Chapter 17: Pagtataka
Vanna Lei did not hear any news from Cloud kaya itinuloy na lamang niya ang nakaplanong gawin. Ipinaayos na niya ang search warrant sa bahay ng matanda para mahuli na rin ito.
Pumasok pa rin siya sa mga Lee nang sumunod na araw. Hindi siya tumanggi nang yayain siya ulit ni Clyde na lumabas nang matapos ang tutorials.
She wants to find out something.
Alam niyang may kinalaman ang code sa baril nito at sa tattoo ng mga lalaking sumugod sa kanya. She wants to find out if he belongs to a bigger group.
The tattoo resembles like the flag of North Korea and suspects that the code from the guns, BR1SCRB has something to do with it. BR and RB most likely refers to the colors Blue and Red on the said flag and 1SC may likely mean 1 star circle describing the inscribe circle on the flag.
Are the men military combatants of North Korea? Posible ring ang loyalty ng mga taong 'yon ay sa North Korea. However, the bigger question is what are they doing in the outskirts of Manila? Why did they attack her?
Naalala niyang sinabi ni Cloud na may entries ang binata sa South Korea pero walang records na nag-stay ito roon. So, it is possible that from South he sneaks in to North. The whole world knows what kind of government that country has.
Well, that's just a possibility. But then again, whenever she looks at Clyde, he doesn't look like a ruthless person to her. Nonetheless, she must not forget that devils are clothed as angels most of the time.
Huminga siya ng malalim at muling sumulyap kay Clyde. Nasa kalagitnaan sila ng biyahe nang may tumawag kay Clyde. After the call, he asked if they could make a detour first. Umoo siya pero pasimple niyang ini-on ang mga gadgets at tinimbrehan si agent Mars.
Alam niya ang tinatahak nitong daan, papunta ito sa pinasok niyang warehouse noon kung saan may mga gun powder deposits.
"Anong gagawin mo diyan?" tanong niya nang ipasok nito ang sasakyan sa loob. The same cars and motorcycles are there.
"May mga kakausapin lang ako. Gusto kitang isama para alam mo kung ano ang mga ginagawa ko," tugon naman nito.
Saglit pa siyang natigilan.
"What do you mean?" she asked.
"I was serious when I said that I want you to be a part of my life," he told her.
Hindi siya nakapagsalita. Huminga siya ng malalim.
Puwede ba siyang kiligin doon? Besides, she's Lacy, not Vanna Lei.
She shrugged the thought off. Ngitian na lamang niya ito ng tipid. He helped her unbuckle her seatbelt before they went out of the car.
The place is too familiar that she wants to go in first. May mga hilera pa rin ng bariles. Pumasok pa sila sa mismong steel door na pinasukan niya dati.
Bumungad ang ang pamilyar na lobby at pababang hallway. Sumulyap si Clyde sa kanya. Ngumiti naman siya ng alanganin.
Tumigil sila sa katapat ng pintuang pinasukan niya dati. Hindi niya napasok ang pintuang iyon noon. Nakaramdam siya ng excitement pero hindi niya ipinahalata.
She was surprised to see some computer units inside. CCTV monitors lined up on the walls. Pinasadahan niya iyon ng tingin. Nakita niya ang pamilyar na bakuran ng mga Lee.
The men inside were the same men she saw and attacked before. Mabuti na lang naka-mask siya noon kaya 'di siya nakilala ng mga ito.
"Boss, iyon pong witness natin laban sa matanda, pinatay kaninang umaga," report ng lalaki. Ito rin ang lider na kausap ni Clyde noon.
Napatingin siya kay Clyde. Tumingin din ito sa kanya bago. He seemed to weigh things out before finally speaking.
"I don't believe na coincidence lang ang pagkamatay ng pamilya ko," saad nito sa kanya.
"I am on the process of investigating grandpa," Clyde added.
Hindi siya nagsalita at tumango lang. Pati ang mga kalalakihan sa loob ay walang nagsasalita.
"I want to tell you everything, Lacy. Ayokong maglihim," sambit nito. Inabot nito ang kamay niya at marahang hinalikan.
Her stomach churned in a feeling she couldn't name. Hindi niya alam kung bakit parang natuwa siya sa sinabi nito. Bumilis na naman ang tibok ng puso niya.
"I also wanted to take the kids with me kaso ayaw pumayag ng matanda. He made sure he's the legal guardian of the kids. Inisip ko ngang ipa-kidnap na lang ang mga bata para mailayo," pahayag nito.
Hindi niya inakalang i-oopen nito sa kanya ang mga ganoong ka-confidential ng impormasyon. Gayunpaman tumango na lang siya.
"He's a dangerous man, Lacy."
Napatango na lamang siya sa sinabi nito. She doesn't know how to react. O kung may dapat nga ba siyang i-react.
Bumaling si Clyde sa tauhan nito.
"May mga iba pa tayong possible witnesses 'di ba? The policemen who did the initial investigations of my parent's death, iyong dati naming driver," sambit nito. Humarap ito sa isang computer unit at may binuksang file.
"Ano 'yan?" usisa niya rito nang makitang may mga nakalistang pangalan.
"Mga taong possibleng makapagsabi kung may foul play sa pagkamatay ng mga magulang ko, lolo at kapatid," tugon naman ni Clyde. Ipinaghila siya nito ng upuan at pinapuwesto sa tabi nito.
Get the names, Star, rinig niyang saad ni Cristina sa linya. She knows that of course.
Nakitunghay siya sa monitor.
"Okay lang?" tanong niya kay Clyde nang mapansin nito ang ginawa niya. Ngumiti naman ito at tumango. She read the names on the monitor, making sure Cristina would hear.
Copy. Sambit nito nang masabi na niya lahat ng pangalan sa listahan.
"Find a way para mahanap ninyo ang mga taong ito," sambit ni Clyde. Umoo naman ang mga tauhan nito.
"We've been hunting these people for quite sometime," Clyde informed her. Napatango siya.
"Baka pinalayo na sila ng lolo mo kung totoo ngang may foul play sa nangyari at siya ang may kagagawan," komento niya.
"Iyan rin ang suspetsa namin," segunda naman ng binata. Until now, she's still amazed on how he uses tagalog words so fluently. Para talagang hindi tumira sa ibang bansa ng maraming taon.
Nanahimik na lamang siya. Nagbilin ito sa mga tauhan bago sila umalis sa lugar.
"Sa 'yo ba 'yong warehouse na 'yon? Curious lang ako, anong laman ng mga bariles?" painosente niyang tanong kay Clyde nang paalis na sila.
Sumulyap ito sa kanya at hindi agad sumagot. That made her suspicion grow but it faded when he finally answered.
"Those are gun powders used to manufacture ammunitions," tugon nito. Sumulyap ito sa kanya para makita ang reaksyon. Napatango naman siya.
"Legal?" tipid niyang tanong. Tumango naman ito.
Doon na siya napakunot-noo. Lumayas ito noong high school, paano nagka-business ng ganoon? Pero parang nabasa naman nito ang iniisip niya dahil boluntaryo ulit itong nagsalita.
"My brother and I had constant communication. Pinadadalhan niya ako dati pa ng pera lingid sa kaalaman ni grandpa. Siya rin ang nagbigay ng puhunan para sa business na 'yon," kuwento nito.
That sounded convincing. His story is consistent. Mukha ngang nag-oopen up na ito sa kanya. Hindi na lamang siya nagsalita pa.
Nakaramdam siya ng kaunting guilt sa isiping baka nga tapat talaga ito sa kanya at sinasabi na ang lahat samantalang siya ay nagpapanggap lang sa harap nito.
She couldn't imagine how he'd react once he finds out that Lacy Elejorde is a made up persona.
She inhaled deeply. She's not supposed to feel guilty over an assignment. Ginagawa lang niya ang trabaho niya.
Napasulyap siya sa binata na sakto ring sumulyap sa kanya. Ngumiti ito ng tipid. She averted her gaze. He really looks sincere and honest.
Hanggang sa nakarting sila ng restaurant at kumain ay iyon pa rin ang iniisip niya.
She did not resist when Clyde held her hand as they walked towards her apartment. Inihatid na siya nito matapos ang kanilang dinner. It was past 10 in the evening. Nawili na rin kasi sila sa kuwentuhan. Clyde isn't boring. Masalita ito at mapagbiro. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam niya kapag kasama ito. Kapag may kinukuwento ito ay bigla na lang siyang napapangiti.
"Sunduin kita bukas sa University?" tanong nito nang nasa harap na sila ng apartment unit niya. Ngumiti siya ng tipid bilang pagsang-ayon. Ni hindi man lang siya nagdalawang-isip.
Ngumiti naman ito ng matamis. She tried hard not to be affected by it. However, when he raised her hand and kissed it, she wasn't able to control the burning sensations on her cheeks.
"I love it when you blush," he teased. Hindi siya nakapagsalita. Hindi rin naman kasi niya puwedeng itanggi ang pamumula ng pisngi niya.
"Good night, my shining star," he muttered a while later. Napalunok pa siya sa pagtawag nito sa kanya ng gano'n.
Tiningnan niya ito sa mga mata. She regretted looking because she wasn't able to avert her gaze right away. Their eyes met for a moment. She could feel the sweating of her palms when he leaned in closer. She knew he was about to kiss her and she didn't understand why instead of moving away she closed her eyes.
She had a traumatizing experience of her first kiss. That's why she hated kissing and she doesn't understand why she anticipated Clyde's kiss like she never had a phobia.
She could feel his hot breath brushing her lips. Alam niyang mangyayari na ang halikan nila. Her heartbeats raced. Kaya lang naramdaman niyang may mga kaluskos na nanggagaling sa kung saan kaya naimulat niya ang mga mata.
Clyde was smiling straight at her face when she opened her eyes. Nawala rin ang mga kaluskos. Para ngang guni-guni niya lang dahil mukhang wala namang naramdaman ang binata.
"I won't kiss you unless you are my girlfriend," he muttered with a smile. Hindi siya nakapagsalita. She didn't know why that simple remark made her admire his gesture.
Naiiling siyang tumingin sa paligid para makita kung saan nanggaling ang mga kaluskos pero wala namang katao-tao. Ang mga katabing unit ay nakapatay na ang mga ilaw.
"I won't forget that you anticipated the kiss," he teased after a moment. Natawa na lang din siya ng mahina. Why would she deny the truth?
"Umuwi ka na nga lang," natatawa niyang taboy rito.
"Sure, baby. Pumasok ka na muna sa apartment mo," tugon naman nito.
There he goes with the baby again. Hindi na lamang niya pinansin baka tawagin pa siya nito ng mommy, naloko na.
"Good night," sambit na lamang niya bago pumasok sa loob ng apartment. Napasandal pa siya sa likod ng pinto nang makapasok.
Mariin siyang napapikit. God. They almost kiss. She felt sorry.
Napamulagat siya nang makarinig na namag ng mga kaluskos sa labas. Agad niyang kinuha ang phone sa bag at in-open ang real time footage ng inilagay niyang surveillance camera sa labas ng unit.
Her heart raced when she saw Clyde fighting some men inside the compound. May ilang lalaki nang nakahandusay sa semento. Ang galaw ng mga kalaban nito ay katulad ng naka-engkwentro nila ni Cloud sa parking area ng restaurant.
Though Clyde looks skilled in fighting the men, she felt the urge to help him. Bubuksan na sana niya ang pintuan nang makitang may lalaking tumalon mula sa pader kasabay niyon ay nawalan ng koneksyon ang phone niya mula sa camera.
She peeped at the window but she could hardly see the fight scene. Pinakiramdaman na lamang niya ang mga kaluskos na nagmumula sa labas. Nang tumigil ang mga ito ay saka siya dahan-dahang nagbukas ng pinto.
Her forehead creased when the whole compound is surprisingly silent and clean. Nawala na ang mga lalaking nakabulagta kanina sa semento. That was too fast.
Bumalik siya sa loob ng unit na puno ng pagtataka.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro