Chapter 6: Date
"You know what? Tayo na lang ang mag-date," natatawang sambit ni Clyde bago siya mabilis na hinawakan sa kamay at hinila. Hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataong tumanggi dahil humimpil na lang bigla ang sasakyan nito sa tabi nila kasabay ng paglabas ng driver nito.
Clyde opened the door and lead her towards the passenger side. Gusto niyang tumanggi pero ewan niya kung bakit hindi niya nagawa. No person ever had the guts to drag her around like this... At hindi niya maintindihan kung bakit siya nagpatianod rito.
He took her to an Italian restaurant. She doesn't like Italian cuisine that much. Saka lang naman siya kumakain noon kapag pumupunta sila ng Italy. The last time she entered an Italian restaurant was with Klein. They were disguised as couple in Venice.
She would never forget that dinner. Klein held her hand and kissed her softly on the lips without permission. Hindi naman siya makatanggi noon dahil kaharap nila ang mga negosyanteng kunwari ay ka-deal nilang mag-asawa.
When they went back in the hotel, she gave him a hard blow on the stomach, mahigit tatlong oras nitong ininda ang sakit. She really has bad memories with kisses.
"You're blushing. Why?" Clyde asked. Bigla siyang natauhan mula sa malalim na pag-iisip. Hindi pa agad siya nakasagot. Mabuti na lang at nag-ring ang phone niya, she had an excuse not to answer.
She look at her phone and thinking of the devil, Cloud is calling. Hindi niya iyon inangat at hinayaan lang na mag-ring.
Then she heard his voice on the earpiece.
"Where are you? Kanina pa kita hinihintay dito sa opisina," sambit nito.
She looked at Clyde. Nakangiti naman ito sa kanya. She couldn't answer back. Hindi kasi puwedeng malaman ng kaharap na naka-earpiece niya. Naka-automatic kasi ang connection ng tawag mula sa agency sa earpiece niya at ang phone ay warning device lang para malamang papasok ang tawag.
"Star, are you listening? You must be here within 3 minutes," naiinis na saad ni Cloud sa linya nang hindi siya nagsalita. The call was disconnected a second after she did not answer.
Pinatay niya ang telepono dahil alam niyang mag-iingay na naman ito kapag hindi siya nakarating sa opisina sa loob ng tatlong minuto. She also discreetly turned off her tracking device inside her bag.
"Bakit?" naasiwa niyang tanong kay Clyde nang makitang titig na titig ito sa kanya. It is funny because she never felt awkward towards any man before. Well, except for Klein when that kiss happened.
Huminga ito ng malalim at hindi nilubayan ang mga mata niya. She raised her eyebrows and waited for him to speak.
"I like you," diretso nitong tugon. Napalunok pa siya sa narinig. He doesn't look like kidding nor teasing.
She cleared her throat before speaking.
"You are not supposed to like someone you barely knew, that's stupidity," she muttered.
Where did that came from?
"Habang mas lalo kitang nakikilala, mas lalo kitang nagugustuhan," sambit nito.
Hindi agad siya nakasagot. Nakikilala? Tungkol ba ito sa ikinuwento niya tungkol sa pagiging ulila niya? Her eyes became wary.
"You know we have something in common, after high school, I also lived alone. I only went home recently when my twin brother died," saad nito.
That made her looked at him.
"Iyon 'yung ama nina Cherine at Devine, he was killed recently. Tapos yung ina naman nila, namatay din two years ago sa car accident," dagdag kuwento nito.
She knew that part. Hindi lang niya inexpect na magkukuwento ito ng tungkol doon ng ganito kabilis.
Napatango lang siya. She pursed her lips. She wanted to ask what happened to the cases but she would look like prying.
"Alam mo ba ayaw ko na sanang bumalik sa bahay pero alam ko kasi ang pakiramdam ng walang masandalan," naiiling nitong saad matapos ang ilang segundong katahimikan.
"I want to be there for the kids," he added with a weak smile. Tumingin ito sa mga mata niya. He sounded so sincere.
If that's the case, they really have something in common. Ayaw na ayaw niyang may mga batang nawawalan ng magulang.
"I hope you won't mind me asking. Nasaan na ang parents n'yo?" tanong niya rito. She already knew what happened to them but she wants to hear it from him. Gusto niya ring makita kung tugma ang mga sasabihin nito sa lahat ng detalyeng binigay sa kanya ng ahensya.
"They also died in car accident when we were in high school," malungkot nitong tugon bago ulit tumitig sa kanya.
"I felt like my grandfather hated me because of that," he added with a heavy feeling. Hindi siya nagsalita. Ramdam niya kasi ang emosyon nito.
"Susunduin kasi nila ako noon sa bahay ng classmate ko dahil doon ako dumiretso after class," he narrated.
She already knew that part pero iba pala kapag narinig na niya first hand ang kuwento.
"Hindi naman niya ako sinisisi pero lagi niya akong ikinukumpara sa kakambal ko that it felt so depressing. That's why I went off after high school."
"Saan ka nagpunta?" tanong niya rito. Clyde stared at her before inhaling deeply.
"It doesn't matter," he answered.
"What matters is that I managed to get along well just like you," he said with a smile. Huminga ito ng malalim.
Napatango na lamang siya.
When their orders came, they ate as they conversed about anything. The guy is a good conversationalist, lagi itong may interesanteng topiko kaya't hindi siya nabu-bore rito. Wala rin siyang mahinuha na kahit anong palatandaan na may alam na ito sa pagpapanggap niya at nakikipaglaro lang sa kanya.
Maybe his gestures were just who he is. Mukhang hindi rin nito kayang manakit ng ibang tao.
They were laughing at an anecdote when she noticed a suspicious man on the other table. Pasimple niyang pinakiramdaman ang lalaki. Nakita niya kung paano ito tumingin sa ilan pang lalaki sa magkakaibang table kasunod ng pagsulyap kay Clyde.
She felt something must be wrong. Kung hindi ito ang pumatay sa kapatid nito, maaaring may tao talagang gusto silang isa-isahing pamilya.
Clyde was still talking but her eyes is discreetly roaming. Napatingin pa siya sa mga karatig na building. A mall is facing their side, it could be impossible for a sniper to position there if they have plans to kill Clyde.
Iginala niya ulit ng palihim ang paningin sa paligid. A hotel is facing Clyde's side. Puwesto pa lang ng mga bintana, alam na niyang potential position ng sniper.
Hindi na siya mapakali nang sumunod na minuto. The men inside the restaurant couldn't possibly kill Clyde and get away with the crime. Maraming tao sa loob at hindi basta-basta makakalayo ang mga ito sa lugar dahil malapit lang ang police station.
"Clyde, punta lang ako ng washroom," paalam niya rito nang hindi makatiis. Clyde nodded and muttered yes. Mabilis na naman siyang tumayo.
Nang makitang walang ibang tao sa loob ng CR ay mabilis niyang tinawagan ang isang kasamahan sa ahensya. Pumasok siya sa isang cubicle. Binilin niya itong isa-isahing tingnan ang mga kuwarto sa hotel na maaaring pagpuwestuhan ng taong mamaril kay Clyde kung meron man.
She was about to end the call when she noticed someone's presence. Mabilis siyang lumabas ng cubicle. Nang makitang walang ibang tao ay mabilis ulit siyang lumabas ng CR baka sakaling maabutan kung sino man iyon. Nagulat pa siya nang mabungaran si Clyde.
"What are you doing here?" agad niyang tanong. Clyde smiled.
"May tao pa sa Men's room so I just came here to check on you instead," he answered casually. She was a bit suspicious. Pakiramdam niya, may tao talaga kanina nang nakikipag-usap siya sa kasamahan.
"Hintayin mo na lang ako sa table, I ordered dessert," he added when she didn't speak. Napatango na lang siya.
She watched as he made his way to the Men's room on the other side. Naiiling na lamang siyang naglakad, saktong pabalik na siya sa table nang masulyapan ang lalaki kanina na nakamasid kay Clyde papasok mula sa fire exit.
Mabilis niya itong sinalubong pero agad na tumalikod at kumaripas ng lakad. Hinabol niya ito sa hallway papunta na sa backdoor ng restaurant. Nang maabutan ay agad niyang hinablot kaya lang ay bigla siya nitong sinuntok na mabilis niyang nailagan.
She gave him a kick but he was also fast to stop her. He even twisted her foot. Ibinalibag siya nito sa sahig. Mabuti na lang mabilis siyang nagpaikot para hindi tumama ang katawan sa sahig. Nakita niyang naglabas ng baril ang lalaki kaya mabilis niyang sinipa ang kamay nito na sanhi para tumilapon ang baril sa kung saan. She took the chance to give the man a blow.
Nakipambuno siya rito at suntukan. She used all her martial arts abilities until she was able to get hold of his hand. Mabilis niya itong ipinaikot at itinulak padapa sa sahig. Itinapak niya ang paa sa katawan nito para hindi makagulapay kasabay ng paglabas ng posas pero bago pa man niya ito maposasan ay may humila na sa balikat niya.
Good thing she was able to catch the man's knuckles who was about to punch her. May isa pang lalaking dumating. She positioned herself and when they attacked her, she moved quickly to defend herself while giving them kicks and blows. May mga tumatama ring suntok ang mga lalaki pero hindi niya ininda.
Nang nahawakan na niya ang kamay ng kalaban, mabilis niya itong pinipilit kasabay ng pagtadyak rito. It caused the man immobilized. That's her expertise, wala pang isang minuto napatumba na niya ang dalawa.
Mabilis niyang hinabol ang isang tumakbo palabas pero nagulat siya nang bumulagta na lang ito bigla. Blood streamed down his head. Pagtingin niya nagkalat pa ang anim na lalaking nakabulagta sa semento sa likod ng restaurant.
Cloud was walking towards her direction.
"Anong nangyayari? Bakit nandito ka? Sino 'tong mga 'to?" tanong niya agad rito. Cloud smirked as he wiped a blood at the corner of his lip. Mukhang nasuntok ang bahaging iyon.
"Nilooban ang bahay ng mga Lee pagkaalis n'yo, they tried to kidnap the twins, mabuti na lang naka-stand by doon si Sky," naiinis nitong sambit.
Her heart raced thinking of the kids.
"Sila dapat ang binantayan mo 'di ba?" he added angrily. Unang beses niyang narinig si Cloud na nagtaas ng boses at sa kanya pa.
Nakadagdag iyon sa mabilis na pagtibok ng puso niya. Cloud may be close to her like a family but he is still her superior. Hindi siya nakasagot sa pahayag nito.
Napukaw ang atensyon niya nang may mga lalaking papasok ng gate. Napatingin siya kay Cloud. Nakita niya ang paghinga nito ng malalim.
"Sila na ang bahala sa mga yan, bumalik ka na doon sa date mo baka hinahanap ka na," sambit nito bago mabilis na umalis.
She was left dumbfounded. Wala siyang nagawa kundi panoorin lang ang bulto ni Cloud habang naglalakad papunta sa gate.
She only moved when his back is no longer visible.
Bumalik siya sa loob. Wala siyang nakasalubong ni isang staff papunta sa bahaging iyon. Nakita lang niya ang mga kasamahan na inilalabas mula sa isang pintuan ang mga walang malay na guwardiya.
Pagtuntong niya sa loob ng restaurant, parang wala talagang nakapansin sa nangyaring kaguluhan sa likod.
She inhaled deeply as she sat in front of Clyde. Medyo tunaw na ang ice cream na nakapatong sa dessert nila.
"Saan ka galing?" tanong nito. Naasiwa siya dahil titig na titig ito sa mukha niya.
"Bumalik ako sa loob ng washroom, sumakit kasi bigla ang tiyan ko," pinilit niyang maging kaswal ang boses. Clyde stared at her for a moment. Kinabahan siya pero hindi niya ipinahalata.
"Okay," he nodded after few seconds of staring. Nakahinga siya ng maluwag sa narinig at nakangiting hinarap ang dessert.
"Honey," Clyde muttered softly. She automatically looked at him. Nakatitig na naman ito sa mukha niya.
"There is a little blood on your forehead," he said that made her nervous. Mabilis niyang kinapa ang bag na nasa tabi niya kanina, agad naman nitong iniabot. Saka lang niya napansin na nagkapalit pala sila ng puwesto.
"Thank you," aniya. "Baka pumutok lang yung pimple ko," natatawa niyang dagdag bago kinuha ang panyo sa bag at pinunas ang noo.
Sh!t. She cursed silently as she scolded herself for not looking at the mirror first.
"Okay. Let's just eat our dessert," sambit ng binata nang maibalik na niya ang panyo sa loob ng bag.
"Mabuti pa---" she wasn't able to finish her sentence when somebody stood beside their table.
She slowly move her head to look at the man.
Cloud was smirking at Clyde while looking at him eye to eye.
"Excuse me?" Clyde commented. Nakipagsukatan ito ng tingin. Cloud only smirked at him.
She watched as he opened his mouth to speak.
"I came here to fetch my wife. I repeat, MY WIFE. Just so you know," Cloud stated seriously. Hindi siya nakapagsalita nang hilahin ni Cloud ang kamay niya at mabilis siyang pinatayo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro