Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Between Them

Dumaan pa si Vanna sa unibersidad kung saan siya magtuturo ng part time bago umuwi ng apartment para magbihis. Balak niyang maglalakad-lakad sa paligid at maghanap ng turo-turo na puwede niyang kainan kapag nagutom. Sanay na siya sa ganoong pagkain. Mas gusto na nga yata niya ang pagkain sa karinderya kaysa sa mamahaling restaurants na pinupuntahan ng pamilya niya tuwing magkikita sila ng linggo.

Dahil nga sa dalas niya sa ganoong lugar, natuto na rin siya ng mga salitang kalye. She could even pretend as a beggar or a prostitute and talk like them.

Pagkatapos niyang magsuot ng jeans at t-shirt, isinunod naman niyang kinuha ang lumang sneakers sa ilalim ng kama. Ang dating puti na kulay nito ay naging kulay abo na at nagmukha nang basahan dahil may ilang punit na rin pero mas gusto niya itong suotin. Kumportable kasi ito at hindi niya alam kung bakit mukha itong cool sa paningin niya. Marami rin kasi siyang nakasasalubong sa kalye na ganoon kaluma ang suot na sapatos.

Inaayos niya ang suot na manipis na jacket at sombrero nang tumunog ang earpiece niya.

"Agent Star, you have an auxiliary mission, please verify your code," sambit ng boses sa linya. Hindi na siya nagtaka sa mensahe dahil kahit may iba silang assignment ay binibigyan pa rin sila ng ahensya ng gagawin lalo na kung emergency at malapit lang.

She uttered random numbers and words before her phone beeps. The message contained a road location near the area. It's only a matter of ten seconds before it disappeared.

"Tala."

Napakurap pa siya nang boses na ni Cloud ang narinig sa linya. She shook her head. Lagi naman kasing kasunod ng code ay si Ulap ang maririnig sa linya pero bahagya pa siyang nagulat.

"Agent Mars is following a kidnapping syndicate. Dinukot nila ang buong pamilya, kailangan niya ng back up, apat na sasakyan daw ang sinusundan niya," agad na saad ni Cloud.

Cristina also known as agent Mars is her partner in all her missions after Cloud assumed his post as head for PH. Magkaiba man minsan ang assignment na ibinibigay sa kanila ni agent Mars kapag kailangan nila ng backup silang dalawa ang nakaalalay sa isa't-isa. They work hand in hand. Madalas hindi nila kailangan ng kasama kapag sila ang magkasama sa misyon. Ganoon din sila dati ni Cloud.

"You have to be there within five minutes," sambit ng lalaki.

"Copy," she muttered curtly as she threw her cap and eyeglasses on the bed. She grabbed the wig and put it on her head fastly. In a second she was able to fix it. She also expertly put her contact lenses on and her fake mole.

Kailangan niya iyon sa iba't-ibang misyon. It was a protocol in their agency to have different disguise in the missions. Para kapag inimbestigahan ng third party agency, magkakaibang mukha ang makikita nila.

Agad niyang isinuot ang belt ng baril sa katawan saka pinatungan ng jacket. In less than a minute, she was making her way to an old garage nearby. Nang masigurong walang taong nagdaraan agad siyang pumasok at kinuha ang motorsiklo na lagi niyang ginagamit.

Mabilis niyang pinatakbo ang motor kasabay ng pagbukas sa tracking device. Mars' location was automatically programmed. Kahit mabilis ang pagpapatakbo niya ay hindi siya mahuhuli ng traffic enforcers dahil kunektado ang lahat ng CCTV sa mga kalye sa agency nila. There are trusted IT's who make the CCTVs look like functioning even if they are being intercepted.

Napansin nila iyon dati ni agent Mars. They deliberately showed their faces on the street cameras while fighting a group of men. Binalita ang pangyayaring iyon sa TV na parang inosente ang mga namatay pero mga bayarang kriminal ang mga iyon na kabilang sa isang sindikato. They waited for their faces to appear on the television as suspects when the copy of the footage was being shown on TV but none of that part appeared. Nagkatinginan na lamang sila noon ni Cristina at nagkaintindihan na may ganoong makinarya ang ahensya.

Nang sumulpot siya sa hindi mataong highway, nakita na niya ang pakikipagpalitan ni agent Mars ng putok sa mga sindikato. Pagewang-gewang ang pagpapatakbo nito sa sasakyan para hindi matamaan ng bala. She immediately brought out her gun and shoot the tires of the car she was chasing. Kinalulunan ito ng mga lalaking bumabaril sa kasamahan. Nagpakawala siya ng limang putok. Dahil sa bilis ng takbo at biglang pagputok ng gulong, tumilapon patiwarik ang sasakyan. She fired the gas chamber causing the car to explode.

"Star, nasa pangalawang sasakyan ang mga biktima," paalala ni Mars mula sa earpiece nang nanggigigil niyang pinasibad ang kinalulunang motorsiklo at nilagpasan ang kaibigang mabilis na umiwas sa sumabog na sasakyan.

They went on chasing the cars, nakipagpalitan sila ng putok sa mga sindikato. When she saw one of the men aimed a high powered gun towards agent Mars' car, she did the most daring thing she could ever do. Itinaas niya ang dalawang paa papunta sa manibela saka inilabas ang isa pang baril. Holding guns on both her hands, she immediately shoot the man as she shot the tires of the car causing it to stop. Isinunod niya ang tig-isa pang gulong ng dalawang naunang sasakyan, si agent Mars naman ang bumaril sa mga lalaking nagtangkang barilin siya.

When the cars slowed down, she hit one tire of each again causing them to stop abruptly. It was too late when she saw a man aiming a gun at her direction. Mabilis siyang tumalon mula sa motor at nagpagulong sa tabi ng daan. Some of her bones hurt but she managed to regain her momentum. Agad siyang dumapa, nagpalit ng magazines at inasinta ang mga lalaking lumabas mula sa sasakyan. Agent Mars stopped her car and moved to its side as she fired the men. Ilang metro ang layo nito mula sa kanya.

"Almost clear, let's go," sambit ni Cristina sa linya.

"Alright let's do this in 3, 2,.." she muttered as she get up. Halos sabay silang tumayo at inasinta ang ilan pang natira sa mga sindikato.

Rinig nila ang pag-iyak ng pamilyang nasa loob ng sasakyan nang tumigil na ang putukan. Nang matiyak na lahat ng sindikato ay patay na saka lang niya ibinalik sa pagkakasukbit ang mga baril. Malakas pa rin ang pagtibok ng puso niya habang pinapagpagan ang sarili.

"May mga pulis nang parating, some of our agents will be here in a minute, sila na ang bahala. Leave the area right away," Cloud commanded on the line. Napatingin siya kay agent Mars na tumango lang bago bumalik sa sasakyan nito. She was sure, Cristina received the same instruction.

A minute later, some of their co-agents came. Cristina already went off. Tutunguhin na sana niya ang motor na tumilapon sa gilid nang may sasakyang humimpil sa tabi niya. Agad pa niyang binunot at iniumang ang baril pero agad ding ibinaba nang makilala ang sasakyan.

"Hop in, Star," saad ni Cloud nang maibaba ang bintana ng sasakyan. When she looked at her motorcycle, an agent is already riding it. Tumingin ang agent kay Cloud bago mabilis na pinasibad.

She had no other choice but to ride in his car. Agad niyang tinanggal ang wig at pekeng nunal pagpasok sa loob ng sasakyan at ibinato sa backseat.

"Kumain ka na?" tanong ng binata nang papalayo na sila sa lugar. She shook her head the same time her stomach growled.

Ngumiti ang binata.

Inabutan siya nito ng wet at dry tissue na kinuha nito sa compartment ng sasakyan. Naglinis na lamang siya ng ilang gasgas sa braso at mga kumapit na alikabok. Cloud just drove without speaking further. Medyo nakapagtataka ang pananahimik nito pero hinayaan na lamang niya.



Nang pumasok sila sa restaurant ay dumiretso na siya sa washroom para maghugas at magtanggal ng contact lenses. She put some ointment on her bruises and scrapes. Kinuha niya iyon sa medicine kit ng binata sa sasakyan nito.

"Do you already have the info I was asking?" tanong niya agad kay Cloud nang makaupo sa hinila nitong upuan para sa kanya.

"Hindi ka ba nagugutom? Kumain na muna tayo," saad naman ng binata sa halip na sagutin ang tanong niya. Ngumiti ito ng tipid.

Napatango na lamang siya. Her stomach grumbled when her attention was focused on the food. Naka-serve na kasi ito at talagang malalaking servings ang kinuha ng binata.

"Para talagang may kakaiba sa Dexter Clyde na 'yon kaya lang di ko pa masabi sa ngayon," hayag niya habang kumukuha ng pagkain. Hindi naman nagsalita ang binatang kaharap, kumuha lang din ito ng pagkain at naglagay sa plato.

"Cloud, may mga nakuha na ba kayong details sa mga nakarelasyon niya dati?" muli niyang tanong nang mag-umpisa na silang kumain.

She asked Cloud to provide information about Clyde's past girlfriends the moment she went out of the Lee's residence. Iba kasi ang pakiramdam niya sa naging pahayag nito tungkol sa mga mata ng first love nito at sa sinabi ng batang lalaki.

Cloud stared at her for a moment. Akala niya ay magsasabi na ito ng tungkol sa impormasyong tinatanong niya kaya napatigil siya sa akmang pagkain.

"Why didn't you use your disguise? You are aware of the agency's protocol," mahina ngunit madiin nitong saad. She felt like he's on the verge of getting angry.

She momentarily held her breath.

"Naka-nerdy glasses naman ako noong nagpunta sa mga Lee," alanganin niyang tugon. Huminga siya ng malalim.

"Kahit kulay mo man lang sana at contact lenses ang itinira sa binigay kong disguise look mo." Hindi nagbago ang madiin nitong pagbigkas sa bawat kataga.

Tumitig ito sa mukha niya. Pinigilan pa niya ang mapasinghap nang hawakan nito ang baba niya at tiningnan ng mataman ang mukha niya.

"Remember, this face is Vanna Lei Filan," huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "Do you know the extent if your mission screws up?" He asked with a smirk. Saka ito tumingin sa ibang direksyon.

She was a bit insulted.

"I know what I'm doing Cloud, I won't screw this up. Besides, hindi naman ito ang unang beses na hindi ko iniba ang itsura ko. Remember, Morocco?" she said in defense.

Kunot-noo naman nitong ibinalik ang tingin sa kanya.

Hindi siya naaalarma sa tono ng pananalita nito pero batid niyang superior nya pa rin ito at karapatan nitong magtanong at mangaral sa kanya.

"That was different," he muttered. His voice toned down. Nawala ang mumunting tension sa loob-loob niya sa pagbaba ng tono nito.

"What makes it different?" she asked as she continued with her food. Gumaan ng kaunti ang atmosphere sa pagitan nila pero napatingin siya kay Cloud nang marinig ang pagbuntong-hininga nito. Nang tingnan niya ito ay nakatitig pa rin ito sa kanya.

"We were disguised as couple. That makes it different," sambit nito.

"Nasa misyon din tayo noon, there is no significant difference," she uttered looking at him. Pansin niyang mas maliwanag ang mukha ng binata kaysa noong nakaraan. Maybe it has something to do with his shorter facial hair.

Muli itong tumitig sa kanya ng mataman dahil sa naging tugon niya. Nginitian niya na lang ito.

"You were my wife, then. Unless you want to be a wife again in this mission." Umangat ng kaunti ang sulok ng labi nito.

"...of that Korean son of his mother," dugtong nito. Bahagya pang nagtagis ang bagang nito. Hindi siya nakasagot agad. Nag-loading pa yata ng ilang segundo ang utak niya.

"Do you exactly know how beautiful you are with your brown eyes?" dagdag nito. Tumitig ito sa mga mata niya. Her heart almost jumped but she tried to shrug it off.

Napatawa siya ng mahina nang mapagtanto ang tinutumbok nito.

"Oh my god, Klein. Are you jealous?" natatawa niyang tanong. Nginisihan naman siya nito. She thought for a moment she blushed when his grin turned ito a small smile.

"Yes, I'm jealous, my only Star," sambit nito.

She momentarily held her breath. She felt a little awkward.

Bakit ba kasi iyon ang naitanong niya? Now, she regrets hearing his answer.

"Kumain ka na nga lang, gutom ka na naman," saad na lang niya para matigil ang usapan.

Nailing lang naman ang binatang kaharap pero hindi na muling nagsalita. That's what she appreciates about Cloud. Hindi na nito binubuksang muli ang usapan kapag alam nitong hindi siya kumportable.

They ate in silence.

Nang lumabas na sila ng restaurant ay sinabihan niyang hindi na siya kailangang ihatid ng binata. Ayaw pa sana nito pero kalaunan ay pumayag din. Klein wanted her to go first but he received an important call so he had to hurry up.

Pinagmasdan na lamang niya habang papalayo ang sasakyan ng binata.

"Bakit mo kausap ang lalaking 'yon?"

Agad siyang napalingon nang may magsalita mula sa likuran niya.

Napalunok siya nang makita na tama ang kanyang sapantaha. Clyde is standing a meter away in his business suit. Kinabahan siya. Sa tono kasi ng pananalita nito ay parang kilala nito si Ulap.

Sh!t. She can't screw up.

"Kakilala ko, s-sir," maikli niyang tugon. Hindi magiging safe kung sasabihin niyang di niya kilala ang binata, baka kasi nakita nito na nag-dinner sila sa loob ng restaurant. Mukhang kagagaling pa naman nito sa loob.

"Kakilala lang?" he asked in a soft menacing voice. Kinabahan siya sa tono nito. He sounded like he knew something. Huwag naman sanang totoo ang hinala ni Cloud tungkol rito.

"Yes," she nodded before her reaction could even give her away.

"Good," he muttered. That word made her look his way.

"The way he stared at you was different. Akala ko boyfriend mo," dagdag nito. The antagonism in his voice suddenly disappeared. Ngumiti ito at namulsa.

She didn't know why that made her swallow hard. Kumu-quota yata siya sa awkward feelings ngayong gabi.

"Hindi ko boyfriend. Sige mauna na ako sa 'yo, sir," saad niya at tinalikuran na ito.

Nagtungo siya sa gilid ng kalsada para mag-abang ng taxi. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi na maramdaman ang presensya ng lalaki.

Ilang minuto syang nakatayo at nag-abang ng taxi.

Muntik na niyang ambahan ng suntok ang taong humawak sa siko niya kung hindi lang niya naamoy ang pamilyar nitong pabango.

"Will you be okay? You are not wearing your eyeglasses, baby." nakangising sambit ni Clyde nang humarap siya rito. She shook her arm. Natatawa naman nitong tinanggal ang pagkakahawak sa siko niya.

"Ihahatid na kita baka hindi mo makita ang daan, wala ka pa namang eyeglasses," dagdag nito. He chuckled softly. Hindi agad siya naka-react.

Isasatinig sana niya ang pagtanggi pero may humimpil nang isang sasakyan sa tapat nila. Agad namang binuksan ng binata ang backseat ng sasakyan.

"Baby," he even muttered as he signaled her to hop in.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro