Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1


EDEN SAINE FLORIDA

“M-Makinig naman kayo sa 'kin, Q-Queen...”

Napaikot na lang ako ng mata dahil sa nakakairita nitong boses. Hindi ko naman sinabing turuan n'ya ako sa acads ko, sadyang 'di lang talaga s'ya makaintindi na ayaw kong makinig sa kan'ya.

Napasandal ako sa aking kinauupuan at inaantok na tinignan s'ya. “Hindi ka na papagod?”

Napakurap-kurap s'ya. “S-Sa alin po, Q-Queen?” utal n'yang tanong.

Napaismid tuloy ako. “Sa kakasalita? You know na hindi ako nakikinig pero daldal ka ng daldal.” Iniwaksi ko ang aking kamay sa ere saka pabalang na tumayo. “Bibigyan na lang kita ng pera para umalis dito, umuwi ka na sa bahay mo dahil kahit anong gawin mong pagtuturo sa 'kin ay wala akong pakialam.”

Nanlaki ang mata n'ya sa sinabi ko. Tsk, masyadong magaling sa pagpanggap, hindi ba s'ya nagsasawa sa pakikipagbaitan sa 'kin?

Ibinuka n'ya ang kan'yang bibig pero kaagad din namang isinarado at tumahimik. Pinaikot ko ulit ang mata ko saka tumungo sa 'king kama.

Kinuha ko ang wallet kong nakalatag sa 'king higaan at saka kumuha ng ten-thousand pesos. Lumapit ako sa kan'ya at saka inilagay ang pera sa kan'yang harapan.

Nagtatakang kinuha naman n'ya ang perang binigay ko saka napaangat ng tingin.

“M-Masyado 'pong marami ang binigay n'yo, Queen,” nag-aalinlangan n'yang usal sa 'kin.

I crossed my arms in front of my chest. “Talagang marami dahil gusto kong umalis ka na at 'wag ng babalik.” I hate her so much.

Nanlaki ang mata n'ya saka umiling-iling. “H-Hindi po pwede, Queen. Papagalitan tayo ng Daddy mo.”

Napabuga ako ng hininga, I flipped my long straight hair. “He won't be mad at you, ako pa nga siguro ang mapapagalitan. Just do what I said,” sambit ko.

Naglulumikot naman ang kan'yang mata na para 'bang may bumabagabag pa sa kan'yang isipan.

Iniwan ko muna s'ya at humarap sa malaking salamin. I smirked, walang maniniwala na this girl in front of the mirror is a bad person, masyado raw kasing mala-anghel ang mukha. Tsk, nakakadiri.

“P-Paano kung pabalikin ulit ako ng Daddy mo, Queen? Bakit kasi hindi ka na lang makisama.”

Nawala ang ngiti ko nang marinig ang huling sinambit n'ya. Marahas na lumingon ako sa kan'ya at pinukulan s'ya ng matalim na tingin.

“Inuutusan mo ba ako?” mariin kong tanong saka nilapitan s'ya.

Napatayo s'ya ng wala sa oras at napaatras nang bahagyang lumapit ako sa kan'ya.

“H-Hindi po 'yon ang ibig ko—”

“Stop for being kind! You know I hate people like you, right? Why don't you just leave me alone and never come back?” suwestiyon ko sa kan'ya, mabilis kong nilagpasan s'ya saka lumabas ng kwarto.

She should be thankful, buti na lang ay hindi ko s'ya sinaktan o pinagsalitaan ng harsh. Stupid nerd. Kung 'di lang dahil kay Ophelia, matagal ko na s'yang sinaktan.

Pababa pa lang ako ng hagdan ay kaagad kong nakasalubong si Daddy na may katawag sa telephone. Lalagpasan ko na sana s'ya pero tinawag n'ya ako.

Bagsak-balikat na lumapit ako sa kan'ya at bahagyang inayos ang bag na bitbit ko. May date ako ngayon at hindi ko ito papalampasin.

“I'll be there in thirty-minutes. Okay, bye,” mabilis na saad ni Daddy sa kabilang linya saka ako hinarap at seryosong tinitigan.

“What now?” Bored ko s'yang tinignan.

Napabuga s'ya ng marahas na hininga at tila pagod. “Nakita ko ang grades mo,” panimula n'ya.

Napataas ang isa kong kilay. “Then?”

'Di makapaniwalang tinignan n'ya ako. “Wala ka 'bang pake sa pag-aaral mo?!” Biglang tumaas ang kan'yang boses, bagay na hindi ko na ikinagulat.

“Of course, may pak—”

“Then why are you not studying well?! Nag-iisang anak lang kita at ikaw na ang magmamana ng lahat ng hari-harian ko! Ano na lang mangyayari sa future mo?!” agad n'yang sigaw sa 'kin.

Napahilot na lang ako sa sentido ko. “Bata pa ako, Dad. Babawi na lang ako kapa—”

Pinutol n'ya ulit ang sasabihin ko. “Kapag wala na ang lahat ng ito?!” Inilahad n'ya ang kan'yang kamay at pinakita ang buong bahay. “Dapat nga magpasalamat ka dahil masagana ang buhay mo!”

At dahil sa sinabi n'ya ay nawalan ako ng ganang makita ang pagmumukha n'ya. Biglang na blangko ang mukha ko.

“Masagana nga ang buhay pero gulong-gulo naman ang pamilya,” pabalang kong sagot sa kan'ya saka iniwan do'n na nagsisigaw sa galit.

I'll permanently leave this house for my own sake, nasasaktan ako kaya kailangan ko ng hangin sa labas.

Naiintindihan ko naman ang pinupunto n'ya kaso ayaw kong intindihin lang talaga. Hindi n'ya ako naiintindihan so why not do the same? At saka ang saya lang kasi makitang nagagalit s'ya sa 'kin.

Napatawa na lang ako sa sarili kong sinabi. Sino pa 'bang tao ang gustong pagalitan ng sarili nilang anak? Ako lang siguro, dahil I'm a Queen nga di'ba? Kakaiba sa lahat.

Inayos ko muna ang magulo kong buhok at ang purple dress ko na hanggang tuhod. I love purple dress! Regalo pa 'to ng kaibigan kong si Ophelia so I should be careful on wearing this.

Nakarating ako sa gate ng bahay namin at kaagad kong natanaw si Hemen, my 2nd boytoy.

Napangisi na lang ako sa kayabangan ko. Dapat pinagmamalaki sila 'no, kung wala sila baka maging boring ang life ko. Just kidding.

Hindi ko talaga ugaling pumasok sa relasyon, I just like to have fun pero 'yong may responsibilidad 'kang gagampanan habang may boyfriend? Nah, sakit sa ulo, hindi mo pa magawa ang gusto mo.

Nakasandig s'ya sa kan'yang sariling kotse na ferrari, who wouldn't have thought that this guy already have a car? At talagang mamahalin pa na sasakyan.

Napatingin s'ya sa 'kin habang papalapit ako sa kan'ya. Ngumisi ako rito na ikinangiti n'ya. Isa s'ya sa mga gwapong lalaking nakilala ko.

“Hey,” tawag n'ya nang makalapit ako sa kan'ya.

“Dapat gabi mo pa sinabi na plano mo akong ipasyal sa Mall. 'Yan tuloy hindi ako nakapaghanda ng beauty ko.” Hinawakan ko ang dalawa kong pisngi saka nagpa-cute sa kan'yang harapan.

Baritong tumawa s'ya at umalis sa pagkakasandig sa kotse. Hinawakan n'ya ako sa braso na hinayaan ko naman.

“I'm sorry, okay? Kahit naman maging buhaghag ang buhok mo maganda ka pa rin,” puri pa n'ya dahilan para hampasin ko s'ya sa kamay na nakahawak sa 'king braso.

“Bola! Let's go na nga, baka ano pa gawin ko sa 'yo.” Pigil ang ngiti kong pumasok sa passenger seat na kaagad n'yang inalalayan ako.

Ngumiti ulit s'ya dahilan para lumabas ang kan'yang malalim na dimple. Talagang full-package para maging boytoy ko.

Mabilis s'yang umikot sa kabilang pintuan kung saan nando'n ang driver seat. Pumasok s'ya kaagad at sinara ang pintuan ng kotse.

Sinimulan n'yang paandarin ang makina ng kotse. “So, you want me buy you a new dress? Gusto mo?”

Kaagad nagningning ang mata ko sa sinabi n'ya. Mabilis akong napatango sa kan'ya na parang tuta. “Yes, please!”

Pinaandar na n'ya ang kotse saka ako nilingon. “In one condition,” pabitin n'yang sambit.

Marahas na bumuga ako ng hininga. “Ano ba 'yan! Siguraduhin mo lang na madali lang 'yan, ah?” Paninigurado ko sa kan'ya na ikinangiti ulit nito.

Tinuro n'ya ang kan'yang labi. “Kiss me here.” Ngumuso pa s'ya, napatawa tuloy ako.

Mabilis akong dumukwang papalapit sa kan'ya at dinampian ng isang mabilis na halik sa labi saka bumalik sa kinauupuan ko. Napahagikgik ako nang makitang salubong ang kilay n'ya dahil sa bitin.

“Madami ang bibilhin kong dress para sa 'yo tapos isang smack na kiss lang?” reklamo n'ya sa 'kin at ngumuso ulit na tila nagtatampo.

Hinampas ko s'ya sa balikat. “Mamaya na, okay? Hindi mo pa nga ipinakita sa 'kin ang dress.” Ngumisi ako pagkatapos nang makitang umigting ang panga nito.

“Ipangako mo sa 'kin na bibigyan mo ako ng one-hundred kisses,” sabi n'ya habang nakatingin sa labas harapan.

Saglit n'yang pinahinto ang kotse nang makitang red lights ang nasa itaas. Masyadong maraming sasakyan dito.

Napasandig ako sa sandalan ng kinauupuan ko. “Once na nag-promise ako, tinutupad ko. So pangako.” Itinaas ko ang kamay saka tumawa ng malakas dahil sa mapula nitong mukha.

Mukhang nagpipigil na sugurin ako, talagang sasapakin ko s'ya kapag sinugod n'ya ako.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro