CHAPTER 03
EDEN SAINE FLORIDA
Napaiwas ang tingin ko sa matabang lalaki at napaangat ng tingin kay Hemen na kakarating lamang.
Umupo s'ya sa tabi ko at inilapag ang nagdadamihang kanin at manok, halos paa at pakpak pa ang iba. Napanganga na lang ako sa dami.
“T-Tayong dalawa lang naman ang kakain, ah?” Napatingin ako sa nakangiti n'yang mukha. “Balak mo 'bang maging mataba?”
“You should eat a lot. Pumapayat ka na, oh.” Puna n'ya.
Bigla tuloy ako napatingin sa lalaking mataba na nasa unahan lamang namin at bahagya pa akong nagulat, habang kumakain ito ng marahan ay nakatingin ito sa 'kin. Agad naman s'yang napaiwas ng tingin nang makitang nakatingin ako.
Napabaling ang tingin ko kay Hemen nang hawakan n'ya ang baba ko saka pinaharap sa kan'ya.
“Don't look at him,” mahina n'yang sambit na bahagyang tumama ang kan'yang hininga sa 'king pisngi.
“Hindi naman ako totally tumingin sa kan'ya 'no,” usal ko saka inalis ang kan'yang kamay sa 'kong baba at pinakita sa kan'ya ang pagkain.
Seryoso naman n'ya akong tinignan dahilan para magtaka ako. “What?”
“He's ugly, okay? Gusto mo pumatol sa kan'ya?” Tinuro pa n'ya ang matabang lalaki na kanina pa patingin-tingin sa 'min. Ano tinitignan-tignan n'ya sa 'kin?!
Napaikot na lang ako ng mata dahil sa kan'yang sinabi. “Alalahanin mong hindi tayo nakapasok sa isang relasyon,” binagalan ko pa ang pagsambit ng relasyon.
Napakurap-kurap ang kan'yang mata sa sinabi ko at para 'bang natauhan na hindi n'ya dapat ako dinidikta. Kaya nga ayaw kong magka-boyfriend.
“I-I thought you really l-like me?” utal n'yang sambit, lumamlam ang kan'yang ekspresyon.
Iniwaksi ko ang aking kamay sa ere. “I thought payag ka sa ganitong set-up? Kung naghahanap ka ng karelasyon, hindi ako iyon. Pwede ka naman umalis sa pagiging boytoy ko,” saad ko at sinimulan ko nang subuan ang kanin saka manok.
Saglit pa s'yang natahimik bago sumabay rin sa 'kin. I know na hindi girl toy ang tingin n'ya sa 'kin at wala na akong masabi 'pang iba kundi thank you na lang. Kahit anong pilit nila sa 'kin na seryosuhin ang relasyon ay hindi ko magawa. I hate commitment.
Gusto kung iparanas sa kanila ang sakit at kung paano sila umiyak sa isang babae. Papaibigin at saka itatapon ko na lang sa tabi na para 'bang wala lang, basura lamang.
Boys will always be boys, hindi nila kayang maging men/man. They just want to play the girls feelings at kapag nakuha na nila ang kanilang gusto ay itatapon na lang, kaya nga binabawi ko na sa kanila.
I just remembered my Dad, may anak s'ya sa labas at ang nakakatawa lang ay hanggang ngayon binabalik-balikan n'ya ang babae. Mahal naman n'ya si Mama kaya mas pinili n'ya kami, pinili n'yang magkaroon ako ng masagaang buhay dahil ako ang tunay n'yang anak.
Pero nagbago yata ang ihip ng hangin simula no'ng mamatay si Mama. Baliwala na lang ako palagi at puro sermon lang natatanggap ko. Mas maraming oras pa ang nilakaran n'ya sa bago n'ya kaysa sa anak.
Kaya nga binubuntong ko ang aking galit sa pagkakaroon ng boytoy, ipaparamdam ko sa kanila ang magkaroon ng kahati sa isang relasyon.
Hindi ako iiyak. I'm a Queen, right? Kaya ko ang lahat kahit wala s'ya, kahit lahat ng lalaki rito ay kamuhian ako.
'Di ko alam kung bakit napasulyap pa ako sa matabang lalaki kanina na nakita ko. Nagtaka naman ako kung bakit mas malapit na s'ya sa kinaroroonan namin, at ngayon ay halo-halo naman ang kan'yang tinitira.
Actually, kung titignan ng mabuti chubby lang talaga s'ya. I think kaya pa naman n'yang pumayat basta bawas-bawas na lang n'ya ang kumain ng marami.
Kaagad akong napailing sa 'king isipan. Bakit parang concern pa ako sa matabang 'to? Nevermind.
Mabilis kong tinapos ang kinakain ko at binalingan si Hemen na tahimik din na kumakain. Nalungkot naman ako dahil sa itsura n'ya.
Pinunasan ko ang ketchup sa kan'yang gilid ng labi, napatingin s'ya sa 'kin. Ngitian ko lamang s'ya kahit sa loob-looban ko ay nasaktan din ako sa sinabi ko sa kan'ya. Inalis ko ang aking kamay.
Kahit anong pilit ko naman ay hindi ko s'ya magugustuhan. At saka kakasabi ko lang na ayaw ko sa relasyon at gusto kong iparanas sa kanila ang sakit.
Kahit gustong maawa ay 'wag na lang, minsan lolokohin lang tayo ng puso tapos sa huli pala ang pagsisisi, uunahin ko na sila.
Napatingin ako sa pagkain na hindi pa maubos-ubos. “Paano 'to? Hindi natin kayang ubusin 'yan, Hemen.”
Tumikhim muna s'ya bago ngumiti, parang bumalik ulit ang kasiyahan sa kan'yang mukha. “Ibibigay ko na lang sa mga batang kalye,” mungkahi n'ya.
Isa sa mga nagustuhan ko sa kan'ya is 'yong pagiging mabait sa mga bata. Even I don't like kids, ang sarap pa rin pala tignan kapag lalaki ang maalaga. Wishing that someday, kapag nahanap ko na 'yong lalaki na para sa 'kin ay pipiliin ko na maalaga sa bata.
Natawa na lang ako sa sarili ko. Sinong lalaki ang magkakagusto sa 'kin sa kabila ng lahat? I love playing mens feelings, at saka magsasawa rin sila sa 'kin, walang tatagal sa isang babae lang.
Gaya nga sa sinabi n'ya ay ibibigay namin sa mga batang kalye. Bago kami lumabas ng Mang Inasal ay saglit pa akong lumingon sa matabang lalaki. Wala na s'ya roon.
“Let's go?” Inilahad ni Hemen ang kan'yang kamay sa 'king harapan na kaagad ko namang tinanggap.
Sabay kaming naglakad hanggang sa makarating sa labas ng Mall, paglabas pa lang namin ay kaagad naming nadatnan ang mga batang kalye nakaupo sa gilid ng semento.
“Hey kids!” tawag ni Hemen na kaagad na ikinatayo ng mga bata at masayang lumapit sa kan'ya.
Napahinto na lang ako sa likuran banda ni Hemen at sinilip na lamang sila. Kahit naman masama ang ugali ko hindi ko kayang maging masama sa kanilang harapan. I can see myself to them.
Nabigla naman ako nang maramdamang may kumakalabit sa 'king likuran. Lumingon ako rito at nakitang nakangiti ang batang lalaki na hula ko ay nasa anim na taong gulang.
Kahit 'di ko alam kung anong sasabihin ko ay ngitian ko lamang s'ya. Sinenyasan n'ya akong lumuhod na kaagad ko namang ginawa.
“Hey,” mahina kong usal sa kan'ya.
'Di s'ya nagsalita at binigay lamang sa 'kin ang mahabang chocolate na sa tingin ko ay isa sa mamahaling presyo. Gulat naman akong napatingin sa kan'ya.
“S-Saan mo 'to nakuha?” Baka kinuha n'ya lang 'to, aba makakasuhan ng wala sa oras ang batang 'to.
“May nagbigay lang, Ate. Sabi n'ya ibigay ko raw sa babaeng naka-purple dress,” mahina n'yang sambit.
Bago ko pa s'ya tanungin kung sino nagpabigay ay kaagad s'yang kumaripas ng takbo papaalis. Napatayo ako at akmang hahabulin s'ya nang tinawag na ako ni Hemen.
“Tara na, babe. May klase pa tayo bukas,” yaya n'ya para makauwi na kami.
Saglit akong napatingin sa dinaanan ng bata, napabuntong hininga na lang ako at tumango kay Hemen. Sumunod ako sa kan'ya hanggang sa makarating kami sa kan'yang kotse.
Inalalayan n'ya akong pumasok sa passenger seat kahit kaya ko naman, napangisi na lang ako nang kumindat s'ya. Tumungo naman s'ya sa driver seat at sinimulang paandarin ang kotse.
“I hope hindi na ito matatapos,” makahulugang sambit n'ya bago pinausad ang kotse.
Napataas naman ang isa kong kilay dahil sa sinabi n'ya, of course kaya pa naman naming pumunta rito. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakitang may dumaan na motor na kasing bilis ni flash, nagmamadali yata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro