Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10: Flowers

"Bumalik din kayo sa dating bahay?" nagtatakhang tanong niya kay Clyde nang makita ang daang tinatahak nila.

"The ol--," Clyde didn't continue his statement but pursed his lips instead. She saw his jaw clenching for a second before he inhaled deeply.

She tried to be casual. She remembered how he said "that old man!" this morning. Parang may lalim talaga itong galit sa matanda.

"Ayaw ni grandpa na magtagal ang mga bata sa bahay sa San Juan baka raw lalong malungkot ang mga ito," mahinahon nitong tugon matapos ang mahigit isang minuto.

"Bahay kasi 'yon ng kakambal ko," dagdag nito.

She only nodded but didn't speak. Kaninang umaga pa niya iniisip ang lahat. Mahirap talagang paniwalaan na gagawa ang lalaki ng hindi maganda. Hindi niya ito kilala masyado pero sa mga naging karanasan niya sa trabaho nakikini-kinita niya ang taong may masamang gawain.

Despite Cloud's statement that this guy may be too dangerous, the armed men and the gun powder stocks, there is a part of her that wants to believe that he's still a good person.

She took out her phone and sent agent Mars a message. She wants to know the details about Clyde's parents and brother including their transactions before they died. She wants to know everything about the family. Pakiramdam niya ay kulang ang ibinigay na impormasyon ni Cloud. She doesn't feel like this were just simple murder or car accident cases.

"Nag-aalala ka ba na baka maulit ang nangyari sa mga bata kahapon?"

Napasulyap siya nang magsalita ulit ang binata. She pursed her lips when he glanced at her.

Ngumiti ito ng tipid sa kanya.

"Don't worry, babantayan ko kayo. I promise walang mangyayaring masama sa inyo," sambit nito.

Hindi siya sumagot.

Part of her wanted to believe his words despite what she witnessed this morning. Sabagay kung ito nga ang nagtangkang ipadukot ang mga bata wala siyang dapat ipag-alala at kahit naman hindi ito ang may pakana, kaya naman niyang protektahan ang sarili at ang mga bata kung sakali.

"You saw the kids reaction yesterday, they like you very much," sambit nito.

Napangiti siya nang maalala iyon. Para ngang close na close ang mga bata sa kanya kung makayakap kahapon.

"I hope you won't resign because of what had happened," saad nito bago sumulyap sa kanya. Tinanguan na lamang niya ito.

"The kids have been through a lot. They need someone as kind as you." dagdag nito.

Huminga siya ng malalim at bahagyang nangiti.

Why did she find his words so sincere?

Ipinilig niya ang ulo.

It can't be happening to her. Why would she believe him? Kailan pa siya nabola ng kahit na sino?



The house suddenly looked creepy the moment they entered. Wala namang nagbago sa itsura nito pero nag-iba ang pakiramdam niya. She felt like she's seeing a new light into the case. Her instincts are working. Pakiramdam niya ay sa loob lang talaga niya makikita ang lahat ng kasagutan sa mga katanungan sa isip niya.

Her mind's working fast as Clyde guides her to the kids' study room. She's thinking of ways on how to sneak in again at the third floor.

Clyde said he would only be at the living room until they finished with the tutorial. Nakasilip siya ng pagkakataong makalabas panandalian mamaya.



They were half through the tutorial when she thought of sneaking in to the third floor.

Nagpaalam siya sa mga bata na bababa lang saglit habang nagsasagot ang mga ito sa libro.

Mabilis siyang lumabas at binaybay ang hallway matapos bigyan si agent Mars ng instruction na ito ang bahala sa mga live footage sa loob. She had already hacked the house's security cameras.

"Sh!t," she muttered when Cristina told her to back off because Clyde is on his way up.

She immediately turned around and retreated, pero kasabay no'n ang pagtawag nito sa kanya. Nilingon niya ito sa kabila ng kaunting kaba at pagkadismaya sa naunsyaming pag-akyat.

"I'm about to bring you some snacks," he stated. She got static. He is holding a tray of snacks, but her eyes were caught by his hand clasping a bouquet of red roses together with the tray.

She averted her gaze right away and looked at his face.

"Saan ka ba pupunta?" tanong nito.

"K-kukuha lang sana ng tubig," sambit niya.

Ngumiti naman ito.

"Tatawag ako ng maid para dalhan ka ng tubig," nakangiti naman nitong saad.

"Uhm, O-okay." She scolded mentally herself for stammering for the second time.

"Iba yata ang epekto ng singkit, ah," Cristina teased. She wanted to roll her eyes when she heard her on the earpiece. Pati ito ay napansin ang pag-utal niya. Buti na lang napigilan niya ang sarili kung hindi baka magtaka ang lalaking kaharap niya.

Nauna na siyang naglakad pabalik sa study room.

She thought he'd leave right away when he placed the tray on the table but he even served them. Pagkabigay nito ng baso ng juice sa kanya ay iniabot naman nito ang bulaklak na hawak.

"Daddy bakit walang sandwich si 'cher Lacy? 'Yang flowers ba ang kakainin niya?" tanong ni Devine sa tiyuhin.

She saw how Clyde chuckled at the kid's querries. Natawa rin siya ng mahina. Bahagya pang sumikdo ang puso niya. Hindi pa niya namalayang inabot ang bulaklak.

Napatingin siya bata. Naalala tuloy niya ang pamangkin na daddy rin ang tawag sa mga kapatid niyang lalaki.

"Nope," Clyde answered. "...but beautiful women always deserve flowers." Ginulo nito ang buhok ng bata na agad namang inayos ng isa.

"Oh my God, ikinagaganda talaga ng mga babae ang bulaklak," rinig niyang sambit ni Cristina sa linya. Binuntutan nito ng mahinang pagtawa.

She almost uttered shut up. Mabuti na lang napigilan niya ang sarili.

She reached for her bag and turned off her devices discreetly. Ibinaba niya rin ang bulaklak sa table katabi ng bag.

Hindi niya maintindihan kung bakit siya nangiti pagkakita sa mga bulaklak. It wasn't the first time that she received flowers. Kadalasan lang kasi sa mga ibinibigay sa kanya ay hindi niya tinatanggap. Pangalawa pa lang ito sa mga lalaking nagbigay na tinanggap niya, 'yong iba binabalik niya o kaya ay idinidiretso sa basurahan.

Muntik na siyang mapasinghap nang tumabi ito sa kanya. Sumalubong kasi ang pabango nitong malamig sa ilong. Iniabot nito ang saucer na may sandwich.

"Thanks," she muttered curtly. Naasiwa siya nang maramdamang nakatitig ito sa mukha niya.

She looked at the kids to divert her attention. Kaharap nila ang mga ito sa table. Itinabi lang ng mga ito ang gamit para may espasyo ang saucer at baso. Kumakain na ang mga ito at nakatingin din sa kanya.

Cherine smiled at her.

"Girlfriend po ba kayo ni daddy Clyde?" inosenteng tanong ng siyam na taong gulang na si Devine.

"Hindi." / "Oo." Halos magkasabay nilang sambit ni Clyde.

She looked at the man who haughtily said, oo. Nakangiti itong nakatunghay sa sa kanya. Her forehead creased. Tumawa ito ng mahina sa pagkunot ng noo niya.

"Just kidding," he chuckled softly.

Hindi na lang siya nagsalita pa at kinalma ang sarili. There was an utterly awkward silence. Okay na sana ang mood niya pero muli itong nagsalita.

"She will be," he muttered as he stood up. Nginitian siya nito ng matamis.

"In time," he added with a wink before walking towards the door. Bahagya pang bumilis ang tibok ng puso niya.

She shook her head as she tried to shrug everything off. She's here for a mission and she needs to concentrate.



Itinuloy niya ang tutorial. Hindi na siya nag-attempt pang akyatin ang third floor baka mas lalo lang siyang mahuli kapag ipinilit niya ngayong araw. There's still tomorrow.

Gusto pa sana siyang ipahatid ni Clyde sa driver nang matapos ang tutorials pero tumanggi siya. Kailangan daw muna kasi nitong bantayan ang mga bata kaya hindi siya maihatid mismo. He even insisted to have her dinner at their house but she declined.

Nakabukas na kasi ang earpiece niya nang mga oras na 'yon at sinabi ni agent Mars na sinundan nito ang matandang Lee. She needed to flee right away.

Hinatid na lamang siya nito sa gate ng village at hinintay na makasakay sa jeep.



She took her motorcycle on a garage near her apartment and immediately followed agent Mars.

Hindi pa siya nangangalahati sa sinusundang direksyon nang marinig ito mula sa earpiece.

"Star, magkita na lang tayo sa den 822," sambit nito. She's referring to their designated private haven since they became partners in the agency. Nasa basement iyon ng isang luma at abadonadong gusali sa Pasig area.

She immediately made her way to the place.



"Anong nangyari sa sinusundan mo?" Tanong niya nang madatnan itong nakamasid sa puting pader na nagsisilbing computer monitor nila.

"I think your theory is right," sambit nito. Tinabihan niya ito at humarap din sa pader.

"Why would an old man have as many goons as these?" She swiped on the wall until a mute video started playing.

Nakita niya sa video na maraming kausap ang matanda na mga armadong lalaki at mukhang nag-uutos.

"Where is this? Nasaan na sila?" tanong niya rito.

"Sa bandang Fairview. Mga limang minuto lang silang nag-usap. I had to go out of the place first baka makita ako, malitson pa ako do'n," seryosong tugon ng kasamahan. She swiped the wall again.

They both remained silent until Cristina broke the silence.

"Dexter Clyde's parents and his grandfather had the same cause of death, car accident," she informed.

Kunot noo siyang napatingin sa kaibigan.

"I am referring to the biological grandfather," Cristina told her. Hindi siya nagsalita. Hinintay niya lamang itong magkuwento.

"Noong namatay pala yung totoo nilang lolo, na matalik na kaibigan at business partner nitong si Mr. Lee, inampon nito yung ama nina Clyde kaya naging Lee ang apelyido," her co-agent disclosed as she keeps swiping the documents on the wall. Mabilis din ang mata niyang pinapasadahan ang mga dokumento habang nakikinig sa kaibigan.

"Kataka-taka na sa parehong dahilan din namatay ang mga magulang nila Clyde." Sumulyap ito sa kanya. She inhaled deeply her eyes ran fastly at the police report on the monitor.

"That time their father wanted to gain full access and ownership of the major shares of the gold mining business. Mas malaki pala ang share ng lolo nila kaysa doon kay Mr. Lee."

She only nodded as she digest everything that Mars is stating.

"Bago rin pala pinatay ang kakambal ni Clyde gusto nitong i-manage ang mining branch nila sa Korea," dagdag ng kasamahan. Hindi siya nagsalita at nag-isip lang ng malalim.

Humarap si Mars sa kanya. "I think you're right. That old man may have something to do with all of these. Kumuha lang ng security para sa mga bata para kunwaring concern," dagdag nito.

She inhaled deeply. If Clyde knew all of these things, it explains his rage towards the old man. Baka gusto lang nitong ilayo ang mga bata sa kapahamakan kay pinapakuha ang mga bata.

Hindi mawala sa isip niya ang pintuan sa third floor na hindi niya nabuksan. There must be some way to break in there.

"That room in the third floor of their house may give us some leads," sambit niya sa kasamahan. Posibleng may itinatago roon ang matanda. Imposibleng si Clyde ang magtatago roon ng kung anu-ano. She must not forget that he only came back to that house recently. About the gun powders she discovered, she'll deal with it later on.

Siya naman ang nag-swipe ng mga documents sa monitor at inisa-isa ang mga ito.

"This isn't a simple murder-homicide case over some gold mining business," sambit niya habang binubusisi ang mga documents. Cristina eyed her. Sumulyap naman siya rito bago ibinalik ang tingin sa monitor. She searched about gold mining industries in Asia.

"Why would a case like this be brought to the agency? Kayang-kaya na itong resolbahin ng mga pulis," saad niya. Humarap siya kay agent Mars na malalim ding nag-isip.

"There is something in this case that poses national or even international threat kaya ibinigay sa agency," saad niya sa kasamahan.

"May point ka," sang-ayon naman nito.

"Alam kaya ito ni Cloud?" tanong nito pagkatapos.

She inhaled deeply. She tried contacting Cloud while she was on the tutorial session pero hindi ito sumagot sa tawag niya. She even dialed his personal number but he did not take the call nor sent a message back.

"Hindi niya sinagot yung tawag ko kanina," mahina niyang tugon. Cristina chuckled softly as she shook her head. Hindi na lamang niya ito pinansin.

They are as close as friends. Marami siyang nakukuwento rito minsan na hindi niya maamin sa ibang tao pati sa pamilya niya kaya naintindihan niya ang pagtawa nito. Well, she also knew everything about Cristina including all the reasons why she's working at the agency.

"Ikaw nga ang tumawag. Itanong mo na rin kung kanino nakapangalan yung mga baril ni Clyde na pinicturan ko noong nakaraan," saad niya rito. Napangiti lang naman ito bago nag-dial sa phone. But even her smile is teasing. She even connected the call to her line kaya rinig niya ang ang pag-ring ng telepono ni Cloud.

"Mars," Cloud muttered shortly on the line. Pinigilan niyang mapasinghap nang marinig ang boses nito sa linya.

"Hi, boss. Star would like to know the details about the photos of guns she sent," diretso nitong saad.

"That one. There is no registered gun distributor with those serial numbers, kahit iyong mga nahuhuli natin at ng ibang agency mula sa mga syndicated groups walang tumutugma sa combinations nila," tugon ni Cloud. Her forehead creased at his statement. Malalim siyang nag-isip.

Sinenyasan niya si Cristina na ilahad ang tungkol sa mga nalaman tungkol kay Mr. Lee na agad naman nitong naintindihan.

She remained silent as agent Mars narrated.

"So, does that mean you may finish this case in the next two days?" tanong nito nang matapos si Cristina.

"It's not as simple as that. May isang anggulo pa kaming tinitingnan," hindi niya napigilang makisabat sa usapan. She heard Cloud inhaling deeply.

"Akala ko hindi ka na magsasalita," sambit nito. She rolled her eyes. Of course, he knew she was on the line, too.

"Do not prolong this mission of yours, Star," he said with heavy breathing.

"You knew this wasn't a simple case, right? Hindi ito ibibigay sa agency kung hindi ito malaking kaso," saad naman niya. Cloud became silent.

"Tell me exactly what is this, Cloud? Why did you think Clyde is dangerous?" she asked. Rinig niyang huminga ng malalim ang kausap.

"I honestly don't have any idea where this case is going but as you said there must be something in this case. Just take extra careful movements, Star," tugon nito.

She inhaled deeply. Just as she thought it was.

"I won't meddle, but please inform me about everything," he said before the line went dead. Nagkibit-balikat lang si Cristina nang tingnan niya ito.

Huminga na lamang siya ng malalim.

Nagpaalam siya sa kasamahan pagkatapos. Sinabihan na lang niya itong magbukas lagi ng linya at magmanman ulit sa bahay ng mga Lee.

*****

The garage's metal door automatically closed when she went in. Pasadya iyon. Marami silang mga garahe na nagkalat sa iba't-ibang lugar at puwede nilang gamitin ang mga sasakyan sa loob. Their eyes are used to scan the doors and gates. Titingin lang sila sa camera lenses na kadalasan ay nasa mismong light bulb sa poste malapit rito ay nagbubukas na ang mga ito.

She snatched her bag on the table before heading out. Nakita niya kasi mula sa monitor na wala ng taong nagdaraan sa kalsada.

Lalabas na sana siya nang mahagip ng tingin niya ang naiwang bulaklak sa lamesa. She went back and took it before going out.

Naglakad siya papunta sa apartment niya na isang kanto pa ang layo.

Papalapit na siya sa apartment nang makita ang sasakyan ni Clyde sa tabi ng kalsada. When she looked at the gate, he was standing there, holding another bouquet of flowers. She almost wanted to hide on the lamp posts, but he was already looking at her direction.

"Kakauwi mo pa lang? Saan ka galing?" agad nitong tanong nang makalapit siya. He glanced at the flowers on her hand. Pakiramdam niya ay pinamulahan siya dahil nakita nitong dala-dala ang binigay nito kanina.

"May dinalaw lang akong kaibigan," tugon niya rito. Saglit naman itong nag-isip bago tumango.

She doesn't understand why she explained. Puwede namang hindi siya sumagot. She's not oblige to answer anyway.

Iniabot ulit nito ang hawak na bouquet sa kanya.

"Para saan ba 'tong mga 'to?" wala sa loob niyang tanong habang kinukuha iyon.

Clyde smiled at her query.

"Manliligaw sana ako kaso gabi na, ang tagal mo kasi, bukas na lang ulit," natatawa nitong wika. Hindi pa siya nakapagsalita agad.

"Can we have dinner date tonight after the tutorials?" diretso nitong tanong nang hindi siya nagsalita.

She was caught off guard that she wasn't able to think of convincing reasons.

"Naalala mo ba ang nangyari noong nag-dinner tayo?" balik-tanong na lamang niya rito.

"The kids were almost abducted," he muttered. His shoulders slumped. Kung hindi lang niya alam na ito ang nagpadukot sa mga bata baka naniwala na siya sa paglungkot nito. O baka naman nalungkot talaga ito dahil naalala nitong hindi ito nagtagumpay sa balak. Stopped on her reverie when he stared at her with a smile.

"Isama na lang natin sila," wika nito.

Napatanga pa siya sa biglang pagsigla ng boses nito.

"So? Is it a yes?" he asked again.

"Hindi ba delikadong ilabas ang mga bata?" nagdadalawang-isip niyang tanong rito. She was thinking that he might use the chance to take away the kids for the second time.

"I already told you. Hindi kayo mapapahamak habang nasa tabi n'yo ako," nakangiti nitong sagot.

"Yabang," hindi nya napigilang sambit. Natawa naman ito ng mahina.

"It's a date then," he said with finality. Nailing na lang siya at nangiti.

Nagpaalam siyang papasok na. When the gate was closed, she even heard him say goodnight. Naiiling na lang niyang tinungo ang apartment.

Bakit hindi niya nagawang tumanggi? That guy is really something.

"Itapon mo 'yang mga bulaklak."

Napasinghap siya nang marinig ang mababang boses ni Cloud. Nakasandal ito sa pintuan ng apartment niya at matiim na nakatitig. There's a little light coming from the last unit.

She wasn't able to move.

Mas lalo siyang hindi nakaimik nang lumapit ito at biglang kinuha ang mga bulaklak mula sa kamay niya.

"There is no space for these in your apartment," sambit nito bago naglakad paalis. Nakita niyang idiniretso nito sa basurahan sa gilid ng gate bago tuluyang lumabas.

Ilang segundo siyang natulala bago nagpasyang pumasok na lang sa apartment.

She was still thinking of Cloud's abrupt action when she opened the lights.

Napahawak siya sa noo nang makita ang buong apartment.

Good Lord.

It was fully decorated with red and white roses. Bawat sulok ay may mga bulaklak. May nakakabit pang roses sa palibot ng kama niya, pati ang mga upuan at maliit na dining table. From the two seater couch to the center table, everything is filled with flowers. When she looked down at the floor, it was carpeted with rose petals.

She inhaled deeply trying to calm herself.

That Cloud.

Psh.

That Klein.

Paano niya ito lilinisan ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro