Chapter 16
Chapter 16
My heart danced with nervous excitement, skipping beats and stirring butterflies within.
Iyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kan'ya. Our eyes locked in a silent understanding until I blinked twice, breaking the spell. I gulped, tilting my head, and my gaze dropped to the ground.
The grass muffled his footsteps, but I knew he was coming my way. Napalabi ako nang maramdaman kong tuluyan na siyang naupo sa aking tabi. Here goes my abnormal heartbeat, again.
I caught a glimpse of him sideways. I saw him staring ahead, squinting against the fading sun. The sunset made his face lit up orange, and his rich brown eyes sparkled, kind of lost in thought. Nahalata niya siguro ang paglilikot ng mga mata o ulo ko kaya napabaling sa akin ang tingin niya. I held my breath, I didn't expect that.
He smiled warmly--like the sunset ahead of us, "I hope I am not making you uncomfortable" his gently voice said.
I let out a deep breath. Come on, Nausicaa, you know why you're feeling this way. Sarkastiko akong napatawa sa sarili ko, ikain ko na naman ang salita ko.
I cleared my throat and bowed a bit, "I'm quite comfortable," I said while fiddling my fingers.
He must have sensed the hesitation on my voice so he completely turned on me, but, didn't say any word.
"I . . . I have this feeling. Strange feeling," I said quitely.
Mas lalo siyang lumapit sa akin at saka dahan-dahang hinawakan ang pisngi ko. I looked up at him, captivated by his piercing eyes, until a hint of sadness crept ionto his lips, shifting my focus.
"No need to force it, Nausicaa. If you're not su--"
I cut him off, "I think I'm falling for you, Zach," I confessed, looking him straight in the eye.
Alam ko ang bilis. Ang bilis kong mahulog sa mga simpleng aksyon niya. But I can't deny that I like him. He's good and caring, ano ang hindi kagusto-gusto roon? Argh! Ilang beses kong isiniksik sa utak ko na hindi, pero taliwas naman ang nararamdaman ko.
Hindi naman ako ganito noong umamim kay Xander? Anong nagbago? Anong pinagkaiba niya at bakit ako nagkakaganito?
A tinge of red appeared on his ears, halata ang gulat sa mukha niya pero itinago niya iyon sa isang tikhim.
"Siguro nasabi mo lang iyan dahil recently ako ang madalas mong kasama," he gave me a smile, but it didn't quite reach his eyes.
"I want you to be sure of your feelings for me, Nausicaa. Siguro, iyang nararamdaman mo para sa akin ay . . . wala naman talaga. I hope you don't confuse sadness with love, para wala ni isa sa atin ang masaktan sa huli," he added while looking intently to my eyes.
Dahan-dahan akong napatango, "I-I know. C-crush lang naman," I stammered and tilted my head sideway.
I knew that he meant no harm from what he'd said. Pero akala ko ba gusto niya ako? Bakit ang dating sa akin ng mga sinabi niya ay siya pa ang nang-reject sa akin?
He gently stroked my hair, and I felt instantly at ease. His touch was so gentle, like I was made of glass, and he didn't want me to break. It made me feel protected.
"Sana hindi mo ma-misunderstood. I like you. I really do--a lot. Masaya ako na marinig mula sa'yo na gusto mo rin ako, pero hindi kita minamadali. Baka nabigla ka lang, Nausicaa. And I don't want to take advantage of your feelings."
Mariin kong pinaglapat ang mga labi ko. Hindi ako nagsalita pero tumango ako bilang pagsang-ayon. Sandali kaming binalot ng katahimikan, huminto na rin siya sa paghaplos sa buhok ko pero hindi niya inalis ang kamay roon. Mukhang pinakikiramdaman ni Zach ang gagawin o sasabihin ko.
Napaisip naman ako, hindi ko maipagkakaila na may parte sa akin na gustong magsisi dahil sa sinabi ko. I admit, medyo nasaktan ako sa pag-reject niya sa feelings ko para sa kan'ya. I felt embarrass, at ayaw kong napapahiya ako. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko kasi baka nga . . . baka nga nabigla lang ako.
Pero part of me says na okay lang. Okay lang na sabihin ko sa kan'ya iyon. Na hindi naman ako dapat magsisi dahil 'yon naman ang nararamdaman ko. Ang gulo . . . ang gulo na ng pag-iisip ko.
"Hey, don't overthink. Don't mind it, okay?" Zach said as he hold my hand, marahan niya iyong pinisil.
Napatingin ako sa kan'ya, nalunod ako sa mga sarili kong katanungan. Bakit ba ang bait niya? Bakit ang bilis kong ma-fall? May . . . may gusto nga ba talaga ako sa kan'ya?
Tango na naman ang isinagot ko kay Zach. Hindi ko pa rin mahanap ang boses ko, parang nawalan ako ng kakayahang makapagsalita matapos kong sabihin sa kan'ya ang nararamdaman ko. Pilit kong iwinaglit sa isipan ang mga katanungang iyon.
Tumingin siya sa kan'yang relos, at dismayadong napabuntong-hininga. "Tara na? Quarter to six na, baka hinahanap ka na ng kaibigan mo," aniya.
"S-Sige," pinilit kong ibuka ang bibig ko at magsalita, nakakahiya naman kung puro tango na lang ang isagot sa kanya. Baka isipin niyang nagagalit ako o nagtatampo dahil sa nangyari.
Tumayo na ako at pinagpagan ang pang-upo, gano'n din ang ginawa niya at saka niya inilahad ang kan'yang kamay. Napataas ang kilay ko roon, nagtatanong ang mga mata.
"Uhm . . . baka kasi mawala ka habang naglalakad tayo?" patanong niyang sagot.
Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba iyon o hindi pero kalaunan ay inabot ko ang kamay niya. His fingertips brushed mine, sending shivers through my veins and I felt this crazy spark. Parehas kaming napatingin sa isa't isa.
I wonder if he felt the same.
"Hindi ako nagte-take advantage, ha? Sinisigurado ko lang ang safety mo," dagdag pa niya nang may ngiti sa labi.
Napanguso ako at naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
"O-Okay, sabi mo, e."
Nagsimula na kaming maglakad palabas sa park, nang nakarating kami sa may sidewalk, he laced our fingers together, making my heart skip a beat. Napahinto pa ako sa paglalakad at napatingin doon, at dahil magkahawak ang mga kamay namin, pati siya ay napahinto.
Para akong mababaliw. I never felt this feeling with Xander. Yes, we were holding hands, but he never held my hand this way. Para bang, ako lang ang nakakapit sa aming dalawa. I laughed at that memory, kaya pala, doon palang nagpapahiwatig na siyang hindi na niya gusto. O baka never niya namang nagustuhang makarelasyon ako. Mapait akong napangiti.
"A-Ano . . . para mas secure ka." Kitang kita ko ang pamumula ng mga tainga ni Zach, hindi na rin siya makatingin nang deretso sa akin.
I smiled at him. Though, may pagdududa pa rin ako kung gusto ko nga ba talaga siya, pero, hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin sa mga ginagawa niya. Siguro nga at tama siya . . . dadahan-dahanin ko muna. Kailangan ko nga munang siguraduhin ang nararamdaman ko para sa kan'ya.
At sana, kapag sigurado na ako, ako pa rin ang gusto niya.
Ngumiti ako sa kan'ya, "Oo na lang, Zach."
***
"Uwi ba ito ng matinong babae, Renae?"
Nakapameywang na bungad sa amin ni Alliah habang nakataas ang kan'yang kilay. Sabog pa ang buhok nito at medyo namamaga pa ang mga mata marahil ay kagigising pa lamang nito. Nakatayo lang kami ni Zach sa labas ng unit namin hindi ako makapasok dahil nakaharang si Alliah sa pintuan.
"Ala sais pa lang naman, Alliah. H'wag kang OA."
"Aba!" she hissed and crossed her arms, "Sumasagot ka na?" dagdag niya nang may panlalaki ng mata.
I rolled my eyes and turned to Zach, dismissing Alliah's question, "Salamat sa paghatid, ingat ka," paalam ko.
Dahan-dahan siyang napatango, "Are you sure youll be alright?" sumulyap pa ito kay Alliah na nakataas pa rin ang kilay at nakapameywang sa amin.
I nodded and we exchanged smiles. But Alliah's loud, exaggerated throat-clearing erased our grins, shifting the mood.
"Kulang na lang maglamutakan ng mukha! Uwi na Zach! Boto ako sa'yo pero gawin mo muna 'yong pagpuputol ng pu—"
"Pagsisibak."
"O, edi 'yong pagsisibak ng kahoy bago mo landiin si Renae! Jusme kang bata ka, pasalamat ka't medyo gwapo ka," pahina nang pahinang sambit ni Alliah, pero hindi nakatakas sa matalas kong pandinig ang huli niyang sinabi. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon pero nag-make face siya bilang sagot.
"Gusto mo bang ngayon ko na gawin iyon?" tanong ni Zach pero mukhang may bakas ito ng panghahamon. Kunot noo ko siyang tinignan. Papatulan talaga niya itong abnormal kong kaibigan?
"Gusto ko sana pero may mas magandang akong ideya!" bulyaw ni Alliah at saka humalakhak na parang mangkukulam.
"Hoy! Magsitahimik nga kayo! Akala niyo ba kayo lang ang may unit sa palapag na 'to!" May lumabas na isang matandang lalaki sa tapat ng unit namin at gusot ang mukha nito.
Mabilis kong hinila si Zach at Alliah papasok sa unit. Mabilis ang kabog ng dibdib ko, kinabahan ako sa matandang iyon! Si Alliah naman kasi, e!
"Ang ingay mo kasi, ayan tuloy!" sita ko kay Alliah na sinuklian niya lang ng pagdila.
"Sorry na! I have a very, very bright idea kasi! Hindi ko napigilan, na-carried away ako!"
Why do I've got a bad feeling sa 'very, very bright idea' niya?
"Spill it," Zach said.
Umubo-ubo pa si Alliah nang peke, "Naisip ko kasi na ipagpabukas na lang pagsisibak mo ng kahoy."
Naningkit ang mga mata ko kay Alliah habang si Zach ay seryosong hinihintay ang mga susunod na sasabihin ng kaibigan ko.
"Uuwi kasi kami bukas sa probinsya! At . . . sasama ka sa amin Zach!" masayang anunsyo ni Alliah, sinabayan niya pa ng palakpak.
Parehas kaming natigilan ni Zach pero mas nauna siyang maka-recover, ngumiti ito kay Alliah na parang masaya sa sinabi nito. Samantalang ako, hindi maipinta ang mukha at pinoproseso pa ang sinabi ni Alliah. Ano? Uuwi kami probinsya? At kasama si Zach?
Hindi ako palamura pero . . . fuck!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro