Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8: Happily Ever After

PAGLILIPAT SA CONDO ang naging pagdiriwang namin ng Anniversary namin. Naglinis, pumunta sa mall para bilhin ang mga kulang na kagamitan, kumain habang nakakalat ang mga kahon sa sala, pinag-uusapan ang magandang ayos ng mga gamit, na sa huli ako lang din naman ang nasunod lahat. 

Gusto kong umiyak. Bukod sa pag-ngiti, parang doon ko lang mailalabas ang labis na saya na nag-uumapaw sa puso ko. Ilang beses ko ba siyang niyakap at pinasalamatan nang araw na ‘yon? Hindi ko na mabilang. Kahit si Mama ay ilang beses kong pinasalamatan kahapon. 

“Okay ka lang ba talaga rito, Ma?” tanong ko kay mama habang magkatulong naming inaayos ang mga gamit ko.

“Oo naman, ‘no. Matanda na ako. ‘Wag mo akong intindihin.”

“Okay lang talaga sa’yo na magsama kami ni Nate kahit hindi pa kami kasal?” 

“Malaki ang tiwala ko kay Nate, alam mo ‘yan. Alam kong doon din ang hantong n’yong dalawa. Inilalatag na no’n sa harap ko ang mga plano niya para sa inyo kaya panatag ako.”

Patagilid ko siyang niyakap “Maraming salamat, Ma. Sa tiwala kay Nate at sa pagsuporta palagi sa relasyon namin.”

“Number one fan kaya ako ng Love Team n’yo. Team KaNa.”

Mabilis akong kumalas ng pagkakayakap. “KaNa?” natatawa kong ani. 

“Kate, Nate. KaNa.”

Napahagalpak ako ng tawa. “Puro ka kalokohan, Ma.”

“Aba, ang boyfriend mo ang nakaisip niyan,” natatawa ring aniya.

Mas naging madali ang pagpasok at pag-uwi namin galing sa trabaho. Noon kasi ay inaabot kami ng traffic kaya gabing gabi na nakakarating sa bahay. Ngayon ay ilang minuto lang ay nasa condo na. Mas dumami ang oras namin para sa isa’t isa. 

Ako ang nakatoka sa paglilinis at pagluluto. Kaming dalawa naman sa paglalaba tuwing Sabado. Naging pahinga naman namin ang araw ng Linggo. Pagkarating galing church ay maghapon nang hihilata at manonood. Minsan naman ay umuuwi rin sa mga magulang namin. 

Hindi marunong magluto si Nate kaya minsan ay tinuturuan ko siya. Maski kapag nagbe-bake ako ng cupcakes o cake ay nakikisawsaw siya. May pangyayari pa nga na sa sobrang pagkukulitan namin ay natapon ang ingredients kaya hindi natapos ang cake na para sa birthday ni Neil. Sa huli ay bumili na lang kami. 

Ganoon ang naging buhay namin sa loob ng dalawang taon. Nakakapagod minsan dahil sa trabaho tapos uuwi para maglinis o magluto pero naroon sa puso ko ang labis na saya. Alam ko kasi na siya ang uuwian ko. Yakap niya ang sasalubong sa akin. 

Pauwi kami ngayon galing sa mall. Day-off at naisipan naming manood ng sine dahil showing ng isang action movie na matagal na niyang hinihintay. 

Nakaakbay siya sa akin, nakakawit naman ang isang braso ko sa kanyang bewang. 

“Nakakainggit ‘yung katabi natin sa sinehan. Panay ang harutan.”

Natawa ako sa sinabi niya. Ibang harutan iyon. “Naiinggit ka pero ikaw naman ang sumigaw ng get a room.”

“At least nahiya sila. Naiinggit ako pero hindi ko para gawin ‘yon doon. Ang lawak-lawak ng kwarto natin.”

Tumigil kami sa harap ng pinto ng condo at hinarap niya ako. Niyakap nang mahigpit 

“Salamat sa pagsama sa akin kahit hindi ka mahilig sa ganoong movie.”

Napangisi ako. “Matagal na naman kitang sinasamahan sa panonood ng gano’n, ah?”

“Na-realize ko lang kasi na hindi pala kita napapasalamatan doon.” Naging malamlam ang mga mata niya. “Salamat sa lahat, Babe. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko kapag nawala ka sa’kin. Baka mabaliw ako.”

Nakangiti kong hinaplos ang magkabilang pisngi niya. “Huwag kang mag-alala dahil hindi ako aalis sa tabi mo kahit ano’ng mangyari.”

“Sa hirap at ginhawa?” 

“Sa hirap at ginawa.”

Nagyakap kami at natatawang pumasok sa condo na walang kumakalas isa man sa amin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro