CHAPTER 09
EDEN SAINE FLORIDA
“Bakit ayaw mong pumasok?” tanong ni Morven habang nakapameywang sa 'king harapan, kagagaling lamang n'ya sa training.
Inis akong tumingin sa kan'ya. “Kasi ayaw ko nga! Kulit nito!” Napaikot na naman tuloy ang mata ko. Kanina pa n'ya tinatanong sa 'kin 'to.
Itinaas n'ya ang dalawang kamay sa ere at natatawang tinignan ako. “Okay, okay. Paano 'yan hindi ka makaka upo.” Napatingin pa s'ya sa 'king paa, siguro iniisip na naman n'yang mangangawit ang paa ko sa kakatayo.
“H'wag ka lang aalis dito at babalikan na lang kita,” suwestiyon ko.
“Saan ka pupunta?” Pinigilan n'ya ang braso ko nang akmang tatalikuran ko na s'ya.
“Bibili na lang ako ng milktea sa labas, babalik at papasok naman ako sa basketball court.”
Tumango naman s'ya. “Ingat, ah?” Mabilis n'ya akong hinalikan sa pisngi saka tumakbo papasok sa basketball court.
Saglit naman akong napatigil sa kan'yang ginawa. Napailing na lang ako, buti alam n'ya ang gagawin n'ya.
“Keep the change na lang, Ate.” Ibinalik ko ang sukli sa kan'ya.
Nanlaki ang mga mata n'ya. “T-Talaga po? Sobra isang libo po it—”
“Ayos lang. Gamitin mo na lang sa pangangailangan ng anak mo.” Napatingin ako sa anak n'yang nagsusumiksik sa kan'yang tagiliran.
Ngumiti s'ya sa 'kin at hinimas ang buhok ng kan'yang anak na babae. “Salamat, pangga. Malaking tulong na ito sa 'min,” masaya n'yang sambit at binuhat ang bata.
'Di ko tuloy mapigilang 'di mapangiti. Kumuha ulit ako ng limang libo sa 'king pitaka saka mabilis na inilagay sa kan'yang kamay.
“Tanggapin n'yo po sana, Ate.”
Mas lalo s'yang nalula sa 'king binigay. Bahagya pa s'yang umiling sa 'kin. “Masyado na talaga 'to malaki, pangga! Baka kulang pa 'to sa baon mo.” Akmang ibabalik n'ya sa 'king ang pera nang pigilan ko s'ya.
“Magtatampo po ako kapag hindi n'yo tinanggap,” banta ko sa kan'ya na kaagad namang n'yang binawi.
Halos walang katapusang pasasalamat ang kan'yang binigay sa 'kin. Kulang na lang ay lumuhod s'ya sa harapan ko.
Dala-dala ang milktea ko habang papasok pabalik sa university. Nagbebenta lamang ng buko juice 'yong babae, sa una gusto ko sanang bumili pero bigla akong naawa sa kan'yang kalagayan.
Imagine, may lima s'yang anak na halos mga paslit pa tapos iniwan s'ya ng kan'yang asawa. Nakakainis tuloy ang asawa n'ya kung sino man iyon.
Maawain naman talaga ako pero depende sa tao. Alam ko kung totoo o peke ang isang tao, natuto na rin ako simula no'ng lokohin ako ng lalaking iyon. Tsk, 'wag na s'yang pag-usapan pa.
“Saan ka galing?”
Napatigil ako sa paglalakad. Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. Alam ko kung sino s'ya kahit hindi ko s'ya nakita, boses pa lang ay kabisado ko na.
“None of your business,” pabalang kong sagot at akmang lalagpasan s'ya nang iharang n'ya ang dinadaanan ko.
Napatigil ako at inis s'yang tiningala. Kung 'di lang 'to matangkad baka black eye na 'to sa 'kin.
“Kinakausap kita,” seryoso n'yang sambit sa 'kin.
Inikutan ko s'ya ng tingin. “'Di mo ba halata na ayaw kong kausapin ka? Close ba tayo, huh? Gosh!” Nag-flip hair ako sa kan'yang harapan at taas noong umalis doon.
Sa lahat ng taong nakilala ko, s'ya talaga ang walang hiya! Matapos n'ya akong ipahiya noon ay ngayon nagpapansin na naman s'ya. You wanna play a game? Sige, ibibigay ko sa 'yo ang larong paborito mo!
“Oh, ba't gan'yan ang mukha mo?” takang tanong ni Morven nang umupo ako sa kan'yang tabi.
Inis akong nakatingin sa basketball ring. “Wala, may usangot lang humarang sa 'kin kanina.” Usangot na captain.
“'Y-Yong boytoy mo ba?” 'Di ko alam kung bakit 'to nautal.
Binalingan ko s'ya ng tingin. “Hindi,” sagot ko at napasandig sa kan'yang balikat. Buti na lang wala s'yang pawis, ayaw ko pa naman sa pawis. “Sakit ng ulo ko.”
Inalis n'ya ako sa pagkakasandig sa kan'yang balikat at inilipat sa kan'yang dibdib ang uluhan ko. Hinawakan n'ya ang noo ko saka mahinang minasahe.
Napapikit tuloy ako sa gaan ng kan'yang kamay. Medyo magaspang ang kan'yang palad pero ayos lang naman, no problem.
“Sino ba 'yong humarang sa 'yo kanina?” pangungulit n'ya habang patuloy na minamasahe ang aking noo.
Napahinga ako ng hininga. “Hindi na kailangan malaman. Hindi naman s'ya importante kaya 'wag na lang pag-usapan.”
Ramdam ko namang napatango s'ya. “Bakit masakit ang ulo mo? Pinapahirapan mo na sarili mo?”
Kumurba ang ngiti sa 'king labi. “Concern, ah.” Pang-aasar ko rito dahilan para takpan n'ya ang mga mata ko. Natatawang inalis ko ito at pumikit ulit. “Hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi.”
“Dahil ba iniisip mo ako?” asar naman n'yang tanong.
“Hindi 'no!” Agap ko. “May 'di lang kami pagkakaintindihan ni Daddy.” Naalala ko tuloy ang pag-alala sa mukha ni Daddy nang makitang kinuwelyuhan ko si Downy.
“Bakit?” tanong na naman n'ya, seriously? Gusto yata n'ya lahat malaman, pero 'di bali.
'Yon nga kinuwento ko sa kan'ya ang nangyari kagabi. Hindi fully detailed pero alam kung mage-gets naman n'ya.
“Sino ba namang 'di magagalit kung kukuwelyuhan mo ang babae?”
Akala ko pa naman naintindihan n'ya. Dahil sa inis ko ay umupo ako ng matuwid at umalis sa pagkakasandig sa kan'yang dibdib.
Do'n ko lang napansin na halos lahat ng kasama n'ya ay nasa akin ang atensiyon. Kita ko pa ang pagdaan sa kanilang mukha ang pagkabalisa, patingin-tingin sa amin at sa captain nila.
Hindi ko na bibigyan ng malisya ang klaseng tingin ni Khoen. Halata namang nagpapanggap ulit ito sa 'kin at gagawa na naman ng paraan para mailayo ang mga naging lalaki ko. Ewan ko ba kung bakit n'ya ito ginagawa.
“Hey,” tawag sa 'kin ni Morven at hinila ako para sumandig ulit sa kan'yang dibdib.
Inis ko s'yang nilingon. “Ayaw ko nga! Kampihan mo sila!” Tukoy ko kay Daddy at Downy. Napakrus ang aking braso sa harapan ng dibdib ko. 'Di ako madaling makalimot pa naman!
Tumawa s'ya dahil sa inasta ko. Hinampas ko ang kan'yang kamay na humawak sa 'king braso at nanliliksik ulit ang mata na binalik sa harapan.
“Sorry na, babe. I didn't mean to hurt your feelings.” Pinalandas n'ya ang kan'yang kamay sa 'king likuran, na 'di ko man lang pinansin. “Sorry na, oh. Ayaw kong galit ka sa 'kin.” Masuyo n'ya akong hinila papalapit sa kan'ya at ibinalik ulit ako sa pagkakasandig sa kan'yang dibdib.
Ngayon ay hindi na ako nagreklamo at hinayaan na.
Ipinulupot n'ya ang kan'yang braso sa 'king beywang. “Galit ka pa ba? Biro lang naman kasi 'yon, eh.” Dagdag pa n'yang dahilan para hindi ako magalit.
“Then sino ang mas tama? Ako o sila?” seryoso kong tanong. Konting kamali n'ya lang sa sagot ay baka maaga ko s'yang bitawan.
“Ikaw ang tama, okay?”
“Hindi sincere ang sinasabi mo.” Akmang babaklasin ko na sana ang braso n'ya sa 'king beywang nang mas hinigpitan n'ya ito. “Ano ba!”
“Totoo ang sinasabi ko, babe. Promise na talaga,” mabilis n'yang sabi at ngayon ay mukhang hindi na s'ya nagbibiro.
Hinayaan ko naman s'yang nakapulupot ang kan'yang braso sa 'kin at nakangising tagumpay ako. “That's my boytoy. Dapat sa 'kin ka lang maniwala at kumampi.”
Ramdam ko pa ang pag-iling n'ya sa 'king likuran. “Crazy girl. Syempre dapat sa 'yo naman talaga ako maniwala 'cause you're my girl.”
“Girltoy,” pagtatama ko na ikinatigil n'ya.
Alam ko ang gusto n'yang mangyari sa 'min. Should I stop this nonsense thing? Kasi sa totoo lang, ako nahihirapan at nasasaktan para sa kanila kahit deserve nila ito.
Boys will always be boys, they just want to hurt girls feelings. Why should I let them crushed my precious heart?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro