Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TWELVE: Paint It Black


ERALD

NATATANDAAN KO pa, apat na taon na ang nakararaan, kung bakit bigla akong umalis sa Volunteer Club. Walang masyadong impact ang mga pangaral sa akin ni papa pati ang pagkampi ng ate ko sa kanya. I stood by my principle of helping other students.

But everything changed when I accidentally overheard a conversation. A chit-chat between two members of my club. Nakasandal ako sa isang pillar ng hallway nang makita ko ang aming club president na si Faith - payat pa siya noon, nakalugay ang buhok at hindi pa ganon ka-developed ang kanyang dibdib - at ang isa naming member na nakalimutan ko na kung sino.

Tatawagin ko sana silang dalawa para kumustahin pero natigil ako nang marinig kong banggitin nila ang pangalan ko.

"Sa tingin mo, papayag ba si Erald na gawin 'yon?" tanong ng babaeng may mahabang buhok. Even if I bang my head against the wall, I couldn't recall what her name was. Maybe she wasn't that significant in my elementary days.

"Siya na siguro ang pinakamasunurin nating member kaya sigurado akong gagawin niya kung anuman ang ipapagawa natin," sagot ni Faith. Medyo na-touch ako sa sinabi niya dahil kinilala niya ang efforts ko, hindi kagaya ng mga kadugo kong minamaliit ang pagiging bahagi ko sa Volunteer Club.

"Basta kapag ako ang nagsabi sa kanya, one hundred percent sure na susunod siya sa akin," dagdag niya. "I believe na may gusto siya sa akin kaya lagi siyang nagpapakitang gilas tuwing may activity tayo. Kung uutusan ko siyang gumulong sa sahig o tumahol na parang aso, hindi man siya magdadalawang-isip na gawin 'yon."

"Oo nga, 'no? Napansin ko ngang lagi siyang nakatitig sa 'yo. Baka sumali siya sa club natin dahil gusto ka niyang makasama?"

"Kung iyon nga ang rason, mas mapapadali ang trabaho ko sa club," sinundan niya ito ng isang mahinang tawa. "Ni hindi nga niya napansin na laging 'yong mga mahihirap na assignment ang binibigay ko sa kanya. Go pa rin siya nang go."

Natulala na lamang ako habang patuloy nila akong pinag-uusapan. Nang dadaan na sila sa tapat ko, mabilis akong tumalikod at tinakpan ang aking mukha para hindi nila ako makilala. Nagtatawanan pa sila noon kaya malamang, hindi nila napansing nandoon ang taong pinagtsitsismisan nila.

And that's where my faith in humanity began crumbling. Kapag nga naman nagpakabuti at nagpakabait ka sa kanila, pagsasamantalahan nila ito. Napakuyom ang mga kamao ko nang sumagi sa aking isipin ang matatamis na ngiti ni Faith tuwing may hinihingi siyang pabor sa akin.

That was just an illusion. That was just a lie. And there I was, acting like a fool for her.

Oo, aaminin kong nagkagusto ako sa kanya noong nasa elementary pa kami. 'Yon ang isa sa mga dahilan kung bakit ganado ako sa mga club activity namin. Ngunit nagkakamali siya kung iniisip niyang ang mga ginawa ko noon sa club ay pagpapakitang-gilas para magpa-impress sa kanya.

Pagkatapos no'n, ilang araw din akong hindi pumunta sa club hanggang sa mapagdesisyunan kong umalis na roon. What's the point of staying in a group where they were just treating me like a tool?

"Aba, ang lalim yata ng iniisip mo," bulong ni Faith sa kanang tenga ko, dahilan para manumbalik ang kamalayan ko sa kasalukuyan. I wonder why those memories began flashing in my mind. Every piece of the past Erald's tragic memories has been locked away in my memory vault.

I turned to her, looking slightly uncomfortable. "Kailangan kong mag-concentrate para ma-confirm ko kung tama ang interpretation ko sa chessboard code."

Dinala kami ni Faith sa gymnasium kung nasaan ang clubroom ng mga chess player. Maliit lamang ito - kasing-liit ng aming office - at ang tanging laman ay isang parihabang mesa kung saan may nakapatong na chessboard at ang cabinet na halos kasing-tangkad ko na puno ng mga tropeyo mula sa iba't ibang chess competition.

I focused my attention on the list of students who had access in this club. Limang pangalan ang nakasulat dito kaya hindi kami mahihirapang alamin kung sino sa kanila ang naghampas ng chessboard kay Wesley.

CHESS CLUB MEMBERS
Adam Zulueta
Bill Yllana
Chad Vizcaya
Dave Urbina
Wesley Soler

Napangiti ako nang mabasa ang isa sa mga pangalan. Mukhang tama ang pagkaka-crack ko sa code. Too easy. Kung laro ito ng chess, this would be a checkmate.

"Did you get it?" tanong ni Charlotte na biglang sumulpot na parang kabute sa gilid ko. Masyadong malapit ang kanyang mukha sa akin kaya lumayo ako nang kaunti sa kanya. "Nandyan ba ang sinasabi n'yong umatake kay Wesley?"

"The victorious grin on Erald's lips tells us that he has already identified the culprit," sabi ni Clyde. Inaayos niya ang mga pirasong nasa chessboard. He removed all pieces except the four seen on the photo earlier. He recreated the same board set-up.

"Talaga? Kilala n'yo na kung sino ang salarin?" pagulat na tanong ni Faith. "Paano n'yo nalaman ang message sa code na iniwan ni Wesley?"

Lumapit ako sa chessboard at tiningnan ang apat na white chess piece na nakapwesto sa magkakahiwalay na black square. "Ang bawat square dito sa board ay may coordinates. From left to right, naka-designate ang mga letra mula A hanggang H. From bottom to top, naka-designate naman ang mga number mula 1 hanggang 8."

"So this bottom left square is called A1, correct?" Napaturo si Charlotte sa isang sulok ng board.

"You can still play chess even without the actual chess pieces and board, as long as you know the coordinates. That's called blind chess," Clyde explained, trying to steal the spotlight again from me. "Sa gano'ng set-up, sinasabi lang ng isang player ang coordinate kung saan niya ilalagay ang kanyang piyesa. Kunwari, Pawn to E5, Knight to F6, Bishop to G7."

"At paano makakatulong ang chess coordinates sa code?"

"Look at where the chess pieces were placed: Pawn on A3, Knight on C1, Bishop on D4 and King on H2." Inunahan ko na sa pagpapaliwanag si Clyde habang pinagtuturo ko ang mga nabanggit na piyesa. "The key to solving the code is the coordinates. At kung ia-arrange mo ang mga ito base sa numerong kaakibat ng mga letra..."

C1. H2. A3. D4.

"Chad!" bulalas ni Charlotte nang mapagdugtong niya ang mga clue na ini-spoonfeed ko na sa kanya. She took a photo of the chess board. "If you're right, si Chad Vizcaya ang umatake kay Wesley!"

"Posibleng ginawa niya ito para hindi makasali sa try-outs ang number one na pambato ng Chess Club sa inter-school competitions," komento ni Clyde habang pinaglalaruan ng kanyang kanang kamay ang black king. "He badly wanted to represent the school, so he committed a crime."

Ang mga tao nga naman, kapag pinangunahan ng inggit at pagiging uhaw sa karangalan, gagawin ang lahat para makamit ang bagay na kanilang inaasam.

"I can't believe na kayang gawin ito ni Chad," pailing-iling na sabi ni Faith, nakakrus ang kanyang braso sa kanyang dibdib. "Ang akala ko pa naman, magkaibigan talaga silang dalawa ni Wes."

"Kung iisipin, napakatanga niya," biglang hirit ko kaya napatingin silang lahat sa akin. "Dapat tinuluyan na niya si Wesley noong hinampas niya ng wooden chessboard. Sa oras na magising ang tinarget niya at tanungin kung ano talagang nangyari, malamang ituturo siya ni Wes bilang lalaking umatake sa kanya."

"Hey, huwag ka namang magsalita ng ganyan!" bulyaw ni Charlotte sa akin. "Pasalamat tayo dahil buhay pa si Wesley at hindi siya natuluyan."

Kung ako ang salarin dito, mas malinis ang ginawa kong krimen at tiniyak kong walang magsusupetyang assault ang nangyari. Sisiguruhin kong kahit si Sherlock Holmes, hindi niya ako maituturo bilang suspek.

"Faith, may number ka ba ni Chad? Maybe we can talk to him about what he did to Wesley," sabi ni Charlotte.

"Sige, ite-text ko siya. Pero sapat na ba ang code na iniwan ni Wesley para patunayang siya nga ang umatake sa kanya?" nababahalang tanong ni Faith bago niya sinimulang mag-type sa kanyang phone.

"We can ask our suspect if he had any alibi minutes or an hour before Wesley was found unconscious in this room," Clyde replied. Yumuko siya at kinapa ang sahig kung saan may bakas pa rin ng dugo. "May mga CCTV camera dito sa gymnasium kaya pwede nating makita roon kung anong oras siya pumasok sa clubroom at kung may kakaiba sa kanya noong paglabas niya."

Here comes the boring part of the investigation. Dahil medyo preoccupied ang utak ko sa mga flashback, hindi ako makaisip ng mas entertaining na paraan upang paaminin ang suspek sa ginawa niyang kasalanan. Magpa-pass muna ako at iiwan kina Charlotte at apat na mata ang kasong ito.

I reached for the door and waved my hand without turning to the three. "Mukhang hindi n'yo na kailangan ang tulong ko rito kaya mauuna na ako sa inyo. Balitaan n'yo na lang ako kapag napaamin n'yo ang suspek."

"Te-Teka, Erald! Hindi pa tayo-"

Bago ko pa marinig ang gustong sabihin ni Charlotte, ibinagsak ko ang pinto ng clubroom at naglakad sa mahabang pasilyo. Babawi na lang ako sa susunod, kapag nasa mood na ako.

"Erald, wait!"

Huminto ako sa kalagitnaan ng hallway at tumalikod. Ang akala ko'y si Charlotte ang tumawag sa akin. Paglingon ko, nakita kong tumatakbo patungo sa kinatatayuan ko si Faith.

"Bakit, may mali ba sa deductions namin?" nababagot kong tanong. Clyde did not refute my points earlier and he seemed to agree with my conclusion. I was confident that I got the answer right.

Tinitigan niya ako nang mata sa mata, tila gusto niyang mag-staring contest kami. "Ano bang nangyari sa 'yo?"

"Nangyari sa akin? Sumama lang kasi ang pakiramdam ko kaya naisipan ko nang umalis. Kayang-kaya na nina Charlotte at Clyde na tapusin ang kasong ito."

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Nanahimik muna siya ng ilang segundo at naging seryoso ang tono ng kanyang boses. "Bakit bigla kang nagbago? Hindi ka naman ganyan dati, ah? Bakit parang naging cold at distant ka na ngayon?"

Ngumisi ako sa sunod-sunod niyang tanong. At talagang siya pa ang kumukwestiyon sa character makeover ko?

Napabalikwas ang tingin ko sa kabilang direksyon. "Sinasabi mo bang nagbago na ako... dahil hindi na ako ang Erald na madaling utuin at gamit-gamitin noong elementary pa tayo?"

Natulala ang mga mata ni Faith at napabuka ang kanyang bibig. Gusto niya sigurong itanong kung ano ang ibig kong sabihin pero dala na rin ng pagkagulat, naubusan siya ng salita.

"Sabihin na nating nagising na ako sa katotohanan at namulat sa mga kasinungalingan noong bata pa lang ako," pagpapatuloy ko habang pinagmamasdan ang mukha niyang balot sa pagtataka. "Kaya sorry kung pinatay ko na ang Erald na nakilala mo noon."

Tumalikod ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway. Wala na akong pakialam sa kahit anong sabihin niya. Nakapag-move on na ako kaya wala nang rason para lumingon ako sa nakaraan.

Pagpatak ng alas-kuwatro ng hapon, hindi na ako dumaan sa clubroom at dumiretso na ako palabas ng campus. I got no text message from Charlotte, so that would mean we had no clients this afternoon.

Huminto ako sa tapat ng stoplight, pinapanood ang pagdaan ng mga sasakyan habang hinihintay na mag-red ang ilaw nito. Napatingin ako sa gitna ng daan at tila may alaalang pilit na kumakawala sa baul na pinaglagyan ko nito.

Kung si Clyde ay may memory palace kung saan niya sine-save ang mga impormasyong nae-encounter niya araw-araw, ako naman ay may memory vault. Dito ko itinatago ang masasakit at mapapait na alaalang gusto kong makalimutan. Kahit gaano pa ito ka-secured, meron at merong memoryang pilit na tatakas mula sa loob.

I remember what happened four years ago in the same pedestrian crossing. Pauwi rin na ako noon matapos kong magpaalam na magku-quit sa Volunteer Club. Palutang-lutang ang isip ko habang naglalakad, hindi ko na namamalayan kung may nakakabangga ako sa daan o natatapakang paa.

Pinagninilay-nilayan ko kung tama ang sinabi ng papa ko na hindi ako dapat mag-aksaya ng oras sa mga bagay na walang kapalit. Pinag-iisipan ko rin kung tama ba ang sinabi ng ate ko na trying hard akong maging bayani sa pagtulong ko sa iba.

Saktong nag-red ang stoplight nang makarating ako sa crossing noon. Tumatawid ang isang batang babae na halos kasing-edad ko lang siguro. Dapat ay nakahinto na ang mga sasakyan para padaanin kaming mga pedestrian. Ngunit may isang kotseng mabilis ang takbo at tila walang balak na huminto.

I looked at the girl crossing the road. Hindi niya siguro napansin ang hindi pumeprenong kotse kaya patuloy siya sa paglalakad. Sa sandaling 'yon na nagdududa ako kung tama ang ginagawa kong pagtulong sa iba, parang may bumulong sa tenga ko na sagipin ang babae.

Kumaripas ako ng takbo sa pedestrian crossing at itinulak nang malakas ang batang babae para hindi siya masagasaan ng kotse. Nailigtas ko nga siya sa kapahamakan pero ako naman ang nabundol ng sasakyan. Tumilapon ako nang ilang metro at tumama ang ulo ko sa sementadong kalsada.

While lying on the cold and dirty road, I saw how the blue skies turned orange... until my vision went black.

When I opened my eyes, I found myself lying on a cozy bed. Everything around me was white and I thought for a moment that I was already in heaven. Nang maamoy ko ang matapang na disinfectant at ang biglang pagsakit ng ulo ko nang sinubukan kong tumayo, napagtanto kong nasa ospital pala ako.

"Gising ka na pala."

Bumukas ang pinto ng aking kwarto at pumasok ang isang pamilyar na mukha - si papa. Nakasuot siya ng puting coat na abot hanggang tuhod. Nakapatong ito sa kanyang light blue na longsleeved shirt at itim na pantalon. A stethoscope was hanging around his neck.

Whoever found me unconscious on the road must have brought me to his clinic.

Nakapa ko ang nakapalupot na benda sa aking ulo at naramdaman ang sakit sa bandang likuran. "Nandito ba kayo para sermonan ulit ko? Kahit na may nailigtas akong buhay kanina?"

Lumapit siya sa akin at tiningnan ako ng mga walang buhay niyang mata. Hindi kagaya noong pinangaralan niya ako, mas kalmado siya pero hindi ko mabasa kung natutuwa o nagtitimpi siya sa galit dahil sa kanyang poker face.

"I admit na kahanga-hanga ang ginawa mo. Ayon sa mga nakasaksi, iniligtas mo raw ang isang batang babae mula sa pagkakasagasa. Hindi lahat ng mga tao, may gano'ng instinct."

Ngumiti ako nang banggitin niya ang salitang "kahanga-hanga." Mukhang na-appreciate na niya ang effort kong tumulong sa iba kahit walang kapalit. Baka nga bigyan niya pa ako ng medal dahil sa kabayanihan ko.

"Unfortunately, mukhang balewala ang ginawa mong pagliligtas sa kanya."

Dahan-dahang nabura ang ngiti sa labi ko at nabaling ang tingin ng mga nanlaki kong mata sa kanya. "A-Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari sa kanya?"

"Hindi nga siya nasagasaan pero tumama naman ang ulo niya sa sementadong daan. Isinasailalim na namin siya sa iba't ibang test para tingnan kung may epekto ito sa utak niya."

"Ma-Magiging okay naman siya, 'di ba? Magiging maayos naman ang-Argh!" Natigil ako sa pagsasalita nang muling kumirot ang ulo ko.

"Didiretsohin na kita. Kapag hindi bumuti ang lagay niya, malabo na siyang maka-survive sa lagay niya ngayon. Isang himala na lang kung magigising pa siya kinabukasan o sa susunod na araw."

May mga sinabi pa ang papa ko ngunit hindi ko na narinig. Natulala na lamang ako sa blangkong pader. Sinubukan kong iligtas ang babaeng 'yon pero mukhang idinelay ko lang ang kamatayan niya.

Kung hindi ko ba siya itinulak, posible kayang nakaligtas siya't maayos ang lagay niya? Paano kung ilang segundo bago bumangga ang kotse sa kanya, kaagad siyang nakaiwas dahil mabilis ang reflexes niya? Kung hindi ako nakialam, mauuwi ba sa ganito ang lahat?

"Hindi ka pa ba napapagod sa ginagawa mo?"

Hindi ko namalayang nakaalis na sa kwarto si papa at nakaupo na sa kama ko si Maddie. She was still wearing her school uniform.

"Sinabi ko na sa 'yo noon na huwag kang magpaka-trying hard na maging bayani. Bakit hindi ka nakinig sa akin?" May dala-dala pa siyang mansanas para sa akin. "Hindi lahat ng taong nangangailangan ng tulong, kailangan mong tulungan. Minsan kailangan mong ipikit ang mga mata mo sa kanila at magpanggap na hindi mo sila nakikita. Hindi mo ba kayang gawin 'yon?"

"Nandito ka ba para sermonan ako?"

"Gusto ko lang ipa-realize sa 'yo na wala kang mapapala sa pag-aasta mo bilang isang hero," nakangiting sagot niya habang pinapanood ang paggalaw ng kutsilyong hawak sa pagbalat sa mansanas. "Huwag kang gagawa ng bagay nang walang kapalit o hindi mo papakinabangan. Gano'n lang kasimple."

Napakabata pa ng ate ko noon pero gano'n na siya kung mag-isip. Medyo mature, medyo nakakatakot. Baka namana niya sa papa ko ang gano'ng mentalidad kaya "advance" na siyang mag-isip kahit nasa elementary pa lang siya.

Inalok niya sa akin ang isang platito ng ini-slice niyang prutas. "Isipin mong ito ang forbidden fruit na kapag kinain mo, mabubuksan ang mga mata mo't mamumulat ka sa katotohanan, gaya nina Adam at Eve."

Hesitating at first, I took one slice and ate it. The taste was no different from ordinary apples. Was I enlightened? No. But Maddie's words had an impact on me.

My consciousness went back to the reality the moment the stoplight turned red. Enough with the flashbacks. Huminto ang mga sasakyan at nagsimulang tumawid ang mga katulad kong pedestrian sa crossing.

Kung mauulit man dito ang nangyari apat na taon na ang nakararaan, ipipikit ko na lang ang mga mata ko at dire-diretso akong maglalakad.

q.e.d.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro