Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27: Welcome Home

Home will always be where the heart resides. – jazlykdat

Aubrey

Nag-alangan siya noong una pero kalaunan ay napagpasyahan niyang sa mga biyenan na lang tumuloy. They've been nice to her. Ayaw niyang ilayo ang mga bata sa mga ito. Tumatanda na rin kasi sila. Someone has to be with them inside the big mansion.

"You made the right decision." Lianna said welcoming her. Kinuha nito ang apo. Samantalang si Vaughn naman ay inakay si Dirran.

"I'm starting to get jealous." Desiry said pouting.

"Me, too." Ayder seconded looking at their grandfather. Napatawa naman silang lahat sa drama ng dalawa. The two later laughed at themselves.

"You'll stay at the third floor beside Desiry's bedroom." Lianna stated. Paakyat na sila sakay ang elevator.

Iginiya siya nito papasok sa isang kuwarto nang makarating sila. Nakasunod ang ilang kasambahay hila-hila ang gamit nilang mag-ina. Dirran will stay at Vander's bedroom.

"If there is an emergency, you just press this button" turo nito sa tabi ng pinto pagpasok nila.

"There's also one button beside the bathroom door inside." Dagdag ng biyenan niya.

Napatango na lang siya.

"Your daddy Vaughn already instructed the guards to immediately rush here when that button alarms." Dagdag nito.

Napanganga siya sa sinabi ng biyenan.

"Just to make sure. Vander's unpredictable you know that." Nakangiti nitong saad nang makita ang reaksyon niya.

Parang nasaktan siya na walang tiwala ang sarili nitong mga magulang kay Vander.

"Thank you po pero baka hindi na po mauulit 'yong nangyari noon. I can see the changes in him." Saad niya sa biyenan. She won't ever agree to stay anywhere near him if she's not sure he already changed.

Tumango lang din ang biyenan.

"Bakit ka nandito?" Sita ni Lianna nang pumasok si Vander sa silid.

"Just checking on them, mom." Tugon nito sa ina.

"Siguraduhin mo lang." banta ng ina nito.

Hindi naman nito pinansin ang ina at lumapit sa kanila ni Deshima.

"Okay na kayo dito?" tanong nito sa kanya.

"Yes, don't worry." She answered with a smile. Ayaw niyang mag-isip ang biyenan na hindi sila okay ni Vander.

"How's my baby girl version?" baling nito sa bata at binuhat mula sa kanya.

"Tara na sa baba. Sila na lang mag-aayos ng gamit niyo." Tukoy nito sa mga kasambahay na naroon.

"Ako na lang. Mauna na kayo sa baba." Tugon niya sa asawa. If it was the old Aubrey. She would say yes right away. Pero nasanay na kasi siyang nag-aayos ng sariling gamit at hindi na siya kumportable na hinahawakan ng iba ang mga gamit niya.

Lianna only smiled. Nagkibit-balikat naman si Vander.

They went out seconds later.

Huminga siya ng malalim.

Was it really a sound decision to move in after everything that happened?



"Saan galing yan?" Kunot noo niyang tanong sa maid nang pagbuksan niya ito. May hawak itong isang bungkos ng pulang rosas.

"Kay sir Vander po."

Bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi nito. Aabutin sana niya ito nang humakbang ito papasok ng kuwarto.

"Ilagay ko daw po sa mga vases." Dagdag nito. Para namang biglang nagpreno ang puso niya sa bilis nito kanina.

Napailing siya sa sariling nararamdaman. Asa!






Their first night at the Filan's was okay. Nagsidatingan pa ang mga kapatid nito para sa hapunan. They all extended their gladness sa pagpayag niyang tumira sa mansyon.

Panay ang kantiyaw ni Lily sa kanya kinabukasan. "Malapit na namang bumalik ang mahangin na Aubrey." Tudyo pa nito. Hindi na lamang niya ito pinansin.

Lagi nitong pinipilit na mayabang siya dati simula noong ikinasal sila ni Vander. Sabagay ganoon din ang reaksyon ng mga kapatid niya noong sinabi niyang titira sila sa bahay ng mga biyenan.

Ang mga magulang naman niya ay nagalit pa sa kanya. Nakakahiya daw pagkatapos niyang ihabla noon ang asawa.

Parang may kaba pa rin siya habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay ng mga Filan. A part of her is in denial gaya noong mga panahong hindi siya makapaniwala na kasal na siya kay Vander.




"Mag-snacks ka muna bago umakyat." Lianna offered when she reached the living room. Kasama nito si Deshima at nilalaro habang nasa stroller.

Ang biyenang lalaki naman ay kalaro si Dirran.

"Dirran go kiss your mommy." Utos ng biyenang lalaki sa bata pagkakita sa kanya. Vaughn seldom talks. Sanay na siya rito kaya naman nagulat siya na nagsalita ito. That reaction from her father-in-law is enough para maramdaman niyang okay para rito ang presensiya niya.

Dirran immediately rose to his feet.

"Mommy! I love you!" He said aloud and kissed her quickly on the cheek.

Napaluha siya sa sinambit ng anak.

"He's been practicing that the whole afternoon para hindi mabulol." Natatawang saad ni Lianna sa kanya.

"Itinuro yata sa sessions niya." Vaughn added.

"Dee, no! Daddy, na-na-nagturo Dirran." Sabad naman ng bata. Napatawa na lang sila.

So it was Vander? That thought made her smile.




Umakyat na siya pagkatapos para magbihis.

Saktong papunta siya sa elevator nang bumukas ito at iniluwa ang bulto ni Vander. Tumigil ang mga mata niya sa hawak nitong pulang mga rosas.

"I figured nalanta na yung mga bulaklak kahapon. Bumili ako ng pamalit." Saad nito nang mapansin kung ano ang tinitingnan niya.

Napatango siya. Hindi naman 'yon malalanta ng ganoon kabilis dahil airconditioned naman ang buong bahay.

"Maganda raw kasi sa ambiance ng mga bata kapag may bulaklak sa paligid." Dagdag paliwanag nito. So, it was for Deshima?

"Sige," tugon niya at inabot ang bulaklak. "Dalhin ko lang 'to sa loob."

"Sige hintayin na lang kita. Sabay na tayong bumaba." Tugon naman nito. He put his hands on his pocket. Sumandal pa ito sa pader.

"Hindi ka ba magpapalit muna ng pambahay?" takang tanong niya rito. Ngumiti naman ito.

"Mamaya na lang."




Only their breathing can be heard inside the elevator until Vander spoke.

"Anong paborito mong bulaklak para iyon ang bibilhin ko bukas." Basag nito sa katahimikan.

Sandali siyang natigilan hanggang sa napangiti na lamang siya kasabay ng pagbilis ng pagtibok ng puso niya.

"Yung dati pa rin." Tugon niya rito.

"Some things never really change," komento nito nang nakangiti.

Like love? Gusto niyang idagdag pero napangiti na lang din siya.

Sakto namang bumukas ang elevator.

"Looks like some people are happy." Desiry uttered grinning. Natatawa naman itong pinisil ng ama sa batok na sanhi para mapatili ito.

"Daddyyy!!!" hiyaw nito.

"Masama bang maging masaya?" Natatawang tanong ng ama nito bago ito binitawan. Hinila nito ang anak pabalik ng living room. Tatawa-tawa naman ang dalaga. Sumunod na lamang siya sa mga ito.

"Naghaharutan na naman kayong mag-ama." Sita ni Lianna sa dalawa.

"Si daddy po kasi." Natatawa namang depensa ng anak.

"Bakit ako? Ikaw kaya." Vander stated.

Parang batang nagturuan ang dalawa.

She's happy to see the kind of bonding her kid have with her father. Para lang silang magkapatid. Why not? They are only 18 years older than Desiry.






After dinner, napagtripan ng tatlong magkakapatid ang mag-night swimming. She sat on the poolside watching them swim. Mabilis lang nilang naturuang lumangoy si Dirran.

"Thanks, Aub. Sa pagpayag na tumira dito." Vander said as he sat near her. Pareho nang nakalublob ang mga paa nila sa tubig.

Nginitian niya ang asawa bago ibinalik ang tingin sa mga anak. Nauna nang iniakyat ng yaya si Deshima kanina dahil nakatulog na ito.

"The kids are so happy. Pati din sina mom at dad." He added.

"It's my pleasure." Kimi niyang tugon.

There was a moment of silence. Naramdaman niya ang unti-unti nitong paglapit hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo nila sa isa't-isa. Hindi siya gumalaw. She could even inhale his manly scent.

"Sana masaya ka rin kasi ako masayang-masaya." He murmured before draping his arm around her shoulder. Kinabig siya nito at hinalikan sa tuktok. Pakiramdam niya ay nagrigodon ang tibok ng puso niya. The beating felt good inside.

She was about to lean on his chest when his phone rings. Hinintay nila pareho ang pagtigil nito pero nag-ring ulit matapos lang ang ilang segundo. Vander released her shoulder and excused himself.








P.S. Ang ibig kong sabihin sa unti-untihin na natin ay unti-untihin na nating tapusin. Hehe! Gusto ko na kasing gumawa ng feel-good story. Yung happy lang, walang ending? Haha!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro