Chapter 9
^dedicated to cyrenepark kasi nakakaaliw yung mga reactions niya sa bawat lines ng update ko XD
***
Chapter 9
[Timi’s POV]
“Oh Timi, what’s wrong with you? Bakit ka naka-busangot diyan?” tanong sa akin ni Geo pagka-pasok na pagka-pasok nila sa Music Room.
“Binasted ka na ba ni Ice?” dagdag na tanong naman ni Ayen.
Hindi ko sinagot ang tanong nung dalawa. I just rolled my eyes at them.
Lumapit naman sa kinauupuan ko si Jasper at inakbayan ako. “Hindi si Ice ang pinoproblema niyan kundi si Rika! You know, BFF problems.”
Tinignan ko si Jasper ng masama sabay sapak sa braso niya. Natatawa-tawa naman niya tong hinimas.
“Hahahaha uuuyyy may bago siyang bff!!” mapang-asar nitong sabi.
“Leche! Hindi ko bff ang babaeng yun! Shut up jas por yu!”
“Oo nga pala Timi ano’ng nangyari sa kanya? ‘Di ba nahuli siyang nag cheat at ikaw pa nga napag-bintangan nung una?” tanong ni Geo sa akin.
“No! Hindi nga siya nag cheat! Hahanapin ko talaga ‘yung mga bruhang gumawa nun at papalamunin ko ng test papers!”
Jasper, Ayen and Geo exchange meaningful looks at sabay-sabay pang ngumisi yung tatlo sa akin.
“See? Pinagtatanggol,” sabi ni Jasper.
Lumapit si Ayen sa akin at tinapik ako sa balikat. “I’m so proud of you Timi! May bff ka na!”
“Oo nga!” pag sang-ayon naman ni Geo. “Naku Timi, malapit ka ng mawalan ng time sa amin. For sure mapapadalas ang pagkakaroon niyo ng girl bonding niyan. But we understand.”
“Mga leche! Sabi nang hindi ko nga bff ang duwag na yun! Diyan na nga kayo!”
Tinalikuran ko ang tatlong mokong at dinig na dinig ko pa ang malakas nilang tawanan. Mga hayop talaga ang mga yun. Mamaya na nga ako babalik sa music room na ‘to pag nandito na si Ice. Kayamot kasi ang mga yun lalo na si Jasper. Wala ng ibang ginawa kundi asarin ako!
Pag labas ko ng music room, nakasalubong ko naman si William at bago pa ako makapag hi man lang sa kanya eh may iwinagayway na siyang papel sa mukha ko.
“Timi, look!”
“Ano naman ‘to?” kinuha ko sa kanya yung papel. Isang flyer. May naka drawing na silhouette ng mga babaeng naka gown at sa baba ay nakasulat in bold letters “Mutya ng Subic.”
Tinaasan ko ng kilay si William, “oh eh ano ‘to? Will, alam kong maganda ako pero wala akong planong sumali sa mga beauty pageant na ganyan. Kawawa naman ang ibang mga candidates dahil sure win na ako.”
“Hindi iyon.Pinsan ko ang isa sa organizer ng pageant nay an and they are inviting EndMira para tumugtog sa pageant. But since low budget sila, dalawa lang ang mapapapunta nila.
“Oh? Ano kinalaman ko diyan? Gusto mo ako pumunta ganun? Para ako na lang ang kakanta at isa sa inyo na lang ang tutugtog?”
“Yup! Ganun na nga! Ang talino mo talaga!”
“No. Ayoko! Alam mo namang tamad na tamad ako sa ganyan ‘di ba?! Pumapayag lang ako kung si Ice ang kasama ko---“ napatingin ako bigla kay Will. “W-wait, si Ice ba ang kasama diyan kaya mo ako niyayaya?”
“Yep. ‘Di ba sabi mo tulungan kita? Oh ayan na ang pagkakataon. Ano, aayaw ka pa?”
“Waaaaaaah!” napatalon ako bigla at niyakap ko ng mahigpit si William. “Grabe ka pre! You’re the best! Sabi na hindi mo katulad yung apat na nasa loob eh! Grabe thank you talaga pre!”
“Timi ano ba nasasakal ako!”
“I love you pre!” sabi ko at pinag hahalikan ko ng paulit-ulit ang pisngi ni William. “I love you! I love you! You’re the best!!”
“Uyyy tigilan mo ‘yan!” sabi niya sabay punas ng pisngi niya. “Mamaya makita tayo ni Erin mag selos yun! Selosa pa naman ang baby ko.”
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Will. “Ewan ko sa ‘yo. Bago ka mag gaganyan matuto ka muna pumora sa babae ha?”
“Oo na! oo na! Po-porma ako kay Erin sa mga panahong wala kayo ni Ice. Kaya nga ipinatapon ko kayo sa Subic ‘di ba?”
Napangiti ako kay Will. Sabi na eh perfect partner in crime ang lalaking ‘to! The best! Yun nga lang ayoko talaga kay Erin para sa kanya. He deserved someone better.
Kinagabihan, nag paalam na ako agad kay mommy at daddy na pupunta ako sa Subic. Matapos ng pagka-rami-raming tanong at kung anu-anong seremonyas, pumayag din naman ang dalawa. Buti na lang alam ko ang kiliti ni daddy.
“Pumayag na kayo please? Tsaka ayaw niyo nun, solo niyo ang bahay ng tatlong araw? Mas makakapag bonding kayo!” sabi ko kanina.
“Oo nga ‘no?” sabi ni daddy at nakita ko ang pag ningning ng mata niya. “Babes payagan mo na si Timi. Tsaka EndMira naman ang kasama niya. Hindi mapapahamak ang baby natin.” Umakbay si Daddy kay Mommy, “at habang wala ang baby natin, gusto mo sundan na natin ng isa pang baby si Timi?”
“Heh! Stephen tumigil ka nga!” sabi ni mommy sabay siko sa tyan ni daddy.
“Oww babes masakit! Ang sadista mo talaga!”
Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Ang sarap talaga nila panuorin mag lambingan. Kitang kita ko na mahal na mahal ni daddy si mommy.
Meron pa kayang lalaking nag e-exist na katulad niya?
~*~
“Timi, nag text si Ice, bukas daw, sa Starbucks sa Horizon Mall mag kita. Alam mo na ha?” sabi ni William sa akin sa kabilang linya.
“Oo ako na ang bahala! Uy, talagang walang alam si Ice na ako ang kasama niya ah?”
“Oo. Ang sinabi ko ako ang kasama niya. Basta ikaw na ang bahalang magpalusot sa kanya ah? Ikaw na ang bahala!”
“Aye, aye captain!”
Pinlano na naming lahat ni William. Sinabi ko kasi na wag munang sasabihin kay Ice na ako ang kasama niya. Alam ko kasing mababanggit niya kay Erin yun at baka mamaya eh hindi siya pasamahin ng bitch na babaeng yun. Alam niyo na, threatened na siya masyado sa beauty ko.
Nag-ayos na agad ako ng damit and I make sure na dala-dala ko ang most daring, most seductive, most alluring outfits ko. At nung matapos na ako mag impake, halos hindi ko na maisara ang maleta ko.
“Timi, I thought three days ka lang sa Subic? B’at ang bagahe mo eh pang isang linggo na?” tanong ni mommy habang nakatingin sa mga gamit ko.
“Eh mommy syempre kailangan ko um-outfit ng bongga! Mga beauty queen ang mga nandoon, syempre hindi ako papakabog ‘no!”
Nangingiting napailing na lang si mommy sa akin habang sinasabi niya na manang mana ako sa tatay ko. Ako pa ba?! Mga pamilyang Cruz hindi dapat nagpapa-talbog!
Maaga akong natulog para wala akong pimples pagkagising ko. Kaya lang sa sobrang excitement ko, hindi ako nakatulog agad. At dahil doon, na late ako ng gising.
“Fuck! Mag aantay yung baby ko!!!” sabi ko pagka-tingin ko sa orasan at nang ma-realize kong meron na lang akong less than 20 minutes para mag ayos.
Dali-dali akong naligo. Good thing nakuha ko pang makapag scrub ng katawan at makapag blow dry ng buhok at makapag make-up ng maayos. Kinuha ko agad yung damit na inihanda ko. Isang cute na dress na tinernunhan ko ng high-heeled shoes. Nang matapos na ako mag ayos, I grabbed my things at bumaba na. Sabi ni daddy ihahatid na raw niya ako sa Horizon Mall kung saan nag-aantay ang baby Ice ko.
“Nak, Subic ba ang punta mo o sa airport?” tanong ni daddy habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
“Eh daddy ano ba! Don’t mind my get up! Tara na po kasi ma-l-late na ako!”
“At kelan ka pa nag effort maging on time, anak?”
“Daddy!”
“Oo na, eto na. Aalis na!”
He started the engine.
Nakarating ako sa Starbucks Horizon Mall five minutes bago ang napag usapan naming oras. Sakto naman na nakita ko si Ice na nakaupo doon at umiinom ng kape habang nag babasa ng newspaper. Halos mapamura ako sa itsura niya. Holy stars naman kasi! Ang hot niyang tignan sa kanyang putting polo shirt at pants. At yung seryosong expression niya sa mukha, mas nakakapagpa-gwapo sa kanya!
Nilapitan ko agad si Ice.
“Hi Ice, kanina ka pa?”
Napa-angat ang ulo niya at nag tama ang mga mata namin. Oh my gosh! Those eyes! Those alluring eyes na akala mo eh matutunaw ka sa mga tingin na yun!
“B’at ikaw ang nandito? I thought si William ang kasama ko?”
“Naku may emergency at biglang hindi makakapunta si Will eh. Alam mo naman, dahil isa akong mabuting kaibigan, nag volunteer ako na ako na lang ang pupunta.”
“Ah,” napatingin siya sa mga bagahe ko. “Hindi ka ba na-inform na tatlong araw lang tayo doon?”
“Ha? Ah hehehe. Uhmm na-inform! T-tara na, alis na tayo!”
“Ok.”
Itiniklop ni Ice ang binabasa niyang dyaryo at kinuha ang gamit niya---which is isa lang malaking back pack.
Naglakad na siya palabas at sinundan na lang siya. Buong akala ko eh pupunta kami sa parking lot para sumakay sa kotse niya kaya lang nagulat ako ng makita kong paakyat kami sa MRT na naka-connect sa mall na ‘to.
“Ahm Ice? Where’s your car? At b’at tayo paakyat sa MRT station?”
“I didn’t bring my car with me. Mag MRT na lang tayo papunta sa bus station.”
“Bus station?”
“Oo. Why? Hindi ka ba nainform ni Will na mag co-commute lang tayo?”
“H-hindi!”
“Ayaw mo bang mag tren? Ok lang na ako na lang ang pumunta.”
“A-ano ka ba! Okay lang sa akin!” sabi ko sa kanya habang naka ngiti ng malawak pero deep inside eh gusto ko ng patayin si William.
Hayop nay un! Ni hindi man lang ako nainform! Pakshet siya! First time kong makakasakay sa MRT at sa public bus! Shet, nakaka haggard daw yun!
Pagka-rating namin sa tren, ang haba ng pila sa bilihan ng ticket. Ang init init pa. Nararamdaman kong natutunaw ang make-up ko. Nakakayamot! Ano’ng saysay ng pag aayos ko ng bongga kung maha-haggard ako dito sa byahe?! Nakaka bad vibes!
Inabot kami ng siyam siyam sa pag pila pa lang sa pag bili ng ticket. Mas nakakaloka nung umakyat na kami sa platform para mag antay ng tren. Ang daming tao. Siksikan. Samu’t saring amoy ang nalalanghap ng sensitive nose ko. Idagdag mo pang may hatak-hatak akong malaking maleta at naka high-heels ako.
Nung dumating na ang tren, nagtutulakan sa pag pasok ang mga tao. Nadamay pa ako sa tulakan na yun at natulak ako paloob ng tren. Muntikan pa nga ako mahiwalay kay Ice eh buti na lang at nakapasok agad siya.
Mas malala sa loob ng tren. Ang init na, may putok pa ang katabi mo. Napwesto pa ako sa gitna kung saan wala akong mahawakan. Nakaka badtrip na talaga to.
Dahil nga naka-heels ako, halos matumba-tumba ako nung umandar na ang tren. Ang hirap mag balance. Naapakan ko pa yung katabi kong babae.
“Aray naman! Onting ingat naman Miss!” galit na sabi niya sa akin.
“Sorry okay?”
Inirapan niya lang ko.
Kainis!! Ipa-salvage ko kaya ang isang to?!
Biglang nag emergency break ang tren at halos tumilapon ako sa pwesto ko, buti na lang at may mga kamay na humila sa akin.
“Ok ka lang?”
Napalingon ako at bumungad sa akin ang seryoso at gwapong mukha ni Ice.
“Ah oo. Thank you.”
“Alam mo, pwede ka naman kasi sa akin humawak eh.”
Bago pa mag sink in sa utak ko ang sinabi niya at bago ko pa ma-regain ang poise ko, umandar na ulit ang tren at muntik na naman akong matumba. Buti na lang at naalalayan ulit ako ni Ice.
“Come here.”
Ice placed his hand around my waist at inilapit niya ako sa kanya. Bukod sa hindi na ako natutumba eh amoy na amoy ko ang scent ni Ice. Napahawak ako sa dibdib niya. Ang masculine. Ang tigas. Ang hot hot! Tinignan ko ang expression ni Ice. Diresto lang ang tingin niya sa may bintana. Mukhang okay lang sa kanya kaya hindi ko na inalis ang kamay ko sa dibdib niya. Libre chansing!
Nung una isinusumpa ko ang pag sakay namin sa MRT. Pero ngayon ayoko ng bumaba.
Heaven ito!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro