Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8



"Hindi ko aakalain na mamimiss ko rin pala ang locker, 'yong mga lechugas nating classmates at mga notorious nating profs! Pero sana hindi sila mapunta sa College department! Please, please, please!"

The carefee days of high school is finally over! No more special considerations, normal sleep schedule, classes in the same building, and again, no more eight hours of sleep. I'd hope we'll made it out alive and relatively sane in college!

Hindi pa man nagsisimula ang college, nami-miss ko na kaagad maging high school student.

How I wished to be a high school student forever. I yearned to pause the clock, but the hands kept ticking, reminding me that adulthood awaited. I sighed at just thinking about adulthood. Dati ay excited ako dahil pakiramdam ko magagawa ko na ang lahat kapag lumaki na ako. Ngayon, parang gusto kong mag-back out dahil sa mga nakaabang na responsibilidad na kaakibat nito.

I entered the passcode to unlock my locker. Napalitan ko na ito the day after I left the note, "Sana nga, Alliah," I replied.

Napatingin ako sa laman ng locker ko, there's a 36-inch fiberglass t-square, canister, sketch pad, and stacks of books. Amidst the clutter, a yellow sticky note caught my attention.

Mukhang alam ko na kung kanino ito galing.

Akala ko hindi na ulit siya sa maglalagay ng note after no'ng reply ko sa kan'ya. It had been weeks since I replied. Ngayon na lang siya ulit nagparamdam. Not that I want him to! Though, I am shocked na wala itong yellow tulip na kasama. Mukhang sinunod niya nga ang sinabi ko na h'wag nang magbigay ng tulip. I slightly frowned to myself.

No, I am not disappointed. Really.

Kinuha ko ito at tahimik na binasa ang nakasulat, "I wish I could see you. I want to be with you at this very second. And I know this is not the right time, but I will wait. My heart will wait for yours, always, Nausicaa.

Ps. Please don't leave Everton."

"Ayiee! Sino si ZDL, ha?"

Napatalon ako sa gulat at pabagsak na naisara ang locker ko. Hinarap ko si Alliah habang ang sticky note ay itinago ko sa aking likuran.

"Ano ba 'yan, Alliah! Huwag ka ngang manggulat!" I blurted out, my voice loud with anxiety, my heart still hammering in my chest.

A wicked grin spread across her face. "Tago mo pa, nabasa ko naman! 'Yan siguro 'yong nagbibigay sa 'yo ng yellow tulips, 'no?" tumaas baba pa ang kilay niya.

Hindi ko siya sinagot dahilan para asarin ulit ako ni Alliah. Ibinulsa ko ang sticky note. "Manahimik ka nga, Alliah!"

"What? Ang defensive mo naman, Renae! Binibiro lang namang kita, e."

"Bilisan na lang kasi nating mag-ayos ng gamit para makauwi na tayo."

"Nice one topic changer!"

I secretly rolled my eyes heavenwards. Kung hindi ko lang kaibigan ito, e.

Inuna kong kinuha ang mga libro, siguro ito muna ang mga iuuwi ko. 'Yong mga drafting tools, bukas ko na lang siguro kukunin.

"By the way Renae, kilala mo pala 'yong waiter no'ng isang araw?"

Napabaling ang atensyon ko kay Alliah. "H-Ha? Hindi, 'no. Akala ko kakilala ko lang, hindi pala."

Tumaas ang kilay niya sa akin. "Weh? Pero kung mabigla ka parang nakakita ka ng multo?"

Yes, it was true. Nagulat ako no'ng tinanong ng waiter ang order namin pero hindi ko iyon kilala. I thought he was the guy I always ran into. Kaboses niya kasi. Or maybe I'm just praranoid.

"Totoo nga, hindi ko iyon kilala. Magkaboses kasi sila no'ng--" I stopped short, wondering if I should continue.

"No'ng? Sino?"

Umiling ako. "Wala, nevermind."

Nagkibit-balikat na lamang siya at pinagpatuloy ang pag-iimpake ng mga gamit niya.

Kinapa ko muli ang sticky note na nasa bulsa ko at binasa ulit ang nakasulat nang tahimik.

Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng sulat niya--kung sino man si ZDL--compared sa penmanship ng ibang mga lalaki at lalo na sa akin. Perhaps he was an Engineering or Architecture student? Well, no one knows.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. The message was just somewhat . . . sweet and too cheesy? But then I realized, hindi ko naman kilala ang nagpapadala ng letters at tulips sa akin para magpadala sa matatamis niyang salita. Sino ba kasi ito? Bakit ba ayaw niyang magpakilala?

"Dahil sa iyo puso ko'y sumasayaw. Isip 'di mapakali ngiti ay laging nasa labi . . . Nakakakaba. Nakakaaliw. Nakakakilig. Nakakabaliw!" Alliah suddenly sang.

"Tumahimik ka nga, Alliah!"

"Okay! Okay! Kumakanta lang naman, e."

I sighed as I slammed my locker shut. Bakit sa lahat ng kakantahin niya, O Pag-ibig pa? Ang corny!

***

Mag-isa na lang akong bumalik sa Everton ngayon. Nakuha na kasi lahat ni Alliah ang gamit niya sa locker niya at ayaw niya na akong samahan. Wala naman daw kasing kasamang libre. At syempre, wala naman si Steven sa campus.

Natanaw ko na ang locker ko pero nagtaka ako kung bakit may lalaking nakatayo sa harap no'n. Akala ko naligaw lang or 'di kaya sa katabi o babang locker ko talaga siya nakapwesto. Kaso, saka ko naalala ang mystery guy na naglalagay ng note at tulip sa locker ko.

Dahil pakiramdam ko ay siya iyon, dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod niya, avoiding making unnecessary noise.

My gaze lingered on his powerful frame, his broad shoulders and chiseled arms radiating strength and confidence.

"No yellow tulips for me again, huh?" basag ko sa katahimikan. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang confidence para itanong iyon. Kasi what if mali pala ako at hindi naman ito si mystery guy? Tatakbo na lang siguro ako palayo at hindi na muling tatapak sa Everton sa sobrang kahihiyan.

Pero mabilis na naputol ang pangamba ko at bahagya pang natawa sa reaksyon ng lalaki dahil halos katulad lang iyon ng reaksyon ko no'ng ginulat ako kahapon ni Alliah.

But the excitement drained from my face as I registered who was standing in front of me. Ramdam ko pa ang halos pagbuka ng bibig ko sa gulat.

"I-Ikaw?"

Our gazes locked, and I immediately drowned in the warmth of his hazel eyes. It was as if he could see right through to my very soul, unraveling the threads of my deepest emotions. Then the weight of his stare became too much. I forced myself to look away, my eyes settling on the worn metal of my locker.

Still breathless, "Ikaw ba si ZDL?" I followed up after a moment of silence. Kunot ang noo at hindi ko pa rin siya nililingon.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko para magsalita pa. Nakakapanghina ang mga titig niya. Parang kinukuha ang lakas ko.

I heard his soft sigh, parang sumusuko dahil nahuli. Sa napapaos na boses, nagsalita siya, "Yes, I am ZDL. Zachary Dale Lozano . . ."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro