Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7



"Nausicaa Renae Gomez, with High Honors and special awards on Best Research in STEM, Best Research in Senior High School, and Most Outstanding Student in STEM!"

Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa aking tainga. Magkahalong kaba at kilig ang nararamdaman ko ngayon. And I could almost see my eyes glittering while looking at the stage, anticipating to climbed on it. Taas noo at may malawak na ngiti akong tuluyang umakyat sa entablado kasama si tita--ang ina ni Alliah.

"Kung narito lang si Nadya, naku! Siguradong proud na proud sa iyo 'yon, hija!" bulong ni tita habang isinasabit ang apat na medalya sa akin.

Napangiti naman ako sa kan'yang sinabi. Tahimik na sumang-ayon. Siguro nga'y proud na proud sa akin ngayon si mama.

Nang makababa ay sinalubong kaagad ako ni Alliah ng isang mahigpit na yakap. "Walang'ya ka Renae! Ang galing mo talaga! Ikaw sana ang mag-i-speech mamaya kaso sipsip kasi si Andrea kaya siya ang Most Outstanding eme ng Senior High! Dapat Most Sipsip in Senior High 'yon, e!" malakas na sambit nito na siyang dahilan kung bakit kinurot siya ni tita sa tagiliran.

"Alliah! Ayusin mo nga 'yang salita mo! Naku kang bata ka!" Nalalaking mga matang suway ni tita. Napailing naman ako sa nangyari.

I silently looked at them, nangingiwi si Alliah kaiilag sa mga ambang kurot ni tita. Ang s'werte ni Alliah at nariyan pa ang mama niya. Ano kayang pakiramdam na nasa ganoong sitwasyon din ako? Gusto ko rimg maranasan. Mapait akong napangiti.

Niyaya na nila akong maupo sa pwesto namin habang patuloy na tinatawag ang natitirang SHS graduates. Nang matapos ang sermonya, nagkaroon lang ng kaunting photo ops kasama ang mga kaklase, instructors, pati na kina Alliah at tita. Alliah and I laughed together as we threw our toga hats in the air. Ang saya sa pakiramdam na nakatapos na naman kami ng panibagong kabanata sa mga buhay namin. After that, dumeretso na kami sa isang restaurant para ipagdiwang ang aming pagtatapos.

"Pa-blow out ka naman Renae! Dami mong nahakot na award, oh!" pabirong sambit ni Alliah.

Inirapan ko naman siya. "Mukha kang blow out. Wala pa ngang trabaho, hindi pa ako sumasahod. Saka na kapag Licensed Architect na ako. At saka, kung sana ay nasasangla 'tong medals!"

Napabusangot naman ang kan'yang mukha habang naupo sa tapat ko. Si tita naman ay pumunta sandali sa washroom.

"Limang taon ko pa hihintayin 'yang blowout mo?! Ay hindi, seven years or more pa ata! Sobrang tagal naman ng napili mong career path, Renae," she exclaimed in a high-pitched tone. Dahilan para mapalingon sa amin 'yong mga nasa malapit sa amin.

Napailing ako sa sinabi niya, ang eskandalosa talaga nito. Pero hindi ko maipagkakaila na kagaya niya ay hindi rin na ako makakapaghintay. Napaka-scam naman kasi nitong SHS! Akala ko ay mababawasan na ang taon sa college. Ah tama, nabawasan 'yong sa ibang courses pero ang Architecture ay hindi.

"Mas malaki naman ang maililibre ko sa 'yo. Design na ng bahay 'yon, oh," I spoke and my gaze roamed the restaurant's warm interior.

My eyes immeditely enveloped by an aura with a sense of luxury. With those chandeliers glittering in gold; a mini fountain, with gentle waters dancing in the soft light, sitting at the center of the restaurant; Corinthian columns painted in rich auburn hues; and huge windows adorned with silver and gold linings, it will surely make you amaze.

Yet, despite the awe-inspiring beauty, I couldn't help but feel . . . overwhelmed by the sheer extravagance of the interior design. Masyadong magarbo. It was too much for my taste. Gusto ko kasi ay simple lamang. Pero may dating.

Pakiramdam ko kasi kapag pumasok ako sa ganito ay maa-out of place ako. Parang ipinaparamdam nila na, hindi ka belong dito.

Siguro gano'n talaga siguro kapag hindi ka mayaman. At hindi sanay sa lifestyle na nakagawian nila.

Habang patuloy kong inililibot ko ang aking paningin at patuloy na nagsasalita si Alliah--na hindi ko alam kung ano ang mga iyon--napako ang tingin ko sa isang couple.

My stunned expression had little to do with Xander's presence but by the familiar face beside him. At hindi iyon ang babaeng naging dahilan ng hiwalayan namin.

The image of Xander's face lighting up and his eyes sparkling with fascination while talking to Andrea filled my chest with an uncomfortable ache. Mas masakit pa no'ng nahuli ko siyang may kabit.

Akala ko okay na ako. Akala ko naka-move-on na ako. Ilang araw na ba ang nakalipas? Linggo? Umabot na nga sa ilang buwan, 'di ba?

Akala ko madali lang mag-move-on. Akala ko kapag hindi ko na siya palaging makikita ay magiging okay na ako. Hindi pa pala.

May sakit pa rin akong nadarama sa aking puso. Hindi ko pa rin pala tanggap. Lalo na't may iba na namang siyang babae. Ang masaklap pa ay tumatawa siya sa mga sinasabi ni Andrea nang may kinang sa kan'yang mga mata. Bagay na hindi ko nakita sa kan'ya noong mga panahong kami pa.

Hindi ko tuloy maiwasang maisip . . . ano bang wala sa akin na mayroon si Andrea?

Bakit ang bilis niyang maging masaya at makahanap ng iba? Ganoon ba kawalang kwenta ang relasyon namin para sa kan'ya?

Bakit ang bilis niya akong palitan? Bakit ako misarable pa rin?

Mas lalong nanikip ang aking dibdib nang hawakan ni Xander ang kamay ni Andrea and kissed it without breaking their gazes. Pagkatapos ay hinalikan niya rin ang noo nito at nagpatuloy na silang kumain.

Kung siguro ay hindi naging kami ni Xander ay matutuwa pa ako sa kanilang dalawa kasi sobrang sweet nila. Parang in love na in love sila sa isa't isa.

Posible bang nagbago na si Xander sa ganoong kaiksing panahon?

"Hoy! Renae, nong nangyari sa 'yo? Bakit bigla-bigla ka na lang umiiyak?"

Napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa tanong ni Alliah. Balak niya sanang lingunin ang tinitingnan ko pero mabilis ko siyang pinigilan. Ngumiti ako sa kan'ya, "Wala ito, tears of joy lang. Kasi diba sa wakas college na tayo next academic year," nanginginig ang boses ko.

Mukhang naniwala naman siya dahil tumango ito. Sakto namang bumalik na si tita mula sa washroom kaya ako naman ang nagpaalam na pupunta rin ako roon.

Mabilis akong naglakad habang nakayuko. Ayokong makita ako ni Xander.

Dahil sa nakayuko ako ay hindi ko masyadong makita ang dinadaan ko. Idagdag pa ang nanlalabo kong mga mata dahil sa mga nagbabadyang tumulong luha.

Paliko na sana ako papunta sa washroom nang bumangga ako sa isang matigas na pader.

Oh. Hindi pala pader.

Nag-angat ako ng tingin nang makita kong isa itong dibdib ng lalaki. Matipunong dibdib. Nakasuot ito ng puting long sleeves. Tuluyan pa akong nag-angat ng tingin.

Muling sumalubong sa akin ang isang pares na magagandang mata. Bumilis ang tibok ng puso ko. Marahil ay dahil sa pagkabigla nang makita kung sino ito. Siya na naman.

Bakit ba kung nasaan si Xander ay narito rin siya?

Hindi ko namalayan na tinitigan ko na pala siya kung hindi pa niya ako hinawakan sa pisngi at tila may pinapahid paalis.

"Umiiyak ka na naman," nakakunot noong sambit niya, may pagkabigo sa tono ng boses.

Dala ng pagkabigla sa pagdampi ng balat siya sa akin, hinawi ko ang kan'yang kamay. Kinapa ko ang aking mukha upang pahirin ang mga sariling luha. Hindi ko na naman namalayan na napaluha na pala ako.

Bakit ba palaging wala ako sa sarili kapag nariyan siya?

Bago pa siya muling makapagsalita ay tinalikuran ko na siya, at mabilis na naglakad pabalik kila Alliah. Nagbago na ang isip ko, ayaw ko na palang pumunta sa washroom.

Ayaw ko na ulit siyang masalubong, makausap, o makita.

Hindi ko alam kung bakit pero mukhang hindi ko magugustuhan ang mangyayari kapag nagpagtuloy iyon. At isa pa, hindi ko naman siya kilala. At wala akong balak na kilalanin siya or pumasok sa buhay niya.

"Ang bilis mo naman yata, hija?" tanong ni tita habang binabasa ang nasa menu.

Tipid akong ngumiti sa kan'ya. "Ayaw ko po kayong paghintayin, baka nagugutom na po kayo, e."

"Sus, ang thoughtful mo pala, Renae," ngisi sa akin ni Alliah na pabirong inirapan ko lamang.

Natawa naman si tita at tinanong na kami kung ano ang gusto namin.

Habang inaagaw ni tita ang atensyon ng waiter ay napalingon naman ako sa bandang washroom.

Wala na siya roon.

Teka, ano ba itong naiisip ko? Bakit sa kan'ya na napunta ang atensyon ko? Parang nakalimutan ko yatang narito rin sila Xander at ang bago niya?

"Good afternoon, Ma'am. What would you like to order?" a familiar baritone voice asked.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro