Chapter 9
"Ahhh, si Inus pala ang dahilan!"
Namilog ang mga mata ko. Muntik na akong mabilaukan sa iniinom ko. Pinunasan ko naman agad ang baba ko gamit ang likod ng kaliwang kamay ko bago nilapag pabalik sa mesa ang baso. I raked my hands through my hair and gave Mab a look.
"Gosh! Can you lower your voice, Mab? Lalo na't may pangalan kang binanggit," dahan-dahan ngunit mariin kong sabi kay Mab.
"Sus, hindi naman nila 'yan kilala. Ang daming In — oo na!" She rolled her eyes and laughed. "Landian lang? Wala pang progress or label? O baka naman friends with benefits 'yan, Lu?"
"Oh, my Gosh, Mab! How could you think of that? Kilala mo naman ako. Mabilis akong ma-fall kaya pili lang din ang mga ini-entertain ko. Papatol ba ako kapag napansin kong may ibang habol?"
"Sure ka pinipili mo talaga? Bakit napaglalaruan at naloloko ka pa rin?"
Natameme ako roon.
"Hindi mo naman agad mapapansin kung may ibang habol ang lalaki sa 'yo kapag napalabas mo ang tunay na ugali. Iyang sainyo, naku, first starters palang 'yan. Huwag kang masyadong umasa dahil lahat ng lalaki ngayon ay hindi na lang basta pagmamahal ang habol."
"Teka lang naman, Mab. Masyado mong siniseryoso. I'm just sharing."
"Pero kilig na kilig ka na kahit na confusing ang ugali niya?" She stood up and picked another glass of alcohol. "Huwag ako, Lu. Alam na alam ko na 'yan. Ang akin lang... ingatan mo ang peace of mind at love of heart mo."
"Patapusin mo muna kasi ako—"
"Baklaaa!"
Sabay kaming lumingon ni Mab sa tiling nangibabaw sa tugtog. Napangiti na lang ako nang makita si Sas na papalapit na sa amin. Tumayo ako para salubungin at batiin siya. When I was about to grab his hand, Mab shoved me away. Ay, attitude?
"Akes pretty!"
"Gaga, linya ko 'yan!"
I made a face sa kaharap kong mga gaga. "Aba close na close?"
"Baklaaa!" tili ulit ni Sas bago ako niyakap at bigyan ng halik. "Pano kasi, itong si Ate Girl—"
"Wow, Ate Girl?" singit naman ni Mab.
"Yes! Chinat ko tapos ayorn, tumpak ang ugali namin! Perfect!"
Unti-unting naglaho ang malawak na ngiti ko nang makita si Inus na palapit na rin sa puwesto namin. Kumalas na kami ni Sas sa yakap pero nanatili ang tingin ko kay Inus. He's wearing a white polo shirt tucked in the gray pants and a slip on shoes. Hawak niya sa kanang kamay niya ang isang brown jacket at sa kaliwang kamay naman ang phone. Nang madako ang tingin niya sa akin ay saktong binasa niya ang mga labi niya gamit ang dila niya. Tila bumagal yata ang mundo ko nang bigla siyang ngumiti habang ako ay hindi pa rin makakibo at makaimik mula sa kinatatayuan ko.
"Inus!"
My brows furrowed and I immediately closed the small gap of my mouth. I looked at Mab and she gave me a meaningful look before greeting Inus and the other two guys he's with. Meanwhile, I think my spirit left my body. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko! Hindi naman kasi ako na-informed na isa pala si Inus sa mga kasama ni Sas ngayon. So, kilala na pala ni Sas si Inus? Oh, right. The photo. Hindi naman siya magsi-send basta-basta ng picture na hindi niya kilala.
I bit my bottom lip. Bahagya akong lumapit sa may mesa. I took a quick shot of black label whiskey. Muntik ko pa iyong matapon nang mapansin ko sa peripheral vision si Inus na nakatingin sa akin. Napatakip agad ako ng bibig pagkalapag ko ng baso sa mesa. Akala ko nga ay mababasag ko ang baso dahil sa biglang panginginig ng kamay ko.
I closed my eyes and took a deep breath before facing him.
"Inus!" I greeted with a wide smile. "Hindi ko alam na pupunta ka."
"Pinilit lang ni Sas. I was about to message you when Sas said that you're joining tonight's jam too."
"Ohhh." My mouth formed a big O. Nang hindi ko makayanan ang titigan namin ay ako na mismo ang umiwas. Nakita ko naman agad sa may gilid sina Sas at Mab na may makahulugang ngisi kaya nanliit ang mga mata ko.
They planned all of this. I'm sure of that.
"Kanina pa kayo?"
My look was turned to Inus. Para akong tanga na awtomatikong umiiling-iling habang suot ang awkward na ngiti.
"Hindi pa naman nagtatagal. Nakakailang shots palang."
He smiled before looking away. "Mukhang lasing ka na agad." Tumagay siya at agad iyong nilagok.
"Hindi, 'no!" Naalerto nga ako nang makita kita.
Effective talaga ang backstabbing, ano? Kanina lang pinag-uusapan namin siya ni Mab tapos ngayon siya na mismo ang kausap ko. I think I need to drink full shots.
"I thought this is not your doings."
"Hmm, what?" Agad kong pinagsisihan ang pag-'hmm' ko kaya naman ay dinaan ko na lang iyon sa panibagong shot. Nang dumampi ang baso sa labi ko ay pakiramdam ko nakatingin lang si Inus, sinusukat ang bawat galaw ko. "For experience lang." I tried to not show my sour expression after I finished my drink, but I still failed. Pakiramdam ko tinatawanan niya na naman ako pero nang lingunin ko ulit siya ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "Bakit mo natanong?"
"Wala lang." Siya naman ngayon ang umiwas ng tingin. "Mukha ka kasing hindi makabasag pinggan."
"Is... that a compliment or an insult?"
She let out a low chuckle. "Please, consider it as a compliment. Isa pa, mukhang studious at family-oriented ka pa tapos bigla kang nagawi rito?"
I don't know what supposed to feel and how to react to it. Part of it naman is true kaya walang kaso iyon sa akin pero para kasing insulto o sarcastic ang dating sa akin, lalo na't palagi na lang siyang nakangiti o kaya nakatawa. Ganito ba talaga siya? Hindi ko yata kakayanin na magtagal kasama siya. Iba na pala kapag kaharap mo na siya in person.
"CR lang ako." Mabilis ko siyang tinalikuran. Napahawak pa ako sa may dibdib ko dahil parang kinakapos ako sa paghinga. Ngayon ko lang din ulit napansin ang suot ko. Gosh, nakakahiya. Masyadong daring. Well, this is a club. It's normal.
Nang makapasok ako sa CR ay kinalma ko agad ang sarili ko. I feel like my heart will come out of the rib cage any moment now because of its fast and loud beating. Nanlalambot din ang dalawa kong binti kaya sapalaran talaga para sa akin ang pagpunta sa CR.
I faced myself in front of the huge mirror. Ilang beses akong napabuntonghininga at napakagat-labi bago bumalik sa normal ang nararamdaman ko. I opened the faucet and washed my hands. Inayos ko rin ang buhok at suot ko bago lumabas at bumalik sa puwesto namin. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay nakita ko na kung ano ang posisyon nila.
"Ang tagal mo naman magbanyo!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Sas sa harapan ko. "Dito ka dali. Tabi ka sa amin." Nagpatianod ako sa kanya hanggang sa makaupo kami.
Hindi agad ako nakagalaw at parang nawalan na naman ako ng hininga. Pano ba naman kasi, itinabi ako kay Inus. Akala ko kaming tatlo nila Mab ang magkakatabi pero nasa kabilang side si Mab, katabi rin iyong kaibigan niya. I feel so betrayed right now!
"Ibang Lu ata ang ka-chat ko sa Lu na kasama ko ngayon." Kinilabutan ako sa paraan ng pagbulong niya.
"Paano mo naman nasabi?" I laughed, trying to lighten the mood or 'my' mood?
He didn't respond so I looked at him with courage. He just smiled and shrugged his shoulders off before taking a shot. Panandalian na naman akong natulala bago rin uminom.
Habang lumilipas ang oras, nawawala na rin 'yong awkwardness na nararamdaman ko. Mas binigyan ko sila ng rason para makilala pa ang ibang side ko, lalo na si Inus. Nga lang, masyadong madaldal ang mga taong nandito kaya minsan lang ako nakakasingit tapos tawa lang ata ang kontribusyon ko rito.
"Hey, Lu." Inagaw ni Inus ang atensyon ko. Natigil naman ako sa pagtawa bago siya tiningnan. "You're not listening."
"What?" I shook my head. "I'm listening. Ano ba 'yong sinasabi mo? Sorry, sabay-sabay kasi kayo."
"So, you're not really listening."
"Sige, makikinig na. Dali, ano ba 'yon?" Natawa ako bago mas lumapit sa kanya. "Well, Inus?" I waited but he just laughed. "What? What's funny?"
"Wala, wala."
"Inus naman!" Tinalikuran ko siya't agad nilagok ang isang baso ng whiskey. Why do I feel like my alcohol tolerance for this night is as high as the people on the dance floor? "Sasayaw na lang ako."
I was about to stand when he grabbed my hand. Para akong nakuryente dahil sa ginawa niya. This is the first time he touched my hand not because of our introduction! I mean, you know what I mean, right? Well, anyway, parang kanina lang kasi ay ang ingat-ingat niya sa pagdikit sa akin tapos ngayon? Aba, tumatapang yata gaya ko?
He also stood up. Binigyan niya lang ako ng mabilis na tingin bago dumiretso sa may tainga ko para may ibulong.
"Let's go to the rooftop."
"Ay, may rooftop dito?" manghang sabi ko naman.
He nodded and bit his lip as he whispered another words. "Trip ka ata ni Ken."
"Huh? Sinong Ken?"
Tumawa siya. "Kenneth Blake, remember?"
"Ay, hala? Kasama niyo?" With eyes widened, I tried to look for the guy he's referring to. And there I saw him looking at us. Sabay naming binigyan ng ngiti ang bawat isa. "Ah, siya. So, ano naman kung trip ako? Hindi ko naman siya trip." Ikaw ang trip ko.
Oh, my! Buti na lang nakontrol ko pa ang bibig ko!
"So, ano? Tara nga sa rooftop?"
"Teka, ano namang konek sa trip ni Ken sa rooftop?" Confusedly, I stared at him. Napailing lang siya bago binitawan ang kamay ko. Bumaba naman agad doon ang tingin ko.
"Huwag na nga lang." At bumalik na siya sa pagkakaupo.
I took one last shot. "Tara na! Hindi mo na naman papanindigan ang gusto mong mangyari." Ako naman ngayon ang humawak sa kamay niya at hinila siya patayo.
"Ano?"
"Wala!"
Nang magsimulang maglakad, bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, dagdagan pa ng neon lights, malakas na tugtog, at sigawan ng mga tao. Ramdam ko na rin ang pamumungay ng mga mata ko at pag-init ng mukha ko. Am I drunk? No, tipsy lang. Iba 'yong lasing na naramdaman ko 'nong unang punta ko rito, eh.
Tuloy-tuloy na sana ang lakad namin sa gitna ng madagat na tao nang mapatigil kami dahil sa bigla kong pagtigil.
"Saan pala 'yong daan? Ikaw na mauna." Unti-unti ko na sanang binibitawan ang kamay niya nang higpitan niya naman iyon. Ngiti lang ang naging tugon niya bago nanguna sa paglalakad hawak ang kamay ko.
Akala ko nawala na 'yong abnormal heartbeat ko kanina pero mukhang bumabalik na naman. Whiskey at 'yong mga naunang alcohol, huwag mo muna akong lubayan, please. Tatakbuhan ko talaga 'tong si Inus kapag bigla kayong nawala sa katawan ko. Just kidding!
Jusko, what is happening to me? Mas lumalala yata ang kabaliwan at kabobohan ko ngayon.
"Gustong-gusto kong tumambay dito dahil sa simoy ng hangin," Inus said as we arrived at the rooftop. Kahit na medyo madilim ay may ilang tao pa rin akong napansin na nakatambay na napatingin sa amin. "And the sky... na nanatiling kalmado kahit na anong ingay ang gawin ng mga tao rito."
Tumigil kami sa isang bench, medyo malayo sa ilang tao. Nang binitawan niya ang kamay ko ay saka ko lang naramdaman ang malamig pero masarap na hangin. Napayakap tuloy ako sa sarili ko. When I was about to sit, Inus put his jacket on me. I gasped. Ngayon ko lang din napansin na dinala niya pala 'yong jacket niya.
"Thanks." I sat down. Isang tingin sa kanya ay isang ngiti naman ang agad kong natanggap.
"This is our spot. Kaya kung gusto mo akong hanapin, dito mo ako mahahanap."
"And how sure are you that I'm going to look for you? Ang assuming mo talaga."
"Let's see." Marahan siyang natawa.
Akala ko uupo rin siya kaya umayos ako sa paraan ng pag-upo ko pero dumiretso siya sa may railings, at tumingala sa madilim ngunit punong-puno ng bituin na kalangitan. I couldn't help but notice his back. I can fully appreciate him now that it's quieter.
"Did you know that stars also symbolize hope?" Bigla siyang lumingon sa akin. Kalaunan ay ngumiti na naman. Gosh, hindi ba nangangalay ang labi at panga niya sa kakangiti?
"Well..." I cleared my throat. Inayos ko ang jacket sa balikat ko bago tumayo at lumapit sa kanya. "Yes, according to the Bible. It has been utilized as a source of guidance and hope, a reminder that we are not alone and that God is always in control. He even sent the Bethlehem star to the location of Messiah's birth, right?"
"Nakakatakot ka naman! Pinapamukha mo naman akong demonyo niyan."
I laughed so hard. "Hoy, hindi! Hindi naman ako ganoon kabanal. That's what I know kasi, eh. Bakit ikaw, ano ba alam mo?" To focus my attention on him, I leaned my hand against the railings and rested my left cheek on it. He smiled as he tilted his head to label my eyes.
"Close your eyes."
Kumunot agad ang noo ko. Bumalik din sa ayos ang tindig ko.
"Why?"
"Just close your eyes."
"Okay." I did what I was told. "Huwag mo akong pagtripan, ha? Masasapak talaga kita."
Hindi naman ganoon katagal nang magsalita ulit siya. I guess segundo lang ata iyon.
"Open it."
Sa pagbukas ng mga mata ko, bumungad sa akin ang kamao ni Inus na siyang ikinagulat ko. I even took a step backward. Natawa naman siya dahil sa naging reaksiyon ko. When I was about to talk, unti-unting bumukas ang kamao niya kasabay ng pagbagsak ng isang kwintas. I blinked several times to confirm it.
"This is the star of hope."
Medyo nakahinga ako ng maluwag. "Akala ko pa naman..."
"Ano?" Tumawa siya. Inilayo niya na sa harap ko 'yong kwintas pero naglakad naman siya palapit sa akin. "Yes, this is for you." Pumunta siya sa may likod ko. Halos tuluyan akong lagutan ng hininga nang hawiin niya ang buhok ko at ilagay ito sa isang side. I hardly swallow the lump in my throat as his fingers touched the skin of my neck. "It's an eight-pointed star. Infinity and balance are represented by the number eight. Ang nasa labas naman na bilog ay para sa proteksiyon. Because it was viewed as offering hope for the future, this symbol was employed to mark upcoming events based on astronomical alignments."
"Inus..."
"Huwag kang mag-alala..." Nang ma-lock niya na ang kwintas ay binalik niya sa ayos ang buhok ko. "Hypoallergenic at totoong kwintas 'yan."
Kabado akong natawa. Hindi pa nagtatagal ay magkaharap na ulit kami. And that confirms my feelings these past few days...
The hope I developed for Inus appears to be a path leading to the love I attempted to bury deep inside my soul to keep myself sane, since look at the impact it have on me. I don't want to go any further, but tonight is just too good to be wasted, and I don't want to let it slip away again before I can finally admit it.
Oo, gusto na ata kita, Inus. Marupok na kunh marupok, anong magagawa ko kung ganito na ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro