
No. 1 -Huwag Siya
Friend: May jowa na si R..
(Sorry, yan talaga yong ginamit niyang term eh)
Ako: ...ah..kasi si J ang pinili at hindi siya. Mabuti na din para wala nang gulo.
💡
Ethics #1- If nag-girlfriend o boyfriend ka at nagbreak na kayo, please huwag mong isunod yong taong close kay ex o may koneksyon kay ex. (Dahil kung sakali, malaking gulo ang pinasok mo) Naintindihan?
Sino ba yong mga taong close kay Ex?
Pamilya niya.. Baka naman hiniwalayan ninyo ang ex ninyo dahil mas type niyo si ate o si ading (Ilocano ng nakababatang kapatid) ng ex niyo, kasi baka mas sexy o mas maganda. O mas type niyo si kuya o ading niya kasi mas malaki ang katawan o pang-artistahin ang mukha. Kamukha ni Piolo o ni Coco Martin siguro?
Friends niya.. Oi baka naman noong nakita niyo yong kaibigan ni ex eh mas type niyo, kasi marami kayong common cheness. At ang dahilan pa minsan eh 'buti pa yang kaibigan mo naiintindihan ako'. Ho-wow! Palusot beshy!
Churchmate niya.. Sa church kasi importante ang unity, brotherly and sisterly love. Sa madaling salita ay parang pamilya din ang turingan. Noong nagbreak kayo ng ex mo, nakahanap ka nga ng bago, ka-churchmate niya din. Minsan hindi lang once yan na nangyayari, minsan may tinagurian pang 'girlfriend ng bayan' o 'boyfriend ng bayan' kasi halos naboyfriend o nagirlfriend na lahat ng young people sa isang church. Naku naku! Huwag ganon. Matakot kay Lord :(
Gusto mo ba na maging complicated ang lovelife mo? Hindi di ba?
Kaya lumalayo-layo sa gulo as much as possible para maging peaceful and mas masaya ang love life. Hindi pa masisira and dignidad niyo at marami pa kayong kaibigan.
Kaya huwag biktimahin si ate o si kuya ni ex, karga konsensya mo pa kung hindi na magturingang magkapatid ang magkapatid. Si kaibigan ni ex huwag mo nang isunod, 'eh kasi, siya ang mas mahal mo'? Please huwag paka-selfish, kasi if ever maging kayo ni friend ni ex, are you really sure na siya na ang forever mo? Kasi kung sakaling maghiwalay din lang kayo tulad ni ex at hindi nag-work yong relationship niyo, sa tingin mo ba maibabalik mo pa ang pagkakaibigan nilang nawala? Remember, ikaw ang dahilan. Kahit balik-baliktarin man natin ang mundo, sabihin man nating 'kasi siya naman ang unang nagkagusto' hindi parin maiaalis ang parte mo ng pagkasira ng pagkakaibigan nila. You're still "IN".
Isa sa close na tao sa akin ang nagsabing ang isa sa sakit ng simbahan ngayon ay ang 'division'. Kaya mag-isip-isip kung gustong isunod ang ka-churchmate ni ex. Kasi malaking pananagutan ang naghihintay sayo kung bibigay ka sa temptation. Pananagutan hindi lang sa tao kundi maging sa Diyos. (Sobrang babaw na dahilan?) No! Don't think that way, Satan can use such thing to ruin people and the church. We are not praying for that to happen but we need to be careful and think twice before we do it.
Huwag lumugar sa epic na relasyon. Humanap ka nalang ng iba :)) Yong talagang sasaya ka dahil walang komplikasyon sa relasyon. Tama?
Ask God to give you the right one. If may nararamdaman ka na sa ka-close ni ex, ask God to help you do the right thing to do. Nothing is impossible to God. ;)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro