Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1- The Start

Chapter 1- The Start.

10 years ago...

Cassandra's POV

"Cass! Tinititigan ka ng gwapo dun oh!" -Nicole

"Ayiiiee~~"-Denise

"Emegesh! Ang gwapo niya." -Angelica

Pangungulit sa akin yan ng mga kaibigan ko. Meron kasing nakatitig sa akin na isa sa mga classmates ko. Si Christian Villaflores. Hindi siya ganun ka-famous dito sa University;Aranghel University pero isa siya sa mga gwapo dito.

By the way, I'm Cassandra Minerva, ordinary and simple girl yet anak ng mayaman. Yung mga nangungulit sa akin kanina sila sina Angelica Dela Santos, Denise Corpuz, at Nicole Lee. Mga childhood friend ko ^_^

Recess kasi namin ngayon and it's the first day of school. Woohoo!

"Guys! Chika naman daw! Ang tahimik ng atmosphere!" Sabi ni Nicole na parang maarteng bakla.

"Charot! Hahahaha..." Dagdag niya sabay tawa niya at tumawa rin kaming lahat.

"Cass, kilala mo ba yung lalakeng yun? Yung tumititig sa'yo kanina pa?" Tanong sa akin ni Denise the genius haha..

"Uhmm.. Classmate namin yan but I really don't know him." Sagot ko sa kanila at tumango lang silang lahat.

*silence*

"Ano ba talaga? Wala kayong balak magdaldal?" Tanong ni Nicole daldalera.

"Wala!" Sabi naming tatlo sabay tayo sa upuan at iniwan ni Nicole.

"Hey! Wait for me naman!"

Haist Nicole talaga. Hindi nagbago, lumala lang.

Habang tinatakbuhan namin si Nicole, hindi ko sinasadyang nakabunggo sa isang lalake at nahulog lahat ng books na hawak ko.

"I'm sorry miss." Sabi nito sa akin sabay tinulungan akong pulutin ang mga libro ko.

Habang pinupulot namin yung mga libro may napansin lang ako.

Parang may similarity sila ni Christian. Oh well, wala na akong pake dun...

Nang naayos na namin lahat at hawak ko na lahat ng books ko, nagpasalamat ako sa kanya.

"Sa susunod kasi, be careful" sabi niya sa akin at smile sabay alis.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at tulala lang ako.

Pero may panira ng moment.

Sinapak ako ni Nicole sa likod ko pero mahina lang at ginulat pa ako.

"Huy! Ginagawa mo diyan? Sayang pa yung oras!!" Pagalit at pagtataray niya sa akin.

"Tsehh!!" Sagot ko sa kanya at binilisan ang paglalakad.

'Saan naman kaya ako pupunta ngayon?' Tanong ko sa isipan habang naglalakad papuntang nowhere.

*beep beep*

Kinuha ko ung phone ko from my pocket at tiningnan ko kung sinong nag-text.

[NICOLE]

Binuksan ko yun message at binasa.

[Meet me sa may meeting place natin sa Friday. Sorry about sa kanina ha? Peace!

Don't reply. :P]

Aba! Nagsosorry na nga may labas dila emoji pa! Fuuhh.

Binalik ko sa bulsa ko ang phone ko at nagtanong ako sa sarili ko.

"Saan na na ba ako dinala ng mga paa ko? Ba't ako nandito sa second floor?"

Halos lahat ng classrooms na dinadaanan ko, tinitingnan ko kung sino ang mga tao hanggang sa... Nakita ko na naman yung kamukha ni Christian.

Papalabas siya ng classroom at agad naman akong tumakbo pero tinawag niya ako.

"Miss!" Sigaw niya at napahinto naman ako.

'Ti-tinawag niya ako?' Sa isipan ako

Nang huminto ako lumakad siya papunta sa direksyon ko.

"Diba ikaw yung nakabangga sa akin kanina?"

"A-ako nga bakit po?"

"Gusto ko lang ibalik 'tong panyo mo. Nahulog mo rin yan kasi kanina."

"Ahh.. sige. Thank you."

Papaalis na siya pero tinawg ko siya.

"Kuya!"

"Ano yun?" Tanong niya sa akin.

"Uhhmm. may tatanungin lang po sana ako, kapatid po ba kayo ni Christian? I mean Christian Villaflores?" Habang nagtatanong ako sa kanya ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobra yung kaba na nadarama ko. Pero bakit nga ba?

"Ahh. Oo! By the way, nice meeting you. I'm Michael Villaflores, his brother." Sabi niya sa akin sabay abot ng kamay.

"I'm Cassandra Minerva. Just call me Cass." Naki-pagshake hands ako sa kanya at nagpaalam.

"Ahh., mauna na pala ako Michael. Bye~" sabi ko at sabay wave ng bye.

"Bye~"

Habang papalakad akong papuntang 3rd floor (sa classroom namin) nakasalubong ko si Christian.

"Hi" pagbati niya sa akin.

"Ah, hello" sagot ko.

"You're Cassandra right?" Panimula niya.

"Yup. And you're Christian?"

"Yes. Nice to meet you."

Habang umaakyat kami ay nag-uusap pa rin kami. Ewan ko kung bakit gan'to ang nararamdaman ko. Ang gaan ng pakiramdan ko kapag kausap ko siya. Pagdating namin sa classroom wala pang tao at ang tahimik.

"So, transferee ka dito diba?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh. Oo, last year pa." Sagot niya sa akin.

*ANNOUNCEMENT*

<To all grade 10 and grade 11 students, please proceed to the gymnasium. I repeat, to all grade 10 and 11 students please proceed to the gymnasium. Thank you.">

*ANNOUNCEMENT END*

"Tara! Sabay na tayo" sabi niya sa akin

Papababa na kami galing 2nd floor nang tinawag ako ni Kuya Michael.

""Cass!" Sigaw nito sa akin.

Nang nakalapit si Kuya Michael, medyo sumeryoso ang mukha ni Christian at nag-walk out.

'Problema nun?' Sa isipan ko

"Pupunta ka rin ba? Tara! Sabay na tayo!" -Michael

"Sige"

Prang awkward kasi close na kami kaagad. Pero bakit nga ba nag-walk out kaagad si Christian?

"Kuya Michael..." Panimula ko.

"Ano yun?" Tanong niya pabalik sa akin.

Ewan ko ba kung dapat ko bang tanungin o ano eh. Magmumukha lang kasi akong tsismosa.

"Ahh eh.. Wala lang eheheh... Bilisan na natin." Pagsisisnungaling ko.

Pagpasok namin ay nakita ko kaagad si Christian mag-isa

"Kuya, dun ako-- (este) kami uupo eh. Bye!" Huh. Ang hirap gumawa ng rason.

"Sige babye."

Lalapitan ko na si Christian pero may tumabi na sa kanya.

Napatigil ako sa paglalakad at pinagmasdan sila. Ang sweet nila. Teka nga, nagseselos ba ako? Hindi ah!

Napalingon si Christian at tinitigan niya ako.

"Uy Cass! Dito ka umupo oh!" Ngumiti siya sa akin at kumaway pa.

"Hello" sabi ko sa knilang dalawa.

Naupo ako at nagsimulang nagdaldal si Christian. Yet, we're not close kaya siguro di siya ganun kadaldal sa akin.

"Ahh. Cass, this is Kela Alcantara. Kela meet Cassandra. Cassandra meet Kela."

K-Kela Alcantara?!

"Nice to meet you" sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya.

Kela Alcantara anak ng isa mga nagmamay-ari ng malalaking kompanya. Alcantara Inc. They own many business and Kela is known as one of the most powerful person. Why do I know her? Isa rin kami sa mga nagmamay-ari ng mga sikat at malalaking kompanya. My father and her father merged our comapany's share w/ them kaya close ang family namin. I do know her but she doesn't know me.

"Teka. You look familiar. I think I've met you somewhwere. You're Cassandra Minerva? From Minerva Inc? Right?" Tanong nito sa akin at may confused-confused effects pa.

"Ahh. Yup."

"Magkakilala kayo?" Sumingit so Christian.

"Family Business" sabay namig sagot ni Kela kaya napatawa nalang kami

"So, Christian kamusta na pala sila Tita at Tito?" Tanong nito kay Christian.

"Ayun, ok lang"

ETC. Blah blah.

Ang super duper close talga nila. Nagig sila ba? Kasi from what I knew may naging boyfriend at fiancé si Kela but hindi sila nagkatuluyan.

Michael's POV

Sa wakas may POV Na rin ako. Haha.. By the way, I'm Michael Villaflores and from what you've read, I'm Christian's elder brother.

"Pare, si Kela oh!" Sabi ni AJ sa akin, kabarkada ko nga pala.

"Oo nga pare, akala ko ba exchange student yan? Diba dapat nasa America siya?" -Carl

"Kaya nga eh" -AJ

Haist. Nako nako.. Kela

Actually ex ko si Kela. Pati na rin si Christian, ex-fiancé niya.

2 years ago, our parents and her parents had a deal na kapag pinag-merge nila ang company namin, ipapakasal nila si Kela kay Christian. Siyempre pumayag sila Kela at Christian kasi that time, buo pa ang relationship nila.

They were engaged but after 2 months, Kela threw a party without inviting Christian or Mom and Dad. Ako lang from our family ang invited. I can't remember what happened in that party pero isa lang ang matandaan ko, she seduced me and that time we had a secret relationship. I know that I'm betraying my brother and dumating ang time that he knew about it. Nag-away sila ni Kela and their mirriage was cancelled. They were too young that time kaya tama lang yun. Nang na-cancel ang wedding agad na rin akong nakipag-break sa kanya.

I know that it looks like na it was my plan but no. I really think about it deeply kasi if we'll continue that stupid relationship, magmumukha lang akong tanga.

"Uy Pare! Nakikinig ka ba?" Tanong ni Carl sa akin

"Ahh.. Oo sorry"

"Si Kela oh!" Pangungulit ni AJ

"Gusto niyong mamatay?" Tanong ko sa kanila.

Seriously, ang kulit nila eh! Ang sarap tirisun!

"Joke lang pare! Ikaw naman di mabiro! Diba Carl?"

Haha...

Nagsimula na ang program. Tinawag kaming mga officers at iaasign kami kung saan-saan.

Huh! Kung di lang sana ako hinila na tumakbong officer peaceful sana buhay ko. Makagawa nga ng palusot.

"Guys! Listen up!" Nagsalita si Ms President pero huminto rin kaagad.

"Mr. Villaflores! Ok ka lang? Ba't namumutla ka?" Tanong nito sa akin.

Ayos!

"Ok lang ako... Peri nahihilo ako." Hahaha... Ang galing kong umacting!

"Magrest ka muna.. If ever di talaga maganda ang pakiramdam mo, go to the clinic." Sabi nito sa akin.

Tatawa na sana ako pero napigilan ko rin.

"Hoy! Bat ka bumalik?!" Tanong ng dalawa sa akin

"Malamang... Para-paraan dre! Haha.." Sagot ko sa kanila at natawa rin sila

"Loko ka!" -AJ

Cassandra's POV

Di ko alam kung nagseselos na ba ako o ano. Pero right now, ang lungkot ko. Parang wala lang kasi ako sa kanilanh dalawa. Dapat pala kila kuya Michael nalang ako.

*Phone Vibrating*

[UNKNOWN: ok ka lang?]

[ME: sino po 'to?]

[UNKNOWN: si kuya Michael.]

"Huh?" Napatanong ako. Hinanap ko si Kua Michael at nakita kong niraise niya ang phone niya.

[UNKNOWN: I got your phone # kasi officer ako diba? I can get anyone's #]

[ME: hay nako! Ikaw talaga Kuya! Haha]

[UNKNOWN: tss. Stop calling me 'KUYA']

[ME: sige na nga...]

[UNKNOWN: ok ka lang diyan kina Christian?]

[ME: hindi eh.]

[UNKNOWN: tsk! Lika dito! Lipat ka.]

Tumayo ako sa upuan ko secretly at lumakad papunta kina kuya Michael.

Lumingon si Michael sa direksyon ko at lumipar sa kabilang upuan.

"Dito ka." sabi niya at pinat yung upuan.

"Thanks." Pagpapasalamat ko sa kanya.

"Kung di kita nakita, for sure bored ma bored ka na dun." Sabi niya at tumawa

"Hahaha.. grabe kasi sila Michael, para akong invisible." Pagpapaliwanag ko

"Pfft. Hayaan mo na yung mga yun. Mga walang pakealam."

"Haha... At least ngayon may kausap na ako ^_^"

Lumipas ang ilang minuto, ang boring pa rin. Nag-lesson nalang sana.

Nagulat ako nang biglang may bumagsak na mabigat sa balikat ko. Ulo lang pala ni Kuya Michael.

Hinayaan ko nalang siyang matulog at paglingon ko kay Christian, nakatitig pala siya sa akin.

---//---//---// chapter 1 END

A/N: so, hello ^_^ haha. Boring noh? MweheheheheHehe... thank you sa mga nagbasa. Chu~ 💕💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro