Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

No. 2 - Runner ka ba?

"..mahal ko siya, kaya hinabol ko siya..kahit alam kong nililigawan na niya yong babaeng matagal niya nang gusto at nagkikita parin sila ng ex niyang five years niyang karelasyon noon. Wala kasi kaming closure.. Baka kasi magbago siya, at baka siya na ang forever ko.."

Huwat!!???

Ethics #2: Kapag iniwan ka na para sa iba, huwag mo nang habulin..mapapagod ka lang.

The statement above was from my friend na humingi ng advice sa akin about sa kanila ng boyfriend niyang iniwan siya para sa iba.

Literal na napakunot-noo ako na hindi naman talaga advice ang gusto niyang marinig kundi ang suporta ko sa marathon na pinasukan niya. Tapos ano yon? Luke 1:37 "For nothing is impossible with God" daw? Well, in some part totoo naman, pero as a friend who wanted the best for her friend..of course, I will not tolerate her.

Sinabi ko sa kanya if ano ang makakaluwag sa kalooban ko na sabihin. Yong totoo and not yong statement na ipiplease ko lang siya.

I may be cruel or insensitive pero I tell you that I've been what she's facing now if she didn't yet moved on.

Minsan sa atin, mapababae o lalaki.. If nagluko o humanap ng iba ang kapartner natin, because of love, a part of us will believe na magbabago pa siya. I know I am not God na sabihin, there's no chance for him or her na mabago. And I am not also God na sabihing sure na mababago natin sila. Only God knows what will happen in the future.

Pero friend, this is real life. We're not in cinemas.

Kapag iniwan ka para sa iba, at dahil sa pagmamahal mo para sa kanya kaya ka naghahabol? Huwag na.

Iniwan ka na, kaya dapat lang na magsaya ka. Joke? Hindi, kasi try to look at it, buti nga naisipan pa niyang respetuhin ka at iwanan nalang kaysa isali pa sa kalokohan niya. Gusto mo bang hindi ka niya iniwan pero habang buhay ka niyang niloloko? Yong sa tingin mo faithful siya sayo pero panlabas lang pala na anyo. Hindi mo alam ang mga mata nito ay marami na palang nakindatan at hindi lang pala sa'yo kumikislap.

Okay naiintindihan ko na minsan ang pagmamahal nakaka-blind yan. We are blinded sa mga bagay na hindi tama sa ating partner, mahal nga natin di ba kaya yun nalang ang mahalaga.

Though love is also accepting your partner's good and bad attributes. It doesn't mean you have to tolerate them.

Dahil kung nagawa na niya sa iyo ito ngayon siguradong magagawa rin niya ito kapag mag-asawa na kayo. Again, I am not God para sabihing hindi na siya mababago pa pero this situation may happen in the future. Gusto mo bang itali ang sarili mo sa relasyong magiging habang buhay ka namang sawi. Habang buhay na may takot at pangamba na baka gawin niya ulit ang ginawa niya sayong pag-iwan. Ang malala ay baka may mga anak na kayo non'.

Sa pagpapamilya o pag-aasawa, we will not only focus sa magiging future natin. We need also to think or be concern of our future sons and daughters' future. Yes, masasabi natin kaya ko namang magtiis sa mga ginagawa ng kapartner ko. Kaya ko siyang intindihan. How about yong magiging anak natin? Gusto ba natin silang mapariwara o magrebelde? O maging babaero o lalakero din?

I know we all want the best for them, that's why kung maaari, bumuo tayo ng pamilyang may maidudulot na magandang inpluwensya sa kanila.

Minsan lang kasi ay i-set aside natin ang mga sarili nating kagustuhan and let God do the job of finding Mr. or Miss Right for us. Actually, God doesn't need to find one because He already prepared the one for us.

Just a reminder, you are not a runner. Sa marathon, paunahan sa finished line. Ang mauuna siya ang may prize. So ibig sabihin, may kakompitensya, di pa sure if ganoon ka na kagaling para makauna ka.

Sa pag-ibig hindi ka runner para makipag-unahan o makipagkompitensya sa iba. Kasi if totoong love man yan, ikaw lang ang nag-iisa sa puso niya. Love and respect yourself, because you cannot fully love and respect others if hindi mo ginawa yon sa sarili mo.

Kapag iniwan ka na, isipin mo nalang na maaring may ibang ibibigay sa'yo ang Diyos. At siguro hindi talaga siya para sa'yo. Huwag mong ikulong ang sarili sa pagmamahalan niyo ng taong nang-iwan sa'yo. Kasi baka ikaw nalang pala ang umaasa dito. Hoy, banggitin ko lang. God prepared the best for you. Kaya huwag nang malito at maghabol. Mapapagod ka lang, ang masama, magiging bitter pa ang ending mo. At tingin mo na sa lahat ng tao ay mga manloloko. Hindi mo na rin maaappreciate and kagandahan ng pag-ibig like how God designed it.

Let go and live life without him/ her.  You deserve better.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro