
CHAPTER 08
EDEN SAINE FLORIDA
Kagabi ay hindi ko nagawang kumain dahil sa sama ng loob ko. Kahit naman kasi ipaliwanag ko sa kan'ya, kakampihin pa rin n'ya si Downy. Traidor!
Kahit ngayong umaga ay hindi rin ako kumain ng agahan. Ayaw kong makita ngayon ang Amang Hari ko kaya balak ko na lang bumili ng pagkain sa canteen pagkarating ko roon.
Habang naglalakad sa hallway ay panay ang sundot ko sa tiyan. Kagabi pa talaga ako gutom at sa ilang buwan kong naranasang hindi kumain ng agahan at hapunan ay ngayon lang talaga ako sinakitan ng tiyan. Siguro ay nasanay akong palaging may pagkain na nakahain sa harapan ko.
Binilisan ko na lang lakad ko kahit lutang na lutang na ang isip ko. Pagkain na lang ang tanging nasa utak ko kaya naman nakabunggo ako sa katangahan.
Buti na lang ay hindi gano'n kalakas, hindi tulad kahapon na halos tumilapon na ako kung 'di lang ako sinalo ng matabang lalaking 'yon.
Speaking of fatty nerd guy, bigla s'yang sumulpot sa isip ko na hindi ko naman dapat iniisip.
“Hey...”
Napabalik ako sa ulirat nang marinig ang pagtawag sa 'kin ng lalaking nasa harapan ko. Napatingala ako sa taas n'yang height, hanggang dibdib lang kasi n'ya ako.
Kahit nagulat akong makita s'ya ay hindi ko iyon pinahalata, walang paki ko s'yang tinitigan. “Sorry not sorry, nagmamadali ako.” Akmang lalagpasan ko na sana s'ya nang mabilis n'yang hinawakan ang braso ko saka hinila papalapit sa kan'ya.
Sinamaan ko s'ya ng tingin kahit gusto ng kumawala ang puso ko na matagal nang nakabaon sa pagmamahal.
Tinitigan n'ya ako na para 'bang sinasaulo ang buong parte ng mukha ko. Hindi ako umiwas ng tingin na baka mahalata n'yang bitter pa rin ako.
Kahit gusto kong titigan ang kan'yang mukha kung may pagbabago ba sa kan'ya pero hindi ko ginawa. Inalis ko ang kan'yang kamay sa 'king braso at bumuga ng marahan na hininga.
“'Wag ka ng magpapakita sa 'kin,” utos ko sa kan'ya at tuluyan ko nang tinalikuran para tumungo sa canteen.
Habang naglalakad ay inaasahan kong pipigilan n'ya ako pero ilang hakbang na ang iginawad ko pero wala pa ring pumigil sa 'kin.
Napahinga ako ng maluwag. Ako na nga ang tumaboy sa kan'ya tapos umaasa pa akong hahabulin n'ya ako? Ibang klase talaga ako.
Siguro nga ay wala talaga s'yang paki sa 'kin at hanggang ngayon ay gusto n'ya pa ring makipaglaro. Paglaruin ulit ang puso ko.
Wala man lang akong maipagmamalaki sa buhay samantalang s'ya ay halos lahat ng tagumpay ay nakamit na n'ya. Isa na s'yang captain at hindi lang iyon, isa s'ya sa mga top rank ng school namin na nabibilang sa mga matatalino.
Napahimas ako sa tiyan nang maramdamang sumiklab ito dahil sa pagkagutom. Bumili kaagad ako ng carbonara at ice tea kahit masama sa aking tiyan dahil maaga pa sa ngayon.
Hawak ko na ang mga pinamili ko, inilibot ko aking paningin sa canteen at kaagad kong natanaw ang lalaking nakaupo sa harapan ng table na nakatalikod mula sa 'kin.
Napalunok ako sa sariling laway. Idadaan ko na lang s'ya sa kagandahan ko para pumayag itong makiupo ako sa kan'ya.
Napakamot ako sa pisngi. Hindi ko kasi kayang kumain na walang kasama, nasanay akong kumakain kasama ang mga kasam-bahay at pati na rin si Ophelia.
Okay, final na talaga 'to. Uupo ako sa kan'yang harapan at umasta lamang na siga. I'm sure matatakot s'ya sa 'kin.
Taas-noong lumakad ako patungo sa kan'ya. Hindi ko pa nakita ang kan'yang mukha pero basi lamang sa kan'yang tindig ay lalaki ito, 'yon nga lang mataba. Bakit kasi palagi na lang ako nakakita ng mataba? Sign na ba 'to na 'wag na magdiet?
Walang tingin at paalam akong umupo sa kan'yang harapan. Hinawi ko ang aking buhok na bahagyang nakatabon sa 'king mukha bago ko inangat ang aking tingin para sana akitin ito sa alindog ko.
Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makita s'ya. Hindi ako maaaring magkamali! S'ya 'yong matabang lalaking nerd na nakabangga ko kahapon! Bakit 'di ko man lang nahalata kanina?!
Kahit s'ya ay hindi n'ya inaasahang makita ako mismo sa harapan n'ya at mas nakakahiya pa ay wala akong paalam na umupo sa kan'yang harapan. Wait, bakit nga ba ako mahihiya?!
Napatigil s'ya sa pagnguya ng burger na halos kalahati ay nakain na n'ya. Mas lalong lumubo ang kan'yang pisngi dahil hindi pa n'ya nalunok.
Tumikhim ako at iniwas ang tingin. Inilapag ko ang aking pagkain sa lamesa. “'Wag mo lang akong pansinin.” Biglang kumabog ang dibdib ko, siguro ay wala talaga akong kahiya-hiyang babae.
Bakit ngayon ko lang napagtanto 'yon? Wala naman kasi akong paki.
Sinimulan ko nang kainin ang aking carbonara, mabilis ko itong naubos dahil sa gutom ko na rin. Sunod ko namang ininom ang ice tea ko.
“E-Eden...” Rinig kong tawag n'ya dahilan para mapatingin ako rito. Paano n'ya nalaman pangalan ko?
Napatingin ako sa uniform ko at do'n ko lang napagtanto na may name tag pala ako. Masyadong nag-iinarte ang teacher namin, kailangan daw namin ng ganito.
Ininom ko muna ang ice tea ko habang nakatingin sa kan'ya. Kita ko pa ang bahagyang paglunok ng matambok n'yang leeg at pagpatak ng kan'yang pawis sa noo. Ano ba dapat kong sabihin sa kan'yang mukha? Nevermind.
Inilapag ko ang ice tea sa lamesa habang hindi inaalis sa kan'ya ang tingin. “Bakit po? May sasabihin ka po ba?” magalang kong tanong kahit hindi kagalang-kagalang ang mukha ko.
Kahit naman masama ako sa kapwa tao ko ay hindi ko naman nakalimutang humalang sa nakakatanda. I'm sure apat o limang taon ang agwat ko sa lalaking 'to.
Mabilis s'yang binaba ang kan'yang burger sa platito na may kagat na. Tumikhim s'ya. “Hindi ka ba kumain ng agahan?” concern n'yang tanong.
Napataas ang kilay ko. Anong paki n'ya kung 'di ako kumain? Tsk. “Hindi po, bakit? Bibigyan mo po ba ako ng pagkain?” biro kong sambit pero seryoso naman ang mukha ko.
Medyo gulat s'ya nang marinig sa 'kin iyon, hindi ko alam kung saan s'ya banda nagulat.
Mabilis s'yang tumango. “W-Wait, bibilhan lang kita ng pagkain.” Tumayo s'ya sa pagkakaupo at malalaking hakbang ang ginawad n'ya hanggang sa makarating sa counter.
Tulala naman akong napatitig sa kan'yang likuran. Nagbibiro lang naman ako pero sineryoso n'ya! Pero at least nakalibre, 'yon nga lang hindi kami close pero ganito ang trato n'ya sa 'kin. Weird.
Saglit lamang ay nakabalik na s'ya na may dala-dalang carbonara at ice tea. Mukhang bumili pa s'ya ng kan'yang sariling pagkain, 'di yata nakuntento.
Umupo s'ya sa harapan ko at kita ko ang panginginig ng kan'yang kamay nang pagkalapag n'ya ng carbonara sa 'king harapan.
“K-Kain ka na,” kinakabahan n'yang sambit at inalis ang nanginginig n'yang kamay.
Napasunod tuloy ang tingin ko roon. “Bakit nangingig ang kamay mo?” puna ko sa kan'ya.
Umiling s'ya. “Wala lang 'to. Magpakabusog ka.”
Napa-ahh naman ako. Ngitian ko s'ya bilang pasasalamat. “Thank you!” Sinimulan ko nang kainin ang binigay n'ya sa 'kin. Medyo naiilang lang ako at 'di komportable habang tinititigan n'ya akong kumain.
Nilunok ko ang kinakain ko. “Kumain ka na rin po, Kuya.” Ininom ko ang bagong ice tea.
Nagtaka naman ako kung bakit parang sumimangot ang kan'yang mukha. Napakrus ang kan'yang braso sa harapan at walang sawang tinitigan ako.
“H'wag mo na lang akong tawaging Kuya. Magkalapit naman ang edad natin,” biglang n'yang sambit, napansin ko rin ang pagkainis sa kan'yang boses. 'Di ko na lang ito pinansin.
“Okay,” mabilis kong tugon, wala namang problema sa 'kin.
Ilang saglit lang ay natapos ko na ang kinakain ko. Mabilis akong tumayo na kaagad n'yang ikinataranta.
“A-Aalis ka na?” utal n'yang tanong at napatayo na rin sa pagkakaupo. Naglikha tuloy ng ingay ang kan'yang upuan dahil sa pagkaisog n'ya.
Tinaas ko ang dalawang kilay saka tumango. “May klase pa ako, thank you pala sa pagkain.” Nagflying kiss ako rito bago s'ya tinalikuran para umalis sa canteen. “See you when I see you!”
'Di ko na narinig ang kan'yang sinabi nang makaalis ako roon. Mukhang naestatwa pa s'ya sa kan'yang kinatatayuan.
I hope hindi ko na s'ya makita pa. Masyadong nakakapantindig ng balahibo ang kan'yang presensiya, ewan ko ba kung bakit gano'n.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro