Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 06


EDEN SAINE FLORIDA

Uwian na namin ngayon kaya naman naghintay ako sa loob ng classroom dahil iyon ang napag-usapan namin ni Morven, he's going to pick me up here.

“Sino ba ang hinihintay natin, Eden?” malumanay na tanong ni Ophelia habang kumakain ng lollipop na bigay sa kan'ya ng kaklase namin.

Napangiwi ako sa nakita. “Throw that lollipop, Ophelia. Baka dinilaan 'yan ng lalaking bumigay sa 'yo.” Masyado kasing mabait si Ophelia, siguro kahit lason tatanggapin n'ya.

Napatingin s'ya sa lollipop na dinilaan na n'ya. “Bigay sa 'kin 'to, eh. At masarap naman.” Ngumiti pa s'ya sa 'kin at napahagikgik na lang sa 'king harapan.

'Di ko na lang maiwasang kurutin s'ya sa pisngi sa sobrang cute n'ya. Napaaray naman s'ya pero kalaunan ay natawa na lang kami.

Noon iniisip ko na hindi ako deserve na maging kaibigan ni Ophelia, masyado s'yang mabait at ako naman ay masyadong masama. Magkaiba kami ng ugali at gusto pero kahit gano'n, hindi kami nag-away sa kung ano man.

Siguro tampuhan lang o inisan pero kung alam kong pupunta kami sa stage na awayan ay ako na kaagad ang humihingi ng sorry, kadalasan naman kasi ako 'yong nauuna kaya bagay lang sa 'kin na ako magsorry.

Kaunti lang ang estudyante rito sa room namin, kahit uwian na ay nagpaiwan sila para gawin ang natitirang gawain nila sa school. Masyadong maraming pinaggagawa ang teacher namin kaya ayan nangyari.

Ilang minuto kaming nagku-kuwentuhan ni Ophelia hanggang sa makita kong pumasok si Morven. Kumaway s'ya na kaagad kong tinugunan.

Napatingin ako kay Ophelia. “Nand'yan na ang lalaki ko.” Tumayo ako at inilahad sa kan'yang harapan ang kamay ko.

Agad naman n'yang tinanggap, napatingin s'ya sa kay Morven. “Another boytoy na naman, Eden?” 'di makapaniwalang tanong n'ya sa 'kin bago ako tinignan ng nakakunot-noo.

Natawa na lang ako at inakbayan s'ya. Agad ko s'yang hinila papalapit kay Morven na nakapamulsa, mukhang kagagaling sa training pa rin ang lalaking 'to dahil sa pawisan ang kan'yang katawan.

“Your friend?” tanong ni Morven at napatingin pa kay Ophelia.

Tumango ako. “Yes.”

Kumaway si Ophelia kay Morven kahit nasa malapitan lamang kami. “Hi! I'm Ophelia,” ngiting pakilala n'ya kay Morven.

Napakurap-kurap naman si Morven at kalaunan ay nag-wave rin sa kan'ya. “I'm Morven, Eden's boyfriend.” Nakangiti pa s'ya habang feel na feel ang pagbanggit n'ya ng boyfriend.

Inikutan ko s'ya ng mata saka binalingan si Ophelia. “'Wag 'kang maniwala d'yan, tara na nga at iuuwi ko pa si Ophelia. Ayaw kong maging third wheel s'ya sa date natin.”

Natawa naman si Ophelia at lumingkis sa 'king braso na palagi n'yang ginagawa. “Feeling ko tuloy lesbian ka na.” Napahagikgik naman s'ya habang ako ay hindi makapaniwalang nakatingin dito.

“Gosh, Ophelia! Sa gandang 'to?” Tinuro ko ang aking mukha. “Iiyak ang mga lalaki kapag naging lesbian ako.”

Kahit si Morven ay natawa na rin. Nagtaka naman ako nang bitawan ako ni Ophelia nang lumabas kami sa classroom.

Napakamot s'ya sa pisngi. “May gagawin pa pala ako, Eden. Kayo na lang dalawa mauna.”

Kahit gusto ko s'yang tanungin ay hindi ko nagawa, baka nagmamadali 'to, I'll just ask her later kapag nakauwi na ako.

“Becareful, text me later, okay?” Habol ko pa sa kan'ya habang s'ya ay nagmamadaling malakad papalayo sa 'min.

Nag-okay sign naman s'ya nang lumingon bago dumiretso sa paglalakad.

Saglit akong napatingin sa dinaanan ni Ophelia at nang makitang wala na s'ya sa paningin ko ay nilingon ko si Morven.

Napataas ang kilay ko nang mahuling nakangiti s'ya sa 'kin, akala ko pa naman type n'ya si Ophelia mukhang totoo ang sinabi n'ya no'ng nakaraan.

“Hindi ko ma-imagine na gano'n ka pala ka-sweet sa friend mo.” Napatingin pa s'ya sa dinaanan kanina ni Ophelia. “Siguro special sa 'yo ang kaibigan mong iyon.”

Tumango naman ako at 'di pinakitang proud ako. “Of course she's my friend. Talagang maalaga ako sa kaibigan ko,” usal ko.

Napatingin ulit s'ya sa 'kin bago ako ngisian na ikinatawa ko ng mahina. 'Di ko alam kung bakit natatawa ako.

“Eh, bakit sa boytoy mo hindi ka sweet?” tanong n'ya at hindi pa rin inaalis ang ngisi sa kan'yang labi.

Hinampas ko s'ya sa braso na kaagad n'yang inalayo. “Sweet din ako 'no! Just wait and see.” At ako naman ngayon ang ngumisi sa kan'ya.

Napakrus ang kan'yang kamay sa bandang harapan ng dibdib n'ya at para 'bang hinahamon n'ya ako. “Then, dapat maging sweet ka sa 'kin simula ngayon.”


~•~•~•~•~•

“Anong gusto mong bilhin?”

Mabilis na lumingon ako kay Morven na sa aking tabi. “Bibilhan mo ba ako kahit ano?” tanong ko, baka mamaya ay pinagloloko lang ako.

Ngumiti s'ya saka napatango. “Oo naman, I'm your sugar daddy, right?” natatawa n'yang sambit dahilan para matawa rin ako.

Napaisip naman ako kung ano ang gusto kong bilhin. Halos madami rin palang dress and shoes ako sa bahay at lahat ng iyon ay galing sa first and second boytoy ko, masyado nila akong spoiled.

Pero minsan nanghihinayang din ako sa binigay nila, kahit gusto kong bayaran ang kanilang pinamili ay ayaw naman nilang tanggapin. Mahal daw nila ako, tsk. Kalokohan.

“Teddy bear na lang siguro,” suwestiyon ko sa kan'ya na kaagad naman n'yang ikinatango.

“Then we'll buy a teddy bear.” Ngumiti ulit s'ya, hinawakan n'ya ang kamay ko at bahagyang hinila sa mga stuff toy shop.

Nandito kami ngayon sa Mall at dahil may natitira pa naman kaming oras para makapagpasyal ay dito namin naisipang pumunta.

Nakapasok na kami sa shop.

“How about your job? Anong day ka nagtatarbaho bilang cashier?” tanong ko sa kan'ya habang inilibot ang aking paningin sa mga nakahilerang teddy bear at iba 'pang stuff toys.

Pinisil n'ya ang kamay kong hawak n'ya, napatingin ako roon. Kanina pa pala kami magkahawak kamay.

“Sa tuwing Sabado at Linggo lang, may allowance pa namang binibigay sa 'kin ang magulang ko kaya okay lang kahit dalawang beses sa isang linggo ako magtarbaho,” sagot n'ya.

Napatango naman ako. I like independent guy pa naman, pero sayang dahil hindi s'ya pwede sa 'kin.

Pumunta kami banda sa naglalakihang teddy bear. Kinuha n'ya ang pinakamalaki na agad ding ikinalaki ng mata ko nang ilahad n'ya ito sa 'kin.

Sumilip s'ya banda sa kanan para makita ako. “Do you want this?” tanong n'ya saka inilapag na lamang ang teddy bear sa sahig.

Hinahawakan ko iyon at hinimas-himas. Gusto ko sana kaso sobrang laki naman.

“'Yong medyo maliit lang sana rito.” Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. “Masyadong mahal at saka baka maubos ang pera mo.”

'Di naman ako gano'n kasama pagdating sa bayaran ng gastusin sa 'kin. Pinag-ipunan n'ya ang pera tapos ibibigay lang sa 'kin? Hindi naman n'ya ako girlfriend.

Umiling s'ya. “Kaya kong bilhin sa 'yo 'to.” Pagmamayabang n'ya. “Sige bibilhan na lang kita ng mas maganda pa rito.”

Napasunod na lamang ako sa kan'ya nang tumango s'ya 'di kalayuan sa kinaroroonan ko. Napalingon ito sa 'kin.

“Pili ka lang d'yan, Eden.”

Tumango naman ako at gaya nga sa sinabi n'ya naghanap din akong mapipilian.

Habang patingin-tingin ako sa bawat sulok ng naghihelang teddy bear ay nabangga ko sa taong nakasalubong ko.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkabangga ko, napaatras ng dalawang hakbang. Gulat naman ang mga mata ko at akmang matutumba na sana ako nang biglang sinalo ako nito.

Dahil sa pagkabigla ko ay napahawak ako sa kan'yang leeg bilang suporta. Nanlaki pa rin ang mata kong nakatangin sa lalaking sumalo sa 'kin.

This guy again?!



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro