Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER SIXTEEN: Clock is Ticking

ERALD

TUMATAKBO ANG oras at kailangan naming habulin ito bago mahuli ang lahat. We only had around six minutes before something happens to Charlotte.

"Is something wrong, Erald? Bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa riyan?"

Kakalabas pa lang ni Clyde mula sa kwarto kung saan nagkakatuwaan ang mga student-leader para sa president at vice president. Saktong-sakto ang pag-eksena niya! I had no one to turn to except him. Normally, I wouldn't ask for any help from him, but the situation forced me to make use of all available resources.

"Clyde, naaalala mo pa ba ang K-OS Club na nanggulo noong club fair?" tanong ko.

"The renegade club that you asked hired for help to set-up the bomb scare?" he replied.

"Oo, sila nga. Ngayon, may plano na naman—"

My mouth froze and my eyes shot him a wide stare. How did he know about that? Wala akong pinagsabihan tungkol sa secret deal ko sa K-OS Club. Meron kayang ulupong sa grupong 'yon na nag-leak ng impormasyon? O sadyang intuitive itong si apat na mata?

"Just as I thought..." he smirked, touching the bridge of his glasses. "I was already suspicious of everything that happened back then. Ang pagpapadala ng pekeng bomba sa Chemistry Society booth, ang biglang pag-eksena ng QED Club at ang pagpapakitang-gilas mo sa gano'n kadelikadong sitwasyon. Putting two plus two together wasn't difficult."

Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanya kung bakit ko nagawa 'yon pero unti-unting nauubos ang oras namin. Sa bawat laway na nasasayang, mas napapalapit sa peligro ang buhay ng club president namin. "Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa bomb scare incident.Right now, I need your help! Kinidnap yata nila si Charlotte at binigyan nila tayo ng pitong minuto para hanapin siya... kundi may masamang mangyayari sa kanya!"

The triumphant smile across his lips vanished as the serious expression dawned on his face. "Are they here, in the leadership training seminar? Pero paanong..."

"Hanapin muna natin si Charlotte bago natin alamin kung sino sa mga nag-attend ang posibleng konektado sa grupong 'yon," tugon ko. Once our club president's life was no longer in danger, I would hunt down whoever did this to her.

"May ibinigay ba silang clue?" tanong ni Clyde.

"Sinabi nila na may pitong minuto tayo para hanapin si Charlotte," I recalled. "Halos five minutes na lang siguro ngayon. Kapag pumatak na sa zero, hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya."

Naningkit ang mga mata ni Clyde. "Baka isa na naman itong prank gaya ng ginawa nila sa bomb scare incident? They might be just playing with our minds."

"Prank man ito o hindi, mas mabuti nang makasiguro tayo. Personal akong tinawagan ng leader nila para sa larong ito at ramdam ko sa boses ng kumausap sa 'kin na seryoso sila."

Sumilip ako sa clock display ng aking phone. Tatlong minuto na ang nakalipas mula nang tumawag ang taga-K-OS Club.

"Baka pwede nating gamiting clue ang time limit?" Nagkrus ang mga braso ni Clyde habang nakatitig pa rin sa akin. "Bakit sila magse-set ng countdown hanggang sa matagpuan natin si Charlotte? Pwede naman kasing wala ang gano'ng factor para sa larong ito."

"Paano kung may bombang naka-strap kay Charlotte at may pitong minuto na lang ito bago sumabog?" That's an over-the-top idea, but hey! We're talking about the K-OS Club here. They might have the craziest pranks up their sleeves. Nagawa nga nilang takutin ang buong school gamit ang pekeng bomba.

Baka kailangan kong mag-isip tulad nila? Dahil isa akong self-proclaimed villain, posibleng magkapareho kami ng line of thinking ng taga-K-OS Club. If I were to adbuct Charlotte, where would I bring her inside the ecopark? Pwede ba nila siyang dalhin sa labas? Ah, no. Kailangan muna ng clearance mula sa organizers ng event bago sila makaalis. That boosted the probability that they were still here.

If I were in their shoes, why would I give a time limit for the players to find the missing girl? Kapag ba naubos ang oras, talaga ngang may mangyayaring masama kay Charlotte? Saang lugar sa ecopark na 'to applicable ang gano'ng kondisyon?

Habang lumilipas ang bawat segundo, lalong nalalagay sa panganib ang buhay ni Madam President. Saan kaya siya pwedeng dalhin para—

"Swimming pool."

I cast a sideward glance at Clyde who offered an idea. "Anong swimming pool?"

"Habang naglilibot kayo ni Charlotte kaninang umaga, pinag-aralan ko ang mapa ng ecopark," paliwanag niya. "There are off-limit areas here that are being guarded by CCTV cameras. If someone trespasses there, the ecopark staff are going to be alerted. Dahil wala pang report mula sa kanila, posibleng wala sa off-limit areas ang hinahanap natin."

"At paano napasok ang swimming pool sa deductions mo?"

"Natatandaan mo pa ba kanina noong hinihintay nating lumabas ang student council president para dukutin siya? May swimming pool na walang lamang tubig. Pwedeng doon inilagay ng mga taga-K-OS Club si Charlotte at sinimulang punuan ng tubig. That may be the reason why they gave us a time limit. Kapag lumipas ang pitong minuto, maabot na ang level kung saan malulunod na siya."

I hate to admit, but he had a point.

"I trust your deductions, Clyde!" Hindi ako mapaniwalang sasabihin ko 'yon sa kanya. He's probably the last person I would depend on this world. But because time is of the essence, kailangan kong i-set aside kung anumang pagkainis ko sa kanya. "Pakisabi sa student council na dinukot si Charlotte at baka kailanganin niya ng medical attention!"

Kumaripas ako nang takbo palabas ng villa. Clyde said something but my ears failed to pick it up. Muli kong sinilip ang orasan sa phone at napansing dalawang minuto na lamang ang natitira.

Mabuti't hindi gano'n kalayo ang swimming pool kaya mabilis akong nakarating doon. May malaking hose na naglalabas ng tubig. Lumapit pa ako nang kaunti at nakitang nakahiga sa pool si Charlotte, nakatali ang kanyang mga kamay at paa. Nakatakip din ng tape ang kanyang bibig para hindi siya makasigaw at makahingi ng tulong. Nakalubog na sa tubig ang buong katawan niya at pinipilit ng kanyang ulo na huwag mababad sa tubig.

Ayaw kong maging bayani pero sa sitwasyong ito, pinairal ko na ang pagiging makatao ko at hindi na nagdalawang-isip na lumusong sa tubig. The water was almost knee-deep. Kahit nahirapan akong maglakad sa tubig, pinilit kong makapunta sa gitna kung saan halos malunod na si Charlotte.

"Madam President!" sigaw ko nang iniangat ko siya. I removed the tape that covered her mouth. Halatang nasaktan siya nang puwersahin ko 'yong tanggalin. Sorry, Charlotte. Sinunod kong tanggalin ang tali sa kanyang mga kamay at paa.

Ayaw ko mang mabasa ang suot kong damit, wala na akong nagawa nang dumikit sa akin ang basang-basang katawan niya. She was cold. She was shivering. She almost ran out of breath.

Kahit na mukha siyang payat, nabigatan ako habang pasan-pasan ang katawan niya patungo sa gilid ng swimming pool. Saktong dumating si Clyde kasama ang ilang student leaders. Tinulungan nila akong ihiga si Charlotte sa semento. Wala siyang malay pero may pulso pa siya. Malamig ang kanyang katawan na parang ilang oras na ikinulong sa freezer.

"Pa-Paano siya napunta sa pool?" tanong ni Bruce nang makalapit sa katawan ni Charlotte. "Sino ang may gawa nito?"

Umahon muna ako sa swimming pool at ipinalipit ang basa kong damit. Fortunately, I brought an extra shirt. Parang nakutuban ko nang mababasa ang suot kaya nagdala na ako ng extra. "Habang busy tayo sa paghahanap kay student council president, dinukot siya ng mga taga-K-OS Club at dinala rito sa swimming pool para lunurin."

"K-K-OS Club?!" Nagbulungan ang mga estudyanteng nasa paligid namin. Parang mga bubuyog na nagtsitsismisan. Who could have expected that the rogue club would make their presence felt in a seemingly boring team building? Though I appreciated Torry and company for spicing up this event, I wouldn't forgive them for making my shirt wet... and for putting Charlotte's life in danger.

Inilibot ko ang aking tingin sa mga kasama namin. One or two of them must be in cahoots with the K-OS Club. Kunwari'y nag-aalala sila, kunwari'y nagpapasalamat sila na walang masamang nangyari kay Charlotte. But beneath their thick skulls must be the thought, "Sayang! Na-rescue ang babaeng 'yon!"

Who? Who among you is the accomplice? Hindi kami bababa sa singkwenta kaya hindi kami mahihirapang i-apply ang process of elimination. Whoever that person is, he better hide now.

"Parating na raw 'yong doktor ng ecopark!" anunsyo ni Agnes na kakarating pa lang kasama si Maddie. They were shocked to see the unconscious club president.

"She's not breathing," Reign observed before facing everyone else. "Maybe someone needs to perform CPR on her?"

Natutok sa akin ang tingin ng lahat. Teka, teka! Nag-effort na nga akong sagipin siya tapos ako pa ang gusto nilang mag-revive sa kanya? One heroic act was already too much for me. At saka wala akong kaalam-alam sa CPR na 'yan. May mga napanood na ako sa TV pero alam kong hindi talaga gano'n ang method.

Fortunately, someone stepped forward and volunteered himself. Clyde knelt beside Charlotte. Bahagya niyang iniangat ang ulo ng babae. He leaned his head closer, observing if the girl's airways were blocked. He placed his hands on our club president's chest and repeatedly did some chest compression. Ilang beses din niyang idinikit ang kanyang bibig sa bibig ng walang malay naming kasama.

Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa mapaubo ng tubig si Charlotte at dahan-dahang bumukas ang mga mata niya. Nasa memory palace siguro ni Clyde ang procedure ng pagsasagawa ng CPR kaya alam niya ang dapat gawin. At least, he could make good use of the skill he always boasts in this situation.

"Na-Nasaan ako... A-Anong ginagawa ko rito..." Those were the first words that escaped Charlotte's lips. Mahina ang kanyang boses at kasing puti ng niyebe ang kanyang balat.

"You are in an ecopark for the leadership seminar. Someone tried to drown you. Hindi mo ba natatandaan?" paalala ni Clyde.

"Leadership training... seminar? Na-Natuloy pala 'yon... Bakit parang wala akong matandaan..."

Dumilat ang mga nakatitig kong mata sa walang kamuwang-muwang niyang mukha. The same also happened in the bomb scare incident. She couldn't remember what happened before she was brought here. Nagkaroon na naman kaya siya ng episode ng selective amnesia dahil sa trauma?

The doctor called by the student council president arrived at the swimming pool. Kinuhanan si Charlotte ng body temperature at chineck din ang kanyang heartbeat. After a quick diagnosis, napagpasyahan ng doktor at ng student council na dalhin siya sa pinakamalapit na ospital para ma-examine doon. Tinawagan din ang parents niya para ma-inform tungkol sa nangyari.

"You need to come with her," Madeleine told me the moment the ambulance arrived. Kakapalit ko pa lang ng tuyong damit. Ayaw kong magkapulmonya at sunod na isugod sa ospital.

I stared at her in disbelief and shook my head in disapproval. Do I care for our club president? Yes. Do I need to accompany her to the hospital? I don't think so. Habang tsine-check-up siya, ano ang gagawin ko roon? Maghihintay ng magdamag habang hinihintay ang resulta?

"Kayo dapat na taga-student council ang magbantay sa kanya," tugon ko. "You are the reason why she was here in the first place. Kung hindi sana kayo nagpatawag ng team building ngayong weekend, hindi malalagay sa panganib ang buhay."

I admit that was the lamest excuse I ever thought of. Ayaw kong ipasa sa kanila ang sisi dahil una sa lahat, wala naman silang kasalanan na biglang nagparamdam ang K-OS Club.

"You are the one who saved her life," Maddie pointed out. "You knew about what that rogue club did to her. If her parents need an explanation, ikaw ang makapagbibigay ng buong detalye."

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko't naisipan kong magpakabayani ulit. Parang napaka-out of character sa tulad kong self-proclaimed villain na sagipin ang isang babaeng muntik nang malunod. May nabasa akong quote noon na hindi mo raw kailangan ng kahit anong rason para iligtas ang buhay ng isang tao. Maybe that can be applied in this situation, but whatever.

In the end, hindi ako nakapalag nang itinulak ako ng mga taga-student council papasok sa ambulansya. Sinubukan kong tumakas pero muli akong itinulak ni Maddie at ipina-lock ang pinto. Wala na akong nagawa kundi titigan si Charlotte na inihiga sa isang stretcher at patuloy na tsine-check ng kasama naming attendant sa loob.

Halos kalahating oras ang lumipas bago kami nakarating sa ospital. Ipinaubaya na namin sa mga nurse ang buhay ni Charlotte. She wouldn't die anytime soon, I hope, but the attempted drowning might have had some effects on her. Pwedeng nagka-trauma siya sa ginawang pagdukot sa kanya.

Somehow, this hospital scene reminded me of what happened four years ago. Isinugod din ako sa ospital noon pati ang babaeng tinangka kong sagipin. Sinubukan kong maging bayani noon at inakala kong mapapatunayan ko na kay papa na may mabuting maidudulot ang pagpapaka-bayani ko.

But my supposed heroic act backfired. Something worse happened to that little girl. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sakaling may nangyaring masama sa kanya. That's the cross that I had to bear for a few months. That gave me nightmares.

Ngayon, naulit na naman ang pagpapaka-bayani ko. But this time, my good deed paid off. I managed to save someone's life. I never intended to be a hero, but thanks to the foolish K-OS Club, I was forced to be one.

Habang hinihintay ang update ng doktor kung kumusta na si Charlotte, nagtungo muna ako sa vending machine sa lobby ng ospital at bumili ng canned coffee. Saktong paglingon ko sa entrance ng building nang may masilayan akong pamilyar na mukha ng isang middle-aged na babae. Her bobcat hair bounced as she walked toward the nurse's counter.

Hindi ko na matandaan kung saan ko siya nakita pero alam kong nagkita na kami noon. I tried to recall where I saw that same worried face. Was it in school? Was it in a mall? Ugh! My memory's failing me!

"Excuse me, miss? Dito ba in-admit ang anak ko?" narinig kong tanong niya sa front desk nurse. Maging ang boses niya, pamilyar din. Saan ko nga ba unang narinig 'yon?

"Ano ho ang pangalan ng anak n'yo, ma'am?"

"Charlotte Claveria. I'm her mother."

Dumulas mula sa pagkakahawak ko ang canned coffee. It produced a clanking noise that got the attention of people around me.

Napatulala ako sa babae at halos pasukan na ng langaw ang nakanganga kong bibig. Diretso ang kanyang tingin nang dumaan siya sa harapan ko. She was too concerned about her daughter's welfare that she paid no attention to anyone.

Nagkita na kami noon—apat na taon na ang nakakaraan—sa ospital ng papa ko. Tandang-tanda ko pa ang parehong mukhang puno ng pagkabahala at ang mabibilis niyang yabag patungo sa kwarto ng kanyang anak.

I couldn't be mistaken. She's the mother of the girl I tried to save back then.

And as it turned out, that girl is none than Charlotte.

q.e.d.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro