Chapter 12: Suspicion
"Susundan ko sana ang tita Lacy n'yo kaya lang may nakita akong dating kakilala," tugon ni Clyde sa bata. Sumulyap pa ito sa kanya. There was something in his stare.
Kinabahan siya pero hindi niya iyon ipinahalata. Pare-pareho lang silang natahimik hanggang sa natapos ang mga bata sa kinakaing dessert.
Clyde was awfully silent on their way home. Inihatid muna nila ang mga bata saka naman siya inihatid sa apartment.
The silence was deafening inside his car but her mind was restless. Umuukilkil sa utak niya na maaaring ang binata ang kasama niyang nakipaglaban kanina.
"There's something I want to tell you, Lacy," Clyde uttered. Itinabi nito ang sasakyan.
She got nervous when he stared at her. Napatuwid siya ng upo.
"Kanina sa restaurant," umpisa nito. She felt her muscles tensing. She tried hard not to rub her palms.
She swallowed a bit.
"May nakita ako," dagdag nito. Hindi siya nilubayan ng titig nito. Her heart raced and she tried so hard to ignore. She needs to be calm and alert.
Pinakiramdaman niya ang bawat galaw ng binata. Kung nabuko siya sa ginagawa, kailangan niyang maging handa.
She waited for him to speak as his eyes were glued on hers.
He was about to say something but he shook his head instead.
"Damn brown eyes!" he hissed with gritted teeth. Nag-iba ito ng tingin. He saw how he smirked as he gripped the steering wheel. Matiim itong tumingin sa harapan.
She swallowed hard and inhaled deeply.
"A-nong nakita mo?" lakas-loob niyang tanong nang 'di na ito muling nagsalita pa. Sumulyap ito sa kanya pero naiiling na ibinalik ang tingin sa daan.
Nakita niya ang paghinga nito ng malalim.
Hinintay niya itong magsalita pero walang namutawi sa bibig nito. He shook his head once again.
"I'll tell you when I am ready," he uttered as he switched the engine.
Hanggang sa maihatid siya nito ay walang nagsalita sa kanila. There wasn't even any goodnight or good bye. Inihatid lang siya nito sa tapat ng pintuan niya bago tahimik na umalis.
***
Pagpasok niya sa apartment ay agad niyang inilabas ang quadmonitor na laptop. She needs to hasten her investigation.
She slid the monitors on the sides and at the top. Naging apat ang monitor ng laptop niya. One monitor is searching about gold mining in Asia. 'Yong isa ay pictures ng serial numbers sa mga baril ni Clyde para matitigan niyang maigi. Ang isa naman ay pinaprocess ang serial numbers baka sakaling may ka-match itong code at ang isa pang monitor naman ay naka-flash ang whereabouts ng matandang Lee.
She got a bit frustrated nang wala ni isang pumapasok sa utak niya. Idagdag pa ang mukha ni Clyde na pumapasok sa utak niya. Mukhang may gusto itong sabihin pero inalala kung ano ang magiging reaksyon niya kaya hindi itinuloy.
Was he about to tell her what happened at the parking area? Ayaw niyang isiping ganoon nga pero alam niyang malaki ang posibilidad na ito nga ang kasama niya kaninang nakipaglaban.
She flashed the serial numbers on the wall to scrutinize them further. Hinila niya ang upuan at humarap sa pader.
95GB35R9K51S85CHR2J4X5BP242
2D3B76RL721SLKC6RA9M4YB748Q
They were random numbers and letters. It took her three good minutes to notice something common with them.
She closed the pictures and entered the common denominators of the serial numbers to their cracking code software.
Habang nagsi-search ang system, ni-review naman niya ang mga bansang sakop ng gold mining business ng mga Lee.
She was busy on the data when Wind called.
"Ang tamad mo talaga Tala loves," Wind's jesting voice registered on her earpiece.
"What?" Kumunot ang noo niya sa biro ng kasamahan.
"Dalawa lang pala ang ipapaligpit mo, tinawag mo pa ako," natatawa nitong saad. Mas lalong kumunot ang noo niya. It took a while before it dawned to her.
"Are you referring to the bodies at the parking area? There are more than 20 men. I wasn't just sure if they were breathing," aniya. Nagsalubong ang kilay niya. Bigla siyang kinabahan.
"Dalawa lang ang nakita ko sa likod ng mga puno. I even searched the whole area," saad nito,
"What?! Are you sure?" medyo napalakas ang boses niya.
"Baka naman late kang nagpunta?" dagdag niya.
"I was there at the exact time I told you, Star. Dalawa lang talaga ang nadatnan ko," sumeryoso ang boses ng kasamahan.
Saka lang naman siya bumalik sa loob ng reataurant noong sinabi nitong sa loob ng dalawang minuto ay makakarating na ito. So from that time on, may kumuha sa mga lalaking nakahandusay?
"Strange," she muttered. Rinig niyang huminga ng malalim ang kausap.
"Wala rin pala akong nakita sa footage kasi naka-off na lahat ng surveillance cameras pagdating n'yo sa lugar," pahayag ni Wind. She wasn't able to speak. Of course, the culprits will hack the CCTV's.
"Kung gano'n sila kadami kanina at pinatumba n'yo silang lahat ng sinasabi mong lalaki, hindi ka ba nagtaka kung bakit hindi man lang kayo pinaputukan? Dadalawa lang kayo." tanong ni Wind.
Iniisip niya rin kanina pa ang bagay na iyon. Pwedeng ayaw ng mga itong makalikha ng ingay pero iniisip niyang may silencer naman ang baril kung sakali. Bakit hindi na lang sila pinagbabaril?
"They want me alive." sambit niya. It was a statement rather than a question.
"Possible," tugon naman ng kausap.
"Posible ring sinadya na makita mo 'yong bomba. Who knows? Baka hinuhuli lang nila kung ano ang kaya mong gawin," dagdag nito.
That made her heave a sigh. Anything could be possible. She needs to be alert. Pero yung mga umatake sa kanya parang mga ninja kung kumilos and they were wearing all black.
"Did you check the two dead bodies?" Tanong na lamang niya sa kasamahan.
"Yes and I saw something in them," saad nito. That made her became more attentive. Napatuwid pa siya ng upo.
"They both have tattoo on their private parts," Wind informed. Napakunot-noo siya. Tattoo on the s3x organ?
"Is that even possible?" she asked. Her eyebrows furrowed.
"Yes, do you want to see if I have one?" Wind chuckled. Agad na umakyat ang inis niya sa pagbibiro nito.
"Wait till I see you and I will shoot your balls," she said gritting her teeth.
Napatigil naman ito sa pagtawa.
"Pikon ka talaga," sambit nito. Hindi na lamang siya sumagot.
"I will send you the pictures of their tattoos," saad nito matapos ang ilang segundong pananahimik. Sasagot sana siya nang muli itong magsalita.
"Do you want close up shots of the tattoo or a shot of the whole p3nnis?" Binuntutan nito ng malakas na pagtawa ang tanong. Kasunod no'n ay ang pag-close ng window na naka-flash sa wall. Wind is an expert hacker kaya nagawa agad nitong ipasok ang larawan sa monitor na tinitingnan niya.
"Gago ka Hangin!" inis niyang bulyaw nang makita ang kabuuan ng larawan. Halakhak naman ang isinagot ng binata sa kanya.
She tried to swipe the screen off using her palm but she no longer had the commands.
"Babarilin talaga kita!" She gritted her teeth in annoyance.
"Easy!" Natatawa nitong saad bago nag-zoom-in ang ari ng lalaki sa monitor. He cropped the tattoo and left it on the screen.
The tattoo was an inscribed star on a circle. May dalawang linya sa taas ng bilog at dalawang linya rin sa baba nito.
"Sige ako na ang bahala rito," sambit niya. Nagpaalam naman si Wind bago ito nawala sa linya.
She opened the window of the code-searching software. Tiningnan niya ang code na nakita sa serial numbers at itinabi sa tattoo.
She recited the number and letters on her head. Inulit niya ang pagre-recite ng code at natigilan nang may maisip.
She looked closely at the tattoo and then to the codes. Ibinalik niya ulit ang tingin sa tattoo. She opened a new window to search anything related to the image.
She was waiting for the results to load when her earpiece beeped signaling an incoming call.
"Star, this is Sky. Tumawag na ba si Mars sa 'yo?" tanong nito
"Not yet. Why?" Kinabahan siya sa tono ng kasamahan. Ang alam niya naghihintay si Mars ng tiyempo para pasukin 'yong hideout ng mga lalaki sa mall kahapon.
"I received a code red signal from her but it immediately disappeared and I could no longer get into her line," Sky explained.
"I'll check her location. It must be on my device, tinawagan ko siya kanina," agad niyang sambit.
She pushed a button on her bed. It immediately slid up. Kinuha niya ang dalawang hand gun sa hidden compartment sa may floor tiles. She snatched her jacket as she looked at Mars' last location on her device.
Mabilis siyang lumabas at tinakbo ang garahe kung nasaan ang motor na lagi niyang ginagamit. Tinimbrehan niya si Sky bago pinaharurot ang motor.
Her heart was racing fast. Kinakabahan siya para sa kaibigan pero nangingibabaw pa din ang tiwala niya sa kakayahan nito. She's as good as her. Alam niyang kayang-kaya nito ang mga kalaban. Isa pa, hindi iyon susugod kung hindi sigurado.
The building looks like a warehouse. Matataas din ang mga bakod. Kahit hindi siya siguro ay inakyat niya pa rin ang pader para makapasok sa loob. Sky spoke on her earpiece as she landed on the cemented floor. Nandoon na rin daw ito sa labas. Hinintay niya itong makaakyat bago sila magkasabay na lumapit sa warehouse. The place is so silent. They were both holding their guns. Madilim ang parteng kinaroroonan nila.
Itinutok nila ang baril sa pintuan nang bumukas ito pero ibinaba rin nang maaninag nila si agent Mars na iika-ika.
"What happened? Pinag-alala mo kami," agad niyang sambit nang makalapit rito.
Tumingin naman ang kasamahan kay Sky na lumapit na rin.
"I sent a code red. Akala ko kasi 'di ko kaya," natatawang tugon ni Mars. She has few bruises on the face.
"Sira," wala sa sarili niyang sambit. Natawa naman ang kaibigan.
"Gusto ko sana kasing hulihin sila ng buhay kahit 'yong lider lang kaso nagipit ako kaya nabaril ko silang lahat," saad nito habang iginigiya sila pabalik sa loob.
Nagkalat ang mga duguang katawan ng mga lalaki nang buksan nito ang ilaw sa loob. Just as she thought, Cristina really handled it on her own.
"What information did you get?" tanong niya rito. Napatingin naman ito sa kanya.
"They were also connected to Mr. Lee, the old man. I think you really need to break into that room in his house," saad nito sa kanya. Napatango na lang siya sa sinabi nito.
They heard Sky calling some people to clean the mess.
"Palagay ko 'yong matanda talaga ang makakasagot ng lahat ng palaisipan," sambit nito. She thought the same. Pareho na silang nanahimik pagkatapos.
Sumakay silang tatlo sa kotseng gamit ni Sky nang dumating na ang mga tauhan sa ahensya na maglilinis ng kalat.
They were silently on their way to their secret haven to discuss some things when her phone rang.
It was Clyde calling.
Ayaw sana niya itong sagutin pero paulit-ulit itong nagri-ring kaya napilitan na lamang siyang angatin ang tawag.
"Lacy, nasaan ka?" agad na tanong ni Clyde matapos siyang mag-hello. She pursed her lips as suspicion crept inside her with his line of questioning.
"Nasa apartment, bakit?" painosente niyang tanong. Clyde became silent for a moment before speaking.
"Are you sure?" he asked. That made her suspicion grew.
"Hinatid mo ako 'di ba? Nakalimutan mo na?" balik-tanong niya. She chuckled softly to hide her real feelings.
"Yeah. I must not forget," he chuckled, too.
"Bakit ka napatawag? May sasabihin ka ba?" pag-iiba niya sa usapan. Saglit namang natahimik ang binata sa linya.
"I forgot to say good night," he answered.
"Okay, g-good night, too," aniya. Napasulyap siya kay Cristina na nanunudyo ang tingin. Inirapan niya ito pero natawa lang nang walang tunog.
"Sleep tight, my Lacy. Sweet dreams," saad nito. Pakiramdam niya ay pinamulahan siya sa sinabi nito.
Why does his voice sound so sweet despite all the tribulations running on her mind? Tumalikod siya kay Cristina at mariing napapakit.
"Yeah, you, too." Sambit na lamang niya.
She was about to end the call when Clyde spoke again.
"I left something at your doorstep. Kung hindi ka pa masyadong inaantok, pakikuha na lang," mahina nitong wika.
She felt static at what he said but she calmed a bit when he spoke again.
"Akala ko kasi tulog ka na. Nakapatay na kasi ang ilaw mo kaya iniwan ko na lang," saad nito bago ibinaba ang tawag.
She inhaled deeply.
What the hell is happening?
#UnangChallengeNiVanna
Ano ang common sa serial numbers ng mga baril ni Clyde at ano ang kinalaman no'n sa tattoo ng mga lalaking nakita ni Wind?
P.S. Wala na si Cloud. Haha!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro