Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16


EDEN SAINE FLORIDA

Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin. Bagay naman sa 'kin dahil isa naman akong sexy na babae. Tsk, ang yabang ko talaga.

Hanggang tuhod ko ang kan'yang jersey. Ngayon ko lang napagtanto na isa itong basketball jersey, nakasali na ba s'ya o kasali na ba talaga s'ya ng basketball? Hindi ko kasi nakita.

Tsk, malamang hindi ko pa alam ang ilang impormasyon mula sa kan'ya dahil kakakilala lamang namin. Pero basi lamang sa nakikita ko ay mukhang matagal na n'ya akong kilala. Ewan ko ba kung bakit iyon ang naramdaman ko.

Lumabas ako ng banyo at nakitang humahalungkat pa rin s'ya sa kan'yang aparador. Akala ko pa naman sinunod n'ya ako.

“Lalabas na ako,” paalam ko sa kan'ya habang hawak-hawak ko ang nakaputos na dress at doll shoes ko. Nakapaa lamang ako at sigurado naman akong may tsinelas sila.

Bigla s'yang napalingon sa 'kin. Bahagyang natigilan pa nang makita ako, pinalandas pa n'ya ang kan'yang tingin sa kabuoan ko. Naglulumikot ang kan'yang matang umiwas at mabilis na nilapitan ako.

“B-Bagay sa 'yo ang jersey ko,” puna n'ya at tinignan ulit ang suot kong damit n'ya.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mukha n'ya. Namumula kasi ang kan'yang taenga at pinipilit na h'wag ngumiti sa harapan ko. Malala na s'ya.

Kunwari ko namang sinuri ang kabuoan ko. “Salamat sa paghiram. Ibabalik ko na lang bukas kung sakaling pumunta ulit kami rito.”

Tumango naman s'ya ng dalawang beses. “Sana nga ay makapunta pa kayo.” Nakatingin pa rin sa suot ko. Napataas tuloy ang aking kilay.

Masyado naman s'yang halata na patay na patay sa 'kin. Kapag talaga lumabas ako ng bahay ay baka mag-flip hair ako wala sa oras. Ang ganda ko lang talaga kaya hindi n'ya ako matiis.

Kaso ayaw ko sa kan'ya, sorry s'ya. Hanap na lang s'ya ng babaeng bagay sa kan'ya. Ang harsh ko na ba?

“Labas na ako,” ulit kong paalam at hindi na naghintay na sumabay sa 'kin.

'Di ko napansin na napangisi na pala ako habang naglalakad sa pasilyo. Nakasunod s'ya sa 'kin, muntik pa nga s'yang madulas sa kakamadali. 'Di kasi napansin na umalis ako sa kan'yang harapan. Para tuloy s'yang aso na sunod ng sunod. Sorry sa sinabi ko.

Pagdating namin sa kusina ay naagaw kaagad kami ng pansin ng mga tao, mas lalo na 'yong Lolo ni Croy pati na rin si Dad. Nagtataka kung bakit kami magkasama.

“Anong nangyari sa suot mo, Eden?” takang tanong ni Dad nang makalapit ako sa kanila. Sumunod din si Croy sa likuran ko.

“Nabasa po at saka malapok 'yong paa ko kanina.” Napangiwi pa ako nang maalala ang kahihiyan kanina.

“Apo, magkakilala ba kayo?” tanong ng Lolo ni Croy at patingin-tingin pa sa 'ming dalawa.

“Opo.”

“Hindi.”

Nagkatinginan kami ni Croy nang sabay kaming sumagot. Pinanliksikan ko s'ya ng mata na 'di n'ya man lang pinansin. Ayaw n'yang bawiin!

Napatango-tango naman ang kan'yang Lolo at may dumaan na ngiti sa kan'yang labi. “Maupo na kayo at makakain na.”

Kaagad naman naming sinunod at tahimik na sinimulan kumain. Ayaw kong mag-talk lalo pa't nandito si Dad at ang kan'yang Lolo. Sasabunutan ko talaga s'ya mamaya.

~•~•~•~•~

“Dito ka muna, anak. May pupuntahan lang kami ng kumpare ko.”

Bored ko s'yang tinignan at napatango na lang din. Feeling ko inaantok ako ngayon. Ang hangin kasi rito, parang nasa probinsya lang.

Nakaupo ako ngayon banda sa terrace habang minamasdan si Croy na nagpapakain ng baboy. Kanina ko pa pinipigilang 'di matawa sa naisip ko. Mataba s'ya at kasama n'ya 'yong baboy. Okay, nevermind ulit.

Bigla s'yang napatingin sa pwesto ko kaya naman iniwas ko kaagad ang tingin sa kan'ya. Nagkunwari naman akong nakatingin sa naglalarong mga binata na kapit-bahay lang din nila.

Bahagyang nanlaki pa ang mata ko sa nakita. Hinubad lang naman ng chinitong lalaki ang kan'yang damit na pang-itaas! Another abs na naman na makikita ko!

Sa kalagitnaan akong nakatingin sa mala-pandesal na abs ng chinito nang biglang may humarang sa harapan ko dahilan para 'di ko makita ang ginagawa ng chinitong iyon.

Inis na tinignan ko si Croy, s'ya lang pala! Akala ko kung sinong malaking katawan. Akala ko ba nagdadamog pa 'to ng baboy? Ang bilis naman n'ya.

“Tabi ka muna.” Pilit ko s'yang inaalis sa 'king harapan pero ayaw n'ya talaga. Nakatalikod s'ya mula sa 'kin at may kung ano s'yang ginagawa.

“Ang lapad-lapad ng space, oh! Panira!” singhal ko sa kan'ya. Hindi ko sinasadyang hampasin ang kan'yang pwetan. Nagulat kami pareho. Gosh!

Mabilis s'yang lumingon sa 'kin at 'di makapaniwalang tinignan ako. Napahawak pa ito sa bandang pwetan n'ya kung saan ko s'ya hinampas. Ang cute ng mukha n'ya, pft!

“H-Hinampas mo ako sa pwetan...” Wala sa sariling tinignan n'ya ako, hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya maka-get over.

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang tawa ko. “S-Sorry, 'di ko napansin, eh!” katuwiran ko.

Inalis n'ya ang kan'yang kamay sa pwetan. Kumuha s'ya ng upuan banda sa gilid n'ya at umupo mismo sa harapan ko.

“Anong ginagawa mo?!”

Tinagilid ko ang aking ulo para mahagip ng tingin ang chinitong lalaki pero hinarangan ulit n'ya ako. Bwiset talaga 'to!

“H'wag 'kang tumingin sa kan'ya,” seryoso n'yang sabi, parang utos na nga.

Inikutan ko s'ya ng mata at pabagsak na sumandig sa inuupuan ko. “Bakit ba? Tumitingin lang naman ako!” Minsan 'di ko maintindihan ang matabang 'to.

“Naiinis ako,” pag-amin n'ya.

“Dahil?” Tinaasan ko s'ya ng kilay.

Umiwas s'ya ng tingin. “Naiinis ako sa lalaking tinitignan mo. Ako kasama mo pero sa iba ka naman tumitingin. 'Di mo man lang ako napapansin.”




'Di ko alam kung maaawa ba ako o matawa sa sinabi n'ya. Kulang na lang ay ngumuso s'ya sa harapan ko. Aaminin kong ang cute n'ya sa gan'yang lagay. Pero 'di pa rin mababago ang isip ko, ang pangit n'ya sa paningin ko.

“Sabi ko naman sa 'yo na h'wag ka nang umasa sa akin.” Napatingin s'ya dahil sa sinabi ko. “Ilang ulit ko na 'bang paulit-ulitin na ayaw kong matali o magkaroon ng boyfriend.”

Mas maganda kong magkaroon na lang ng boytoy. May pagpipilian ka pa.

“Hindi naman ako humahangad na pumasok sa puso mo. 'D-Di ko lang talaga maiwasang masaktan sa nakikita ko.” Ngumiti s'ya ng tipid sa 'kin pero salungat naman ang ibig sabihin ng kan'yang mga mata.

Pakiramdam ko piniga ang puso ko. Wala naman akong pakialam sa nararamdaman ng isang lalaking nagkakagusto sa 'kin. Pero bakit sa kan'ya, nagawa n'yang pilipitin ang dibdib ko, kulang na lang ay hindi na ako makahinga.

Wala akong maisagot o masabi man lang sa kan'ya. Napabuntong hininga ito at nakayuko lamang.

“Kahit kausapin o pansinin mo lang ako ay ayos na sa 'kin. 'Di ka ba nasasaktan sa lagay mo?”

Nagsalubong ang kilay ko sa huli n'yang binanggit. 'Di ko s'ya maintindihan.

Nakita n'ya sigurong wala akong naintindihan. “Paiba-iba ang l-lalaki mo.” Nahirapan pa n'yang banggitin ang salitang lalaki. “Hindi ka ba napapagod sa mga pinag-gagawa mo? Hindi ka ba nakokonsensiya?”

Ang lungkot na nararamdaman ko ay bigla lamang nilukuban ng inis. Wala s'yang pakialam sa ginagawa ko. Sino ba s'ya para pagsabihan ako ng gan'yan?

Gusto ko s'yang pagsalitaan pero tila umurong ang dila ko nang dagdagan pa n'ya ito. Hindi ko akalaing ito pala ang ibig sabihin n'ya.

“Maawa ka naman sa sarili mo. 'Di mo lang napapansin na ikaw na mismo ang nasasaktan sa mga pinag-gagawa mo. H'wag mong kimkimin ang galit.” Bigla n'yang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa hawakan ng upuan. “Nandito naman ako para damayan ka. Kaya nga pumayag akong maging isa sa lalaki mo. Tutulungan kitang makaahon sa ano mang paghihirap mo.”

Halos hindi ko na mabuka ang bibig ko sa sunod-sunod n'yang sinabi. Aaminin kong natamaan ako. May sense rin pala ang mga pinag-sasabi n'ya sa 'kin.

“Eden.”

Agad kong inalis ang kamay ni Croy sa akin at mabilis na tumayo para harapin si Dad na nasa likuran ko na pala. Hawak ang dibdib ko ay ramdam ko ang pagkabog nito sa gulat.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro