Chapter 3
Chapter 3
Hindi ko akalain na ganito pala kainit sa loob ng gymnasium. Tagaktak na ang pawis ko sa buong katawan! Ni hindi man lang ako nakapagdala ng panyo maski ng pamaypay!
Tanaw ko mula sa kabilang bleachers si Alliah, na todo kung sumigaw sa lalaking number eleven na jersey. Fabro ata ang last name. Magkahiwalay kami ng pwesto kasi nasa side ako ng STEM at siya naman ay sa ABM.
Kung hindi lang kasi required sa PE subject mamin ito, hindi naman ako pupunta. Oo, mahilig naman akong manood ng basketball pero sa TV lang, ang hassle kasi kapag live kang manonood. Katulad ngayon.
Naki-cheer ako sa kupunan ng school namin. Kailangan nilang manalo kasi kung ilan ang lamang nila, iyon ang idadagdag sa score ng unit test namin sa PE! Hindi ko tuloy ma-gets ang logic ng instructor namin at bakit niya iniasa ang score ng unit test namin sa basketball game?
Kasalukuyang naglalaro ang aming Men's Basketball Team laban sa team rivalry ng aming school. S'werte kami dahil sa gym namin ang venue. Home court advantage. Mas marami ang nagchi-cheer, mas gaganahang maglaro ang players namin.
Pero dala ng sobrang init, pinili ko munang lumabas. Lamang naman ang school namin ng thirteen points at mag-e-end na ng third quarter. Kaya medyo kampante na ako.
Napabuga ako ng hangin nang malakas habang sapo ang aking mga tuhod. Sa wakas ay nakalabas din!
Akmang maglalakad na sana ako ng tamaan ako ng bola . . . sa mukha.
Malakas ang naging impact dahilan para matumba ako at mahilo. Sobrang sakit pa ng mukha ko! Kinapa ko ang aking ilong, baka kasi nagdugo. Pero mabuti na lamang ay hindi!
"I'm so sorry, miss! Are you okay?" tanong ng isang baritonong boses.
Napapikit ako sa inis at plastik na ngumisi. Anong klaseng tanong ba iyon?
Nag-angat ako ng tingin, handang sumigaw kung gaano ako hindi okay sa nangyari. Pero biglang naiwan sa ere ang nakabuka kong bibig.
Na-starstruck ako kay kuya.
Nakasuot siya ng asul at puting jersey—ang color na nire-represent ng aming university. Pawisan ang mukha at medyo nakaawang ang labi, tila hinahabol ang hininga.
"A-Ah, oo naman! Hi-Hindi naman gano'on kasakit!" pautal at piyok kong sambit. Gusto kong batukan ang aking sarili! Hindi naman halata na crush ko na agad siya?
Inilahad niya ang kan'yang kamay. Kumabog ang aking dibdib at napatitig doon sandali.
"Ano? Tatanggapin mo ba, miss?" magalang na tanong niya.
Natauhan naman ako at inabot ang kan'yang kamay. Napakalambot ng mga iyon. Halatang hindi pinapagawa ng gawaing bahay. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso.
Lagot ako nito sa PE instructor ko! Sobra na ata sa maximal heart rate ang heart beat ko!
"S-Salamat," sambit ko habang nakayuko. Damang dama ang init sa aking mukha.
"No. Don't thank me, kasalanan ko. Sorry talaga. Sure ka bang wala ng masakit?"
Napakagat ako sa aking labi at umiling.
"Sige, balik na ako sa practice ko. Sorry ulit!" pagpapaalam niya.
Nang maramdaman kong tumalikod na ito, nilingon ko siya.
"Jersey number six, Austria," bulong ko sa aking sarili.
Napangiti ako. Mukhang may inspirasyon na ako sa dalawang taon ko rito sa Everton.
Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nang simula akong mag-aral dito sa Everton University at nakilala si Xander. Ngayon, isang semester na lang, ga-graduate na ako sa Senior High.
At bukas, 3rd monthsary na namin ni Xander.
"Ano bang magandang ipangsupresa sa kan'ya?" I asked Alliah.
Nandito ako ngayon sa condo unit namin. But don't expect too much. We're not that rich. Syempre nasa lower floor lang kami kasi we couldn't afford the higher floors especially the penthouse.
"Ano ba sa tingin mo ang makakapagpasaya sa kan'ya?" she asked back while preparing for our breakfast.
Napaisip ako, maliban sa basketball ano pa ba ang nakakapagpasaya sa kan'ya? Alam kong meron naman na siyang maraming sapatos, dufflebags, socks, shirts and whatsoever. Ano pa nga ba?
"Hindi . . . ko alam?" I sighed and threw myself on the couch.
Napakawalang kwenta ko naman yatang girlfriend?
It had been three months and yet, wala pa akong masyadong alam tungkol kay Xander. Sa loob ng almost three months, parang hindi naman kami masyadong nagshi-share ng impormasyon tungkol sa isa't isa—lalo na siya. Kapag sisimulan ko naman ang ganoong topic, he'll evade it. Na aniya, dapat kusa lang daw namaing mao-observe iyon. And lately, naging sobrang busy na siya dahil malapit nang magsimula ulit ang regular season. His attention was intensely focused on practice. At isa pa, parang nanlamig siya sa akin.
Hindi ko nga alam kung naaalala niya pa ba na monthsary namin bukas. Our first two months together were incredibly exciting—filled with laughter, adventure, and connection—savoring every moment, including our Palawan escapade.
Sobrang memorable no'ng araw na iyon kasi first monthsary namin 'yon at first time kong makapunta sa El Nido. He even prepared a candlelight dinner for me. Isinasayaw niya ako, slow dance, sa yateng nirentahan niya. Naiyak ako no'n sa sobrang tuwa. Hindi ko akalain na may mag-e-effort ng ganoon para sa akin.
At tanaw ang ganda ng isla, doon nangyari ang aking unang halik.
Then sa second monthsary namin, nagstargazing kami sa may condo niya. Sobrang relaxing and I felt complete that time. He gave me lots of roses that day. 143 roses to be exact at lahat 'yon nakatago sa unit namin ni Alliah. Naka-frame iyon lahat para ma-preserve.
But these past few weeks, parang may nagbago sa kan'ya. Madalas niya akong yayain na gawin 'yong bagay na ginagawa daw ng magkarelasyon. S'yempre, hindi ako pumapayag kaya nauuwi kami sa alitan. Hindi ko kayang ibigay sa kan'ya ang bagay na iyon. Kahit gaano ko pa siya kagusto.
Oo, mahal ko siya, pero hindi pa ako handa. Pakiramdam ko, masyado pa akong bata para gawin ang bagay na gusto niya. Hindi niya ba maintindihan iyon?
Simula ng mga munti naming alitan, hindi na rin niya ako madalas na sinusundo, hindi tulad ng dati na perfect attendance siya kapag susunduin ako. Madalang na rin kaming magkita. At kapag magde-date kami ay madalas may ka-text ito at maya-maya'y magpapaalam. Tinatawag na raw sila ng coach nila.
Kapag pumupunta ako sa gym para yayain siyang kumain ay wala na ito roon. Maaga raw umuwi. Kapag timatawagan ko naman, palaging busy ang phone niya.
Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nanlamig sa akin. Wala naman siyang iba, hindi ba? Siguro.
O, dahil ba ito roon?
Unti-unti akong naluha. Kapag ba ibinigay ko iyon sa kan'ya babalik na kami sa dati?
"What if, surpresahin mo sa condo unit niya? Like, doon ka magluto, mag-ayos ng set up and whatever? Alam mo naman 'yong passcode niya, 'di ba?" Alliah asked.
Mabilis kong pinalis ang namuong luha at tumango nang wala sa sarili. That's an interesting idea, but my instincts tell me something's off, like a nagging voice in my head.
But I ultimately shook off the feeling.
"Ayon! 'Yon na lang! Tulungan kita, you want?"
A heartfelt smile graced my lips as I silently thanked the heavens for bringing Alliah into my life as my best friend.
"Thank you, Alliah," I mouthed.
***
We were on the way sa condo ni Xander. Hindi naman ito ganoon kalayo mula sa amin. Kaso hirap na hirap kaming bumaba ni Alliah sa jeep dahil sa dami ng bitbit namin.
Ayaw pa kaming papasukin ni manong guard kanina. Hindi siya naniniwala na ako 'yong girlfriend ni Xander. Baka raw isa akong die-hard fan ni Xander na nagpapanggap lang para ma-harass ko siya or baka nakaabala lang daw kami sa loob dahil sa mga dala namin. Like what the heck? Mabuti na lamang may dumating na isa pang guard.
"Ah oo, naalala kita, hija. Pero bakit gano'n?" he said, but the last part faded into the background as he lowered his voice.
"Excuse me. Ano po 'yon, kuya?"
"Wala. Wala. Sige na pasok na kayo."
Tumango na lamang ako sa kan'ya at nagpasalamat. Nang makasakay kami ni Alliah sa elevator, I could almost hear my heart beat. Sobrang nakakakaba! Ewan ko ba?
Siguro dahil after ng ilang buwan makikita ko na ulit si Xander. I really missed him!
"Huwag ka ngang kabahan d'yan! Para kang timang!" Alliah said—rather shouted. Mabuti na lamang kami lang dalawa ni Alliah ang nasa elevator. If ever na mayroon kaming ibang kasama, paniguradong bababa ako sa ibang floor kasi nakakahiya ang mala-eskandalosa niyang boses!
"Pakialam mo ba, e sa hindi ko mapigilang kabahan!" I exclaimed back then looked up kung nasa anong floor na kami.
"Huminga ka nga nang malalim! It's not like na pagbukas nitong pinto bubungad sa atin si Xander na may kahalikang iba!" she laughed at her own joke.
And right after she finished speaking, the sound of the bell and door's opening ripped my world apart, leaving me shattered, vulnerable, and lost.
Nabitiwan ko ang mga hawak ko. Ganoon din si Alliah. Ang hirap lumunok, kumurap ako dahil baka isang ilusyon lang 'tong nakikita ko. But it's not.
I should be happy, dahil matapos ang ilang araw ay nakita ko na ulit si Xander.
But I couldn't be. Hindi ko magawang maging masaya habang may . . . kahalikan siyang iba. Sa harap ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro