Chapter 14
Chapter 14
"S-Saan mo gustong kumain?"
I glanced at him, and our eyes locked. He was staring at me too! My heart skipped a beat, and my face turned bright red kaya naman napaiwas kaagad ako ng tingin.
"Kahit saan na lang," I replied, shyly.
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, "Sige."
Patuloy kaming naglakad, sinusundan ko lang siya. Sa labas kami ng campus kakain, nakakasawa na rin kasi ang mga pagkain sa loob, kahit sabihin mo pang maraming cafeteria sa Everton.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin o kung bakit ba ako sumama sa kan'ya? Pwede ko namang i-text o i-chat si Alliah na sabay kaming mag-lunch tutal mukhang tapos na ang practice game ng mga basketball players. Narito na kasi si Zach.
Bigla siyang huminto kaya naman bumangga ako sa likod niya.
"Sorry."
Nilingon niya ako at saka ngumiti, "Parang ayaw mo naman akong katabi sa paglalakad? Wala naman akong sakit," nakangiti man siya pero bakas naman sa boses niya ang lungkot.
Bigla akong nakaramdam ng guilt. When in fact, I know I shouldn't. Pero para maibsan ang nararamdaman kong iyon, ngumiti ako sa kan'ya at saka tumabi.
"Oh, ayan na," aniko na kunyari ay napipilitan.
"Parang napipilitan ka lang, ah," he teasingly said and chuckled. Bahagyang nangingiti, napailing na lang ako sa kan'ya at muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.
Tuluyan kaming huminto sa isang karinderya. Nasa bandang likod ito ng campus. Binalingan ko siya ng tingin, hindi ko alam na ang katulad niya--basketball player, mayaman, at gwapo--ay kumakain sa isang karinderya. Akala ko pa nga ay dadalhin niya ako sa cafeteria malapit sa may gymnasium. Kung saan kami kumain dati ni Xan--nevermind. Mas okay na rito.
Nilingon niya ako at nginitian, doon lamang ako napabalik sa katinuan. Nag-iwas ako ng tingin. Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Baka akalain niyang tinititigan ko siya. E, hindi naman!
"Tara," aya niya.
Pinaghila niya ako ng upuan, "Upo ka, Nausicaa."
Naiinis ako sa kan'ya, simula ata nang makilala ko siya, palagi na siyang nakangiti. Naiinis ako sa mga ngiti niyang parang hindi nabubura sa mukha niya. Nakakainis pero . . . in a good way. I don't know. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko!
"Anong gusto mong kainin?" he asked nang nakangiti na naman.
"Kahit ano na lang."
Mahina siyang napatawa sa sinabi ko kaya naman taka akong napatingin sa kan'ya.
"Nothing. It's just that . . . kanina kasi, I asked you kung saan tayo kakain and you've answered 'kahit saan'. Ngayon tinatanong naman kita kung anong gusto mong kainin, ang sagot mo naman 'kahit ano'. Now, tell me Nausicaa, saan ko ba mahahanap ang 'kahit ano' na yan? I'll search every resto here in the Philippines just to find it for you. Because I'm pretty sure, wala iyon dito," mahabang sabi niya, hindi naman iyon pang-iinsulto. Kasi ang soothing ng boses niya, idagdag mo pang nakangiti siya habang sinasabi ang mga iyon.
Napanguso ako, e sa hindi ko alam kung anong gusto kong kainin.
"Alright, kapag nakapagtapos na ako, magpapagawa ako ng resto at papangalanan kong 'Kahit Saan' at ang nasa menu ay 'Kahit Ano', dagdagan na rin natin ng 'Ewan', 'Ikaw Bahala' at 'Kung Ano Sa 'yo'," he added, a boyish smile pasted on his face.
Sinamaan ko siya ng tingin, halata namang binubwisit niya ako. Ganito ba siya sa date? Wait--did I just consider this as a date?! Ang assuming ko naman ata, he never said this is a date.
"Ako na nga ang o-order para sa 'yo." sambit niya at pumunta na sa counter.
Gusto ko sanang sumama sa kan'ya at tumingin ng mga ulam kaso gusto ko ring panindigan 'yong sagot ko na 'kahit ano'. Pero . . . baka magsisi naman ako kapag hindi ako tumingin ng makakain. Ano ba talaga, Renae?
In the end, manatili ako sa kinauupuan ko. Hoping that Zach will choose a non-spicy food. Masyado kasing sensitive ang dila ko sa mga maaanghang. Kahit na naaamoy o kakasubo ko lang, alam ko kung maanghang 'yon o hindi.
Binalingan ko ng tingin si Zach na nasa counter at umo-order. Kita ko kung paano niya ngitian ang babaeng tindera habang nagtuturo ng makakain, mukhang kasing edad ko ang tindera. Napataas ang kilay ko, kung magngitian naman sila akala mo wala nang bukas! I absent-mindedly rolled my eyes. Bigla akong napikon sa 'di ko alam na dahilan.
So, hindi lang pala siya sa akin ngumingiti. Palangiti pala talaga siya, Renae! Noted on that!
Inabot na ni Zach ang in-order niya kaso lumabas 'yong tindera sa counter at kinuha ang ilang plato kay Zach. Bakit kasi ang dami niyang in-order?
Naglakad na sila papalapit sa kinauupuan ko, mukhang may sinabing nakakatawa si Zach kasi tumawa 'yong babae. Tumalikod na lang ako nang malapit na sila. Nakakainis naman.
"Eto na po ang order n'yo ma'am. Enjoy your meal!" nakangiting bati ng tindera.
Nilingon ko siya at saka sinuklian ng hilaw na ngiti, sana lang ay hindi iyon naging ngiwi.
"Salamat sa tulong, Andrea."
Pasimple kong tinignan si Zach, nakangiti ito nang sabihin niya iyon kay--wait, Andrea na naman?!
"Ano ka ba, siyempre trabaho ko 'yon, Zachary," malanding usal no'ng Andrea sabay pasimpleng hampas sa matipunong braso ni Zach. Napakunot ang noo ko.
Dito pa talaga sila maglalandian sa harap ko? Wala ba silang galang sa pagkain? Hindi man lang ako nagawang ipakilala?
"Oh sige, kakain na kami."
"Sige, balik na rin ako."
Sige lang maglandian pa kayo.
Hindi ko na hinintay na makaupo si Zach at sinimulan ko nang mag-sign of the cross. Habang nagpapasalamat sa biyaya, narinig ko ang pahila ng upuan. Nagmulat na ako ng tingin nang matapos magdasal at bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni Zach.
"What?" asik ko.
"Bakit magkadikit na ang kilay mo?" he asked, pero parang mas pakiramdam ko, insulto iyon at hindi tanong.
"Pake mo?"
This time, siya naman ang napakunot ng noo, "Anong problema, Nausicaa?"
Hindi ko siya sinagot at kinuha na lang ang pinakamalapit na ulam. Napayuko ako para tingnan kung ano 'yon and I was surprised to see that it's my favorite!
"Adobong baboy, your favorite." I turned to him, amazed, how did he know exactly?
Nevertheless, hindi pa rin mababago ng Adobong baboy ang inis na nararamdaman ko para sa kan'ya.
"Galit ka pa rin? Please tell me, anong nagawa kong mali, Nausicaa? Hmm?" his voice filled with concern. Para bang hindi siya makakatulog kapag hindi ko sinabi ang dahilan. Sinubukan niya pang abutin ang kamay ko pero pasimple ko iyong iniwas at ibinaba.
"Wala. Basta. Kaya pala gusto mo ritong kumain." walang emosyon kong sambit at sinimulan nang kainin ang pagkain. Maybe I'll ask him about it later, how did he know Adobo's my favorite food?
He glanced at Andrea then at me and gradually, a boyish grin started to form in his lips. "W-Wait . . . Are jealous of Andrea?" he asked.
Napaismid naman ako, "Kapal mo naman, Zach. Akala mo ba type kita? Hindi 'no. Asa!" mabilis na kumalat ang apoy na pakiramdam sa magkabilang pisngi ko.
With a playful grin, he dramatically placed his hand over his heart, acting hurt, "Ang sakit mo namang magsalita, Nausicaa. Siguro I thought you might be feeling jealous, sorry if I was wrong. But you seemed a bit defensive, hon." malungkot na ngiti niya sa akin pero alam kong front act niya lang iyon para sabihin ko sa kan'yang nagseselos ako.
Bakit ko naman aaminin, e hindi naman ako nagseselos? Hindi talaga!
"To make things clear, kaya ako rito kumakain kasi masarap ang mga ulam at para mas tipid. Hindi naman kasi mayaman ang pamilya namin. And Andrea is just a friend."
I raised my eyebrow, "Hindi ko naman hinihingi ang paliwanag mo."
A soft smile spread across his face, and his warm laughter sent butterflies dancing in my stomach, "I know, pero gusto ko lang mapanatag ka na ikaw lang, Nausicaa. Ikaw lang ang gusto ko at wala nang iba pa."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro