ngipin habang nakatingin sa 'kin. Tumango-tango s'yang umiwas ng tingin. “Gagawa ako ng paraan. Sa pagkain, ano gusto mo?”

“Maja at leche plan.” Napa-twinkle pa ang mata ko sa kan'ya.

“Walang gan'yan dito, Eden.” Mabilis n'yang kinuha ang menu at tinignan kung may gano'n 'bang pagkain. Napabungisngis tuloy ako.

“'Yon ang gusto ko, eh!” Napalumbaba pa ako sa lamesa habang hinihintay s'yang tumingin sa 'kin.

'Di naman ako nagkamali. Sinuri n'ya ang mukha ko. “Seryoso, Eden. Ibang pagkain na lang. Tumingin ka naman sa menu, oh.” Binigay n'ya sa 'kin ang menu na kaagad kong tinanggap.

Ibinalik ko ulit ito sa lamesa at busangot s'yang tinignan. “'Yon ang gusto ko. Maja and soft drinks.” Kunwari inis akong napasandig sa upuan. “Hindi talaga matutuloy ang date natin kapag hindi mo ako binigyan ng maja at soft drinks!”

Inis na napahilamos s'ya sa kan'yang mukha at pagkatingin sa 'kin ay bigla lamang umamo na parang tuta. “Okay, gagawa na naman ako ng paraan.” Napatango-tango pa s'ya at tumayo sa pagkakaupo. “Wait for me. I'll give you what you wants.”

Tuluyan na nga akong napatawa nang umalis s'ya. Buti na lang ay napigilan ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang makitang nagtatakang nakatingin na sa 'kin ang mga tao.

Pinakalma ko ang aking sarili at kinuha muna ang cellphone ko. I want to take a picture with him na hindi namin nagawa noon. Nevermind, baka masira ang araw ko ngayon kung babalikan ko ang nakaraan.

Days passed na lumalabas kami ni Khoen for a date. Pinayagan ko na rin s'yang manligaw dahil sa kulit n'ya. Pero sabi ko sa kan'ya hindi na ako sigurado kung maibabalik ba ang dati naming pagsasama.

Wala yata kaming pinagsamahan dati. Ten days lang ang tinagal namin kaya hindi ko masabing may pinagsamahan kami.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid habang hinihintay si Khoen. Bahala s'ya maghanap ng maja at soft drinks, pft.

Agad napahinto ang tingin ko sa 'di kalayuan banda sa 'kin nang makitang pamilyar ang pigura ng naka-jacket na lalaki. Nasa harapan ko lamang s'ya pero may ilang harang pa sa 'ming pagitan.

Nakayuko ito at abala sa paghigop ng milk tea. Nagtaka ako kung bakit sumulyap s'ya sa 'kin at kaagad ding napayuko. Hindi ko alam kung bakit natawa ako sa kan'ya.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro