Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9- Preparations

Christian's POV

"Babe? Teka, parang familiar ang boses mo! Sino ka ha?! Ba't ka tumatawag sa number ng kuya ko?!" Sigaw ko sa phone at biglang sumagot yung unknown caller.

[Hahaha.. Prank! Hahaha... XD]

"Ca-cass? Tangina naman oh! Kala ko naman kung nag-cheat na si Kuya sa'yo!"

[Hahahahah...]

Narinig kong nag-sitawanan sila ni Kela.

[Yan kasi! Tss.] -Kela

"Tseh! Ibababa ko na 'to."

[Teka---]

*toot toot toot

Ibinaba ko yung phone at humiga sa kama.

"Hayyy.." Bumuntong hininga ako kasi parang may mali.

Cassandra's POV

Grabe! Tawang-tawa talaga kami ni Kela sa kalokohan namin hahahahaha...

*FLASHBACK*

"Ang boring." Sabi sa akin ni Kela at naupo sa sofa.

"Kaya nga eh." Maiksing sagot ko.

"Teka may naisip ako" sabi ko sa kanya at bumulong.

"Game! Hahahaha.." Sagot niya sa akin.

Sinabi sa akin ni Kela ang number ni Michael at alam kong nasa CR siya ngayon at si Christian ang sasagot.

"0917*******"

"Yan... Tawagan ko na haha.."

*Ringing*

[Hello?]

"Hello babe. Kamusta ka na?" Pag-iiba ko ng boses ko

[Babe? Teka, parang familiar ang boses mo! Sino ka ha?! Ba't ka tumatawag sa number ng kuya ko?!]

"Hahaha.. Prank! Hahaha... XD"

[Ca-cass? Tangina naman oh! Kala ko naman kung nag-cheat na si Kuya sa'yo!]

"Hahahahah..."

Nagsitawanan kami ni Kela at si Kela naman ang sumagot sa phone.

"Yan kasi! Tss."

[Tseh! Ibababa ko na 'to.]

"Teka---"

*toot toot toot

Binabaan niya ako -.- Nakakaasar siya.

*FLASHBACK ENDS*

"Hahaha.. Nakakatawa talaga yung trip mo Cass." Sabi ni Kela habang nakahawak sa tiyan niya na tawa ng tawa.

"Hahahahaha... Grabe na yang tawa mo Kela. Hahahahah..."

"Tara na nga! Magprepare na tayo. Ikaw na muna mag-shower" sabi ko kay Kela.

"Sige.."

*Phone Ringing*

=NICOLE=

"Hello?"

[Hello Bes!]

"Bes! Bakit?" Ahh.. Oo nga pala! Nakaready ka na for the party? Punta ka dito sa bahay now na."

[Ahh sige bes. Bes kaya ako napatawag kasi.. Ano... Si... Si ganun... Si Kevin..]

"K-Kevin? A-Anong ibig mong sabihin?"

[Cass, bumalik na siya dito sa Pinas. Bumalik siya dito para balikan ka ulit.]

"Ano?! Teka, pero.."

[Cass, let's just talk about it 'pag nandiyan na ako ha? Ok? Bye.]

"B-bye"

Binaba ko ang phone at ewan ko ba kung ano dapat ang magiging reaction ko pero for now, tulala ako.

Nicole's POV (first time 'to ha? XD)

Hi, kilala niyo na ba ako? I'm Nicole Lee. Nagmamay-ari din kami ng maraming business and we have our own company, Lee Company.

Ahh.. Kung tinatanong niyo if who is Kevin, si Kevin kapatid siya ni Trixie. Yes, isa siyang Yu. Siya kauna-unahang bf ni Cass. Hindi seryoso si Kevin sa relationship nila ni Cass kaya si Cass ang nakipag-break sa kanya. Kevin is a playboy at isa rin ako sa napaglaruan niya. Yup, tama yung nabasa niyo, pinaglaruan niya kami.

********
I still remember nung 2nd year highschool palang kami noon at it was our school festival. May relationship kami ni Kevin noon. He brought me somewhere na wala daw makakakita sa amin. Nagulat ako nang bigla niya akong trinap at hinalikan. Hindi ko alam na playboy pala siya that time at di ko rin alam na sila pala ng bestfriend ko.

"Ke-kevin?! Nicole?! A-anong ibig sabihin nito ha?! Biglang dumating si Cass at nagulat talaga ako kasi nakita niya kami.

"Cass, let me explain." Humakbang si Kevin papunta kay Cass pero sampal lang ang naibigay ni Cass.

"A-akala ko ba mahal mo ako Kevin? Pero ginago mo lang ako!" Sabi ni Cass habang umiiyak

"Kevin, yung totoo? Pinaglalaruan mo lang ba kami ni Cassandra." Tanong ko sa kanya.

I was too shocked that time kasi, sila pala ni Cass.

"You two! Listen up!"

"Eh tarantado ka pala Kevin eh! Nagdadala ka lang ng gulo!" -ako

"Cass, Nicole I'm so sorry."

"No Kevin... Ako dapat ang mag-sorry, sorry kasi minahal kita. Let's just.. Stop this Kevin.. Ayaw ko na." -Cass

"Cass! Sandali."

Aalis na ako pero...

"Nicole..." Mahinahong sabi niya.

"Let me go Kevin. Bobo ka talaga kahit kailan." Sabi ko at niyugyog ang kamay ko paa mabitawan niya ako.

After nang mga nangyari parang wala lang kay Cass. Inaccept niya kaagad ang apology at naging okay naman ang lahat. Si Kevin nag-transfer siya sa America ar ngayon nagbabalik siya para kay Cass.

************
"Ija, andito na tayo" sabi ng driver namin.

"Ahh.. Sige po manong.. Yaya, pakitulong nalang po ako dito."

Tinulungan ako ni Yaya na buhatin yung gown na susuutin ko at yung mga kailangan ko.

*Doorbell*

"Good afternoon ma'am." Sabi sa akin ng butler nila.

"Hi po. Butler Kim! Kamusta na ho?"

"Ahaha. Oo lang po ^^ teka lang ho, Ma'am Imee, andito po si Ma'am Nicole."

Pumasok ako ng bahay nila at humakbang papunta kay Tita, wala kasi si tito, busy siguro sa labas.. Nakita ko kasi na super busy lahat ng nandito tapos sa labas nag-aayos na sila and ang super ganda *0*

"Mano po tita"

"Oh Ija, napaaga ka ata. Hahaha."

"Hahaha.. Pinapunta po kasi ako ni Cass."

"Haha.. Yung Cass talaga yun oh. Sige Ija, puntahan mo na siya sa kwarto niya."

"Thank you po tita" sige.

Habang papaakyat ako ay yung mga katulong nalang ni Tita ang mga nagbitbit sa gamit ko.

Nag-knock ako sa door at may nagsabing pasok pero hindi boses ni Cass yun.

"Kela?"

"Uy! Andito ka na pala." Sabi ni Cass nang nakalabas siya ng CR.

"Haha.. Andito rin pala si Kela."

"Ahh.. Oo, si Christian kasi kanina, nahuli ng LTO kaya ayun! Pinuntahan namin." -Kela

"Ahh..."

"Prepared na prepared ka yata Bes?" Tanong ni Cass.

Nakalagay kasi yung mga curler sa ulo ko kaya medyo weird din itsura ko ngayon haha.

"Ahh.. Oo! Ako pa! Haha... Gusto niyo tulungan ko kayong dalawa?"

"Sige Bes! Hahah.."

"Sige."

Inuna ko muna si Kela since nagpapatuyo ng buhok si Cass.

Sanay na kasi ako sa mga ganito saka hilig ko na rin kasi 'to simula nung bata pa ako.

"Anong gusto mong pagkatali ng buhok mo? Gusto mo ng bun?"

"Kaya mo?"

"Ako pa! Haha.."

Sinuklayan ko ang buhok ni kela.. Nag-iwan ako ng onting buhok sa harap para magmukhang may bangs niya mamaya. Tinali ko yung buhok niya ng mataas at inisprayan. Yung tinira kong buhok sa may harapan at sinuklayan ko naman at inayos. Pinin ko siya sa may gilid at ginawa kong magmukhang bangs yun. Bumalik ako dun sa nakapony tale na twinist ko yun pero nag bago yung isip ko hahaha... Trinintas ko yun at pinush ko pataas mula dulo. Inisprayan ko ulit para hindi na magulo. Inikot ko ito para maging bun at saka pinin. Nilagyan ko ng konting accessories yung buhok at Inisprayan ko na ang buong buhok ni Kela and I'm done.

"I'm done." Napatingin din si Cass nang sinabi ko yun.

"O-M-G! Ang ganda. Thanks Nicole." Sabi niya sa akin at hinug.

"Haha.. You're welcome! Cass! Ikaw naman.!"

Umupo naman si Cass sa may harap ng mirror at sinuklayan ko siya..

"Hmmm... Let me think.. "

"Bun nalang din Nicole. Haha."

"Sure ka ha? Sige.."

Tinali ko rin ng ganun yung kanya.

"Make-up nalang kulang... Cass, anong kulay ng damit mo?"

"Uhmm.. Red."

"Gold nalang make-up mo. Then---."

Etc etc. Madami akong sinabi at alam kong di niyo rin alam yun. XD

Natapos ko nang make-up-an si Kela at Cass. Sa totoo lang mag-ti- 3 p.m na -__- kanina pa kami tinatawag pero ayaw nila Cass. Saka nga pala, andito rin sila Ian at Michael.

*Flashback*

Habang minemake-up-an ko si Kela ay biglang kumatok yung katulong nila Cass.

"Ma'am Cassandra, mananghalian na daw po tayo."

Sabi ni Cass habang kausap sa yung katulong nila sa may pintuan.

"Ahh.. Mamaya nalang po kami sa party kakain. Kanina pa po kami kain ng kain ng mga miryenda dito."

"Sige po Ma'am. Sasabihin ko nalang kina Ma'am Imee."

"Sige ho." Sabi ni Cass at sinara yung pintuan.

*tok tok tok

Eh? Nangungulit yata?

"Mamaya----"

"Pwedeng pumasok?" Nagulat kami ng nakita namin sila Christian at Michael na di pa ganun ka-prepared.

"Sure.."

Pinapasok sila ni Kela ay naupo sila sa Sofa.

"Haist... Kanina pa kami tinatawag na mananghalian pero busog na kami sa mga miryende na binigay nila Tita. Hahah.. *burp*"

"Hahahah..." Napatawa kaming lahat dahil sa burp ni Michael.

*END OF FLASHBACK*

1 hour later...

"Hoy! Kayong dalawa diyan! Magpalit na nga kayo!" Utos ni Cass sa kanila Michael at Christian.

"Yes Ma'am!" Sagot nila at sumaludo pa.

Hahah... Magpapalit na nga rin kami.

Cassandra's POV

Nagsimula na kaming magpalit ng gowns at syempre, tulungan haha..

Yung outfit ni Nicole, royal blue ang kulay ng gown, 2 inches above the knee at tube. Yung sa may edge ng damit niya ay parang nag-puff siya and it suits her. At may suto din siyang jewelries and may medyo maliit na silver butterfly sa hair niya. Kanina niya pa tinanggal yung curler sa buhok niya para daw magmukha lang daw wavy yung hair niya.

Yung kay Kela naman ay black na dress na skater skirt yung design ng baba at may fluffy scarf din siya na puti *0* yung parang akin. Sarap pag-laruan nun *0* wahhh.. Hahah.. And black shoe din ang gamit niya and jewelries, of course.

At yung akin naman siguro alam niyo naman na hahaha.

Mga alas sinco na nang natapos kami. Grabe noh? Haha.. Mga pass 10 or 11 kami nagstart. Tapos 1 hour na rest tapos inayusan kami ulit ni Nicole tapos nakipag kulitan sa amin yung dalawang lalake tapos nag-makeup as in super make-up tapos ngayon nagpalit xD hahaha... Mga 5:00 nagsidatingan yung mga ibang bisita kaya medyo binilisan namin. Lumabas ako ng kwarto para i-check yung dalawang mokong haha.

Nag-knock ako sa door.

"Pasok" sabi ni Michael.

Siyempre, I still need to knock. Di porke bahay namin 'to di na ako mag-kno-knock lol. K-N-O-C-K

"Nakapalit na pala kayo ^^" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Bababa na ba?" Tanong niya sa akin.

"Ahh.. Oo. Marami na kasing bisita. Saka.. Ipapakilala tayo nila papa at mama sa mga bisita. Kailangan sabay daw ta'yong bababa."

"Ahh.. Ganun ba?"

"Oo."

"Sila Kela pala Cass?" Tanong ni Christian

"Nauna na sila sa baba."

"Bababa na rin ako. Bye Bro. Bye Cass. Kita nalang tayo sa baba."

Lumabas ng kwarto si Christian at bumaba na.

"Let's go?" -Michael

"Tara." Sabi ko at hinawakan ko ang left arm niya.

"Ahh.. Manang Lea!" Tinawag ko si Manang Lea ng para bang sobrang saya.

"Ano iyon Ija?"

"Manang bababa na ho kami. Pwede ho bang pakisabi kina Papa yun?"

"Sige Ija, makakarating sa kanila iyan."

"Maraming salamat ho."

Naghintay kami ng ilang minuto at alam kong sign na yun para bumaba kami.

Nakita ko sila Papa at Mama na nakikipaghalubilo sa mga bisita at nakita kami ni Mama.

"Andiyan na pala sila. Everyone. I want you to meet my daughter, Cassandra Minerva with her soon-to-be fiance niyang si Michael Villaflores."

Nagsitinginan lahat ng mga bisita sa amin habang bumababa ng hagdan.

Nang napansin ko gold pala yung kulay n bahay ngayon. Cool haha.. Halos lahat ng nakikita ko GOLD.

Nang nakababa na kami ay lumapit kamisa parents ko.

"Ang ganda mo ija at ikaw rin Ijo ang gwapo mo." Sabi ni mama sa akin at tinapik ang balikat namin.

"Ma, pwedeng sa labas muna kami mag-stay?" Tanong ko sa kanya.

"Yes Ija.. "

"Sige po."

Lumabas kami ng bahay and O-M-G! Napanganga ako sa nakikita ko ngayon. Yung harap at gilid ng mansion O-m-G! Ang ganda ng setting! Woo! Sa may gate, naka-open ito at nilagyan nila ito ng mga bulaklak at kapag lalakarin mo ang aisle pagpasok ng gate ay my mga bulaklak din ito. Alam niyo yung parang sa kasal? Parang ganun sana. Tapos since yung bahay kasi sa corner siya yung mga natirang space dito ay may grass at sa likod naman yung pool.

Tapos may maliit na stage malapit sa fountain namin. I can't just explain everything! As in super wow talaga!

—//—//—//—//—// chapter 9 Ends

A/N: ..... Hello! Busy kasi ngayon ito sa party kaya yun lang! Bye! Bilisan niyo! Hinihintay ko kayo hahah.. Sehh.

Thanks for reading! Chu~

\\Vote//
\\Comment//
\\Share//
\\Follow//

*******
Story by:
Andrea_Rea_Inspirit

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro