Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11


EDEN SAINE FLORIDA

“Hinay-hinay naman sa pagkain,” paalala ko sa kan'ya, 'di ko tuloy maiwasang mapangiwi sa nakita.

Katulad no'ng una ko s'ya nakita, halos lamunin na n'ya ang isang platitong kanin. Malakas s'yang kumain kaya hindi na ako magtataka kung bakit s'ya gan'yan kataba.

Napaangat s'ya ng tingin at nahihiyang ngumiti sa 'kin. Umayos s'ya ng upo at pinunasan ang ilang kalat na kanin sa gilid ng kan'yang labi.

“S-Sorry... Gutom na kasi ako.” Nahihiyang tumingin s'ya sa 'kin at mabagal na itong ngumuya ng kanin sa kan'yang bibig.

Napabuga na lang ako ng hininga at problemadong nakatingin sa 'king pagkain. Diet ako ngayon kaya wala akong kanin, tanging kare-kare lang since may gulay naman ito.

Hindi ako problemado sa pagkain ko kundi sa kan'ya. Pinagtitinginan na kasi kami kanina pa at medyo dumarami na ang mga customers na nagsisipasukan.

Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko. Six o'clock na pala at kailangan ko nang maligo at makapaghanda.

Medyo binilisan ko na ang kinakain ko para makahabol sa oras. Ayaw ko pa naman nakikita ang Ama ko sa hapag-kainan.

“Bakit wala 'kang kanin?”

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya nang marinig ang kan'yang seryosong tono. Napataas ang kilay ko rito.

Sa pagkakaalam ko hindi naman kami close. Nagkabanggaan at nakasabay ko lamang s'ya sa canteen no'ng nakaraang araw, makaasta kasi s'ya parang may namamagitan sa 'min. O baka naman ako lang nag-iisip no'n?

“Diet ako,” labag sa loob kong sagot. Wala naman talaga akong planong makipag-usap sa kan'ya kaso baka hindi n'ya ako tantanan.

Napatango-tango naman s'ya. Sumandig s'ya sa kan'yang upuan at pinagmasdan ang bawat galaw ko.

Nailang naman sa klaseng tingin n'ya. Mukhang 'di ako matapos-tapos nito.

“Can you please stop staring? Hindi ako sanay,” aniko, binitawan ko ang kutsara sa mangkok.

Mukhang natauhan naman s'ya sa sinabi ko. Inayos n'ya ang suot n'yang salamin at umayos ng upo. Mukhang masisira pa ang plastic na upuan sa ginawa n'ya.

“S-Sorry,” mahina n'yang usal at 'di na rin makatingin sa 'kin ngayon. Ngayon ko lang napansin na ubos na pala ang kan'yang pagkain.

Inilabas ko ang hangin mula sa ilong ko. Hindi talaga ko komportable sa kan'ya and i don't know why kung bakit gano'n.

Dali-dali ko na lamang inubos ang kare-kare at tumayo. Tulad no'ng nakaraan ay nataranta ulit ang matabang lalaking nasa harapan ko. Pati s'ya napatayo na rin.

Inilapag ko ang bayad sa lamesa at hinablot ang cellphone kong nakapatong. Aalis na sana ako at iwan s'ya ro'n nang humabol s'ya ng salita.

“A-Aalis ka na?” mabilis n'yang tanong at lumapit sa 'kin.

Agad umagaw sa atensiyon ko ang kan'yang tiyan. Parang walang bilbil, swerte n'ya, eh.

Tiningala ko s'ya. “Malamang,” sarkastik kong tugon bago s'ya tinalikuran para lumabas na sa karinderya.

Akala ko makakatakas na ako sa kan'ya at titigilan na n'ya ako. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang kan'yang presensiya sa likuran ko.

Huminto ako sa paglalakad at nilingon s'ya. Napatigil naman s'ya nang makitang nahuli ko s'yang sumusunod sa 'kin.

'Di ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Does he likes me? Halata naman kasi dahil nitong mga nakaraan palagi s'yang sumusulpot kung saan ako.

Hinawi ko ang aking bangs na bahagyang nakatabon sa 'king mukha. Tinaasan ko s'ya ng isang kilay. “Sinusundan mo ba ako?”

Napakamot s'ya sa batok tila hindi na alam kung anong gagawin. “H-Hindi, ahh...” depensa naman n'ya. Halatang nagsisinungaling.

Napahawak ako sa beywang ko at mariin s'yang tinitigan. Napalunok naman s'ya nang makitang titig na titig ako sa kan'ya.

“Look, fatty guy.” Huminga ako ng malalim at saka binuga. “Kung ano man ang pinaplano mo, tigilan mo na dahil masasaktan lang kita.” Seryoso ko s'yang tinignan.

Natigilan naman ito sa sinabi ko, mukhang 'di pa inaasahang mapapansin ko ang kan'yang lihim na pagtingin sa 'kin. O baka naman assuming ako?

“Ngayon pa lang sinasaktan mo na ako,” tugon n'ya at tinignan ako sa mata. Para 'bang hirap na hirap din s'ya sa sitwasyon.

Ano naman ang problema n'ya? Ako ba? Grabe naman kung makadrama 'to.

“Kaya nga umiwas ka na sa 'kin,” madiin kong saad. “Alam mo naman siguro ang tungkol sa 'kin, right? Madami akong boytoy at hindi ako nagseseryoso sa mga lalaki.”

Mas lumapit s'ya sa 'kin, hinayaan ko naman s'yang makaharap ko. “Then, gawin mo akong isa sa mga boytoy mo,” seryoso n'yang sabi sa 'kin.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi n'ya. Nasisiraan na ba s'ya ng ulo?! Alam kong hindi n'ya gusto ang sinasabi n'ya. Mukhang matalino pa naman 'to tapos magpapakatanga lang?

Mukhang ayaw n'ya talagang magpaawat. Napaismid ako. “At sa tingin mo papasa ka sa taste ko?” mayabang kong tanong. “I like abs not a chubby belly.”

Mukhang nasaktan s'ya sa sinabi ko. May parte naman sa 'kin na dapat hindi ko na iyon sinabi pero nangyari na, eh. At saka baka umasa pa 'to kapag hindi ko tulakin.

Hindi s'ya nakapagsalita kaya naman iniwan ko s'yang durog sa gitna ng kalsada. Mas madami akong importanteng gagawin kaysa abalahin pa s'ya.

“Kumain ka na ba, anak?” bungad na tanong ni Lola Selya nang makarating ako sa kusina.

“Tapos na po, La.” Hinawakan ko ang kan'yang kamay at marahan na pinisil ito bago s'ya ngitian.

Tumaas naman ang kan'yang labi sa kilos ko. “Hindi pa ba kayo nagkakaayos ng Papa mo?” tanong n'ya.

Binitawan ko ang kan'yang kamay at tumango sa refrigerator. Kumuha ako roon ng malamig na tubig at saka isinara. Hinarap ko si Lola Selya.

“Hindi pa po, eh,” sagot ko at ininom ang isang bottle na tubig. Napadighay ako matapos maubos iyon.

“Dapat maayos n'yo na ang problema n'yo, hija. Nag-iisang pamilya mo na lang s'ya.”

Tumango lamang ako kahit ayaw kong gawin ang gusto n'ya. Hindi iyon madali, lalo pa't palagi n'yang pinupuna ang kamalian ko, kahit siguro kaunting mali mula sa 'kin magagalit na s'ya.

Nakaligo't nakabihis na ako ng uniform nang makababa ako mula sa ikadalawang palapag ng bahay namin. Bumungad kaagad sa 'kin ang mga kasam-bahay na abala sa pagtatarbaho.

Binati nila ako ng magandang umaga na ikinatugon ko naman. Tinuri ko silang pamilya kaya hindi ako nagsu-suplada kapag sila ang kaharap ko.

“Saan ka pupunta?” biglang tanong ni Dad nang akmang lalagpasan ko sana s'ya para kumuha lang sana ng sandwich.

Napatingin ako sa itaas at saka binaba rin ang tingin ko sa kan'ya. “Pupunta na akong school,” walang kagana-gana kong tugon. Limang sandwich kaagad ang kinuha ko.

“Mabubusog ka ba sa sandwich na 'yan?” mariin s'yang tanong at tinignan pa ang hawak-hawak kong sandwich.

“Hindi.” Akmang aalis na ako nang humabol pa s'ya ng salita.

“Hindi ka sasabay sa 'kin?” Hindi ko alam kung nainsulto ko ba s'ya o ano. Narinig ko kasi ang pagkapiyok ng kan'yang boses sa kahuli-hulihan n'yang sambit.

Hindi ako tumingin sa kan'ya. “Hindi na, Dad. Pumunta ka na lang sa pamilya mo.” Diniin ko ang salitang pamilya.

Akala ko makakarinig ulit ako ng sermon sa kan'ya. Matutuwa na ba ako na hindi man lang s'ya nakapagsalita?

Walang paalam na lumabas ako ng bahay at napagplanuhan na lamang na maglakad hanggang sa makarating sa labas ng subdivision. Hindi kasi makakapunta si Morven ngayon, absent kasi.

Habang naglalakad sa gilid ng kalsada ay sinabayan kong kumain ng sandwich. Ang gaan sa loob na habang naglalakad ay may kinakain ka.

Napatigil ako sa paglalakad at gano'n din sa pagnguya nang maramdaman ang presensiya ng tao sa likuran ko. Nagtatakang lumingon ako rito.

Salubong ang kilay kong nakatingin sa matabang lalaki na kanina pa sunod ng sunod sa 'kin. Hindi ba talaga s'ya nadala sa sinabi ko? Hindi man lang ba s'ya nag-iisip?

“H'wag mo na lang akong pansinin. Sasamahan lang naman kitang maglakad,” dahilan n'ya kahit hindi pa naman ako nagtatanong.

Inis ko s'yang tinignan. Feeling ko tuloy umuusok ang ilong ko sa irita. “Unbelievable!” Marahas na iniwas ko ang tingin sa kan'ya at dumiretso lamang ng lakad.

Hindi ko na s'ya inabala 'pang tignan o ano. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay ang pagkainis! Ayaw ko sa kan'ya at mas lalong ayaw ko sa presensya n'ya!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro