CHAPTER 14
EDEN SAINE FLORIDA
“Croy Cassio, first boyfriend ni Eden Saine Florida.”
Napasinghap naman ako nang makitang tumawa ng sarkastik si Khoen. 'Di bagay sa kan'ya.
Seryoso lamang ang mukha ng matabang lalaki. Sino nga 'to?
Kita ko ang pagkagat labi ni Khoen at nanliliksik ang mga matang nakatingin sa malayo bago ulit binalingan ng tingin ang nerd. “H'wag mo akong lokohin, taba. Sino maniniwala sa 'yo, aber?” Parang 'di ko na kilala ang boses ni Khoen.
Hindi naman s'ya naging ganito sa 'kin kaya kataka-taka ang kan'yang klaseng pananalita. Nevermind.
Hindi s'ya sinagot ng nerd bagkus kinuha lamang n'ya ang bag n'ya na halatang madami itong dalang gamit sa laki nito. Nilagpasan n'ya si Khoen pati na rin ang ilang basketball player bago ako nilapitan.
Napatingala naman ako sa kan'ya. Gulat naman akong napatingin sa kamay kong hawak-hawak na n'ya. Akmang hihilahin na sana s'ya ako nang may pumigil din sa isa ko 'pang kamay. Si Khoen.
“Ano ba?!” singhal ko nang pilit akong hilahin ni Khoen para 'di sumama sa matabang lalaki. Ako yata pinapahirapan nila!
“H'wag 'kang sumama sa kan'ya, Eden.” Masamang tinignan ni Khoen ang nerd at gano'n din ang ginawa ng nerd.
“Pwede ba bitawan n'yo ako?! Ako nasasaktan, eh!” sigaw ko pa sa kanila pero ang mga loko ayaw bumitaw. Bwiset!
“Ako ang kasama n'ya kanina pa kaya sa akin s'ya sasama ngayon,” saad naman ng nerd at buong pwersa akong hinila dahilan para mabitawan ako ni Khoen.
Napasubsob tuloy ako sa mataba n'yang tiyan. Mabilis naman akong napatayo ng matuwid at hinilot ang bandang kaliwang kamay ko. Ang sakit humawak si Khoen. Bwiset lang talaga s'ya!
Akmang lalapitan pa sana ako ni Khoen nang itaas ko ang isang kamay para pigilan s'ya sa kung ano man ang binabalak n'ya.
“Tama na, okay? 'Di ka ba makaintindi na next week lang?” walang pasensya kong sambit sa kan'ya. “Mas maganda na lang siguro kung 'wag mo na akong gambalain pa. Tutal kinaya mo naman na wala ako di'ba?”
Nagbulong-bulungan na ang paligid at alam kong ilang sa kanila ay nagtataka. Ang iba naman ay mukhang alam nila ang nangyari sa 'kin noon. Subukan nilang i-open ang topic na 'yon kundi sasabunutan ko sila. Nakakahiya 'yong ginawa ko pa naman.
Lumambot naman ang ekspresyon n'ya nang marinig iyon mula sa 'kin. “No, usapan ay usapan!” Mabilis n'yang pinigilan ang kasama n'ya nang akmang lalapit sa 'kin. Tinignan n'ya ako. “Sige, next week na lang ako magpapakita.” Mukhang labag sa loob pa n'yang sambit.
“Good,” tanging sambit ko at tumabi sa nerd. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin kay Khoen, 'di yata 'to maka move on.
Bago pa man makaalis si Khoen ay naghabol pa ito ng salita. “Mr. Croy, rooftop” Tinuro pa n'ya ang itaas bago tuluyang umalis sa canteen.
Mabilis kong hinarap ang nerd na ang pangalan pala ay Croy. Parang Oink ang pagka-pronounce ko, pft!
Napansin ko naman na hindi pa rin tapos ang mga estudyanteng nakapalibot sa 'min sa kakachismis. Kumuha ako ng tray saka malakas na kinalampag sa lamesa.
“Tapos na ang show kaya magsibalikan na kayo sa ano 'mang ginagawa n'yo!” sigaw ko na kaagad namang sinunod ng estudyante. Mga chismosa at chismoso!
“At ikaw naman!” Tinuro ko si Croy na ikinasinghap nito, mukhang nagulat sa pagsigaw ko. “Anong klaseng dahilan iyon, ah? For your information, wala akong boyfriend, boytoy lang!”
Napakurap-kurap naman s'ya at nahihiyang ngitian ako. “H'wag mo na iyon pansinin.” Mabilis n'yang kinuha ang folder na nakapatong sa lamesa. “Alis na ako.”
“Hoy!” sigaw ko nang 'di man lang n'ya ipinaliwanag ang sinabi n'ya kay Khoen at mabilis na naglakad palabas ng canteen. Ano na lang iisipin ng mga estudyante?!
Hindi ko na kayang habulin s'ya, akala ko pa naman madali ko lang mahuli 'to pero mukhang mas mabilis s'yang maglakad kaysa sa 'kin.
Napabuga na lang ako ng hininga at stress na hinawi ang bangs ko na pinawisan na. Ang init ba naman sa canteen, madami kasing nagkumpulang estudyante, tsk.
Iniwan ko na lang ang pagkain ko sa lamesa. Bitbit ang cellphone at bag ay umalis na ako roon, baka may marinig akong chismis na pumapatol ako sa mataba.
Tanga ang maniniwalang may relasyon ako sa matabang iyon. Alam naman nilang hindi ko gano'ng type na lalaki. Ang daming macho at gwapo rito 'no! Ba't sa matabang nerd lang ako babagsak?!
Nagkibat-balikat din pagkatapos. Alam kong hindi ako ma-i-inlove sa isang fatty nerd. A sexy woman like me deserve a hot man.
~•~•~•~
“Sasama ka ba sa kabilang baryo, Eden?” tanong ni Papa nang makababa ako sa hagdanan ng bahay namin.
Lumapit ako sa kan'ya. “Anong gagawin?” Napahikab pa ako, maaga akong ginising ni Lola Selya para kausapin ang Daddy ko.
“May pupuntahan lang akong kumpare roon. Sumama ka na para makabili ka ng gusto mo roon.” Himala, ah. Biglang huminahon si Amang Hari.
Kahit gusto kong itanong sa kan'ya kung bakit bigla na lang ito nag-aya ay hindi ko ginawa. Tumango lamang ako sa kan'ya at saka dali-daling bumalik sa kwarto ko para makapagbihis.
Kahit ngayon man lang ay makalabas ng bahay. Puro pag-aaral na lang ang inaatupag ko kahit nagcu-cutting ako. At saka stress na rin ako kila Khoen at Croy. Ilang araw na nila akong kinukulit.
“Tara na, Dad?” Lumapit ako sa kan'ya at sakto naman na binuksan n'ya ang backseat ng kotse.
Lumingon s'ya sa 'kin. “Pumasok ka na.” Mas lalong binuksan n'ya ang pintuan ng backseat para makapasok ako.
Saglit akong natigilan dahil sa kilos n'ya. Mamaya ko na lang s'ya tanungin at baka mag-away ulit kami.
Pumasok na nga ako at saka n'ya isinara ang pinto. Lumiko s'ya sa kabilang parte ng kotse banda sa passenger seat. Sakto naman na pumasok din ang driver namin.
'Di nagtagal ay pinausad na ang kotse. Hindi ko alam kung saang baryo ba ang tinutukoy ni Dad. Baka magandang baryo, pupuntahan n'ya raw kumpare n'ya, right? Malamang mayaman ang kan'yang kaibigan.
“What the fudge, Dad?!” malakas kong singhal nang makababa ako sa kotse. Hindi ko 'to inaasahan!
“Watch your mouth, Saine.” Pagtawag pa lamang n'ya sa pangalawang pangalan ko ay alam kong nagsisimula nang magalit ito.
Ayaw n'ya kasing mapahiya s'ya. Isa s'yang business man kaya dapat panatilihing malinis ang kan'yang image. Sabi nga n'ya noon ako lang ang sumisira sa background namin. Tsk, paano naman 'yong background n'ya na may ibang pamilyang inuuwian?
Nevermind. Baka mas lalo lang akong magalit, dagdag pa na malapok ang daanan ng baryo na sinasabi ni Dad at mukhang halos lahat nakatira rito ay mga mahihirap! Sino ba kasi ang kikitain n'ya?!
“Mahirap ba ang kumpare mo, Dad?” inis kong tanong habang sumusunod sa kan'ya. Mukhang wala naman sa kan'ya ang malapok na daanan samantalang ako ay halos sipain ko na ang mga lapok sa inis.
“May kaya lang,” tanging sagot lamang n'ya habang palinga-linga pa sa paligid.
Napaikot na lang ang mata ko sa frustrated. Naka-dress pa naman ako na purple at tinernuhan ng doll shoes. Kahit ayaw kong madumihan ang doll shoes ko, wala akong magawa! Sana pala nagpaiwan na lang ako sa kotse.
Ilang minuto ay nakarating na rin kami sa bahay ng kan'yang kumpare. 'Di ko akalaing matanda na pala ang sinasabi ni Dad na kumapare. Paano kaya sila nagkakilala?
“Saan ang gripuhan dito, Dad?” mahina kong bulong sa kan'ya habang nakatayo sa harapan ng pinto.
Akmang papasok sana s'ya nang marinig ang sinabi ko. Agad s'yang bumalik. “Wait, itatanong ko lang kay kumpare.”
Ayon nga tinanong n'ya ang matandang lalaki na sigurado akong s'ya ang may ari ng malaking bahay na ito. May baston itong hawak pero mukhang malakas naman ang kan'yang pangangatawan.
“Do'n sa likuran ng bahay ko, hija. Kapag may narinig 'kang tunog ng baboy ay sundan mo lamang.” Tinuro pa n'ya ang likurang bahagi ng kanilang bahay.
Nagpasalamat naman ako at mabilis na bumaba ng hagdan. Lumiko ako para makapunta sa likurang bahagi ng kanilang bahay. 'Di naman ako nahirapan dahil kaagad kong narinig ang nagsisigawang baboy na sa tingin ko ay malapit ko nang mapuntahan.
“Oh! Thank, God!” Agad akong tumungo sa gripuhan malapit sa tangkal ng babuyan. Mukha namang malinis ang mga baboy kaya no worries.
Pagkabukas nang pagkabukas ko pa lamang ng gripo ay kasabay ng paghiyaw ng baboy dahilan para matalsikan ako ng tubig. Napapikit ako ng mariin. Ang malas! Mapotek na nga ang paa ko, nabasa na rin ang dress ko!
Agad akong napaangat ng tingin at 'di ko man lang inaasahang makita ang lalaking ilang araw ko nang iniiwasan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro