
CHAPTER 07
EDEN SAINE FLORIDA
Nanlaki pa rin ang mata kong nakatangin sa lalaking sumalo sa 'kin.
This guy again?!
Halos walang kurap-kurap kaming dalawang nagkatitigan. Ang kan'yang salamin na nagliwanag pa sa 'di ko malamang dahilan at pagkurap ng isang beses ng kan'yang kayumangging mata.
Agad akong tumayo ng matuwid nang mapansing kanina pa kami sa gano'ng posisyon at kanina pa kami nagkatitigan. Napatayo rin s'ya ng matuwid na para 'bang wala s'yang ginawa sa 'kin.
Inayos ko ang aking uniform at bangs kong bahagyang nakatabon sa 'king mata, hinawi ko iyon bago nakapameywang na tinignan ang matabang lalaking ito.
S'ya 'yong nakita ko sa Mang Inasal na halos lamunin lahat ang pagkain sa lamesa. 'Di ko akalain na makikita ko s'ya rito, pinaglalaruan ba kami ng panahon?
Tumikhim s'ya bago umiwas ng tingin pero hindi pa rin s'ya umalis sa kinatatayuan n'ya. Ano pa ang kailangan nito?
“Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo, buti na lang ay hindi ako natumba,” suplada kong anas sa kan'ya.
Ibinuka n'ya ang kan'yang bibig dahilan para mas makita ko pa ang katabaan ng kan'yang pisngi, kaagad n'ya itong isinara at tinitigan ulit ako. Mukhang 'di pa maka-get over.
Pinasadahan ko s'ya ng tingin. Napataas ang dalawa kong kilay nang makitang iisang university lang pala kami nag-aaral, kaso mukhang college na s'ya. Bukod sa matangkad s'ya na mataba, pansin ko ang logo sa kan'yang polo na isa s'yang IT student.
“Kilala mo ba ako?” tanong ko pa, feeling ko lang naman na kilala n'ya ako dahil sa titig nito.
Tulalang tumango s'ya sa 'kin. Napangiwi na lang ako sa isip. I don't like his presence, bukod sa pangit s'ya, mataba rin s'ya.
“Pepe ka ba?” inis kong tanong nang 'di man lang s'ya makapagsalita, tanging ginawa lamang n'ya ay titigan ako sa mukha at pasadahan pa ako ng tingin sa katawan.
Hindi naman manyak ang klaseng tingin n'ya, para 'bang gusto n'ya lang makita ang kabuuan ko. Siguro nagagandahan ito sa 'kin.
Mabilis s'yang umiling saka napakamot sa ulo. May kuto yata 'to. “S-Sobrang ganda mo...” Sa wakas ay nagsalita na s'ya!
Agad nawala ang inis sa 'king mukha at napalitan ng ngisi. Isa sa mga gusto ko ay 'yong puriin ang kagandahan ko. “It's natural, fatty boy.” I flipped my hair. “Maganda ang Mommy ko kaya naman maganda rin ako.”
Sabi kasi noon ni Mommy magkamukha kaming dalawa at sinabi rin n'yang maganda kami pareho. Syempre maniniwala ako dahil Mommy ko s'ya!
Napangiti s'ya. “A-Ako nga pa—”
“Babe, dagdagan mo na lang ito.” Biglang sumulpot si Morven sa 'king likuran at hinapit pa ako papalapit sa kan'ya.
Napabaling ako sa kan'ya ng tingin at taka s'yang tinignan. Ngayon lang kasi n'yang ginawa itong damoves n'ya.
Nakatingin ito sa harapan pero akmang babalingan ko na sana ng tingin ang matabang lalaki nang pinigilan ako ni Morven.
Napababa ang tingin ko nang maramdaman ang malambot na teddy bear na 'di gaano kalaki pero sakto sa hinahanap ko.
Ngiting kinuha ko ito mula sa kan'ya at hinalikan s'ya sa pisngi ng mabilis. “Thanks!” Napahagikgik pa ako.
Abot taenga naman ang kan'yang ngiti at hinimas pa ang pisngi ko. “You're welcome, babe.”
“A-Alis na ako...”
Napatingin ako sa harapan namin. Pinamulahan ako ng mukha nang makitang nandito pa pala s'ya, akala ko umalis na s'ya! Agad kong binaba ang kamay ni Morven na nasa pisngi ko.
Hindi pa s'ya umaalis sa kan'yang kinatatayuan, tinignan pa n'ya ako na para 'bang may gusto s'yang marinig sa 'kin.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kan'ya kaya naman ngumiti lamang ako ng tipid dito. Gano'n din ang ginawa n'ya bago tuluyang nilisan ang nasa kinaroroonan namin.
“Sino 'yon?” takang tanong ni Morven at inilipat ang kan'yang kamay sa aking bewang.
Nagkibat-balikat ako. “Hindi ko rin kilala, nagkabanggaan lamang kanina.” Hindi ko naman kailangan magpaliwanag pero basi lamang sa tingin ni Morven ay hindi n'ya ako titigilan.
Parang gusto pa n'yang magtanong pero dahil nag-aya na akong umuwi kami ay naudlot ang kan'yang sasabihin.
“Sino kasama mo sa bahay?” tanong ni Morven habang magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa bahay ko.
Ayaw ko sana maglakad pero dahil naflatan ang kan'yang gulong sa sasakyan ay wala na kaning magagawa kundi maglakad na lamang.
Kanina pa ako naiinis, bakit parang ang layo pa ng bahay namin? Gusto ko nang humiga sa kama at kahit papaano ay pahingahin ang paa ko.
“Si Papa tapos mga kasam-bahay.” Napanguso ako habang nakatingin sa malayo naming dadaanin pa para makarating sa destination.
“Sumasakit ba paa mo?”
Agad akong napahinto sa paglalakad at gulat s'yang tinignan nang yumukod s'ya para tignan ang kalagayan ng paa ko.
“H-Hey!” Nakakahiya sa kan'ya!
Tumingala s'ya sa 'kin at ngitian ako na para 'bang wala sa kan'ya. “Bubuhatin na lang kita para 'di sumakit ang paa mo.” Hinawakan n'ya ang talampakan ko saka bahagyang hinimas pa.
Paano na lang kung may dumi roon? Baka aksidente n'yang mahawakan ang tae kapag nagkataon.
“Malapit na ang bahay ko, oh.” Tinuro ko ang 'di kalayuan naming bahay mula sa pwesto namin. “Tumayo ka na d'yan at maglalakad na tayo.”
Akala ko tatayo na s'ya pero gano'n na lang ang pagkabigla ko nang mabilis n'ya akong binuhat na parang bagong kasal. Napasinghap ako at 'di na maintindihan kung matatawa ba o kabahan.
Napahawak ako ng mabilis sa kan'yang leeg. “A-Anong ginagawa mo, ah?! Paano na lang kung 'di ako naka-ready?” Singhal ko sa kan'ya.
Mukhang simple lang sa kan'ya at hindi man lang makitaan sa kan'yang mukha ang bigat.
“Hindi ko naman hahayaang pabagsakin ka rito. Pumupula na ang talampakan, so that's why kailangan kitang buhatin.”
Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan s'ya sa gusto n'ya. Nagsimula na rin s'yang maglakad, 'di gaano kabilis at 'di rin gaano kabagal.
Ilang minuto kaming naging tahimik hanggang sa makarating kami sa harapan ng gate ng bahay. Nakatingala s'ya sa second floor ng bahay namin at gano'n din ako.
Nabigla naman ako nang makitang nando'n si Downy, naniningkit ang mga matang kong nakatingala at nakatingin kay Downy na ngayon ay pati s'ya'y 'di inaasahang makita ako. Anong ginagawa n'ya banda sa kwarto ko?
Binalingan ko ng tingin si Morven na hanggang ngayon ay buhat-buhat pa rin ako. Tinapik ko ang kan'yang balikat dahilan para matauhan s'ya.
“Ibaba mo na ako.” Utos ko sa kan'ya na kaagad naman n'yang ginawa.
Pinagpag ko ang aking palda para mawala ang pagkayukot at saka tumayo ng matuwid.
“Hindi ka ba sasama sa 'kin papasok?” Mukha kasing nagmamadali ito at para 'bang aalis na.
Napakamot s'ya sa batok at nahihiyang ngumiti sa 'kin. “Hindi na siguro, may pupuntahan pa kasi ako.”
Napatango naman ako saka ngitian s'ya ng tipid. Hindi pa rin kasi mawala sa 'king isipan ang nadatnan ko ngayon sa itaas.
Saglit lamang kaming nagkausap bago n'ya napagpasyahang umalis. Tatanungin ko pa sana s'ya kung ano ang ikinamamadali n'ya at para 'bang atat na atat s'yang umalis. Nagkibat-balikat na lamang ako, kung sa bagay madilim na rin dahil maya-maya ay mag-aalas-siete na.
Mabilis akong pumasok sa bahay at sinara ang pinto. Napatingin ako sa second floor ng bahay namin, nagngingitngit ang mga ngipin kong umakyat doon.
'Di pa man ako nakarating sa kwarto ko nang makitang nagmamadaling lumabas si Downy at mas ang ikinagalit ko ay galing pa s'ya sa kwarto ko.
Nanlaki ang kan'yang mata nang makita ako. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon na ma-corner s'ya.
Hinawakan ko ng mabilis ang kan'yang damit banda sa balikat at itinaas ito. “Anong ginagawa mo sa kwarto ko?” diin kong tanong sa kan'ya.
Kita ko ang panginginig ng kan'yang kamay, napababa ang tingin ko rito na kaagad naman n'yang itinago nang malaman nakatingin ako roon.
“W-Wala po, Q-Quee—”
“Sinungaling!” Putol ko sa sasabihin n'ya. “Sino ang nagsabi sa 'yong pumasok sa kwarto ko, ah?! Anong ginawa mo roon?!” histerikal kong sigaw sa kan'yang pagmumukha na ikinapikit ng kan'yang mga mata sa takot.
Takot pala s'ya pero bakit s'ya pumasok na wala man lang permission sa 'kin?! Matagal na talaga akong may hinala sa nerd na babaeng 'to.
“What are you doing, Eden!?”
Awtomatikong napalingon ako sa likuran nang marinig ang galit na boses ni Daddy. Mabilis ang kan'yang hakbang patungo sa 'min at inalis ang pagkakahawak ko kay Downy.
“Okay ka lang ba, hija?” seryosong tanong ni Daddy kay Downy na kaagad nitong ikinatango, bahagya 'pang lumunok ito ng sariling laway nang makitang nanliliksik ang mga mata kong nakatingin sa kan'ya.
Marahas na bumaling sa 'kin si Daddy ng tingin. “Ano na namang gulo ang pinasok mo, Eden?! Pati tutor mo sinisindak mo!”
Handa na sana ako para mag-explain ngunit kaagad kong itinikom ang aking bibig nang maalalang hindi pala n'ya ako maiintindihan.
Kahit gusto kong sabihin sa kan'ya ang totoo ay hinayaan ko s'yang paniwalaan ang sinasabi ni Downy. Tumalikuran ko sila at dali-dali pumasok sa kwarto, tinawag pa n'ya ako pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.
Isinara ko ang pinto at walang emosyon na tumitig dito. Hahanap ako ng bahong nakatago sa babaeng 'yon. Alam ko namang hindi bilang pagtu-tutor ang dahilan n'ya kung bakit s'ya nandito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro