Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8- Worried

Michael's POV

"Michael! Si Christian!" Nagulat ako nang biglang sinabi yun ni Kela.

"Huh? Anong nangyari?"

"Nahuli daw siya. Nagdrive kasi siya ng walang license tapos may violation pa."

"Ano?! Takte namang batang yan haistt."

Nagpa-excuse muna kami para sa lahat ng subjects namin sa morning period para matulungan si Christian. At dahil nagpumilit sila Kela at Cass na sumama, sinama ko nalang sila.

Pagdating namin doon ay nakita na namin si Ian waiting for us.

Lumapit ako sa kanya at binatukan.

"Ah! The f---"

"Ano?"

"Kuya, ikaw pala yan."

"Sir, ano po bang nangyari dio sa kapatid ko?" Tanong ko sa pulis

"Ahh.. Nagdrive siya pero wala siyang dalang lisensya. Tapos, speed limit niya ho sumobra."

"Aish! Christian! Anong nangyayari sa'yo?"

Di sumagot si Christian kaya unang pumasok sa isipan ko ay "may problema siya"

Since, ang kailangan lang naman ay magbayad at ipakita yung license ko ginawa ko yun. Buti nalang dala ko pa yung driver's license ko.

"Sumabay ka nalang sa amin. Ipapauwi ko nalang yung kotse mo. Christian, mag-usap nga tayo. May problema ka ba?"

"Nagawa mo pang magtanong."

"Chri--"

"Kayo ang problema ko kuya. Nagseselos ako sa inyo."

"Teka, pero sabi mo... Ako na ang bahala kay Cass?"

"Oo kuya sinabi ko yun pero masakit eh"

"Christian, ba't di mo sinabi?"

Habang tinaanong ko siya ay biglang tumulo ang luha niya.

Baliw talaga 'tong batang 'to. Mamimigay tapos masakit din pala sa looban. Tsss.

"Wag ka na ngang mag-emo diyan. Ang pangit mong umiyak"

"-____- asar."

Pumasok nalang siya sa kotse at naghintay. Ako naman tawa nalang nang tawa.

//sa loob ng kotse//

"Diba ngayong mamayang gabi na yung party?" -Ian

"Oo, ready ka ba?" -Ako

"Hinde" -Ian

"Takte. Kayo Kela at Cass?"

"Ahh.. Oo ready kami."

"So, si Ian nalang ang hindi ready. We need to find a suit for him"

"Hindi na kuya, ang dami dami niyan sa bahay. Ay wait lang, I think nakaprepare na ako haha."

"Yung totoo."

"Yup."

"Sige den..."

"Daan muna kaya tayo sa bahay?" Suggest ni Cass at pumayag naman kaming lahat.

Cassandra's POV

Andito kami ngayon sa bahay to be specific nasa gaming room kami. Haha..

"Christian, Michael.. Maiwan muna kayo diyan. Pupunta lang kami ni Kela sa kwarto ko."

"Sige."

"Tara Kela." Hinila ko si Kela at umakyat kami ng hagdan.

"Welcome to my room."

"*O* ang organized ng kwarto mo. Then ang cute ng color ^^ tortoise. (A/N shade of green po ^^)"

"Thanks!"

"Wait! I think, alam ko na kung saan makakapag-enjoy. Dun oh!" Tinuro niya yung door ng closet ko na napakalaki.

"Hahaha..."

Pag papasok ka kasi ng room ko, nasa left side ang higaan, study table, and yung mirror xD then yung door ng napakalaking closet, cr, bookshelf, musical instruments (piano and string instruments) sa right side. Yung door sa middle.

Pagpasok namin sa closet ay...

"O-My-Gosh! Ito yung susuutin mo sa party mamaya?"

"Yup"

"Ang cute."

"Thanks! Gusto mo, dito ka muna mag-stay? Since pinakuha mo naman yung damit mo."

"Yehey! Of course! Papayag ako ^^ thanks"

"You're welcome!"

Tiningnan niya lahat ng damit,shoes, bags etc na nasa loob ng closet. Nang natapos na siya ay tiningnan niya naman yun mga collection ko ng wrist watch at teddy bears.

Mahilig kasi akong magcollect ng teddy bear haha. Yung pinaka-unang nacollect ko ay yung ibinigay ng mother ko. Tapos yung sumunod yung kay Tita Clare, kapatid ni Dad. Tapos hanggang sa dumami na yun kaya naging hobby ko siya but minsan binibigay ko yun sa mga bata except yung mga bigay sa akin ng mga mahal ko sa buhay.

"Ang cute nun oh!" Turo niya dun sa bigay ni mama (real mother)

"Ahh.. Bigay kasi sa akin ng mama ko noon. Step--"

"Pwedeng pa-arbor? Teka, ano yung 'step' na sabi mo?"

"Step-mom ko lang yung nag-aattend ng mga PTA meetings."

"Ahh.. Sorry. Naintindihan ko na. Alam kong hindi mo ibibigay yan kasi important yan sa'yo."

"Ahh.. Eh.."

"Di bale, hahaha.. Nacutan lang naman ako"

*tok tok tok

"Ija, Nandito yung mga kaibigan niya na naiwan sa baba." -Manang Lea

"Ahh.. Manang papasukin niyo nalang ho." Sagot ko.

Ang kulit talaga ng mga 'to oh!

"Hello!" Sabay nilang sabi.

"Haistt.."

*tok tok tok

Binuksan ko yung pinto at yung katulong namin ang nakita ko.

"Ma'am naghihintay po sila Ma'am Imee at Sir John sa baba."

"Ahh.. Sige ho. Pakisabi nalang na andito yung mga kaibigan ko."

"Sige po ma'am."

Sinara ko yung pinto at kinausap ko silang tatlo.

"Nasa baba daw yung parents ko. Tara. ^^"

Sumunod sila sa akin papuntang sala.

"Ma,pa.. Sila Christian,Michael and Kela andito po."

"Oh Kela Ija, long time no see. Kamusta na?" Sabi ni mama habang hinahug siya at nakipag-beso pa.

"Ok lang ho ako Tita."

Nagmano sila at umupo kami.

(A/N: arrangement ng pag-upo nila, sa gitna ang mesa, isang sofa sa likod ng gitna, dun sila Kela, Christian, Michael at Cass. Tig-isang one-person na couch sa left at right. Sa Left yung father ni Cass at right ay yung mother niya. Gets? Haha..)

"Ahh.. Kela, since nandito ka na lang rin, ibibigay ko 'tong invitation sana para sa engagement nila Michael."

Inabot ni mama ang invitation sa kanila at tinanggap naman yun ni Kela.

"Thank you po tita." Mahinahong sagot ni Kela.

"Oo nga pala, naka-ready na kayo para sa party?" -mama

"Opo Ma. Pinadala po nila yung damit nila dito saka dito muna sila mag-stay."

"Ganun ba ija? Sige."

*doorbell*

"Sila na yata yun?" -Mama

"Baka po." -Michael

"Ma'am Imee, ipinapabigay po kay Ma'am Kela, Sir Christian at Sir Michael" Inabot ni Manang Lea at iba pang katulong ang mga damit nila.

"Maraming salamat ho." Aniya ni Christian.

"Walang anuman Ijo."

"Anak ihatid mo nalang sila sa guest room para maka-pag prepare na kayo. Tatawagin ko nalang kayo kapag kakain na tayo ha?"

"Sige po Ma."

"Ah, Ija." May iniabot si papa sa kamay ko na box.

"Pinili namin yan ng mama mo. Suotin mo yan mamaya." Binuksan ko ang box at laman nito ay mga alahas.

"Salamat po Pa." Hinug ko si papa at mama at umakyat na kami.

"Ahhh.. Michael, Christian, dito pala kayo mag-i-stay." Binuksan ko ang kwarto at pinapasok sila.

"Kela, dun ka sa kwarto ko." Sabi ko kay Kela at tumangi nalang siya.

"Thanks Cass." Sabi ni Christian.

"Maiwan na kayo ha?"

"Sige." -Michael.

Habang naglalakad kami ni kela patungong kwarto ko ay may tinanong ako sa kanya.

"Dala mo ba lahat?"

"Ahh.. Oo."

"Hmm.. Sa make-up and hair mo, wag kang mag-alala, I'll help you."

"Talaga? Thanks Cass. Ang bait mo talaga."

Pumasok kami ng kwarto at nagprepare.

Christian's POV

Haist. Kanina pa ako hindi umiimik. Tss. Nakakaasar na 'to.

"Bro, mag-sho-shower ka pa?" Tanong ni Michael.

Sa totoo lang, kahit na naasar ako na ibinigay ko si Cass sa kanya, kuya ko pa rin siya at dapat di ako magalit sa kanya.

"Ahh.. Oo. Mauna ka nalang muna." Mahinang sagot ko.

"Ahh sige, sabi mo yan ha?"

"Yup!" Sabi ko at ngumiti.

Pumasok na si Kuya ng CR at eksaktong pag pasok niya ay nag-ring ang phone niya.

Number lang ang nakalagay sa screen at di ko alam kung sino. I answered it.

"Hello?"

"Hello babe. Kamusta ka na?"

Babe? The fvck! Sino 'to?

-//-//-//-//-// chapter 8 End

A/N: hello! Bye.

Deh joke! Hahah.. Andaming bagong character noh? Haha.. Pero paano kung hindi bago yung tumawag sa number ni Michael at close siya kay Michael,Christian,Trixie,Nicole,Anglica,Denise,Kela at families ng nabanggit ko? Hohoho. XD abangan! Thanks for reading! Chu~

\\Vote//
\\Comment//
\\Share//
\\Follow//

*******
Story by:
@Andrea_Rea_Inspirit

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro