Chapter 10
Ice and Timi = #TeamIceTi
Kite and Timi = #TeamKiTi
Tweet me :) @iamAlyloony #TheFallingGame
***
Chapter 10
[Timi’s POV]
“Hello sir Ice Monasterio?” salubong nung babaeng naka summer dress at may gumamela sa tenga pagka-rating namin ni Ice sa resort. Mukhang receptionist siya rito.
“Ah yes.”
“Welcome po! Naku salamat sa pag punta! You’re with Sir William?” tumingin ang babae doon sa likuran ni Ice at mukhang hinahanap si Will.
Nag-lakad ako papalapit sa kanila habang hila-hila ko ang maleta ko sa kanang kamay, at pinupunasan ko naman ng tissue ang mukha ko gamit ang kaliwang kamay. Ang init doon sa bus na sinakyan namin. Naturingang airconditioned bus pero sira ang aircon. Kayamot.
“No. Ako ang kasama niya,” sabi ko doon sa receptionist na halatang-halata na nagpapa cute kay Ice.
“Ah, oh…” para naman nagulat at mukhang disappointed siya nung makita niya ako. Siguro dahil ine-expect niya na si William ang kasama. Mukhang may HD din it okay Will.
“Ahmm, okay, follow me please.”
Dinala niya kami sa pinaka lobby ng reception hall nung resort.
“Take a sit first, ayusin lang po namin ang rooms niyo,” nakangiting sabi nito. Naupo naman kami ni Ice sa sofa.
Thankgoodness naramdaman na rin ng pwet ko ang malambot na sofa. Ang tigas kasi ng upuan sa bus. Ang init-init pa. At ang nakakayamot, nagkahiwalay pa kami ni Ice ng upuan. Akala ko pa naman makaka-chansing ulit ako sa kanya. Nabitin ako sa moment namin sa MRT eh.
Tinignan ko si Ice na busy sa pagkakalikot ng cellphone niya habang may nakapasak na headset sa tenga niya. Sinilip ko ang ginagawa niya at nakita kong nag lalaro siya ng Clumsy Ninja.
Talaga naman! Mas cute ba ang ninja na ‘yan kesa sa akin at pakong-pako ang tingin niya doon? Kinalabit ko si Ice. Irita siyang lumingon sa akin habang naka-kunot ang noo niya at tinaggal ang headset sa tenga niya.
“What?”
“Ano’ng level mo na sa Clumsy Ninja?”
“28,” sagot niya sabay pasak ulit ng headset sa tenga at balik ang mata sa paglalaro.
Aba’t talaga nga namang ini-snob ako?! Napaka-suplao talaga ng isang ‘to!! Pasalamat siya gwapo siya!
Hindi ko siya tinantanan at kinalabit ko ulit. Nilingon niya ako pero this time, hindi na niya inalis ang headset sa tenga niya.
“Ano pala ang kakantahin natin? Hindi tayo nakapag practice eh.”
“Mamaya na natin pag-isipan.”
“Grabe ang tagal naman nung room natin. Asan na kaya yung babae?”
Hindi siya umimik at busy pa rin sa pag-lalaro.
“Alam mo feeling ko type ka nung babae. Nakita mo ang tingin niya sa ‘yo? Para kang tutunawin eh. Iba talaga kamandag mo!”
Hindi pa rin niya ako pinansin. Nakakaubos na ng pasensya ang isang ‘to ah!
Tinikom ko na lang ang bibig ko at mukhang nakikipag usap lang ako sa hangin. May araw ka talaga Ice Monasterio. Itaga mo sa bato, bago tayo umalis sa resort na ‘to, head over heels ka na sa akin!
Maya-maya pa, may lumapit sa amin na isang lalaki na matangkad, maputi, may pagka-chinito ng onti. Siguro ang edad niya ay nasa mid-twenties.
“Mr. Ice and Ms. Stephanie? Hello, I’m Lester, ako yung pinsan ni Geo.”
“Hi po, nice meeting you,” sabi ko at nakipag hand shake ako sa kanya.
“Thank you for accepting our invitation ah? Talagang na-appeciate namin ng husto ‘to.”
“Naku no problem! Para kay Geo..” at para sa kalandian ko.
“Thank you talaga! Pero naku pasensya na ako, medyo nagka problem kasi sa room niyo. Akala kasi namin si William ang pupunta. So isang room lang ang pinrepare namin since akala nga namin, parehong lalaki naman. A while ago, we checked kung pwede pang kumuha ng room but sad to say, fully booked na lahat.”
“What?!” sabay naming sabi ni Ice. Siya, may halong gulat at inis. Ako may halong excitement at saya.
“What the hell? Hindi naman pwedeng mag-sama kami sa isang room!” yamot na sabi ni Ice.
Grabe naman maka-react ‘to, tinalo pa ako! Ako ang babae rito ah?
“Uhmm dalawa po ba ang kama?” tanong ko kay Lester.
“Yes po, dalawa naman po.”
“Okay then, okay na ‘yun para hindi na kayo mahirapan mag hanap.” Lumingon ako kay Ice, “okay lang na magkasama tayo sa room. Hindi naman ako maselan.”
“No. What—“ hinawakan ko ang braso ni Ice at agad na pinutol ang sinasabi niya,
“You don’t need to worry about me! Ikaw talaga! You’re so cuuuuttteeee!”
Ice gave me a ‘what-the-hell-are-you-talking-about’ look. I just smiled at him.
“So mukhang ok na po? I’ll lead you to your room.”
“Sure!”
Masayang-masaya kong sinundan si Lester patungo sa room namin ni Ice. Room namin. Pakshet! Super duper heaven ito!!
~*~
“Hi Timi, nagustuhan mo ba ang munting regalo ko sa ‘yo?” sabi ni William mula sa kabilang linya.
“Oo pre! You’re the best!!!”
“Nasaan pala si Ice?”
“Nasa CR, nag sh-shower,” kinikilig-kilig kong sabi sa kanya.
“Oy mag enjoy ka diyan ah? Galingan mo!”
“Oo naman pre! Ako pa! Thank you talaga Will. Babawi ako next time sa ‘yo.”
“Okay lang, bawing-bawi naman kasi kasama ko si Erin.”
“Wow! Good job! Galingan mo rin!”
“Ah Timi, meron pa sana akong gustong ibigay na trivia sa ‘yo eh but I don’t know kung dapat ko bang sabihin….”
“Ano yun?! Dali sabihin mo na! Please!”
“Okay! I found out a while ago na sobra palang hina ng immune system ni Ice sa alcohol. So…”
“So madali siyang malasing?!” excited kong tanong sa kanya.
“Oo!”
“Oh my gosh! Oh my gosh!”
“Oy Timi, alam ko ang takbo ng isip mo. Kung ano man ang iniisip mo make sure gumamit ng proteksyon ha? Mahirap na. Ayoko pang maging ninong.”
“Tokwa ka! Pero thank you!!!!”
“O siya sige, enjoy!”
Nag-paalam na ako kay Will at ngingit-ngiti akong napa-yakap sa phone ko.
Magiging masaya talaga ang tatlong araw ko sa Subic!
Biglang nag bukas ang pintuan ng CR. Mukhang tapos na ang baby kong maligo! Dali-dali ko siyang sinilip. Baka mamaya naka-topless eh. Gusto ko masilayan ang abs niya! Kaso kayamot, naka t-shirt na siya nang lumabas!
“Mag practice na tayo,” sabi niya habang kinukuha ang gitara niya at inilalabas sa bag nito.
“Sige. Ano ba ang kakantahin?”
Inayos ni Ice ang gitara niya at naupo sa kama sa tapat ko.
“Alam mo ba ‘tong kanta na ‘to?” tanong niya at pinatugtog niya ang gitara. Pinakinggan ko maigi ang melody at agad ko naman na-recognize ‘yung kanta.
“Oo! Alam ko yan! One of my favorites!”
“Okay then, ito na lang.”
Pinatugtog niya ulit from the start and this time, sinabayan ko na ng kanta.
♪ “You by the light is the greatest find
In a world full of wrong you're the thing that's right..” ♪
Terrified ni Katharine McPhee. Naalala ko ang kanta na ‘to. Kinanta dati ito ni mommy kay daddy nung minsang mapag-tripan namin mag videoke. After that, naging favorite song ko na rin ‘to.
♪ “Finally made it through the lonely to the other side…” ♪
Nagulat ako nang next stanza, sinabayan ako ni Ice ng kanta.
♪ “You said it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star” ♪
Mas mababa ang tono niya, mas mellow, pero ang ganda ng blending namin. Ang ganda ng pagkakasabay ng mga boses namin.
♪ “I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark…” ♪
Napatingin ako sa kanya, naka focus siya sa pag tugtog ng gitara niya.
♪ “And I'm in love..” ♪
Ang ganda pala ng labi niya. Mamula-mula. Nakaka-bilis ng tibok ng puso habang pinapanuod koi tong bigkasin ang bawat lyrics ng kanta.
♪ “And I'm terrified…” ♪
At yung expression ng mukha niya habang kumakanta kami, parang mas lalo kong nararamdaman ang kanta.
♪ “For the first time and the last time” ♪
Biglang inangat ni Ice ang tingin niya. Nag-tama bigla ang mga mata namin. Para akong biglang pinanlambutan. Parang bigla akong naubusan ng hininga kaya naman halos pabulong ko na lang nasabi ang huling stanza sa chorus ng kanta.
♪ “In my only life….” ♪
Hindi ko magawang ibaba ang tingin ko. Ewan ko ba, parang nalunod na ako sa mga mata ni Ice.
“Uy, b’at ka tumigil? Okay ka lang ba?”
Bigla akong natauhan ng mag salita siya. Napailing ako bigla.
“Ah w-wait, CR lang ako.”
Dali-dali akong tumayo at pumasok sa CR. Pagka-sarang pagka-sara ko ng pinto, napa-sandal ako habang hawak-hawak ko ang puso kong ang bilis ng tibok.
Bakit ganito? B’at ganito ang nararamdaman ko? Bakit nangyayari na naman sa akin ‘to? Bakit naapektuhan na naman ako ng ganito dahil sa isang lalaki?
I am playing a falling game. At sa larong ‘to, bihasa na ako. Pero bakit parang kesa siya ang mahulog, ako ang unti-unting nahuhulog?
Ayokong matalo. Ayoko na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro