Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

"Some of the symptoms might be severe, and they can have a significant influence on your everyday life over time. If there is still no progress after a month, I believe we should proceed with the operation since the alternative treatments and tests are not enough. I hope you're prepared for all the possibilities that can happen."

Tulala ako hanggang sa makauwi na kami sa bahay. I'm still trying to figure out how I felt when I heard it from the doctor earlier. Even my parents added to the weight of the strain I was under, and as always, I simply said yes to everything they said.

Alam ko sa sarili ko na takot pa akong tanggapin ang sitwasyon ko kaya kahit papaano ay pinapaintindi ko sa sarili ko na normal pa rin ang buhay ko. Walang nagbago. It's just that symptoms of my illness appear unexpectedly at times when I don't think about it. Ang wrong timing lang. But that's just it. All I need to do is to always deal with it for me to get healed.

"What do you want to eat for dinner?"

Bahagya akong natigilan sa may hagdan. Lumingon ako sa likod at nakita ang nakangiting Mommy ko. Nakita ko naman sa may kusina si Dad na kumuha ng maiinom niya. Napakurap ako. Well, this is new. I mean, bilang lang sa kamay kung tatanungin ako ng magulang ko kung ano ang gusto kong kainin. Hindi ko ito inasahan ngayon. I thought we'll just continue to do our thing without talking random stuff... like this. And... it makes my eyes crinkled with excitement.

I smiled. "Anything will do po. Thanks, Mom."

"I'll cook. Change your clothes first."

"Sa dessert ako!" biglang singit naman ni Dad.

"No." Binigyan ni Mom ng masamang tingin si Dad. Marahan akong napatawa. "You'll ruin our night again."

"Come on. Let me just help you."

That made me more excited. Palaging abala ang magulang ko sa business nila kaya depende rin sa mood kung gagawa sila ng gawaing bahay o magluluto para sa amin. They appear to be happy, based from what I can see now. Kaya pala kanina ay hindi ko rin dama na malungkot o galit sila. Oo nga't pinaalalahanan nila ako ng mga bagay na tungkol sa sakit ko pero mabilis lang iyon. They are not that... harsh and straightforward, as they usually are.

Napaisip ako. Ano kayang meron? Bihira lang sila maging ganito kaya naiintriga ako. Akala ko kanina ay guni-guni ko lang iyon pero ngayon, mas lumakas ang kutob ko na hindi. Something good is happening. Is it because of my early operation or because of my studies?

Nang makapasok sa kuwarto ko ay nilapag ko agad sa sofa ang bag ko. Dumiretso ako sa kama at pasalampak na nahiga. I sighed as I stared at the ceiling.

"Having a brain tumor isn't a bad thing, right?" I mumbled to myself, pinapagaan ang pakiramdam. "Life..." I blinked and smiled. "Life is always the same. Only hope gives color to it."

My phone vibrated in my uniform's pocket. Tumagilid ako para kunin iyon. Hindi ko ulit maiwasang mapabuntonghininga nang makita ang water reminder sa notification. Ano pa nga bang aasahan ko? Bilang lang ang nakakaalam ng numero ko. They often messaged me on all of my online social media accounts.

I got up and walked closer to the bathroom, which had a tiny water dispenser and my medicine kit on its side. Then, I went over to the sofa and sat down. After drinking half of the glass, I placed it down on the table. I grabbed my phone and opened the Wi-Fi. Sunod-sunod agad ang pag-vibrate dahil sa notifications.

Unconsciously, I opened Inus' message first.

Inus Tansley
Today 8:32 PM

May ginagawa ka?

Nakauwi ka na?

Seen 8:32 PM

Instead of replying, I decided to back read our exchanged messages. Hindi pa naman ganoon kahaba ang chats namin kaya hindi naman ako nahirapan sa pag-scroll. Bilang lang din ang mga chats ko. Mas madami at sunod-sunod sa kanya that it makes me wonder why? Bakit niya pagtatiyagaan ang isang tao na palagi lang siyang sini-seen?

Kauuwi lang.

My heart pounded. Biglang nanlamig ang mga kamay ko. Hindi ko pa nga na-e-exit ang app ay agad niya nang na-seen ang reply ko. So, I ended up waiting for his reply. Para akong tanga na nakatitig lang sa lumalabas na typing tapos bigla ring mawawala. Hindi ko na rin mabilang kung pang-ilang irap na ba ang nagawa ko. And when I was about to give up, he replied.

Bakit?

Napakunot ang noo ko. Masyado niya naman yatang pinag-isipan ang replyan niya? Ang haba grabe! Paasa pala 'yong typing, ano?

Anong bakit?

I really don't get his messages or is it just me? Bakit hindi niya na lang ako diretsuhin?

May pinuntahan ka pa?

Meron.

Saan?

I was about to reply 'hospital' when he delivered another message. Ang bilis niya naman palang magpalit ng paksa.

May ka-date?

Sana all!

Anong ka-date? Ni manliligaw nga wala, boyfriend pa kaya?

Then, count me in!

Huh? Saan?

As your suitor.

I jerked my phone out of my hand. Napakagat kuko ako bigla habang nakatitig sa mensahe niya. I pondered on my reply to him, but I couldn't bring myself to touch my phone again. Let's leave it that way. Alam kong sa susunod na buksan ko ulit ang mensahe niya ay ibang paksa na ang pag-uusapan namin.

Napahilamos ako sa mukha at napakagat-labi ng ilang beses. Nang mapapayag ko ang sarili ko na magbihis na at bumaba na sa hapag ay tumayo na ako na parang walang nangyari. Dumiretso ako sa closet at mabilis na nag-ayos. When I was about to close the door, nakita kong biglang umilaw ang phone ko. Tinalikuran ko iyon.

"Woah!" Bumagal ang lakad ko nang makarating sa kusina para suriin ang mga pagkaing nakahanda na sa lamesa. "Isn't this too much for a dinner?" I looked at Mom and Dad.

"No, honey. This is perfect," si Mom habang may malawak na ngiti sa labi.

Confirmed! Something good is happening right now, right here.

"I'll help-" I was about to go near them when my Mom motioned me to stop and so I did.

"Just wait for us to finish, honey. Take your seat."

I smiled. Hindi na ako sumalungat pa sa kanya at sinunod na lang siya. Tiningnan ko ulit ang mga pagkain na nakahanda bago tuluyang naupo. Well, this is a big dinner for the three of us. Maybe I should've invited Mab to come over. She really loves food.

"So..."

We're in the middle of eating when Dad started to talk. Napatingin naman kami ni Mom sa kanya.

"We should talk about your treatment, Lu. I've been thinking-"

"Nah-uh!" sabat ni Mom. "Ano nga iyong napagkasunduan natin kanina?"

"Oh!"

Bahagyang kumunot ang noo ko, hindi makasabay sa kung ano man ang pinag-uusapan nila. Gayunpaman, sinubukan ko pa ring magpatuloy sa pag-kain.

"We shouldn't talk about her, Darling. We should talk about... him." My mom touched her belly as she lowered her gaze to it, smiling ear to ear.

It took me long before I realized it. Napatakip ako ng bibig, namimilog ang mga mata.

"Oh, my God!" I laughed. "Mom, you're... you're pregnant? Am I having a little brother?"

Panicking, I stood up and rushed over to her to offer her a hug and kiss the moment she confirmed it with a nod.

"Congratulations, Mom!" My look was turned to Dad who's also smiling. "Dad."

Seeing them smile like this melts my heart. This is the reason why I never want to disappoint them in any way. Kaya kahit na gaano kahirap at kasakit na, I still want to stick to them, obey everything they say and make them proud. Iba kasi sa pakiramdam na makitang ganito kasaya ang mga magulang mo, lalo na't kung bihira lang ito mangyari. So, throughout Mom's pregnancy, I will never let that sunshine of hers fade because of me.

The dinner and talking didn't last that long since it's getting late, at ayaw ni Dad na magpuyat pa si Mom dahil sa kondisyon nito. Yup, lumalabas na naman ang pagiging protective ni Dad. Well, they always wanted to have a baby boy and now that it's happening, they wouldn't let this opportunity slip away in their hands.

Despite the cold wind when we went outside for a dessert, the night is warm with those smiles and laughs. Matagal-tagal na rin simula 'nong huling bonding namin kaya sinulit ko na rin. There's a chance na mauulit pa ito pero as much as possible, I want my every moment with my family to be the best and happiest.

"Dad, ako na po. Be with Mom." Tinulungan ko siya sa pagligpit ng mga pinagkainan. Ayaw na rin kasi naming istorbohin ang mga katulong namin. And it's still early for me. Mag-aaral pa ako after this.

"You sure? Madami-dami rin ito."

Natawa ako. "Yes, Dad. I don't want to end the night this fast. I'll stay here muna po while doing the dishes."

"Why don't you come with me, then? Sleep with us just like when you're still a kid."

"As much as I want to, I can't, Dad. I'm sorry."

He nodded before walking near me just to give me a kiss on the forehead. Napapikit ako't dinama iyon.

"Good night, Dad." I smiled at him. "Tell mom I said good night to them."

Naiwan ako sa kusina. Napapamaywang ako't tiningnan ang mga kalat at pinagkainan sa lamesa. Meron din sa labas kaya nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kusina at sa labas kung alin ba ang uunahin ko.

I sighed. "Well..." I'll clean the outside first.

Nakailang hikab ako habang nagpupunas at naghuhugas. Nang nasa kalagitnaan na ako, I decided to drink coffee. Naglibot-libot din muna ako sa kusina at may labas. Matapos maubos ang kape ay bumalik ako sa ginagawa ko pagkatapos kong ma-lock ang mga pinto at bintana.

"Finally!" Nag-inat ako't napahikab ulit. I feel so tired. Hindi rin kasi ako sanay sa gawaing bahay since hindi naman ako hinahayaan ng mga magulang ko, ngayon lang talaga, dahil may katulong na naman daw kami. Still, ayoko naman sanang iasa sa kanila ang lahat.

Marahan kong minasahe ang leeg ko. Nagtimpla rin ulit ako ng kape sa malaking tasa bago umakyat sa kuwarto. Nilapag ko muna ito sa study table ko para mahanda ko na 'yong mga gamit ko.

Nang makaupo na sa upuan ay sinimulan ko naman agad ang pagre-review sa AnaPhy. For me, sa kanya ako medyo nahihirapan. Pasikot-sikot kasi ang pagturo ng instructor namin. Hiwalay din ang mga information, hindi lang sa libro kumukuha.

"Oh, right. Where's my phone?" Hinanap ko iyon sa lamesa at kama ko nang maalala ko na sa may sofa ko pala iyon iniwan. I picked it up and got back to study area. Uminom muna ako ng kape bago ito binuksan. I need to watch some videos and take notes to understand the topics that might be included in the exam.

Sa pagbukas ko ng Wi-Fi ay binomba na naman ako ng mga notifications. I groaned in annoyance. Gosh! Maybe I need to delete some apps now if I really want to focus on my studies, lalo na't finals na. Isang sem na lang ay second year na kami.

I got easily distracted. I said I'll just check the GCs for any announcement, but I found myself talking with Mab again. I even replied to Sas na nagyaya na lumabas daw kami this weekend. Pero kahit na anong pilit ko sa sarili na replyan ang mga kaibigan ko ay sa mensahe pa rin ako ni Inus nag-end up. Wow. Ang rupok ko naman ata.

Online siya pero walang panibagong message simula kanina. Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko pero ngayon lang ako medyo nainis nang hinayaan lang niya ako after niya sabihin iyon. I mean, it's my pride. I didn't want to make it a big deal, but I just couldn't accept it. Mas lumalala lang ang anxiety ko, thinking of the impossible scenarios in my head.

Inus Tansley
Today 12:12 AM

Hey.

What's up?

Hindi ko na naman maiwasang magulat nang mabilis niya itong na-seen. Now, he's typing his reply already. I wonder what he's doing in this kind of time.

Been waiting for your reply.

Sus, ikaw tong walang naging kasunod na reply porket di ko na pinansin since di ko naman sin alam ang sasabihin ko. Nambibigla ka eh.

Ay? Edi hinihintay mo rin ang chat ko?

HAHAHA

Ngayon lang din ata humaba reply mo. Cute.

Napalunok ako, hindi magawang makapagtipa agad ng reply. Good thing he's talkative enough to set the mood with the different topics. At... anong cute sa reply ko? I'm annoyed and just explained iyong bagay na siya dapat ang gumagawa. Hinintay pa talaga akong unang mag-chat!

Bakit gising ka pa pala?

Studying.

How about you?

Wala lang hahaha

Nasa labas ako

Oh okay.

Yeah, with friends

Umaga na, ah?

Maaga pa hahaha

Sabihin mo sa 'kin kung matutulog ka na

Bakit? Uuwi ka na rin niyan?

Puwede

Sasabayan mo ako sa pagtulog?

Hahaha sure

But I still want to talk to you more

Ang landi mo!

Sa 'yo lang hahaha

Ano naman ang pag-uusapan natin?

Anything

What do you want to know?

Uhm...

Nothing?

I mean, I still need to study.

Grabe naman hahaha

Hindi ka pa ba tapos? Take it slow.

Bumabawi lang ako sa ilang araw na hindi ako nakapag-review.

Kahit na. Paano ka niyan babawi sa mga pang-siseen mo lang sakin?

I mean, paano mo naman mababawi ang lakas ng katawan mo?

Sleep.

Then, rest.

Pasensiya na, wrong timing ata

Let's talk tomorrow.

It's okay.

Uuwi na rin ako mayamaya pagkaubos ng isang bote

Okay. Ingat ka na lang.

I will, thanks.

So, good night then?

Good night.

Napahawak ako sa dibdib ko. Oh, my God. Ako ang unang nag-chat ngayon. I insisted to have the conversation with different and useless topics. I mean, where did that came from? Pakiramdam ko may kusa ang kamay at utak ko. Nakakainis naman kasi siya!

"Wake up, Lu!" Marahan kong sinapak ang sarili ko. Nilapag ko sa lamesa ang phone ko at uminom ng kape. Nailuwa ko iyon pabalik sa tasa nang malasahan ang lamig nito. Tumayo ako't naglakad palapit sa water dispenser. Nilagyan ko ito ng mainit bago inubos kahit na nawala na 'yong lasa.

Babalik na sana ulit ako sa pagre-review nang tinamad na ako. Naghilamos muna ako at nagpalit ng pantulog na damit bago nahiga sa kama. I set an alarm again dahil baka ma-late ako ng gising since nagpuyat ako.

I don't want to acknowledge the fact that I obeyed what Inus said, so I kept on repeating on my mind that I'm tired and a lot of things happened today that I need to rest it up. It terrifies me to think that I'm letting someone to be one of the reasons. I don't want that. But a part of me wants it. Kaya ang gusto kong pahinga ay nauwi sa wala. Hindi ako nakatulog, overthinking things again starting from my first crush and suitors until to Inus, connecting them like they are the same person.

Sa inis ko ay bumangon na lang ako nang makitang unti-unti nang lumiliwanag. Ginawa ko ang usual morning routine ko bago inayos ang mga gamit at nagbihis ng uniporme. Habang sumusuklay at nakaharap sa salamin, nadako ang tingin ko sa repleksiyon ng phone ko sa salamin. After I covered my eye bags with the concealer, I turned around to pick it up just to see a new message from Inus.

Inus Tansley
Today 6:18 AM

Good morning

Good morning! Kumusta tulog mo?

Kauuwi ko lang hahaha

Sabi mo uuwi ka lang after maubos 'yong isang bote? Sinungaling.

I stopped. It sounded like a demanding girlfriend. Ano naman ang pakialam ko kung nakailang bote pa siya bago umuwi? So, I deleted the message and changed it into a simple yet obvious one. It's a new day kaya hindi na dapat pag-usapan pa 'yong gabi na lumipas. I'll just go with the flow.

Wala kang pasok?

Meron. Pupuntahan pa nga kita sa room niyo, eh hahaha

What? Bakit? Anong gagawin mo?

Manliligaw po

Hindi pwede.

Gosh, this is not good.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro