Ending
Godvynus Tansley
"Aren't they cute?" malambing na tanong ni Lu sa akin. Nakatingin siya sa kambal namin na nasa tabi niya. Halata rin sa mga mata niya ang sobrang galak. I didn't want this moment to go into waste so I took a picture of them before joining them, hugging Lu from behind.
We laughed when our babies cooed. Nagkasabay pa talaga sila. Ang sarap lang pakinggan. I used to think that being a father wasn't for me since it involves a great deal of responsibility and obligation, but I've recently discovered that it is. Nagsisimula palang pero alam kong magiging maganda kaming ehemplo ni Lu sa mga anak namin.
I was in pure bliss the moment our babies were born. Maluha-luha akong nagmamasid lang sa paligid habang hawak ang kanina pang nanginginig na kamay ni Lu. Subalit, gaya ko, alam kong bigla ring naibsan ang mga pangamba at pag-aalala niya nang makita niya ang anak namin. I can't express how relieved I am that they are all safe.
Masaya ang naging buhay namin. Halos hindi dumapo sa isipan ko na may mangyayaring masama o makakapagpalungkot sa amin. But after discovering that it was just all a dream that slowly fades into darkness, everything crumbled.
"Papa! Wake up! Wake up!"
I groaned, a small grin slowly forming on my lips. My little potato is once again acting as my alarm clock in the early morning. Ramdam kong nakapatong na naman siya sa likuran ko habang gumugulong-gulong at kinikiliti ako. I didn't even flinched. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon sa akin pero nang ang mukha ko naman ang pagkaabalahan niya ay saka na ako tuluyang nagising.
"Boo!" Yinapos ko agad siya at tinadtad ng halik. Her endearing giggles filled the room. "What's so great about mornings again, my cute potato? Hmm?"
"Work! You... work! First day!"
"Oh, shit!"
"Bad!" Tinakpan niya agad ang bibig ko gamit ang mga maliliit niyang kamay.
Napatawa ako't hinalikan ulit siya bago tuluyang bumangon.
"Thanks, baby! Love you! Where's Mama?"
"Kitchen!"
Nang makasuot na ako ng damit ay binuhat ko agad ang four-year-old kong anak. Violana gave her the name Mauve Tansley. Mauve is now my favorite color. Nobody has the power to change that. They're both the light in my life. Hindi niya pa masyadong nabubuo ang mga salita niya pero malawak na ang pagkakaintindi niya kapag kausap mo siya. I know she's a smart kid. Mana kaya sa akin.
"Good morning!" I greeted Violana in apron, preparing our breakfast. Kumuha muna ako ng isang toast bread habang karga pa rin si Mauve bago lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Ano palang sabi nina Mama?"
"Morning!" Parehas niyang pinisil ang ilong namin ni Mauve. "Papunta na sila. Sabi na kasing kumuha na lang tayo ng katulong sa pagbabantay kay Mauve. I can pay for it, Inus."
"Huwag na! Saka na kapag nakapag-ipon-ipon pa tayo. Hindi naman ganoon kakulit si Mauve para bantayan pa. Right, baby?" I showered her with kisses again.
"Kahit na. She's still a baby."
Sinundan namin siya ni Mauve. I put Mauve down to her chair and offered to help Violana. Ngayon din kasi ang first day ni Violana sa bago niyang trabaho. Walang magbabantay kay Mauve dito sa bahay kaya tinawagan na lang namin ang mga magulang ni Violana. Tutal ay medyo malapit lang din naman sila sa amin.
"Basta, ako nang bahala sa mga gastusin na kailangan ni Mauve. Mataas naman ang sweldo ng seaman captain."
"Palagi ka namang wala niyan. Hindi mo pa rin kami matututukan niyan."
Matapos naming mailapag sa lamesa ang lahat ng pagkain ay naupo na rin kami. Halatang pinasobrahan ni Violana para sa mga magulang niyang pupunta. Hindi naman ako mapili sa kung ano man ang niluluto niya para sa amin dahil halos yata lahat ng klaseng pagkain na gawa niya ay dinadala ka sa langit.
She's a great chef, but she stopped pursuing it when Mauve came. It took her years of hard work and sacrifice to get to where she is now. Ilang beses pa namin iyong pinag-awayan. Isa pang rason ay kinapos na rin sa pera. I offered to pay for it, but she politely declined. Palagi ko rin siyang pinipilit dahil sa gitna rin ng pag-pursue ko ng mga pangarap kong ilang taon ding naudlot ay hindi siya nawala. She's been always on my side and I'm such a fool for not noticing it.
Wala, eh. Kapag baliw ka sa isang babae, doon lang iikot ang mundo mo. That's my case. Lu is not easily replaced and forgotten. Nag-iwan din siya ng malaking marka sa buhay ko. Pero isang araw ay nagising na lang ako bigla mula sa kahibangan ko sa kanya. I was finally able to recognize Violana's value in my life.
"Sainyo naman ako palagi uuwi. Kayo na ang pamilya ko." Napangiti ako bago sumubo't ngumuya.
Noon pa man, simula nang makilala ko si Lu, ay wala na akong ibang inisip na babaeng makakasama ko habang-buhay kundi siya. Siya lang talaga. Wala nang iba. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Almost every problem that a person could have fell to us. Parehas kaming naipit sa relasyong akala namin ay mabuti para sa lahat.
I also struggled for many years before I had what I have now. It's all because of one girl.
"Best man kita Inus! Hindi puwedeng hindi ka pumunta! Nakakagago naman 'yan!" Kanina pa reklamo nang reklamo si Elio kaya hindi rin kami makapunta sa simbahan.
"I already informed you few days ago. Hindi ko na kasalanan kung hanggang ngayon ay hindi ka pa rin naghanap ng iba."
"Tangina! Mahiya ka naman kay Lu!"
"What?" Halos nabuhayan na naman ako nang banggitin niya lang ang pangalan niya. "Pupunta siya?"
"Aba! Kung hindi ko pa sabihin, hindi ka pa gagalaw diyan! Putangina naman, Inus! Nakakasakit ka na talaga ng heart!"
"Come on!" Mabilis lang akong nag-ayos.
Nang makarating sa simbahan ay ilang beses kong kinulit si Elio kasi hindi ko man lang makita ni anino ni Lu hnggang sa matapos ang seremonya. Pero paalis na sana ako sa venue nang bigla siyang magpakita. My heart skipped a beat, as if this were our first meeting.
"Can I kiss you?"
What in the world did she just say?!
"Kamukha mo kasi ex-boyfriend ko..."
Great! Now she can't even recognize me because she's inebriated? Ganoon na ba kababa ang tingin niya sa akin porket ex na lang ako? Aray naman.
Dinala ko siya sa hotel room ko na tinutuluyan ko kapag hindi ako umuuwi sa amin. If I want to be alone, I'll just stay here and be vulnerable as I can. Hindi ko puwedeng iuwi siya sa kanila, lalo na't alam kong kahit kailan ay hindi naging pabor sa akin ang mga magulang niya. She'll be safe here because this is one of my safe havens, and I'll be here to look after her.
Staring right into her demure, pretty face makes me longed for her even more. Parang dati lang. Pero ngayon may distansiya na. I stood up, wiped my tears away, and wrapped a comforter around her body. Magdamag akong gising kasi akala ko ay bigla siyang magigising kaya binantayan ko talaga siya hanggang sa mamalayan kong sumisikat na pala ang araw.
I prepared breakfast, but she's still in deep sleep. Hindi ko maiwasang mapangiti. Bet she's so tired rather than drunk. Okay na rin naman iyan, makapagpahinga siya. But lunch and dinner came and she's still asleep? Unbelievable! How could she possibly spend the rest of the day in bed?
"Ano?!" I was astounded to learn that she was going to another country. "Kailan pa? Saan daw siya pupunta? Hanggang kailan?"
"Kanina lang siya umalis." Maging si Mab ay bagsak ang mga balikat. "Akala ko nakapagpaalam din sa 'yo kahit paano."
"Putangina!" Mabilis akong naglakad paalis, bakasakaling mahabol ko pa siya.
"Inus..."
I looked at Mab.
"Hindi na siya babalik..."
Pagkarating ko sa airport ay saktong kakaalis lang din ng eroplanong lulan siya. Frustrated, I ran my hand through my hair, and tears began to form. Why, Lu? Why did you do this to me? Paano naman ako?
"Gumising ka nga, Inus! Wala na kayo ni Lu! Umalis na siya! Tuluyan ka na niyang iniwan! Stop squandering your life over her, looking pathetic and irresponsible!"
Araw-araw ay iyan na lang ang palagi kong naririnig sa mga kapatid ko. Tahimik lang ang mga magulang namin pero alam kong nagpipigil lang din sila. Sino ba naman kasi ang hindi makakapansin sa araw-araw kong paglalasing at pagdadrama? Parang nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay nang mawala rin ang dahilan ng pagtibok ng puso ko.
"Look what you did to us!" My older sister cried as we saw our parents on the morgue. "You... you did this to them, Inus! Dahil sa lecheng pagmamahal mo na 'yan! Ibang-iba ka na talaga..." Napailing-iling siya. "Ngayon ko nalaman na mapanganib kang magmahal. Hindi lang mga taong nakapaligid sa 'yo ang nasisira, kundi pati na rin mismo ang sarili mo. Grow up, Inus. Ilan pa ba kaming mawawala sa buhay mo bago mo malamang umiikot pa rin ang mundo mo?"
I was left alone, crying silently and blaming myself all over again. My parents were in an accident on their way to pick me up from a club because I was too drunk. Hindi ko naman alam at inasahan na sila pala ang tinawagan ng bartender doon. Magkasama pa talaga silang dalawa pinuntahan ako!
"Tanginaaa!!!" I could feel my veins popping from my neck as I screamed in pain. Ilang beses ko ring pinagsusuntok ang pader sa kuwarto ko, unconcerned about the blood dripping from my hands.
"Inus!" The door slammed open. "Stop it!"
It's only been a few months since Lu left, but I keep losing something or someone in my life. Tila ba nakalimutan ko na rin kung paano kontrolin ang emosyon ko. Minsan ay napapatulala na lang ako o kaya kapag hindi ko na talaga nakakaya ay nagwawala na ako.
I continued to drink and have sleepless nights before deciding to finally follow Lu. Lahat ng perang inipon para sa amin ng mga magulang namin ay kinuha ko. Iniwan ko lang ang cellphone ko para wala silang kahit na anong contact sa akin.
But then, I saw her again. Gustong-gusto ko siyang lapitan at yakapin, sabihing miss na miss ko na siya at mahal na mahal ko pa rin siya. Pero mas pinili kong panoorin at suportahan siya mula sa malayo. That's more than enough for me.
I took various jobs in Luxembourg in order to stay with her, but fuck, it's not that easy. Tapos bigla-bigla na lang ding sumisingit sa utak ko kung gaano katanga at kabobo ang mga pinaggagagawa ko. It was all for naught because I would never be able to bring her back to me.
She's out there, pursuing her dreams and goals with zeal and innateness. Hindi ko na makita sa kanya ang kagustuhang bumalik sa Pilipinas. Hindi ko na makita sa kanya ang dating mga kislap ng mga mata niya maisip niya lang ako. Wala na ang lahat ng senyales na minamahal niya pa rin ako. Samantalang nandito pa rin ako, still admiring and loving her from afar, despite feeling so useless and exhausted.
"Opsie! Nandito na po tayo, Capt. Tansley!" Itinigil ni Violana ang sasakyan nang makarating na kami sa pantalan. "Don't forget to call us every now and then, okay?"
"Yup!" I unbuckled my seatbelt and turned to face her, giving her a passionate kiss on the lips. When I touched one of her boobs, she moaned. Hindi ko naman maiwasang mapatawa ng marahan. "I love you."
"I love you. Ingat ka!"
Sa pagbaba ko ng sasakyan ay kinawayan ko pa siya bago tuluyang nakaalis. Dumiretso muna ako sa opisina para makapaghanda at makapag-check in. Nakaabot naman ako sa nilaan na oras sa akin.
"Good morning, Capt.! Not bad for your first day of work, huh? Keep it up!"
May ilang bumati sa akin nang buksan ko palang ang pinto. I greeted back since lahat sila ay makakatrabaho ko na simula ngayon. Ang ilan pa sa kanila ay makakasama ko sa unang paglayag ko ng barko.
We have a quick briefing. When I saw how many passengers were waiting in line and already inside, I felt butterflies in my stomach. Halo-halong emosyon pero excitement ang nangingibabaw sa akin ngayon. This is such a dream come true to me.
"Anong gusto mong trabaho para sa future natin?" I heard Lu's voice in my head again. Bumuntonghininga ako't binalikan ang alaala.
"Sa barko. Kapitan ng barko."
"Bakit naman? Ah, oo nga pala, nasa lahi niyo na."
"Hindi lang naman dahil doon." I gave her a smile. "Gusto kong tuparin 'yong pangarap ni Papa. He didn't make it... so I'm following his footsteps." Napakibit lang ako ng balikat.
"Mahal na mahal mo talaga ang pamilya mo, ano?"
The enchanted sea was its own master, but today I will command it to follow me. I will be the sea's master.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. The sky is clear, the wind is gentle, and the massive boat's shadow is passing through me. I just realized I'm standing at the doorway to paradise. The small crashing of the waves is like music to my ears, ushering me into a new adventure.
Even though the sea is deep, I know I'm safe because I'm already drowned by so many stressors in my life before coming here. And may my memories of Lu be associated by the warm sounds of waves and the soft light of the sun and moon.
"Let's go! Let's go! Let's go!" I heard the voice of the chief mate. "Capt.!"
Tanging tango ang iginawad ko bago sumunod sa kanila.
Pinili kong hindi na balikan ang mga nangyari noon once na umalis ako sa Luxembourg five years ago. Sa isip ko, 'she's really doing well without me... oras ko naman siguro ngayon.' That's when Violana came to the picture once again. Kilala ko na rin siya simula pa pagkabata at alam kong magkaibigan sila ni Lu pati ng mga pinsan niya.
She saved me. Kusang nahulog ang loob ko sa kanya. Kusang nagbigay ng daan ang puso ko. Kahit na ilang beses ko namang tinanggihin para respetuhin si Lu. But when I lost control, Mauve came to our lives.
I reeled once again. It was a mistake, but I can't afford to abandon them. Doon ako mas lalong nahulog kay Violana. Saka ko lang din nalaman na pinagsamantalahan niya pala ako 'nong mga panahong broken ako kay Lu. And Sas was there. Our friends were there. Hindi ko na masyadong maalala, lalo na't lasing na lasing ako 'non. Ang alam ko lang ay nagkaroon ng tension sa kanila. I don't know if Lu heard about it and used it as one of the reasons to leave. Simula rin 'non ay naging ilag na ang mga pinsan ni Lu sa amin kaya hindi ko rin alam kung ano ba dapat ang maramdaman nang bigla na lang ulit naging okay ang lahat.
Nang papasok na sana ako sa barko ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Thinking it was Violana, I immediately grabbed it with a smile. Tumabi rin muna ako sa may gilid para makadaan 'yong ibang tao.
From: Mab
Umuwi na si Lu. Pasensiya na hindi agad kita napagsabihan. Nandito kaming lahat sa dating bahay nila.
Ilang beses kong binasa iyon na nakakunot ang noo, sinusubukang intindihin ang laman ng text ni Mab. Nang matauhan, kumaripas agad ako ng takbo palabas ng pantalan. I immediately took a cab. I even demanded the driver to drive as fast as he could, but when we got close to their house, I told him to slow down.
Tinanaw ko ang kabuuan ng bahay nila. Maririnig agad ang mga iba-ibang boses na naghahalo-halo sa loob. It was foolish to stay in the car, peering through every window of the house, hoping to see a glimpse of her. When I was about to open the door, I came to a halt.
I just want to see her again... but it would be better if not.
To: Mab
I'm outside. Pakisabi na lang na dumaan lang ako. Thank you for keeping me updated about her for more than ten years, Mab. Hindi ko alam kung paano kita masusuklian. Tama na siguro. Parehas nang maayos ang mga buhay namin. Ayaw na rin kitang maipit pa sa amin. Pasensiya na. Tell her I still miss her from time to time, but maybe because I just get used to it. Don't worry, I'll marry Violana once I've settled into my job. Alam kong ito rin ang gusto niyang mangyari. Take care and stay a true friend to Lu.
After sending that message, I let out a long sigh. Napapikit ako ng mga mata at pinakiramdaman ang puso ko. I'm happy its calm now. Para na lang mga ihip ng hangin ang nangyari pero alam kong ang hanging ito ay nasa paligid lang namin... anumang oras ay puwede ulit maging marahas at mapanakit.
"Balik na po tayo sa pantalan, Manong. Salamat po."
Mabilis na umikot ang sasakyan pero tila ba sa huling pagkakataon ay gustong magpaiwan ng puso ko. I smiled. It felt good to be back in this kind of home and breathe with the same air as hers.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro