Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15


EDEN SAINE FLORIDA

Nanlaki ang mata at 'di inaasahang makikita ko rito si Croy! Isa pa, nakakahiya 'yong itsura ko!

Wait, bakit ba ako mahihiya?

Huli na n'yang napansin na may tao sa kan'yang gilid. Kahit s'ya ay nagulat din nang makita ako. Napatingin ako sa tiyan n'yang medyo matambok. Wala kasi s'yang damit na 'pang taas.

Nang makabawi s'ya sa pagkagulat ay kaagad n'yang hinablot ang kulay itim na damit na nakasabit sa bakal na kulungan at mabilis na sinuot. Nangingig pa ang kamay n'ya habang nagsusuot.

“W-What are you doing here?” Napasunod ang tingin ko sa kan'ya nang papalapit s'ya sa 'kin.

Kinuha n'ya ang kan'yang salamin sa kan'yang bulsa at saka ito sinuot. Ngayon ko lang napansin na hindi pala n'ya suot ang kan'yang salamin kanina.

“I-Ikaw nga dapat tatanungin ko, eh,” mahina n'yang sambit at nakapamulsa sa 'king harapan. Tinatago ang nangingig n'yang kamay.

Inalis ko ang tingin sa kan'yang kamay at napaangat ulit ng ulo. “Ako unang nagtanong.”

Napakamot s'ya sa batok at ngitian ako ng alanganin. Siguro ay hindi pa talaga s'ya makapaniwalang nandito ako. Paulit-ulit pa s'yang patingin-tingin sa 'kin.

“This is my property,” sagot n'ya na ikinatanga ko. Lolo ba n'ya ang kumpare ni Papa?

Tumikhim ako at nilapat ang labi ko ng mariin. Umiwas din ako ng tingin. Ngayon ko lang din naalala na basang-basa na ako.

Napansin naman siguro n'yang patingin-tingin ako sa ibaba ko. Napatingin s'ya sa paa ko. “Anong nangyari sa paa mo?” Bahid na may pag-alala sa kan'yang boses.

“Hey!” mabilis kong singhal sa kan'ya nang bahagyang yumuko s'ya para abutin ang maputik kong paa. Biglang namula ang pisngi ko sa kahihiyan.

“B-Babasain ko na 'to ng tubig...” Pilit kong inaagaw ang paa ko sa kan'ya nang maramdaman kan'yang matambok na kamay sa 'king paa. Kinuha n'ya 'yong doll shoes ko.

Napatingala s'ya sa 'kin dahilan para tumalbog ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan. Parang kinakabahan na 'di ko maintindihan.

“Ako na maghuhugas ng paa mo,” presenta n'ya at mabilis na kumuha ng tabo saka balde. Binuksan din n'ya ang gripu.

Napakagat ako sa sariling labi saka binuka rin ito para magsalita. “H-Hindi na kailangan. Kaya ko nemen.” Bakit parang pabebe ang boses ko?!

“Ako naman sundin mo ngayon.” Pangungulit n'ya at wala na akong nagawa nang dahan-dahan n'yang binasa ang paa ko.

Nakakahiya! Bakit kasi putek pa?! Sa susunod talaga magdadala na ako ng boots.

“Bakit ka nandito? Naligaw ka ba?” seryoso n'yang usisa. Parang may iba pa itong iniisip habang inaalis ang putek sa 'king paa gamit ang kan'yang kamay.

“Nandito si Daddy. Kumapare ng may-ari ng bahay na ito.”

'Di s'ya nagsalita kaya naman itinikom ko na lamang ang bibig ko.

Kung titignan kaming dalawa, parang isa akong princess at s'ya naman ay isang prince. Kaso nga lang matabang prince habang ako naman ay sexy na princess. Ang cheesy ko, tsk. 'Di kami bagay.

Nang matapos n'yang hugasan ang paa ko ay napatayo na ito. Tinignan n'ya ang dress kong basang-basa na, malakas kasi ang pagkapihit ko kanina ng tubig kaya ito ang nangyari sa 'kin.

Binasa n'ya ang kan'yang sariling labi. “Papahiramin na lang kita ng damit, baka lamigin ka.”

Napasimangot ako sa kan'yang harapan. “H'wag na, ang dami na ang naitulong mo. Bibili na lang ako ng damit sa labas.” Nakakahiya na kasi.

Seryoso naman n'ya akong tinignan at mukhang 'di sang-ayon sa gusto kong mangyari. “Mapotek sa labas at baka madumihan ka ulit. H'wag na mag-inarte dahil malinis ang damit ko.”

Nanlaki naman ako mata ko sa sinabi n'ya. “Maarte?! Ako?!” 'Di makapaniwalang itinuro ko ang aking sarili.

Napabungisngis naman s'ya, mukhang ang saya-saya na naiinis ako. “H'wag 'kang mag-alala dahil gusto pa rin kita kahit maarte ka.”

Natigilan ako sa sinabi n'ya. No, bakit n'ya ako nagustuhan sa lagay na 'to?!

Gosh! Bakit natameme yata ako dahil lamang sinabi n'yang gusto n'ya ako? Kung sa ibang lalaki ay wala lang sa 'kin pero pagdating sa kan'ya, nawawala ako sa katinuan. Anong ginawa n'ya sa 'kin?

'Di ko na namalayang hinila na pala n'ya ako papasok sa loob ng kanilang bahay. Buti na lang hindi kami nakita ng kan'yang Lolo at pati ng Daddy ko! Baka ano pa ang isipin no'n.

Old pero maganda ang kanilang bahay. Parang antique lang, eh. Marami ring mga paintings sa bawat gilid ng pasilyo na dinadaanan namin.

Bigla s'yang napahinto sa kulay dark blue na pintuan. Binuksan n'ya ito at walang sabing hinila ako papasok.

“Hoy!” gulat kong usal nang isara n'ya ang pintuan. Nag-iisip ba s'ya?!

Takang tumingin naman s'ya sa 'kin. Biglang napababa ang kan'yang tingin papunta sa magkahawak naming kamay.

Pasimple ko naman itong kinuha na ikinabitaw naman n'ya. Tumikhim pa s'ya bago tumungo sa kan'yang aparador.

Habang naghahalungkat s'ya roon ay naisipan kong tignan ang mga naka-display na certificate sa kan'yang mahabang lamesa na malapit sa kama.

“Nboyz Technology Organization,” mahina kong basa sa ibabang parte ng certificate. Ano naman 'to?

“Sweetie...”

Mabilis akong napalingon nang maramdaman ang presensiya n'ya sa likuran ko. Napaangat pa ako ng tingin dahil sa taas n'ya. Minsan namamangha rin ako sa katangkaran n'ya. Isa sa mga ideal ko pa naman 'yong matangkad na lalaki.

“S-Sa 'yo ba lahat 'to?” Tinuro ko pa ang mga certificate n'ya. Kahit alam ko naman sa kan'ya ay tinanong ko pa rin s'ya. Ang awkward kasi ng posisyon namin.

Konting hakbang lang ay baka masagi ko na ang mga certificate. Konting hakbang n'ya ay baka dumikit ang balat namin.

Ngumiti naman s'ya bago tinaob ang certificate na tinignan ko kanina. Taka ko naman iyon tinignan, bakit n'ya tinaob? Ayaw n'ya 'bang makita ko?

“May napili na akong damit para sa 'yo.” Nalanghap ko tuloy ang mabango n'yang hininga na ngayon ko lang din naamoy. Bakit ba unti-unti ko nang napapansin ang tungkol sa kan'ya?

Tumango naman ako ng dahan-dahan at ngitian s'ya ng alanganin. Napahawak ako ng mahigpit sa 'king bestida nang makitang nakatitig pa rin s'ya sa 'kin. Walang reaksiyon ang kan'yang mukha pero nakakapanindig balahibo ang kan'yang klaseng tingin.

Tumikhim ako. “Pwede tabi ka muna?” Pakiramdam ko tuloy binara ang lalamunan ko. Iba na ang nararamdaman ko ngayon.

Mukhang natauhan naman s'ya at mabilis s'yang tumabi. Agad akong tumungo sa kan'yang kama kung saan nakapatong ang Jersey na t-shirt.

Itinaas ko ito at sinukat sa 'king harapan. May short naman ako sa pang-ibaba ko kaya walang problema. Malaki at mahaba naman ang jersey kaya ayos na rin.

Binalingan ko s'ya ng tingin at hanggang ngayon ay nakatitig pa rin s'ya sa 'kin. Tumikhim ulit ako.

“Saan ang banyo mo?” tanong ko.

Napakurap-kurap s'ya at dahan-dahang tinuro ang banyo na nasa gilid lamang n'ya. 'Di ko napansin.

Mabilis akong tumungo roon. “Sa labas ka muna,” utos ko bago isara ang pinto. Sana naman sundin n'ya ako, mukha kasing wala sa sarili. Gan'yan na ba ang aking epekto sa kan'ya?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro