Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10


EDEN SAINE FLORIDA

“Saan ka galing? Kagabi hindi ka kumain tapos kaninang agahan gano'n din.”

Napatigil ako sa paghakbang ko at nilingon si Daddy. 'Di na maipinta ang kan'yang mukha habang nakatingin sa 'kin na para 'bang nakaka-disappoint ako.

“Malamang sa school ako galing,” mahina kong bulong.

“At talagang sumasagot ka pa!” singhal n'ya sa 'kin saka ito lumapit sa 'king pwesto. Narinig pala n'ya.

Umiwas lamang ako ng tingin, para kasing sinusunog n'ya ang kademonyuhan ko sa klase pa lamang ng kan'yang titig.

“Nagtanong ka, sumagot ako. Ngayong sumagot ako, galit ka naman dahil doon.” Dahan-dahan akong bumaling sa kan'ya. “Nakakapagod lang, Dad. Pwede ba 'wag mo na lang akong pansinin?” mapakla kong saad.

'Di naman s'ya makapaniwalang nakatingin sa 'kin. “Ano na naman ang nangyayari sa 'yo, ah?! Hindi ka naman gan'yan dati!” Napahilamos s'ya sa kan'yang mukha. “Anong dahilan kung bakit ka nagkagan'yan?”

Dahil sa huling tanong n'ya ay mapait akong tumawa bago tinitigan s'ya ng matalim. “Talagang tinanong mo pa sa 'kin, Dad, huh? Akala ko pa naman matalino ka. Bahala ka mag-isip ku—” naputol ang sasabihin ko nang lumapat ang kan'yang matigas na kamay sa 'king pisngi dahilan para bahagyang natabingi ang aking mukha.

Hindi ako iiyak. Kailan nga ako huling umiyak? Matagal-tagal na rin kaya hindi ko sasayangin ang isang parak na luha sa kan'ya.

Nagngingitngit ang mga ngipin kong nakatingin sa sahig. Ramdam ko namang natigilan s'ya sa kan'yang ginawa at para 'bang hindi n'ya sinasadya.

“A-Anak...”

Itinaas ko ang aking kamay sa ere upang patigilin s'ya. “H'wag mo akong tatawaging anak kung may anak ka sa labas.” Hindi ko hinawakan ang pisngi ko na siguradong namumula na ngayon. Nilingon ko s'ya. “At mas lalong h'wag mo akong tatawaging anak kung puro matataas na grado at medal ang kailangan mo sa 'kin.”

Hindi s'ya nakapagsalita dahil sa binitawan kong kataga. Mabilis kong nilisan s'ya at umakyat sa kwarto ko.

Pero 'di pa man ako nakapasok sa kwarto nang makitang nakaupo si Downy sa tabi ng pintuan ng kwarto ko. Mabilis s'yang tumayo nang makita ako.

“Q-Queen...” I hate how she acts like an innocent.

Masama ang loob kong lumapit sa kan'ya at nakipagpatayan ng tingin na kaagad n'yang ikinasuko, napayuko s'ya sa tensiyong namamagitan.

“Hangga't maaga pa ay umalis ka na at tigilan mo na kung ano man ang kailangan mo sa 'min.”  Sinuri ko kabuuan n'ya bago napatingin sa kan'yang kwentas na mukhang mamahalin.

I'm sure hindi n'ya kayang bumili ng ganito kamahal na accessory. Pakiramdam ko ay hindi s'ya tapat kay Daddy. Kahit gusto kong makarma si Dad ay hindi ko magawa. Mas lalo akong galit sa babaeng 'to.

Tinabingi ko ang aking ulo sa kanan. “Where did you get that necklace?” tanong ko, mabilis s'yang umangat ng tingin at nanlalaking mata ang pinakita.

Napangisi na lang ako sa isipan. Mukhang nahuli ko s'ya basi lamang sa kan'yang mukha at tila nag-iisip ng dahilan ang babaeng 'to.

Napahawak s'ya sa leeg kong saan ang kan'yang necklace. “R-Regalo lang po ito, Q-Queen...” Liar!

Napahalukipkip ako. “Sino nagregalo? Mayaman ba?” sunod kong tanong.

“Bakit tinatanong n'yo pa?” May bahid na inis sa kan'yang boses at umiwas ng tingin para 'di ko makita ang totoong s'ya.

Alam kong may kailangan s'ya sa 'min at 'yon ang aalamin ko. Hindi ako mapapanatag kapag hindi ko 'to napaalis sa bahay. Kailangan ko s'yang makita sa akto, 'yon nga lang mahihirapan ako.

Alam kong 'di maniniwala si Daddy sa sasabihin ko, kaya ako na mismo ang gagawa para sa kapakanan n'ya. Masyado s'yang matanda para 'di man lang maisip kung bakit biglang sumulpot ang babaeng 'to sa buhay namin.

Kahit nga eskwelahan na pinapasukan n'ya ay hindi ko alam.

Tila natauhan ito sa tinanong n'ya. “I-Ibig kong sabihin po a—”

Walang salita akong umalis sa kan'yang harapan at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Akmang papasok s'ya na kadalasan n'yang gawin kapag magtu-tutor na s'ya nang tinulak ko ng mahina ang kan'yang balikat para 'di matuloy ang binabalak nito.

“Stay here and wait for me,” utos ko.

“Pero di'ba po d'yan tayo magre-revie—”

“Hindi na. Do'n na lang tayo sa labas ng bahay banda sa kubo,” mabilis kong tugon sa kan'ya at hinayaan s'yang nakatulala roon.

Mabilis kong isinara ang pinto at masamang tinignan ito kahit hindi naman n'ya ako nakikita mula rito sa loob. Bakit mukhang gusto pa n'yang pumasok dito? Siguro ay may kinukuha s'ya ritong gamit ko.

Inayos ko ang mga gamit ay damit ko. Kailangan din dahil baka may nawala ritong gamit. Mahirap na magtiwala sa isang taong misteryoso.

Kalahating oras na yata akong naglilipit sa kwarto ko at parang wala namang kakaiba o nawala rito. Ano naman kaya ang pwede n'yang kunin dito?

~•~•~•~

Alas-singko pa lamang ng umaga ay gumising na kaagad ako para mag-jogging sa labas ng bahay. May pasok pa naman kami ngayon pero gusto ko bago pumasok sa university ay energetic na ako.

Nakasuot ako ng sports bra at short na kulay black. Nakatali rin ng pony tail ang buhok ko, so I'm ready na!

Malapit na palang sumilak ang araw at gusto ko iyon. Nakakarelax lang kasi kapag tanaw mo ang araw na papalubog man o pagsilak.

Halos ilang minuto akong nagjo-jogging sa subdivision namin at halos ang iba ay may kan'ya-kan'yang ginagawa. Some of them are ready to work at ang iba naman ay nagdidilig ng halaman sa harapan ng kanilang bahay.

Tuloy-tuloy lang ang pag-jogging ko. Medyo pawisan na rin ako at hinihingal kaya naman napag-isipan kong huminto muna sa kalenderya 'di kalayuan lamang sa bahay namin.

Wala pa masyadong tao at tanging mga empleyado pa lamang ang narito upang makikain. Ang iba ay napatingin pa sa 'king kinaroroonan tapos balik ulit sa kanilang pagkain.

Minsan talaga may pagka-attention seeker ako. Hindi dahil ako mismo ang nagpapasikat kundi sa itsura't pormahan ko. Totoo naman talaga ang sinasabi ko.

Kinuha ko ang panyo sa taligiran kong nakasabit at pinunasan ang leeg at mukha ko na naliliguan na ng pawis. Umupo ako sa bakanteng upuan at kaagad namang lumapit sa 'kin ang babaeng nag-aasikaso sa customers.

“Ano order mo, ma'am?” magalang n'yang sambit kahit mas matanda s'ya sa 'kin ng ilang taon lamang.

Inilapag ko ang aking gamit sa lamesa. “May kare-kare kayo, ate? Dalawang order,” sagot ko at napasandig sa kinauupuan ko.

Tumango-tango s'ya. “Oo, ma'am. Gusto n'yo pa ba kanin?”

“Hindi na po,” malumanay kong sagot na ikinatango ulit n'ya bago umalis sa harapan ko.

Buti na lang ay maaga silang nagbubukas ng kalenderya kundi baka magutom kaagad ako. Tulog pa 'yong kasam-bahay namin, alas-sais pa kasi ang tarbaho nila kaya nagpapahinga muna sila. Ayaw ko naman silang abalahin, pagod sila at naiintindihan ko naman iyon.

Nag-scroll muna ako sa fb habang hinihintay ang order ko. Kaagad ko namang pinatay ang cellphone ko at napalumbaba sa lamesa, wala namang maganda sa news feed ko, halos yata mga picture ng mga lalaking naka summer clothes lang doon.

Hindi man lang ako na-interested sa kanilang katawan o ano. Ewan ba kung bakit bigla akong nawalan ng gana sa lalaki, siguro last target ko na lang ay 'yong lalaking iyon at saka na ako titigil. Wala namang kwenta.

Napaayos naman ako ng upo nang makitang may umupo sa 'king harapan. Handa na sana ako para paalisin ito nang makita ang kan'yang mukha.

Bahagyang bumuka ang bibig ko. Hindi naman siguro ako nanaginip 'no? Imposibleng taga rito s'ya.

Umaga pa lamang ay ngitian na n'ya ako na tila ba maganda ang kan'yang gising. “Magandang umaga,” bati n'ya at 'di man lang mababahid sa kan'yang boses ang pagkabigla nang makita ako o talagang nakita na n'ya ako.

Nairita tuloy ako sa ngiti n'ya. Bakit parang walang problema ang matabang lalaking 'to? At bakit palagi ko na lang s'ya nakikita? Stalker ko ba 'to?

“Walang maganda sa umaga,” suplada kong usal at inikutan s'ya ng mata. Sabi ko na kahapon na ayaw ko na s'yang makita, eh! Akala ko pa naman hindi na magtatagpo ang landas namin.

Imbes na madimaya sa sinabi ko ay mas lalong lumawak ang kan'yang labi. “Meron kaya,” makahulugang tugon n'ya na 'di ko naintindihan.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro