Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 17


EDEN SAINE FLORIDA

“Eden.”

Agad kong inalis ang kamay ni Croy sa akin at mabilis na tumayo para harapin si Dad na nasa likuran ko na pala. Hawak ang dibdib ko ay ramdam ko ang pagkabog nito sa gulat.

Sana naman hindi n'ya nahalata ang mga kinikilos namin. Pakiramdam ko kasi makasalanan na talaga ako ngayon.

“Umuwi na tayo,” seryoso n'yang sabi at napatingin pa sa likuran ko kung nasa'n si Croy. Nasa gilid ko na pala s'ya.

“Una na kami, hijo.” Humakbang papalapit si Daddy kay Croy at mahinang tinapik ang kan'yang balikat. “Babalik na lang kami bukas dito.”

Tumango naman si Croy at ngitian pa si Daddy. Tsk.

“Maraming salamat sa pagpunta, Mr. Florida,” magalang n'yang pasasalamat at inayos pa ang kan'yang salamin.

“Too formal, hijo.” Natawa si Dad. “Just call me Tito Joben.”

Aangal sana ako pero mukhang masaya naman silang nag-uusap. Ayaw kong sirain ang ano 'mang pinag-uusapan nila kaya saglit akong lumayo sa kanila.

Saglit pa silang nag-usap ni Dad bago kami tuluyang lumabas ng bahay nila. Nakaabang na pala ang kotse namin sa harapan ng gate.

Nagpaalam na kami kay Lolo Romeo, ang Lolo ni Croy bago napagpasyahang sumakay ng kotse.

Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay hindi ko maiwasang 'di mapalingon banda sa gate. Nando'n nakatayo si Croy habang nakapamulsa. Parang nakatitig s'ya sa 'kin. Seryoso rin ang kan'yang mukha.

Unti-unting umusad ang kotseng sinasakyan ko hanggang sa 'di ko na matanaw si Croy. Pumaharap na lang ako ng tingin at pinakiramdaman ang sarili.

Alam ko sa sarili na unti-unti na n'yang napasok ang malaking tibag ng puso ko. I am afraid na baka mali na naman ang lahat. Baka may masaktan sa aming dalawa. Aaminin kong hindi pa ako nakaget-over kay Khoen.


~•~•~•~

Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni Daddy. Napalingon ako sa kan'ya at nakaabang ito sa gilid ng hagdanan.

Matamlay na bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kan'ya. “Ano 'yon, Dad?” tanong ko. Inaantok na rin ako.

Saglit n'ya akong tinitigan. “Magkakilala ba kayo ni Croy?” tanong n'ya.

Ano naman kung magkakilala kami? Ang weird lang dahil parang may gusto s'yang malaman tungkol sa 'min.

Tumango ako. “Schoolmate lang.” Wala naman akong balak ikuwento sa kan'ya ang buong istorya.

Bahagyang tumango-tango naman s'ya. “Nakausap ko pala s'ya kanina lamang. Inalok ko s'ya na maging tutor mo sa eskwelahan.”

Mabilis nawala ang antok ko dahil sa sinabi n'ya. “Ano?! Ayaw ko, Dad!” histerikal kong singhal. Akmang lalagpasan ko sana s'ya nang pigilan n'ya ako.

“Para naman sa 'yo 'to!” Napataas na rin ang boses n'ya kaya natigilan ako.

Nakita n'ya sigurong iba na ang timpla ko kaya binitawan n'ya ako. Seryoso n'ya akong tinignan na tila isang striktong guro.

“Sa ayaw sa gusto mo, mag-aaral ka ng mabuti. Nakakahiya sa ibang kamag-anak nati—”

Mariin kong pinaglapat ang mga mata ko at itinaas sa ere ang kamay para patigilin s'ya. “Please lang, Dad 'wag mo akong ikukumpara sa kamag-anak mong sinasabi.” Inimulat ko ang aking mata saka s'ya matalim na tinignan.

Tila nagsisi naman s'ya sa sinabi n'ya. Hindi na n'ya kayang bawiin iyon. Kaya ayaw ko s'yang makasama o makita man lang dahil alam kong ito lang naman ang pag-uusapan namin.

Alam ko namang hindi ako matalino at bulakbol sa pag-aaral. Pero kailangan ba talagang ikumpara sa iba? Kailangan ipagmukha na dapat gayahin ko sila? Magkaiba kami!

“Kung gusto mo magkaroon ng anak na matalino at kayang sumunod sa 'yo, gawin mo iyan sa anak sa labas mo.”

“What did you say?!” Galit n'yang sigaw sa 'kin pero tinalikuran ko na lamang s'ya at tumungo sa kusina.

Ang malas lang ay sinundan pa n'ya ako. Humahangos ang kan'yang dibdib sa galit at pagtitimpi sa 'kin. Kalmado lamang ang mukha ko pero natatakot din ako sa kan'ya. May pagkaduwag naman ako.

“Tinuruan ba kitang maging gan'yan, huh?!” Mabilis s'yang lumapit sa 'kin at hinawakan ako mariin sa braso.

Hindi ko pinakitang nasasaktan ko. Napaismid ako at umiwas lamang ng tingin. Mas masakit 'yong damdamin ko ngayon.

“Bakit ka nagkakaganyan?!” Nanggigigil n'ya akong niyugyog na para 'bang ginigising ako.

Naubos ang pasensya ko kaya marahas na kumawala ako sa kan'yang pagkakahawak at inihagis ang platitong nasa tabi ko lamang dahilan para umalingangaw ang tunog ng basag.

Kahit s'ya ay nagulat din sa ginawa ko.

“Talagang tinatanong n'yo pa, Dad!” 'Di ko napigilang mapaiyak. “Sana naman noon pa alam mo na kung bakit ako nagkakaganito!” Binasag ko ulit ang isang platito.

“A-Anong nangyayari?” Biglang sumulpot si Lola Selya at ibang kasam-bahay sa kusina.

'Di ko sila pinansin at nakatingin lamang ng matalim kay Dad na hindi na alam kung anong gagawin sa 'kin. Masama rin ang kan'yang tingin sa 'kin.

“Sisihin mo ang iyong sarili, Dad! Nang dahil sa 'yo nagkaganito ang buhay ko!”

Tumahimik silang lahat nang marinig ang munting hikbi ko. Tinakpan ko ang aking bibig at napailing-iling sa kan'ya. Ang sakit, ngayon ko lang nailabas ang lahat ng ito.

“Kaya 'wag ko akong tanungin kung bakit ako nagkaganito. Kung 'di ka sana nangabit ay baka nagpupursige ako sa pag-aaral ngayon.” Pinakalma ko ang aking sarili. “Kalimutan mo na lang na naging anak mo ako. Tutal do'n ka umuuwi palagi sa pamilya mo ngayon.”

“Eden...” tawag pa sa 'kin ni Dad pero tinalikuran ko na s'ya at iniwan silang lahat.

Kahit gusto ko silang makausap ay hindi ko magawa. Sobra akong nasaktan, ngayon lang talaga napuno ang dibdib ko. Sumusobra na s'ya. Gusto ko s'yang respetuhin pero paano kung ginaganito n'ya ako?

Nagbulag-bulagan ako ng ilang taon. Hanggang ngayon 'yong bago n'yang pamilya pa rin ang inuuwian n'ya. Palagi na lang ako mag-isa rito sa bahay kasama ang mga kasam-bahay. Iba pa rin kasi kapag tunay mong pamilya.

Napahiga ako sa kama ko nang makarating sa kwarto. Nakatitig sa kisame na walang kabuhay-buhay na makikita man lang dito.

Sanay naman akong mag-isa at sanay akong walang pamilyang inuuwian dito. Ngunit 'di ko maiwasang 'di mainggit sa ibang kaklase ko. Bukam-bibig ang kanilang magulang na sobrang proud daw sa kanila kahit hindi nakapasok sa top rank.

Dati naman masipag akong mag-aral pero simula no'ng niloko n'ya si Mom at iwan ako rito palagi. Minsan lang n'ya ako bisitahin dahil may obligasyon s'ya sa binuntisan n'ya.

Wala na si Mom dahil namatay ito sa sakit. Ako lang mag-isang pumunta sa burol para makita s'ya sa kahuli-hulihang pagkakataon. Habang si Dad kasama ang kan'yang mistress.

Hindi ko pa nakikita ang kan'yang anak at babaeng inuuwian n'ya. Hindi klaro no'ng makita ko silang magkasama. Gabi no'ng time na 'yon.

Napabuga ako ng hininga at pinunasan ang luha ko na sanay na rumagasa. Sanay na umiyak ng tahimik.

Kaya naman ayaw kong maging tutor si Croy dahil ayaw ko na rin mag-aral pa ng mabuti. Sabi ko nga sa college na lang pero sadyang pinipilit n'ya ako.

Nagising ako ng maaga na kasabay si Dad sa hapag-kainan. Kahit ayaw kong sumabay ay wala akong magawa, si Lola Selya kasi nagpupumilit.

Tahimik lamang kami pero ramdam kong patingin-tingin s'ya sa 'kin.

“Hija.”

Napaangat ako ng tingin nang lumapit sa 'kin si Lola Selya. Napakamot pa ito sa pisngi.

“Ano po 'yon, Lola?” tanong ko at binitawan ang kubyertos.

“May naghahanap sa 'yo, ipinasok ko na s'ya at pinaupo sa sala. Boytoy mo raw?” May pagtataka pa sa kan'yang boses nang banggitin ang boytoy.

Sino naman kaya 'yon? Baka si Khoen dahil nakaraang araw s'yang pabalik-balik dito sa bahay.

“Sige, Lola. Salamat,” pasasalamat ko at kasabay no'n ay umalis s'ya para asikasuhin ang ilang importanteng bagay.

“Sino iyon?” biglang tanong ni Dad nang makatayo ako sa pagkakaupo.

Napalunok muna ako ng sariling laway. “Titignan ko pa kung sino,” sagot ko bago s'ya iniwan saglit sa hapag-kainan.

Tumungo ako sala at nakitang nakaupo ang 'di ko inaasahang tao. Anong ginagawa n'ya rito?!
Akala ko si Khoen...





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro