CHAPTER 05
EDEN SAINE FLORIDA
“Ayos lang ba sa 'yong nandito tayo?”
Tinaas ko ang kilay at saka napatango ng marahan. “Ayos nga lang di'ba? Don't worry about me 'cause I'm already used to this.” Kanina pa kasi s'ya ng tanong ng tanong.
Napakamot s'ya sandali sa kan'yang batok. “Okay, hindi kasi halata sa 'yo na ayos lang umupo sa damuhan.” Puna n'ya, natawa na lang ako.
Uminom muna ako ng buko juice na nasa cup bago inalis sa bibig ko. “Gusto ko kayang umupo sa damuhan, basta hindi lang marumi,” sambit ko.
Itinukod n'ya ang kan'yang kamay sa lupa habang papalapit naman sa aking mukha ang kan'yang itsura. Kaagad kong tinulak ang mukha nito, masyadong mabilis din, eh.
Natawa s'ya. “May ibubulong lang ako!” katuwiran n'ya at inulit ulit ang kan'yang ginawa, ngayon ay hinayaan ko s'ya.
“May nakatingin sa 'tin at sa tingin ko ay kasama mo ito kahapon sa Mall,” mahina n'yang bulong at ninguso banda sa gilid namin ang tinutukoy n'ya.
Napatingin naman ako sa tinutukoy n'ya at gano'n na lang ang gulat kong nakatingin kay Hemen. Blangko ang mukha nito at sa tingin ko ay makakapatay na s'ya sa tingin pa lamang.
Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang maikli kong palda. Habang papalapit ako sa kan'ya ay ang pagsunod naman n'ya ng tingin sa 'kin.
“Hey,” normal kong bati sa kan'ya.
Inalis n'ya ang kan'yang tingin sa 'kin bago binalingan si Morven na nakatayo na pala sa kinaroroonan namin kanina.
“Sino s'ya?” kalmado n'yang tanong sa 'kin.
Inayos ko naman ang buhok ko, napahigpit ang kapit ko sa cup ng buko juice. “He's my third boytoy,” simpleng tugon ko dahilan para 'di s'ya makapaniwalang nakatingin sa 'kin.
“Your what?” Sumama ang tingin n'ya bago pinukulan ng matalim na tingin si Morven na inosente namang patingin-tingin sa tabi, buti na lang ay hindi s'ya lumapit.
“Boytoy nga!” pasinghal kong sambit sa kan'ya, napameywang ako sa kan'yang harapan.
Napakurap-kurap ang kan'yang mata at tila naguguluhan pa. “I t-thought hindi ka na hahanap pa ng iba...” mahina n'yang sambit pero may bahid na sakit sa boses.
Naaawa naman ako pero hindi na mababago ang plano ko. Minsan kaya nilang magpanggap na mahal ka nila but at the end of the day, iiwan ka naman. I won't let that happen.
“Bago mo pa naman tinanggap na maging boytoy ko, alam mo naman na hindi ako nakukuntento sa isa.” Bored ko s'yang tinignan. “From now on, you are no longer my boytoy.” huling sinambit ko bago tumalikod.
Aalis na sana ako pero kaagad akong napatigil sa kinatatayuan ko nang yakapin n'ya ako mula sa likuran.
“What the?!” Nanlaki ang mata ko sa gulat hindi dahil sa niyakap n'ya ako kundi dahil umiyak s'ya, ramdam ko ang pagkabasa ng balikat ko.
“No, please! H-Hindi ko kaya!” Mas humigpit pa ang kan'yang yakap sa 'kin. “H-Hindi na ako maghahangad 'pang maging boyfriend ko pero please... K-Kahit boytoy mo na lang ako habang buhay.”
Napabuntong hininga ako saka kinalas kan'yang braso na nanghihina na at nagtagumpay naman ako.
Hinarap ko s'ya at pinunasan ang kan'yang luha na hinayaan naman n'ya akong gawin iyon.
“You deserve better, Hemen. Somone not like me, okay? Kahit naman anong gawin kong ipilit na mahalin ka, hindi ko kaya,” paglilinaw ko sa kan'ya. “I don't want you to be my boytoy anymore. Masyado 'kang mabait at gentleman para sa kagaya ko.”
Mas lalong rumagasa ang kan'yang luha sa mata habang nagsusumamong nakatingin sa 'kin. Hold yourself, Eden. Hindi s'ya para sa 'yo and you already feel that.
“B-But I love you...” Sinubukan n'ya akong abutin pero humakbang ako paatras na ikinatigil din n'ya.
Umiling ako rito. “I don't believe in love, Hemen. You know that I hate about love,” seryoso kong sambit saka s'ya tumalikuran do'n.
Tinawag pa n'ya ako pero 'di ko na s'ya nilingon pa. Hangga't maaari ay dapat hindi na s'ya mapalapit sa 'kin. Tapos na ang role n'ya bilang boytoy ko at hindi ko na hahayaan 'pang pumasok sa buhay ko.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko. Napatawa na lang ako sa sarili. Hindi ako umiyak dahil sa kan'ya, hindi ko lang inaasahang dadating sa punto na maiisip ko pa pala ang taong una kong minahal.
Sa tuwing pinag-uusapan ang tungkol sa 'i love you' thingy, umiiyak ako, may tao akong naalala sa tuwing naririnig ko iyon. Gusto kong matawa at maiyak kapag pinag-uusapan ang tungkol sa pagmamahal.
The most funny thing is, naranasan ko ng magmahal pero laro lang pala iyon lahat. He said he loves me and I said I love him too. Then after weeks, he said it was just a game and then i begged.
Oo, nagmakaawa akong mamahalin din n'ya ako pero ni katiting awa sa kan'yang mukha ay wala akong nakita. Sabi nga n'ya laro lang lahat di'ba?
Kaya gusto kong maranasan ng mga lalaki na magmakaawa. Sorry na lang dahil binakod ko na ang puso ko.
Napabuga ako ng hininga at pasimpleng pinunasan ang pisngi kong may luha. Ngumiti ako kay Morven na nag-aalala namang nakatingin sa 'kin.
“What happened?” tanong n'ya at kaagad akong dinalo.
Umiling ako. “Wala naman. Pinatigil ko na s'ya sa pagiging boytoy,” sagot ko na ikinagulat n'ya.
“B-Boytoy? Ilang boytoy ba meron ka?” Napanganga pa ang kan'yang bibig dahil sa 'di makapaniwala.
Tumawa ako. “As of now, tatlo pa lang at ikaw ang pangatlo ” Tinuro ko s'ya. “Ready your heart 'cause I won't catch you if you fall.”
Ngumiti s'ya. “Kahit naman hindi mo ako saluin, hahayaan ko namang mahulog sa 'yo.”
Napaikot ang mata ko ulit. Kapag talaga corny o nakakainis na salita ay napapaikot talaga ako ng mata. I can't help it.
“Corny mo,” mariin kong sambit at tumalikuran s'ya, kaagad naman s'yang sumunod sa 'kin at inakbayan ako.
“Where are we going?” tanong n'ya habang papasok kami sa building.
“Babalik na ako sa klase.” Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya, mataas pala 'to. “At ikaw mismo ang maghahatid sa 'kin.”
Tumango naman s'ya. “'Cause I'm your boyfriend!”
Siniko s'ya dahilan para matawa ulit ito. Pansin ko lang na masyado s'yang masaya. “Boytoy,” pagtatama ko.
Gaya nga sa sinabi ko ay hinatid n'ya ako sa harapan ng classroom. Napaharap ako sa kan'ya at kinuha sa kan'ya ang bag kong nakasabit sa kan'yang kaliwang balikat.
“Thank you,” pasasalamat ko at ngitian s'ya ng matamis.
Napakamot naman s'ya sa batok at tila nagpapa-impress pa sa 'kin. “Wala 'yon. I-Ihahatid pa ba kita mamaya sa inyong bahay?”
Tumango ako ng mabilis. “Yes, please!” Napahagikgik ako, syempre dapat maging anghel ako sa kan'yang harapan.
Naalala ko tuloy si Hemen, he usually taking me home kapag papauwi kami. Mamimiss ko tuloy ang pagspo-spoil n'ya sa 'kin.
Ilang segundo lamang kaming nag-usap bago nagpasyahan n'yang bumalik sa basketball court, nagtataka tuloy ako kung umaattend pa ba s'ya ng klase.
Pumasok na ako sa classroom ko at kaagad umupo sa tabi ni Ophelia. Pansin ko ang pagngiti nito sa kawalan kaya naman sinundot ko ang kan'yang tagiliran.
Napaigtad s'ya sa 'king ginawa at malalakas na tawa ang pinakawalan ko. “Someone is falling in love,” pakanta kong sambit na ikinapula ng kan'yang mukha.
“W-What?”
“Choose someone who can make you happy.” Ngumiti ako sa kan'ya. “At kung sino man ang iniisip ko ngayon ay dapat pag-alaran mo na kung ano ang pag-uugali n'ya.”
Kahit ayaw kong magka-boyfriend si Ophelia, hindi ko kayang pigilan s'ya sa gusto n'ya. I'm not her mother but if ever na may nase-sense akong kakaiba sa pipiliin n'ya ay gagawa ako ng paraan para hindi s'ya masaktan. She's too precious para lang saktan ng lalaki.
Nirekomenda ko naman sa kan'ya ang ilang basketball player na nakilala ko dahil bukod sa gwapo, mayaman din. Masyado s'yang maganda para sa pangit na tao.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro