Chapter 5 *Rika Forteza*
Chapter 5
*Rika Forteza*
[Timi’s POV]
“Di mo alam dahil sa yo ako'y di makakain
Di rin makatulog buhat ng iyong lokohin
Kung ako'y muling iibig sana'y di maging katulad mo
Tulad mo na may pusong bato”
“hoy Jasper tigil-tigilan mo nga yang pagkanta niyan! Nakakairita na! paulit ulit ka na eh! Para ka nang sirang plaka!” sigaw ni Ayen kay Jasper
Itinigil ni Jasper ang pagtugtog ng gitara at pagkanta “eh bakit ba?! Ikaw ba broken hearted?! Ikaw ba ang nakaranas ng rejection?! Hindi naman di ba!” =___=
“palibhasa bro hindi ka sanay ma-reject kaya ganun” natatawang sabi ni William “pero isipin mo na lang na hindi lahat ng babae ay kaya mong akitin”
“that’s not true! Sa gwapo kong to imposible talaga na walang maakit saakin! feeling ko pakipot lang yung babaeng yun! Di ba Timi?!” sabi ni Jasper
“hehehehehe ang gwapo mo talaga Ice…” sabi ko naman
“uh-oh.. mukhang napuno na ng yelo ang pagiisip ni Timi” sabi ni Geo atsaka niya ako nilapitan “uy! Tama na ang pag iimagine! Kahapon ka pa niya nginitian! Hanggang ngayon hindi ka parin nakakaget over?” tanong saakin ni Geo
Tinignan ko siya ng masama “eeeehhh bakit ba! Hayaan niyo na ko” nginitian ko si Geo atsaka ko kinurot sa pisngi “ang cute mo talaga Ice!”
Napakamot siya sa ulo “malala na tama ng babaeng to”
“mas malala pa sa tama ni Jasper” pag sangayon ni Ayen
“nakakatakot pala kiligin ang mga babae. No wonder ang daming nabaliw dahil saakin” sabi naman ni Jasper
“kailangan ko na ba tumawag sa mental hospital?” tanong naman ni Will
“heh! Magsitigil kayoooo! Hindi ako nababaliw!” sabi ko sa kanila “nasaan na ba si Ice? Bat ang tagal niyang dumating?” tanong ko sa kanila
Nandito kasi kami ngayon sa music room at nagpa-practice. Magkakaroon kasi ng Aquaintance Party ang mga Junior and Senior students ng Prince Academy at tutugtog ang Endless Miracle sa party na yun. Syempre nakiusap na naman ang mga ito saakin na kung pwedeng kumanta din ako na kahit isang kanta lang. At first ayokong pumayag not unless babayaran nila ako ng sampung libo. Aba syempre! Kailangan ng talent fee no! At first tinatawaran nila ng tinatawaran ang presyo ko. But in the end, napapayag nila akong kumanta ng walang kabayaran ng dahil sa napakatalinong deal ni Ayen saakin.
“o sige doon sa kakantahin mo, ka-duet mo si Ice! Payag ka na ba?” sabi ni Ayen
“ka-duet ko si Ice?”
“oo. Ayaw mo pa? sige hahanap na lang kami ng iba..”
“w-wait! Sige deal! Kahit hindi niyo na ko bayaran! Deal ako”
At ayan ang dahilan kung bakit makikipractice ako sa kanila ngayon. Mehehehe ka-duet ko si Ice! At kakantahin ulit namin yung Everything has change! I’m so excited! Mehehehehehehe.
Pero nasaan na ba yung lalaking yun?! Hanggang ngayon hindi pa dumadating. =___=
“baka nasa cafeteria nagmemeryenda pa. Puntahan mo na kaya?” sabi saakin ni Geo
“sige susunduin ko na ang asawa ko! Babush!” lumabas muna ko sa music room at pumunta sa cafeteria para tignan kung nandun si Ice.
Pagka ba pinuntahan ko siya ngingitian ba niya ulit ako? Ahehehehe. Grabity! Ngiti pa lang niya kinikilig na ako. Eh paano pa kung mainlove siya saakin? edi heaven na?! bat ba kasi ang gwapo ng lalaking yan eh!
Nang makarating ako sa cafeteria, inikot ko ang paningin ko para hanapin si Ice. Agad ko naman siyang nakita. Lalapitan ko na sana siya kaya lang napansin kong may kasama siya kaya napahinto ako bigla.
He’s with Erin.
“make sure na kakainin mo yung food na binili ko ha? Don’t starve yourself please” sabi ni Ice kay Erin
“opo! Opo! You worry too much Ice. Sige na uuwi na ako. Punta ka na sa practice niyo..”
“okay..”
Tumalikod na si Erin at mukhang aalis na kaya lang nagulat ako ng biglang hawakan ni Ice ang kamay niya kaya napalingon ulit si Erin sa kanya.
“bakit Ice?” tanong niya dito…
“I love you…” sabi ni Ice dito atsaka niya binigyan ng isang magandang ngiti si Erin..
Isang ngiti na kahit kanino, hindi niya ipinapakita…
Napatalikod ako bigla at naglakad papalabas ng cafeteria.
Nag I love you siya kay Erin…
Ibig sabihin ba nito sila na? ibig sabihin ba nito…..
.........wala na kong pag-asang landiin si Ice?!
OH HINDE!!!!
[Rika’s POV]
*sigh*
Ibinaba ko yung librong binabasa ko. Nandito ako ngayon sa coffee shop na katabi ng school namin at nag re-review para sa long quiz sa Chemistry bukas kaya lang hindi ko makuhang makapag concentrate sa inaaral ko dahil nadi-distract ako sa mga iniisip ko.
Halos dalawang Linggo narin ang nakalipas simula nung ipagtanggol ako ni Timi doon sa tatlong babaeng nam-bully saakin. Pero sa loob ng halos dalawang Linggo, hindi ako kinakausap ni Timi na para bang hindi ako nag-eexist. Pero kung sabagay, hindi ko rin naman siya nilalapitan nun kahit na ilang beses ko ng binalak na kausapin siya.
Pero kahit ganun pa man, ayaw parin mawala sa isip ko lahat ng sinabi saakin ni Timi.
“Ganyan ka ba talaga ka-bait? O sadyang isa ka lang dakilang tanga?”
“yes maybe it’s their fault because they took you for granted… pero naisip mo ba na kasalanan mo rin kasi hinayaan mo silang maging ganyan sa iyo?”
Napabuntong hininga ulit ako. Her words are like knives who wounded up my heart but still..
..still hindi ko magawang magalit sa mga sinabi niya dahil lahat ng yun ay totoo. At siya lang ang nagiisang taong nagsabi saakin ng ganun.
Sa loob ng dalawang Linggo, nagmistulang stalker ako ni Timi. Tinitignan ko siya habang masaya siyang nakikipagusap at nakikipag tawanan sa mga kaibigan niya. Nung mga panahon na yun, hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkainggit sa kanya. Alam kong madaming tao ang hinuhusgahan siya, marami ding naiinis sa kanya. Pero masaya siya. Hindi siya nagpapa-api at kahit ganun, nakahanap siya ng mga kaibigan.
Pero ako? Siguro ako nga lang ata ang may alam na nag eexist ako sa mundong to. Marunong naman siguro ako makisama. Wala naman akong ginagawang mali sa kapwa ko.
Pero bakit palagi akong mag-isa? Bakit wala ni-isa ang lumingon saakin at i-offer ang kamay nila para makipag-kaibigan?
“miss tubig oh..”
Na-distract ako sa iniisip ko ng biglang may maglapag ng tubig sa table ko.
Napatingin ako doon sa papercup at nakita ko na may naka-drawing na smiling face dito at may nakasulat na ‘mas maganda ka kapag nakangiti’
Napaangat ang ulo ko at nakita kong may nakatayong barista sa harap ko at nakangiti saakin. At first hindi ko agad siya namukaan dahil medyo natatakpan ng cap niya ang mukha niya pero nung marealize ko kung sino to.. nanlaki ang mata ko.
“K-k-kite A-arceo?”
Nginitian niya ako “hi! We’re classmates right? Bat naman parang seryosong seryoso ka diyan?”
“a-ahmm. A-ano…”
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Si Kite Arceo, siya yung sikat na sikat na transfer student sa section namin. Halos lahat na ata ng babae eh nainlove sa kagwapuhan niya. At dahil din sa kanya kaya ako na-bully nung nakaraang Linggo. Nung first day niya, kasama niya dapat ako nun kumain ng lunch kaya lang nakita agad siya nung tatlong babaeng taga kabilang section at hinatak nila ito papalayo saakin. At kahit na nahatak nila si Kite nun, sa hindi malamang kadahilanan, nainis parin sila saakin. Ni hindi ko nga siya halos nakausap ng panahon na yun eh.
“sorry.. nag rereview ka ba? Am I bothering you?” sabi niya saakin
“h-hindi.. o-okay lang..”
“ayun sakto! Break ko na kasi so pwede ba akong makiupo dito?”
I nod then ibinalik ko na yung mga mata ko sa notes na binabasa ko pero mas lalo akong hindi makapag concentrate. Siguro sa takot na rin na baka may makakita saaking kasama ko si Kite at magalit na naman sila at baka kung ano na ang magawa nila saakin.
“dito ka ba usually nag-rereview?” tanong ni Kita “bakit hindi sa Library? Mas comfortable ka ba dito?”
Napaangat ang ulo ko sa kanya
“s-sorry.. ang dami ko bang tanong?” sabi niya at nginitian niya ako “actually alam mo ba na coffe shop ang pinaka paborito kong lugar na pinupuntahan pag gusto kong mag relax? Napaka peaceful and relaxing kasi ng ambiance dito. Isa pa, yung aroma ng coffee ang isa pang bagay na nakakapag-relax saakin. Kaya nga ito nag part time job ako dito bilang barista eh…”
Hindi ako umimik pero patuloy ko lang siya tinignan
“pero don’t get me wrong! My parents can afford the tuition fee in Prince Academy. It’s just that aside sa mga natututunan natin sa school, may iba pa akong gustong ma-experience kaya naman kumukuha ako ng part time job”
“. . . . . . .”
“hehe ang daldal ko ba? Sorry. Sige mag review ka na..”
“a-ahmm.. s-sorry.. h-hindi lang ako sanay makipag kwentuhan..”
“huh? Bakit naman?”
“k-kasi..” iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya “k-kailangan ko na umalis..”
“bakit?”
“u-uhmm kailangan ko na umuwi..”
Agad kong iniligpit yung mga gamit ko sa table and without looking at him, dali-dali na akong naglakad papalabas ng coffee shop.
“wait!” naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya naman napahinto ako sa paglalakad “naiwan mo yung ballpen mo..” sabi ni Kite saakin
Kinuha ko yung ballpen sa kamay niya “s-salamat..” and again tumalikod na ako at naglakad papalayo
“ingat ka sa paguwi, Rika!”
Napahinto ako bigla sa paglalakad at napalingon kay Kite.
He’s smiling at me. Nag wave lang siya at tumalikod narin pabalik sa coffee shop.
He called me by my first name… napakadalang ko lang marinig sa tao na tawagin ako sa pangalan ko.
And i don’t know why pero…
… I feel perfectly happy…
Naglakad na ako papunta sa parking lot ng Prince Academy. Medyo madilim narin sa school at paunti na ng paunti ang mga tao. Ng makarating ako sa parking lot, nakita ko naman yung driver namin na inaantay na ako.
“Ms. Rika uuwi na po ba tayo?”
“ah opo. Sorry kung napagantay kita manong”
“ay okay lang po yun ma’am!”sabi niya saakin at pinagbuksan ako ng pintuan.
Pasakay na sana ako sa loob ng kotse ng maalala kong naiwan ko pala yung English book ko sa locker ko. Meron nga pala kaming assignment doon ngayon!
“ah wait, may nakalimutan lang ako. Babalik din ako agad” sabi ko doon sa driver namin
“ah ok po ma’am!”
Bumalik ako sa Prince Academy para kuhanin yung naiwan kong libro. Pagka pasok ko doon, almost desserted na yung lugar gawa ng in just a few minutes, mag co-close na ang school. Dali-dali narin akong nagpunta sa locker ko at kinuha yung naiwan kong libro. Nung pabalik na ako, napadaan ako sa teachers’ office at napahinto ako ng may marinig akong bumagsak na gamit mula sa loob.
“magnanakaw?” bulong ko sa sarili ko..
Napailing ako. That’s impossible! Sa higpit ng school na to.. imposibleng may makapasok na magnanakaw.. not unless..
..not unless estudyante ng school na ito ang nagnanakaw.
Hay naku Rika ano ba naman iniisip mo. Lahat ng estudyante dito ay may kaya sa buhay kaya paano sila makakapagnakaw?
I tried to ignore what I’ve heared at naglakad na ko papalayo kaya lang biglang may nagbukas ng pinto ng teachers’ office.
“ayun oh! Finally nakuha na natin ang answer key para sa long quiz bukas!” dinig kong sabi nung isang babae.
Napalingon ako sa kanila at nagulat ako ng makita kong mga kaklase ko yung lumabas sa teachers’ office..
Napatingin sila sa direksyon ko.
“Anne! May tao!” bulong nung isa
Tinignan ako nung Anne “don’t worry hindi yan magsasalita..” sabi niya doon sa mga kasama niya at nilapitan ako “you’re Ms. Invisible right?” tanong niya saakin
“u-uhm..”
“dear, gusto mo bang magkaroon ng tahimik na buhay sa eskwelahang ito?” tanong niya ulit saakin then hinawakan niya ang ilang strands ng buhok ko at pinaikot niya sa kamay niya “let me tell you something. I can make your life a living hell. Pag ikaw nagsalita sa kahit na sino…” she lean on me at binulungan ako “patay ka talaga saakin..”
After that, iniwan na nila ako doon na nakatayo at naginginig sa takot
(to be continued...)
****
A/N : naalala niyo yung sulat na binigay ni Kite kay Timi? next update niyo malalaman yung laman :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro