Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9) Tipsy Spaghetti?

Paminsan-minsan kailangan mo ring gawin ang mga bagay na 'di mo pa nagagawa para mahanap ang mundong hindi mo pa nakikita.


Hindi na nagtaka si Janica nang pumasok sila sa isang high-end bar. Hinawakan siya sa siko ni Leandrei at iginiya sa may bar counter kung saan may bakanteng stools.

Dapat nasa bahay na siya para magbasa ng mga modules niya sa review center pero heto siya sa mausok at maingay na lugar.

"The usual and one bellini for this lady," order nito agad sa bartender pagkaupo nila.

"Hindi ako umiinom," saad niya rito. Medyo malakas ang boses niya dahil nagsimula nang umingay ang music sa loob.

"It's just cocktail," tugon naman nito. Inilapit pa nito ang bibig sa tainga niya. Naasiwa tuloy siya pero hindi na lamang niya ipinahalata.

Iniabot nito ang wine glass sa kanya nang i-serve na ito ng bartender.

Sumimsim siya. Nalasahan niya ang kaunting alak pero mas nagingibabaw ang lasa ng peach kaya ayos lang. Hindi naman siguro siya malalasing.

"Bro, good to see you," bati ng isang lalaki kay Leandrei. Nakipag-fistbump pa ito.

"Tara, maraming babae doon," anyaya ng lalaki. Napatingin naman si Leandrei sa kanya.

"May kasama ka pala?" natatawang bumaling ang lalaki sa kanya. Ngumiti siya nang alanganin.

"Yes, I'm with her. Huwag kang gagawa ng kalokohan, abogada yan," natatawang sambit ni Leandrei.

May parte ng isip niya na natutuwa dahil ipinagmalaki siya nito. Pero hindi pa naman siya abogada kaya may parte rin ng isip niya ang nagtatanong kung bakit kailangan nitong i-build up siya sa ibang tao.

"Okay, hands down," saad naman ng lalaki bago umalis. Natawa lang si Leandrei.

"Don't mind him. Matagal na akong hindi nambababae," saad nito. Napangiti na lang siya. Kahit naman nambababae ito, wala naman siyang puwedeng i-komento. Saka importante pa ba kung ano ang iisipin niya tungkol rito?

"One cosmopolitan, please and another shot for me," sabi ulit nito sa bartender. Tiningnan niya ang wineglass. Naubos na pala niya. Inilapag na lamang niya ang kopita sa counter.

"Iba na naman?" tanong niya sa lalaki nang iabot sa kanya ang kulay light red na inumin.

"So you could taste a little bit of everything. Just enjoy. Ngayon lang 'to," natatawa nitong saad bago nilagok ang alak na nasa glass nito.

Tinikman niya ulit ang inumin. Napangiwi siya. Mas matapang yata ito kaysa 'yong nauna.

"That's cranberry juice, lime, orange liqueur and vodka," saad nito. Kaya pala hindi pamilyar sa kanya ang lasa.

Paunti-unti niya lang itong sinimsim. Umorder pa ulit ito ng isang shot. Tumingin na lamang siya sa paligid.

"Do you wanna dance?" tanong nito nang makitang nakatingin siya sa dance floor. Napailing siya. Siya sasayaw? Magkamatayan na.

"Ubusin mo na 'yan," saad nito habang nakatingin sa baso niya.

"Okay na ito sa akin. Ayokong malasing," tugon na lamang niya. Tumawa ito pero hindi na lamang niya pinansin.

Paunti-unti lang ang pag-inom niya sa hawak na kopita. May mangilan-ngilang bumabati kay Leandrei na mga babae pero agad itong itinataboy ng isa.

Nagulat siya nang abutan siya ulit nito ng isa pang inumin. Nakita pala nito na ubos na niya ang iniinom kanina.

Napakunot-noo siya nang makita ang inumin. May mga lime slices ito at mint leaves.

"That's mojito," saad nito nang makita ang reaction niya.

"There's a little bit of white rum in it."

Napatango siya. Mukhang mas matapang ito kaysa sa dalawang nauna. Hindi siya sanay uminom kaya amoy pa lang pakiramdam niya ay malalasing na siya.

"Last na 'to ha. Hindi kasi ako sanay uminom," bulong niya rito. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito. Ayaw niya kasing magsalita ng pasigaw dahil sa lakas ng music.

Natatawa naman itong tumango. Nakita pa niya ang paggalaw ng adam's apple nito dahil katapat ito mismo ng mata niya. Kung lalaki lang siya mai-insecure siya. Ang sexy kasi tingnan ng leeg nito habang gumagalaw ang adam's apple.

Ipinilig niya ang ulo. Ano ba 'tong naiisip niya?

Matagal niyang sinimsim ang inumin. Parang umikot na rin ang paningin niya pagkatapos lang ng ilang minuto. Mahina talaga siya sa alak.

Tinandaan na lamang niya ang pangalan ng alak na ininom niya para may matutunan din siya sa loob ng bar. Bellini yung lasang peach, Cosmopolitan yung may cranberry juice at Mojito itong may mga dahon-dahon pa at lime.

"What are you doing? Are you memorizing laws while sipping your drinks?" natatawang tanong ni Leandrei.

Halata ba sa mukha niya na nagmememorize siya? Napangiti na lang siya at napailing.

"Umuwi na tayo medyo nahihilo na ako," saad niya nang mainom lahat ang laman ng baso. Hindi na niya nabilang kung nakailang shots ang lalaking kasama.

"Okay pero halika muna sa dancefloor," natatawa nitong anyaya sa kanya. Napatawa siya.

"Hindi ako marunong sumayaw," tanggi niya pero may isang parte ng utak niya ang gustong pumayag.

"Pantanggal hilo. C'mon, let's go!" saad nito. Hinawakan nito ang kamay niya. Napatayo na lamang siya at napasunod sa dance floor.



*****

Natatawa siya habang nagda-drive na ito pauwi sa bahay nila. Hindi siya makapaniwalang napasayaw siya nito at napadagdag pa ng inom.

"Did I really dance back there?" natatawa niyang tanong sa binata.

"Three shots of mojito and you're drunk," natatawa nitong saad sa halip na sagutin ang tanong niya.

"I'm not drunk," depensa niya. Natawa ito.

"Yeah and you've been talking to me in full English the moment we went out of the bar," hayag nito. Natigilan siya. Talaga ba?

"Hindi naman ah," sagot niya at pinilit na ituwid ang paningin pero para talagang umiikot ang paningin niya.

"Pagagalitan ako ni Mommy nito. Sana tulog na siya pag-uwi natin," natatawa nitong sambit.

"Pagagalitan? You're already too old for that," tugon niya rito. Sumulyap lang ito sa kanya at tumawa.



*****

"That was fun! Thanks!" saad niya rito pagbaba ng kotse. Nahilo siya nang humakbang kaya inalalayan siya nito sa dalawang siko hanggang makapasok ng kabahayan. May kaunting distansiya ang paghawak nito sa kanya kaya't hindi magkadikit ang katawan nila.

"Ang bilis mong nalasing," kantiyaw nito. Pati ito ay mukhang tipsy na rin. Namumula na kasi ang batok at leeg nito.

"Ikaw din medyo may tama," natatawa niyang saad. Napatawa rin ito.

"Talkative pala ang spaghetti kapag nalalasing," sambit nito. Spaghetti? Napakunot-noo siya.

"Ikaw yata ang lasing diyan eh! May spaghetti bang nagsasalita at nalalasing? Baliw ka!" natatawa niyang saad. Hindi pa niya namalayang hampasin ito sa braso. Napatawa naman ito sa reaksiyon niya.



"Saan kayo galing?"

Napapitlag siya nang marinig ang boses ng ninang Lianna niya. Napatingin siya kay Leandrei. Binitawan naman nito ang siko niya. Umayos siya ng tayo.

"We just dine out, mom," tugon ni Leandrei.

"Dine out?" ulit nito.

"Opo, ninang," tugon niya. Pinilit niyang humakbang ng tuwid.

"Nakainom ka ba?" tanong nito. Natigilan siya at napatingin kay Leandrei.

"Leandrei?" may himig pagbabantang saad ng ina nito.

"Konti lang, 'm," tugon nito

"You know she's reviewing for her bar exams. Don't be a bad influenc," mahina ngunit madiin nitong saad.

"Ninang, okay lang po. Wala naman pong kasalanan si Leandrei. Saka ngayon lang naman po it," singit niya sa usapan.

"Okay then, ngayon lang. You have to concentrate on your review. Huwag kang sumasama sa kalokohan nito," saad nito. Pakiramdam niya ay parang nanay niya lang ang nagsalita. Napatango na lamang siya.

"Ihatid mo na lang siya sa kuwarto niya, Leandrei," utos nito. Nahihiya siyang naglakad papuntang elevator. Inalalayan naman siya ni Leandrei.

"Galit ba si ninang?" tanong niya rito nang makapasok sila sa elevator. Parang kanina lang tawa sila ng tawa ngayon naman naging awkward ulit ang pakiramdam niya.

"Ang seryoso mo!" natatawa nitong komento. Hindi na lamang siya nagsalita.

"You know she's mad whe she says 'hindi uubra sa akin 'yang pagiging Filan mo' kaya 'yong kanina hindi pa iyon galit, okay," saad nito. Napailing na siya at napangiti. Buti naman kapag gano'n.

Inalalayan siya nito papunta sa kuwarto. Bahagya pa siyang natumba kaya napayakap ito sa kanya para hindi siya lumagapak sa sahig. Napatawa siya. Lasing na yata talaga siya?


"Sinasabi ko na eh!" napatingin sila pareho sa direksyon ni Vander.

"I told you to watch out, Janica," sarkastiko nitong saad. Agad itong lumapit sa kinaroroonan nila.

"Alis diyan. Ako na ang aalalay sa kanya. Alam ko na yang mga ganyang galaw mo, Leandrei," sambit ni Vander. Ito naman ang humawak sa mga braso niya.nHanggang ngayon iyon pa rin ang ipinaglalaban ng isang 'to. Parang gusto niyang matawa.

"Ano?! Huwag mo nga akong itulad sa 'yo," inis namang saad ni Leandrei.

"Get lost, bro!" sigaw ni Vander at tinabig ito nang akmang hihilahin nito ang braso niya.

"Hey fuckers! What the hell are you doin'?" napatingin sila nang magsalita si Vance.

Ha? Si Vance talaga 'yong nagsalita? Hindi kaya si Leandrei iyon? Nagpalit-palit lang sila para lituhin siya?

"Yo, bro! I was just usherin' mah nigga to her room. Pakialamero 'tong ka-triplet mo," inis na saad ni Leandrei.

"That's already Janica's room," turo nito sa pinto na nasa tabi nila.

Oo nga, noh?

Itinapat niya ang palad sa scanner at pumasok nang bumukas ito. Nakahinga siya nang maluwag nang sumara ang pinto.

Ang kulit ng tatlo. Narinig pa niya ang tawanan ng mga ito bago tuluyang naisara ang pinto.

Wait...

Anong tawag sa kanya ni Leandrei? 

Nigga? 

Gago 'yon ah.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro