Chapter 24 [11/1/14]
Chapter 24
[Rika’s POV]
“And we’re here!” masiglang-masigla na sabi ni Kite habang binubuksan niya ang pinto sa isang ice cream parlor na ‘di kalayuan sa school namin.
“This is my secret sanctuary. Tago kasi ang lugar na ‘to kaya hindi rin masyadong ma-tao,” paliwanag naman niya.
“I see. May ganito pa lang ice cream parlor na malapit sa school natin.”
“Yep. Kaya kung gusto mo talaga ng tahimik na lugar para mag aral, much better kung nandito ka. May times kasi na nagiging maingay minsan sa coffee shop eh.”
Nginitian ko lang si Kite habang nag lalakad kami papunta sa isang vacant na table.
Sa totoo lang maingay nga naman sa coffee shop doon sa tabi ng school namin. Ang dami kasing estudyante. And kadalasan, nandoon sila hindi na para mag aral kundi para tumambay at mag kwentuhan. Mahirap nga naman makapag-concentrate.
But I love that place… because Kite is there. Kadalasan napapatitig na lang ako sa kanya habang nag t-trabaho siya o nakikipag-usap sa mga customer. Well, the customers love him---lalo na ‘yung mga girls. Whenever he smile his boyish smile, kita ko ang epekto nito sa mga babae.
Kasi kahit sa akin kakaibang epekto ang nagagawa ng ngiting ‘yun. Nakakainis.
“Rika? Kanina ka pa tulala. Sabi ko ano order mo.”
“H-ha? Ahmm..” dali-dali akong napatingin sa menu sa kamay ko at binanggit ang unang nakita ko. “B-bubblegum ice cream.”
“Okay,” nginitian niya ako atsaka siya lumingon sa server na ngayon ko lang napansin na nasa tabi na namin. “One bubblegum ice cream and one chocolate mint..”
Napa buntong-hininga ako. Hindi dapat ako mawala sa sarili pag kasama ko si Kite. Delikado.
“Now tell me, what is your problem?” tanong ni Kite sa akin na ikinagulat ko naman.
“P-problem? W-wala ah…”
“Hmm,” nagpangalumbaba siya at tinitigan ako habang nakangiti siya.
Anak nang tupang ngiti ‘yan oh. Hindi ba niya alam ang epektong nagagawa niya kada ngingiti siya ng ganyan?!
“Mula kanina pa, puro buntong-hininga ang naririnig ko sa’yo,” sabi niya habang nakangiti pa rin at hindi inaalis sa akin ang tingin.
Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Pinadapo ko sa napkin na nasa table, sa bintana, sa cashier, basta hindi lang sa kanya.
“At iniiwasan mo ako kanina. Isa pa, hindi mo ako matignan ng maayos. What’s wrong Rika?”
Napayuko ako. Paano ko sasagutin ang bagay na ‘yan Kite? Nahuhulog na ako sa’yo kaya ako umiiwas. Ayokong masaktan eh.
Pero kada hahakbang ako palayo sa’yo, ikaw naman itong lumalapit sa akin.
“W-wala ah. B-baka guni-guni mo lang ‘yun,” sabi ko sa kanya.
Kung pwede lang ako mag facepalm ngayon sa harapan ni Kite, ginawa ko na. Napaka walang kwenta ko talagang mag palusot. Halatang huling-huli na ako pero dine-deny ko pa rin.
Andyan na ang lahat ng clues na gusto ko si Kite. At yung mga tingin niya sa akin, alam kong nakakaramdam na rin siya.
Kailangan ko na nga talagang umiwas.
“I see. Ay ayan na pala ang order natin.”
Naka-hinga ako ng maluwag. Akala ko kasi hindi siya maniniwala at ipiplit niya na meron talagang problema. Buti na lang at pinalampas niya ito.
“Nga pala, may ikukwento ako sa’yo. May bago kaming regular customer. Grabe! Ang ganda niya!”
Napa-angat ang tingin ko kay Kite.
“T-talaga?”
“Yep. I think she’s studying in Liberty’s Academy. Yung katabi ng school natin? Her name’s Anna. Nakakwentuhan ko siya kahit papaano. And guess what?” inangat ni Kite ang phone niya habang naka-ngiti sa akin. “I got her number.”
“Really? W-wow…” sagot ko sa kanya habang pilit kong pinapasigla ang boses ko.
Bakit siya bigla-biglang nag kukwento ng ganyan? At bakit sa akin pa? Ano naman kung may pinopormahan siyang babae? Anong paki ko?
Ayokong marinig. Hindi ko kailangan marinig ang mga bagay na ‘yan.
Masakit.
“Pero pansin ko talaga ang daming magagandang babae sa Liberty’s Academy. Sabi na dapat doon na lang kami nag enroll ni Ice eh,” dagdag pa niya sabay tawa.
Yumuko na lang ako at pinilit kong i-focus ang atensyon ko sa ice cream na kinakain ko. Masarap nga siya, pero hindi ko makuhang ma-enjoy.
Great. Just great.
“But anyway, I’m happy in Prince Academy. Nandoon ka kasi…”
Napa-angat bigla ang tingin ko sa kanya, “t-talaga?”
“Yep. At si Timi. Wala na sigurong mas interesting pa na babae bukod sa kanya.”
Boom. Ang sakit.
Napa-hinga ako ng malalim at tinignan ko nang seryoso si Kite.
“Do…do you like Timi?” diretsahan kong tanong sa kanya.
Ine-expect ko na magugulat siya sa tanong ko pero ako ata ang nagulat nang bigla na lang siyang ngumiti.
“Do I like her? Hmmm…” nagpangalumbaba siya at tumingin sa bintana. “Maybe. Yes, maybe I like her…very much.”
Napapikit na lang ako habang ina-absorb ko ang sinabi ni Kite.
Expected naman na ‘yun eh. Halata ko naman sa kanya na gusto niya si Timi. But sometimes, iniisip ko, baka mali ako ng akala. Yung mga bagay kasi na ginagawa niya sa akin, parang ano eh…
Parang ano Rika?
Sabi na, maling-maling-mali na umasa. Sabi na, umpisa pa lang gulo na ang dala ng taong ‘to sa buhay ko.
Sana hindi na lang siya naging mabait sa akin. Sana hindi na lang niya ako nilapitan.
Agad kong inubos ang ice cream na inorder ko at nagpaalam na ako agad kay Kite. Sabi ko sa kanya marami pa akong dapat gawin.
He offered na ihatid ako sa bahay but I refused.
Kung mag mo-move-on ako, siguro ang first step ay umiwas sa mga kind gestures niya.
Para maiwasan ko na rin ang pagbibigay ng ibang meaning dito.
To be continued…
***
Author's Note:
Sorry sa maikling update! May lagnat kasi ako >.< .. Try ko bumawi ng another update tomorrow or sa Monday! :) Happy Halloween/All Saint's Day/ All Soul's Day :)
-- Aly A.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro