Chapter 8
"Hoy!"
Mabilis akong napatingin kay Mab. I blinked several times before sighing. Binaba ko ang dalawa kong kamay na kanina pa pala nakasuporta sa baba ko. Hindi ko na rin binalik ang tingin ko sa may binatana at sinimulan na lang ayusin ang mga gamit ko.
"Kanina ka pa tulala. May hinihintay ka ba?" dagdag pa ni Mab bago itinapat ang upuan sa harap ko. "Isang himala yata na hindi ka nakinig sa klase ngayon. Hindi ka rin nakasagot sa recitations."
I smiled faintly as I continued fixing my things. "I'm just not in the mood. Maybe because of..." Natigilan ako. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa sakit ko at pagpunta ko sa ospital para sa treatment. "Never mind. Ang bilis ko lang kasing mapagod lately."
"Para namang tanga! Ikaw mawawala sa mood sa pag-aaral? Huwag nga ako, Lu."
"It's true. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay palaging magana ako sa pag-aaral. You just don't notice at times that it annoys me too to the point that I got tired of it." I stood up and walked straightly to the door.
"Akala mo lang din hindi ko pansin." Nakasabay naman agad siya sa paglalakad ko. "Hindi naman pag-aaral ang palagi mong major issue sa buhay, eh. It's your family."
"Mab, it's—"
Inakbayan niya ako. Halos same height lang kami kaya hindi iyon naging mahirap sa kanya. "Alam ko!" When I looked at her, she's smiling widely again. "Halos parehas lang tayo ng issue, 'no! Huwag mong dibdibin ang mga ganyang bagay. Dapat happy lang."
It's not like that, Mab.
Hindi ako umimik. Binalik ko na lang din sa harapan ang tingin ko.
Iba ang energy na palaging dala ni Mab that it always cheers me up, lalo na ang iba-iba niyang chika at ganap sa buhay. I don't know why I find it attractive and fun to see Mab talk. Iyong tipong magiging interesado ka rin kaya tutok ka sa pakikinig. Palagi kasing may buhay ang way ng pag-kuwento niya. Iyon bang feel mo talaga ang bawat emotion, stresses at tono ng mga salita, na binagayan ng hand gestures.
Pero kapag malungkot naman si Mab, dama mo rin iyon at talaga namang mahahawa ka. You see, Mab is the mood setter. She's also one of my happy pills. She is constantly present at every moment of my life, ready to listen, encourage, and support me throughout the process. Hindi siya nawawala sa tuwing kailangan ko siya, pero ako... nasaan ako nang kailangan niya ako?
I know I tried, but she doesn't talk much about her personal problems, which I want to be part of. Ayoko namang pangunahan siya kasi ni minsan ay hindi pa kami nag-aaway. Iyong malalang away na aabutin ng isang araw o higit pa, hindi lang dahil sa asaran. I don't want to give her any reasons for that — deep reasons to be exact. Baka parehas namin iyong ikawasak.
"Hindi ka na naman nakikinig!" Binitawan niya ako at tiningnan ng masama na siyang tinawanan ko lang.
"I'm sorry. Hindi ko naman kilala 'yang mga kinukuwento mo."
"Kahit na! Ano, ayaw mo na sa tsismis ko?"
"Sino bang aayaw sa detailed tsismis mo na parang ikaw 'yong nasa sitwasyon o kaya palaging nakaka-witness?"
"Compliment ba 'yan? Matutuwa na ba ako?" She rolled her eyes.
"Oo." I stopped from walking when we reached the parking area. "Sige na. Mamaya na lang ulit, Mab."
"Ewan ko sa 'yo!" Tinalikuran niya na agad ako. "Hindi na ako magkukuwento ulit sa 'yo! Napakapangit mong ka-bonding!"
Napahalakhak ako at napailing na lang. I was about to open the car door when she called me.
"Bukas, ah? Humanda ka dahil pag-uusapan natin 'yan! Siguraduhin mong ilalabas mo 'yan lahat! Walang labis, walang kulang! Kuha mo?"
"Oo na, Madam!"
At tinarayan niya lang ulit ako.
Akala ng lahat ay palaging galit si Mab pero ang totoo, ganyan lang talaga siya. She expresses herself a lot, but she stops when it's too personal to her. Isa pa, masyadong mapagmahal at maalalahanin si Mab.
"Kuya Peter," bati ko sa driver namin nang makapasok sa loob ng sasakyan. Binati niya rin ako pabalik bago pinaandar ang sasakyan.
I took out my phone from my bag and checked for new messages. I scrolled down a little and came to a halt when I saw his name. Online na naman siya pero hindi man lang magawang i-seen o replyan ang huling mensahe ko sa kanya 'nong lunes pa.
So, that's it? He's ignoring me now? Ni hindi rin niya tinupad 'yong sinabi niya na pupuntahan niya ako sa room. He's such a liar. Paasa siya. Not that I am affected, I just don't like it when someone behaves that way. Walang paninindigan sa salita.
Sa pinaghalong galit at lungkot ay binalik ko na lang ulit sa bag ang phone ko. I shifted on my position to have a better view of the outside. It's the same afternoon for me — langit na kulay kahel dahil sa pag-aagawan ng dilim at liwanag, people on the roads, the trees, and the polluted air. In short, the typical busy city.
It took me a lot of time to realize what I'm feeling these past few days. I don't want to acknowledge it since I'm still afraid of the thought of it. The thought of... having hopes for someone who doesn't feel the same way about you. It's disappointing and terrifying because the emotions you thought you'd never experience again continue to linger inside you.
I know it's too early to have these mixed thoughts and emotions, but am I supposed to not care at all? Am I supposed to feel nothing? Huwag ko na lang pakialaman kung ano man ang nararamdaman ko o ang sitwasyon na meron ako?
"God..." Napahawak ako sa sentido ko at napapikit.
"Bakit po, Ma'am?"
"Uhm, nothing?" Swear, I can literally see the big question mark popped on my head through the rearview mirror. I sighed. Bigla yatang mas lumala ang nararamdaman ko. "Pagod lang po, Kuya. Pasensiya na po."
Hindi ba't ganoon naman kasi dapat talaga? Huwag pangunahan ang mga bagay-bagay. Just let things flow. Huwag magkaroon ng pake sa taong hindi naman iyon maibigay sa 'yo. Huwag gawing big deal ang bagay na simple lang naman. He doesn't want to talk to me, so let him be. That's all. Huwag pilitin. Huwag kulitin. Huwag isipin. But why does it feel so complicated to me?
Gosh. I know, I know. I'm such a stupid for thinking this way. Mas pinoproblema ko pa ito kaysa sa sakit ko. Eh, in the first place palang ay... he's nothing.
"Mali-late daw po ng uwi ang magulang mo," salubong sa akin ni Yaya Zenya.
"I thought Mom's pregnancy is sensitive and too risky? Bakit pumasok pa rin siya?"
"Ayaw po manatili rito, Ma'am, eh. Huwag daw po kayong mag-alala kasi hindi naman siya masyadong gumagalaw sa opisina."
I sighed. "Kahit na. Sana man lang ay pinigilan niyo po, Yaya. Binilin ko na po sainyo, 'di ba?"
"Sorry po, Ma'am."
Umakyat na lang ako sa kuwarto at agad tinawagan si Mom. She answered it right away naman.
"Mom, you should rest."
"Come on, honey. Don't overreact. I'm only eight weeks pregnant."
"Kahit na po, Mom."
Medyo tumagal ang usapan namin. Hindi ko na rin maiwasang mainis dahil parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi ko. Halos lumukot na nga ang mukha ko tapos nagagawa niya lang tumawa sa kabilang linya.
"I'm just worried, Mom."
"Don't be. I'll be fine."
Kahit na ganoon, masasabi kong the call still went smoothly. I mean, it's not that serious. I can now talk to my parents freely like we're close enough to tease each other. Pinapakinggan na rin nila ang mga sinasabi ko. It really is a blessing to be pregnant, 'no? Talagang binabago ang buhay mo.
After ko kumain at magbihis ay nag-review na ako. Akala ko mapayapa na iyong magtutuloy-tuloy pero talaga namang timing na naman ang pag-chat niya sa akin. Wow.
Inus Tansley
Today 9:45 PM
Slr
What?! Seriously?!
Napanganga ako at unti-unting natawa. Is that all he'll say to me after three days na walang paramdam? Really, Inus? Really?
That's it? You're sorry for the late reply not for ghosting me? Anong akala mo sa 'kin...
Napatigil ako sa pag-type nang makita ang bagong mensahe niya.
Busy lang sa exam at pag-gym.
Kumusta ka?
I closed my eyes and breathed heavily.
Ah, okay lang. Busy din ako sa exam, eh.
And just like that, our conversation continued like nothing happened. Like it was just yesterday since we last talked. Sinabi ko rin sa sarili ko na sasakyan ko lang din ulit siya ngayon pero habang lumalalim ang gabi at patuloy pa rin ang usapan namin ay namalayan ko na lang na kanina pa pala ako tawa nang tawa sa simpleng mga sinasabi niya. Jusko! Bilib na talaga ako sa karupukan ng sarili ko.
I even sent a photo of me studying (kunyari lang since nakahiga na ako't mas piniling makipagdaldalan sa kanya), and he reacted a heart to it. My heart went crazy again. Pabalik-balik ko tuloy tinitigan ang mukha ko kung may something ba para magkaroon ako ng rason na i-remove iyon pero maging ako ay nagandahan na rin sa sarili ko kaya hinayaan ko na lang.
Kinabukasan ay maganda ang naging gising ko kahit na napuyat ako kagabi. Mab immediately noticed it kaya chinika niya na naman ako. I just sprinkled some small details to her since I'm too overwhelmed to tell everything to her, simula sa simula. Maybe later at the club.
"Where are you going?" si Mom.
I licked my lips and put my hands at my back. "Uhm, magpapasama po ulit ako kila Kuya Io at Kuya Iz." Kumabog ang dibdib ko.
"Okay."
Napangiti ako. Tuluyan na akong lumapit sa kanila ni Dad at binigyan ng beso. Inayos ko ang hobo bag ko bago sila tinalikuran.
"Umuwi agad."
"Yes, Dad."
When I was already at the outside, I couldn't help myself to jump in enthusiasm without making any sound. Napapikit pa ako't napasuntok-suntok sa ere. I thought they wouldn't let me go, eh.
Sisiguraduhin kong masusulit ko na naman ang gabing ito since kusa silang pumayag. You really are a blessing, our little brother. Huwag ka na munang lumabas ng maaga, okay? Just kidding!
I messaged Kuya Io and Kuya Iz in our group chat while walking towards their house. Kakatok palang sana ako ay bumukas na agad ang pinto. Lumawak lalo ang ngiti ko.
"Hi!"
The two eyed me from head to feet.
"Grabe sa tingin, ha!"
"If I know, sinuot mo lang 'yan para makalusot kila Tita," komento ni Kuya Iz.
Bumaba naman ang tingin ko sa suot ko ngayon. Loose shirt and jogging pants. Hindi rin nakatali ang buhok ko at light lang ang make up. Well...
"Uhh..." Napaiwas ako ng tingin. All right, guilty here.
"Get the keys, Zee."
Sinunod naman agad ni Kuya Iz si Kuya Io na hindi pa rin maalis-alis ang seryoso at mapanuring tingin niya sa akin. Nginitian ko pa nga pero hindi siya nadala kaya tinarayan ko na lang.
"No drinking tonight, Lu." Tinalikuran niya ako.
"What?" Sinundan ko siya sa garahe. "Ayan ka na naman sa pagiging OA mo, Kuya Io. Isn't that what we supposed to do in the club?"
"What?!" Napapikit ako sa bigla niyang pagsinghal. "Are you going to that club again?"
I didn't respond.
"No." Tinalikuran niya ulit ako pabalik sa entrada ng bahay.
"Kuya Io naman!" I stomped my feet on the cement floor. "Give me another chance to do this, please? Hindi na mauulit."
Napatalon ulit ako sa sobrang saya. Hindi ko alam kung bakit napapayag ko na naman ang dalawa kong pinsan. Maybe, my charisma is just too strong to resist, 'no?
Habang papunta sa club ay naging abala ako sa pagpalit ng damit. I don't feel embarrassed at all when I strip my clothes off in front of my two cousins. Hindi naman ako totally naked kaya ayos lang. 'Yong bralette na suot ko ay binagay ko sa highwaisted tight skirt. Siyempre may cyclings ako bago ko hinubad ang jogging pants at sinuot ang skirt.
Ilang beses na naming nakita ang isa't isa na halos hubad that it made me too comfortable whenever I'm with them. Alam ko rin kasi na hindi nila magagawang tumingin sa akin. Pero siyempre ibang kaso iyon sa kanila kaya todo reklamo sila sa akin ngayon. Nagbigay din sila ng mga pangaral. Pinatay pa nila ang ilaw sa loob ng kotse at tinakpan ang rearview mirror. Muntik pa nga kaming mabunggo sa poste.
"Kalmahan niyo nga!" Tawa ako nang tawa. Nakabihis na ako pero hindi pa rin sila matigil.
"You're a girl, Lu! Maging sensitive ka naman sa katawan mo!"
"Akala mo naman ganoon kaganda para i-expose." Humalakhak si Kuya Iz. Binato ko nga ng jogging pants na suot ko kanina. "Ano ba 'yan, ang baho! Amoy bulok na basura ampota!"
"Nahiya naman ako sa amoy tae mong mga damit!"
"Hoy!" Kuya Iz gave me a look. "Amoy rosas ang mga damit ko kaya marami ang naaadik!"
"Oh my! Kailan 'to nagladlad, Kuya Io?" May patakip pa ako sa bibig ko. "Hindi naman ako na-informed!"
"Ulol! Sadyang malakas lang talaga ang appeal ko."
"Appeal na pambabae kaya hatak na hatak ang mga tambay sa kanto?"
"ELONORA!"
"Yuck! Saan na naman galing 'yan?!" Binato ko naman sa kanya ngayon 'yong loose shirt ko. Then, I laughed so hard that it made me a little sweaty. "Pikon!"
Kapag kasi kung ano-ano nang pangalan ang nabubuo ni Kuya Iz para sa akin ay mahahalata mong doon na siya pikon.
"Hoy, FYI! Elonora talaga sana ang ipapangalan sa 'yo pero mahaba raw kaya ginawang Elu! Napakabantot ng pangalan mo, ano? Paano kaya kita naging pinsan?"
"Hiyang-hiya naman ako sa pangalan mong masyadong tinipid! Oo nga, 'no? Paano kaya tayo naging mag-pinsan?"
"Kuya, let's go back! Isumbong natin 'yan kina Tita!"
Lalo lang akong natawa sa inasal niya. Pikon na talaga.
"Stop it already. I can't focus on driving."
"Ang KJ mo talaga!" Marahan kong hinampas sa balikat si Kuya Io. He just ignored it. Moments later, tumigil na rin kami ni Kuya Iz. Kapansin-pansin na napakalayo ng ugali nila sa isa't isa, ano? Gosh!
We arrived at the club early. It's quarter to eight and Mab's still not here. I already messaged and called her but I've got no response from her.
"If she's still not here after five minutes, we're going home."
"Teka lang naman, Kuya Io! Hindi pa nga tayo nagtatagal, eh!" Nagsalubong agad ang mga kilay ko at nagtipa ng panibagong mensahe para kay Mab.
"Ang tagal naman!" reklamo naman ni Kuya Iz na nakasandal sa may pinto ng sasakyan. I immediately glared at him, and he just stuck his tongue out at me.
"Lu!"
Sabay-sabay kaming tumingin sa sumigaw. Lumiwanag agad ang mukha ko nang makita si Mab. Tinakbo ko na nga ang pagitan namin at sinalubong siya ng yakap.
"Pasensiya na, hindi ko namalayan 'yong phone ko."
"So, kanina pa kayo rito?"
"Girl, suki kami sa pagiging early birds dito!" Humalakhak siya pagkakalas sa yakap. "Halika na, dali! Papunta na rin daw sila Sasithorn!"
"Ay, chinat mo?"
"Siyempre naman! May kasama raw siya at sagot nila kaya gora na, 'di ba?"
"Sandali, magpapaalam lang ako kina Kuya Io." Lumingon ako nang nasa may pinto na kami. Kumaway at ngumiti lang ako sa kanila bago pumasok. I chortled when they merely stared at me in a serious manner, wanting to drag me away from this place.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro