XXVIII: NO, NOT YET
THE FACELESS
••Chapter 28: No, Not Yet••
❌❌❌
THIRD PERSON'S POV
Namilog ang mga mata nila Jegs at Joven sa nadatnan. Kitang-kita nila ngayon ang walang buhay na katawan ni Lexai na nakalupaypay ang ulo at umaagos ang dugo galing sa sentido nito.
"Labas!" Mabilis na sinenyasan ni Jp si Dadap matapos ipasok sa loob ng kwarto ang dalawang binata.
Agad napatayo sa kinauupoan si Dadap at mabilis na ginawa ang utos sa kanya ng walang ka imik-imik. Pagkalabas nilang dalawa sa kwarto ay marahas na sumara ang pinto at may kung anong ingay sa likod ng pinto, ingay na nanggagaling sa kadena.
"Okay ka lang?" agarang tanong ni Jegs kay Kira ng tuluyan silang maikulong sa kwarto.
"I'm fine. Pero si Lexai, I'm sorry..." mahinang tugon ni Kira sa kasama. Agad namang isinalaysay ni Kira sa mga kaibigan ang ugat ng lahat ng ito.
"Hindi mo kasalanan," giit ni Jegs at agad na pinakawalan si Kira sa pagkakagapos nito.
"Bakit nila tayo iniwan dito ng basta-basta?" nalilitong tanong ni Jegs habang kinakalagan si Kira.
"Alam kong hindi nila inaasahang mangyayari ito, ang makawala tayo kanina. Nakakasiguro akong wala sa plano nila ito dahil una't sapol palang, ipapapatay na nila tayo. Baka dahil sa taranta kaya ikinulong nila tayo dito," suhestyon ni Joven.
"Para makaisip ng bagong paraan para mapatay tayo, ganun?" kunot noong tanong ni Jegs.
"Siguro. O baka tuluyan na nila tayong inabandona at mabilisan nalang na patayin." saad ni Joven.
"Guys, I'm sorry. This is all my fault. Ako ang may kasalanan kung bakit nagawa 'to ni Jp. He want to revenge on me for ruining his life. Hindi na dapat kayo nadamay dito. Please save yourself, iwan niyo na ako dito." Malamig na sambit ni Kira matapos itong makawala sa pagkakagapos.
"Walang maiiwan," maotoridad na giit ni Jegs.
Biglang namayani ang katahimikan ng ilang minuto at pilit na umiiwas ng tingin sa bawat isa. Sumalampak nalang si Jegs sa sahig habang nakadikit ang likod sa dingding at bahagyang nakaangat ang ulo. Umupo din si Joven sa isa sa mga upuan na nakahilera na siyang inupoan ni Jp kanina.
"Kailangan natin silang maunahan," pambabasag ni Joven.
Agad naman nilapitan ni Joven si Jegs at ipinaliwanag ang planong naiisip niya. Tango at mahinang bulong lang tanging mga sagot ni Jegs, na tila sinasadyang hindi iparinig kay Kira ang mga pinag-uusapan nila.
Matapos nilang mag-usap dalawa ay agad namang tumayo si Jegs at Joven at agad na sinuri ang kabooan ng kwarto. Wala ni isa sa kanilang dalawa ang nagbalak magsalita para hindi maipaalam kay Kira ang plano nila.
"Ano'ng pinaplano niyo?" nalilitong tanong ni Kira sa dalawang binata.
"Naghahanap ng paraan para makalabas tayo." malamig na sagot ni Jegs.
Pero sa kaloob-looban ng dalaga ay meron pa rin na bumabagabag sa kanya. Alam niyang may inililihim sa kanya ang dalawang kaibigan. Naisin man niyang magtanong pero alam niyang hindi rin magsasabi ito ng totoo.
Mga ilang minuto rin ang lumipas ay may naririnig na naman silang kalansing ng kadena na nagmumula sa labas. Alam nilang sila Jp at Dadap na ito na binubuksan sila. Agad namang napaatras sila Joven at Jegs at pilit hinaharangan si Kira.
Dahan-dahang bumukas ang pinto at hindi nga sila nagkamali na sila Jp at Dadap ito habang may hawak pa rin na mga baril. Suminghap pa si Joven at tinitigan si Jegs sa mata na tila may ipinahihiwatig. Agad namang tumango si Jegs. Habang si Kira ay naiwang nalilito at hindi malaman ang mga plano ng mga kaibigan.
"Jegs, Joven..." mahinang bulong ni Kira habang mahigpit na hinawakan ang tig-iisang braso ng mga kaibigan.
"Trust us," panatag na saad ni Joven kay Kira ng sulyapan niya ang dalaga.
Tuluyan nang nakapasok sa kwato sila Jp at Dadap at naiwang bukas ang pinto. Iilang hakbang pa ang nagagawa nila ay bigla itong tumigil at mainit na tinitigan ang ibang kasama. Bago paman magsalita ang dalawa ay inunahan na sila ni Joven.
"Buhay namin ni Jegs, kapalit ng kalayaan ni Kira." malakas na pagkakasaad ni Joven.
Biglang nangunot ang noo ni Kira at mas rumahas ang pagkakahawak niya sa mga braso ng dalawang kaibigan.
"No! Don't do this guys," mangiyak-ngiyak na sambit ni Kira habang napapailing.
"Wow! Handa niyong ibuwis ang buhay niyo para sa walang kwentang babaeng 'yan?" marahas na pagbitaw ni Jp sa kanyang mga salita.
"Diba kami ang dahilan kung bakit hindi ka pa rin matanggap ni Kira? Ibibigay namin ang buhay namin kapalit ang pagbigay mo ng isa pang pagkakataon na patawarin siya. Hindi na kami magiging hadlang sa gusto mong mangyari." paliwanag ni Joven.
"Talaga lang ha? Kaya niyong gawin 'yan? Ang swerte mo naman, Ate." Mapanuksong tugon ni Jp habang pinanlisikan si Kira na pilit hinaharangan nila Joven.
Walang imik lang si Dadap sa pinag-uusapan ng mga kasama at nakapako lang ang tingin sa mga taong dating itinuring niyang mga kaibigan. Bakas naman sa mukha ni Kira ang pangamba sa sitwasyon ng dalawa niyang kaibigan na handang ibuwis ang buhay para sa kapakanan niya at ng kapatid.
Dahan-dahang humakbang sila Joven at Jegs papalapit kina Jp. Agad namang itinutok ni Jp at Dadap ang mga baril nila sa dalawang binata. Hindi inalintana ng dalawang binata ang maaring mangyari at nababadyang kamatayan nila. Pero patuloy pa rin ang paghakbang nila.
"Aba! Totohanin niyo talaga?" galit na galit na bulalas ni Jp.
Kung kanina na mapanukso pa ang mga salita ni Jp, ngayon ay puno na ito ng galit. Galit, dahil hindi siya makapaniwala na talagang handang ibuwis nila Joven ang mga buhay nila sa taong kinamumuhian niya. Nagagalit si Jp dahil iniisip niyang ganoon nalang ang ipinakita ni Kira na pagmamahal sa kanyang nga kaibigan para handang iligtas ito.
"Ibibigay ko ang gusto niyo." Mas lalong rumahas ang pagkakahawak ni Jp sa kanyang baril habang nakakatutok sa dalawang binata. At ano mang oras ay handa ng kalabitin ang gatilyo nito.
"Sa isang kundisyon. Palalabasin mo muna si Kira dito." pahabol na dagdag ni Joven.
Nag-aalangan man sa pagsang-ayon sa gusto nila Joven, ay umuo si Jp sa kadahilanang may iba siyang binabalak. Sa isip nito ay mabuti na sigurong mauuna niyang mapatay sila Joven bago ang kapatid. Kampati siya na ano mang pagtakbo ng kapatid ay hindi ito makakatakas at mahahabol niya ito.
"Deal. Labas Ate, labas." kampating saad ni Jp habang nginingisan si Kira at sinenyasan na lumabas.
"I can't. Jegs, Joven, please...'Wag niyong gawin ito." iling ni Kira sa mga kasama.
"Trust us," mabilis na tugon ni Joven na hindi manlang sinulyapan si Kira.
Sa ikalawang beses ay pumasok sa kalooblooban ni Kira ang mga salitang binitawan ni Joven. Tila may ipinapahiwatig ito sa dalaga. Nararamdaman ng dalaga na ang mga salitang binitawan ni Joven ay sensiro at gusto ng binata na sa oras na ito ay pagkatiwalaan sila ni Kira.
Hindi na namalayan ni Kira ang kusang paghakbang ng kanyang mga paa. May nagsasabi sa utak niya na pagkatiwalaan ang dalawang kaibigan sa plano nila na hindi niya alam kung ano. Mabilis na natahak ni Kira ang bungad ng pintong papalabas ng kwarto habang nasa likuran ang iba pang kasama.
"Sige lang, Ate. Umalis ka't talikuran mo sila. Tulad ng pagtalikod mo sa'kin." habol na saad ni Jp sa kapatid.
Bago paman makasalita si Kira ay may biglang nangyari na hindi nila inaasahan. Naestatwa si Kira sa kinatatayuan ng makitang mabilis na sinugod nila Joven at Jegs ang kapatid nito.
"Yan ang inaakala mo." makahulugang sambit ni Joven.
❌❌❌
SALAMAT NG MARAMI! 😁😉
❌ATENG ZK❌
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro