Chapter 6
Mondays have never been my favorite day. If that's the case, it'll only happen once in a blue moon. Either there is a school event or someone close to my heart has a special occasion. It's gotten even worse for me now that I have to go to the hospital every Monday, Wednesday, and Friday.
Buong linggo ay wala akong ibang ginawa kundi ang i-distract ang sarili ko. Nang matauhan ako 'nong sabado ay para akong nilubayan ng kaluluwa ko. My head appears to be soaring high in the sky, left behind to that night, while my heart remains on the ground in the terrible disappointment and humiliation I'm feeling. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa mga bumabagabag sa utak ko. I never imagined that one night would have such a worse yet amazing effect on me, alcohol associated with new moments.
"Alam mo 'yon, Mab..." I paused to find the right words to explain what I'm feeling. "Masaya ako sa mga naranasan ko 'nong gabing iyon pero bigla akong nakakaramdam ng takot. My paranoia and anxiety is getting worse. Biruin mo 'yon, isang gabi lang 'yon, ha, pero windang na windang ako. I mean... ugh! I don't know! I don't know if I'm telling you the exact feelings that I felt that night until now." Napabangon ako mula sa pagkakahiga at ginulo ang buhok ko. "Am I making sense, Mab?"
I heard her low chuckle on the other line. Tiningnan ko siya sa screen, hinihintay kung ano man ang magiging reaksiyon niya. I've been talking to her for hours now, simula 'nong paglabas ko ng banyo. Pinaalis ko agad 'yong dalawa kong pinsan para mas ma-sink in ko sa utak ko ang lahat. And... I told Mab everything, details after details.
Call me OA, I don't care. Everything feels just new to me. I feel like I'm finally entering the world where I actually belong, and I hate being this ignorant and emotional. Paano na lang kung ito na ang magiging buhay ko for the next days?
"Alam mo 'yon, Lu..." Napasimangot ako nang gayahin niya na naman ako. "Gaga! Normal lang 'yan. Naiintindihan kita. Gets ko 'yong point mo. Overwhelmed ka lang, lalo na't pakiramdam mo nahanap mo na 'yong 'the one' mo." She rolled her eyes.
"I didn't say that!" I tried to be calm as possible but I just really can't... gather my messy thoughts right now. "Hindi ko lang alam kung paano ko siya haharapin pa after what I did that night."
"Eh 'di sabihin mong dare lang."
"Hoy, mas nakakahiya 'yon. Baka kung ano pa ang isipin niya lalo na't siya ang naging biktima ng nonsense dare ni Sas."
"Biktima? Mas gusto mo talaga siyang tawagin ng ganyan kaysa sa Inus?"
Pinandilatan ko siya ng mga mata nang marinig ko na naman ang pangalan niya. Bahagya ko pang inilayo ang screen ng phone ko sa mukha ko.
"Isa pa, nonsense? Sigurado ka? Based from my observation — oh English 'yan, kabahan ka na! So, based from my observation, masaya ka. Pero confused ka kasi bago ito sa 'yo."
Hindi ako nakapagsalita.
"Hayaan mo, next Friday sama ka ulit! Ano, g?"
Napaisip ako. Panandalian ko iyong prinoblema dahil hindi ko na naman alam kung ano ang ipapaalam ko. Besides, hindi lang sila Mab at 'yong ibang tao sa club ang naabala ko, maging ang dalawa kong pinsan na lalaki na ilang beses akong niligtas at pinagtakpan sa parents ko. Paano kaya nila ako naipasok dito sa bahay na ganoon ang hitsura ko?
Anyway, they had already explained everything to me, but not in depth, so I couldn't help but ask more questions to myself. I owe them a lot. Kaya minsan nagtataka na talaga ako kung paano ba nila nakukuha ang loob ng parents ko gayong ako ay parang dadaan muna sa matinding pagsusulit bago ko sila mapapayag sa kung ano man ang sabihin ko.
"I'll..." I sighed. "I'll try, Mab. Update na lang kita ulit."
When I unlocked my phone that same Saturday, it was bombarded by messages from the people I met on Friday night. I just scanned the names without reading their messages. I even noticed a message from one of the guys who had requested for a picture with me. I immediately came to a halt when I saw Inus' name. I was astonished at first, and then went insane in my room minutes later.
Why would he still message me after that?!
In conclusion, I ignored them all. Pinili kong si Mab na muna ang kausapin ko para sabihin sa kanya ang lahat at makakuha ng sampal ng reyalidad. So, I guess, medyo nag-sink in na sa akin lahat. Not until, Inus messaged me again yesterday, Sunday afternoon. It irritated me even more because I had no intention to seen or respond to him when I unintentionally opened his messages due to a sudden pop-up of his name. Dala ng gulat ay napatili ako at in-exit agad ang messenger, in-off ang Wi-Fi at ni-lock ang phone. I didn't even got the chance to read his messages.
Yes, I'm curious but my pride just couldn't take it. So, after ko ulit mag-rant kay Mab kahapon ay sinubukan kong mag-review o maglinis. Tagumpay naman ako. Nga lang, there's this urge to open his message and talk to him or just apologize. Ending, hindi ko pa rin nagawa. I just stalked him on Facebook, and when I noticed myself smiling for odd reason, I stopped.
Gosh, this is so annoying!
"Lu!"
Isang lingon sa likod ay nakita ko agad si Mab na tumatakbo palapit sa akin. Binati ko naman agad siya.
"Nag-review ka?" she asked as we walked in the same manner.
Walang gana akong lumingon ulit sa gawi niya sabay iling.
"Ako rin, eh! Katamad! Ikaw nang bahala sa akin, ha?" Inakbayan niya ako. Wala sa sarili naman akong tumango.
Tuloy-tuloy na sana ang lakad namin nang maantala dahil sa vibration ng phone ko sa bulsa ng uniporme ko. I blinked several times and gulped before getting it. I mentally cursed when I forgot to off my data. Mas lalong nasira ang umaga ko nang makita ko ang mensahe ni Inus. Naramdaman ko naman sa gilid ko na sinilip ni Mab ang phone ko.
"Oohh~" reaksiyon niya. "Bakit hindi mo replyan? Pa-famous lang ang peg? Ang effort na 'nong tao, makausap ka lang."
I groaned and muted him once again. I turned off my phone and put it inside my bag. After that, naglakad ako ng mabilis papunta sa room namin, inunahan na si Mab. Narinig ko lang na tinawanan niya lang ako.
Oh, my! Bakit kasi todo chat pa rin si Inus kahit na pansin niya namang umiiwas ako?
"Good morning, class! Are you ready for your final examination in my subject?"
My look was immediately turned to Sir Gallardo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon na ba agad ang exam niya? Ano 'to surprise? Wala naman siyang sinabi 'nong last meeting, ah?
Nalipat sa mga kaklase ko ang tingin ko para obserbahan sila. Sari-saring reaksiyon ang nakikita't naririnig ko. Some are happy, confident, and afraid. Ako magulo pa rin ang nararamdaman. Nagulat ako, oo, pero alam ko naman kasi sa sarili ko na may maisasagot pa rin ako. Fresh pa sa utak ko ang ni-review namin last last week. Habang nasa bahay din ako last week ay nagbabasa na ako kaya okay lang 'yan, Lu, kung hindi ka man nakapag-pokus ngayong weekend sa studies mo.
"The exam is simply an essay. I'm curious to know if you actually learnt anything about my subject. Any erasures should be avoided. Please answer each question as briefly as possible. I'm reading your answers one by one, so please. Paulit-ulit na ako nito sainyo. Ang iba sainyo ay pinapahaba pa ang mga sagot, may masabi lang, pero paikot-ikot din naman kaya nawawala 'yong point ng sagot niyo. Iwasan na po ang ganyan, okay po? I know you can always provide me with direct and good answers. Matatalino kayo, eh," Sir Gallardo instructed us with a spice of some advice as he distributed the exam papers. That's what he always said whenever he gave us activities, quizzes, or examinations.
Nang makuha ko ang papel ko ay nagsimula na rin agad akong sumagot. I was hoping that Mab would disturb me again to seek for answers, but shockingly, she didn't. Aba, sinungaling! Hindi raw nakapag-review at may pa-"ikaw nang bahala sa akin" pa. Pero mukhang ako yata ang na-stuck at kailangang magtanong sa kanya. Patapos na ako, eh.
"Mab!" marahang tawag ko sa kanya, pasimpleng tumitingin sa kanya. Katabi ko lang siya pero mahirap pa rin makagaya dahil pinaglayo-layo na naman ang upuan namin.
I was about to call her once again when I felt a liquid dripping in my nose. Napayuko ako. Nakita ko agad ang pagpatak ng dugo sa papel ko. Kinuha ko agad ang panyo sa bulsa ko at tinakip iyon sa ilong at bibig ko. Tumingala rin ako para patigilin ang pag-agos. Seconds later na hindi pa rin matigil ay tumayo ako.
"Sir, can I go out?"
"Are you done?"
"Uh, y-yes." I lied. Pakiramdam ko kasi any moment now ay mas dadami ang tutulong dugo.
"Okay—"
I didn't wait for him to finish, tumakbo na agad ako palabas ng room at papunta sa CR. Wala namang masyadong estudyante ang nasa labas ngayon since time na para sa unang subject kaya nanginginig kong sinusubukang punasan at patigilin ang dugo. Napapikit ako nang makaramdam ng panandaliang kirot.
I stayed in the CR for minutes. Nang lumabas naman sa cubicle ay napatitig ako sa malaking salamin, hinayaan ang sarili sa ganoong posisyon. Naghilamos ulit ako bago napagdesisyonang lumabas na. Napaatras ako nang makitang mas dumami 'yong mga estudyanteng nasa labas.
I scanned my body if I got my uniform stained by my blood. Nang makitang wala naman ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Dinala ako ng mga paa ko sa cafeteria instead na sa room dapat namin dahil hindi ko pa tapos sagutan 'yong exam ko, but it didn't bother me that much. Gusto ko lang uminom ng tubig.
Matapos kong makabili ng bottled mineral water ay nagtungo ako sa mini garden sa likod ng engineering building. Mangilan-ngilan lang ang nakita kong nakatambay kaya hindi na ako masyadong lumayo. Naupo na agad ako sa pinakamalapit na gazebo. I was about to get my phone in my pocket when I realized I put it inside my bag earlier.
Napainom ulit ako ng tubig. Then, I heaved a sigh. Hindi na ako nag-abalang takpan pa ng takip ang bote. Basta ko lang itong nilapag sa pabilog na lamesa.
Nadako ang tingin ko sa freedom or vandal wall sa side. I smiled faintly bago ito nilapitan. It was full of admiration, love, happiness, sorrow, and silly words from different people. Dala ng intriga ay naisipan ko ring sumulat.
I looked at my side and saw the writing stuffs. Lumapit ako roon at agad naupo. I picked up the pink sticky notepad and a glittered pen. My brows immediately furrowed when no ink came out to the pen. Ibabalik ko na sana ulit ito sa lalagyan nang may maisip. Pinagpatuloy ko ang pagsusulat.
Dear G,
Give my loved ones more hope.
— Lu
I smiled as I removed a sticky note from the notepad I had used. I also reorganized the things I used before standing up and putting the message against the sunlight. When I saw what I had written, my smile expanded. It's a magic pen! Before affixing the message on the wall, I kissed it. I even had to stand on the chair to top it up without anyone immediately seeing or getting it.
Pabalik na sana ako sa room nang may mapansin akong pamilyar na tao sa hindi kalayuan. I tilted my head to remember that person. Hahayaan ko na sana pero my curious self looked back again. Kaya lang nawala na ito.
"Saan ka galing, gaga ka?!"
Natawa agad ako kay Mab na nasa may pinto ng room namin, halatang hinihintay ako.
"I just needed some fresh air. Sorry."
"Anong fresh air ka diyan? Ano 'yong dugo sa exam paper mo?"
Dumiretso ako sa loob. "Nose bleed dahil sa galing ko mag-english."
Nakatanggap agad ako ng hampas sa kanya.
"Aray naman! Ang lakas 'non, ah?" reklamo ko habang nakahawak sa may balikat ko na hinampas niya.
"Libre mo ako!" Lumapit siya sa akin at may binulong. "Tinapos ko 'yong exam mo."
My eyes widened. "H-how?"
"Tinatanong pa ba 'yan?" Inakbayan niya ako. "Kaya tara na. Lunch na."
"Lunch na?" Mas namilog ang mga mata ko. I didn't know that more than three hours had passed already. "Anyway..." Napailing ako sabay alis ng kamay niya sa balikat ko para maupo. "You don't have to do that. Satisfied na naman ako sa sagot ko kaya nga hindi na ako bumalik, eh."
"Well, ako hindi. Ayokong malamangan ako pero pagdating sa 'yo, ayokong ako ang makalamang sa 'yo."
"Oh, Mab." Napahawak ako sa may dibdib ko.
"Siyempre, joke lang 'yon! Ano ka special? Naawa lang ako!"
I rolled my eyes while grinning. "Paano kung mahalata iyon ni Sir?"
"Favorite ka naman 'non kaya huwag kang mag-alala."
"Hoy, pasmado na naman ang bibig mo!"
And... we just laughed it off.
Nang dumating ang hapon, akala namin ay may magpapa-exam din pero nakahinga naman agad kami ng maluwag, lalo na ang studious self ko, nang nag-review lang din kami. Babawi na lang ako later pagkatapos naming magpa-ospital.
"Bye, Lu! Ingat ka!"
I also bade my goodbye to Mab before we parted ways at our school's parking area.
My day went smoothly, as it normally does. Except for the fact that someone was troubling my thoughts every now and then, I thought it was just another typical day at school. Not until I decided to message him back while waiting for my parents at the hospital.
Inus Tansley
Today 6:33 PM
Do you like me that much?
Ano?
Bakit kaya may mga tao pa ring bingi pagdating sa chat? 'Yong babasahin mo na lang naman pero nagtatanong pa ng 'ano' or 'ha/huh?'
Isn't it annoying?
Wala ka bang mata?
Ano?
I rolled my eyes.
Hahaha
Ikaw ang unang nag-chat kaya bakit parang ako 'yong mali?
I assumed you wanted to introduce yourself and get to know me.
Ay ang kapal ng mukha!
Sa 'yo lang hahaha
Anong sa 'kin lang?
Wala hahaha
You'll just figure it out by yourself.
Because finally... you responded to my messages.
What was that supposed to mean?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro