Chapter 4
You thought I didn't have any friends besides Mab? You thought my existence revolved only around my studies? You thought I was an introvert, didn't you?
Well, here's the catch...
I have a lot of friends. Alam kong mali na bigyan sila ng iba-ibang lebel o posisyon sa buhay ko pero I can't help it, eh. May kaibigan ako na kakilala lang o iyong pamilyar ka sa kanila dahil nakasalamuha mo na sila sa iba-ibang paraan. May kaibigan ako na kilala ko simula pa pagkabata, which I can also considered as first friends. Kahit na magbago man ang panahon o magkahiwalay man kayo ng landas ay kaibigan pa rin ang turing mo sa kanya. I also have that friend na nandiyan lang para sa mga fun, happy, or good stuff to experience or vice versa. Mayroon ding kaibigan ng kaibigan mo or the common friends.
Dahil din sa pagiging modern natin, lalo na sa teknolohiya, nabubuo rin ang internet friends, whereas I met some, or even love. The beauty of it is that you may communicate to them without any filters or as a completely different person because they don't know you in personal and won't have an opportunity to get to know you in personal. You can always chat with them without feeling judged, even if you came from different cultures. Isn't it incredible?
Oh, plus I have a neighbor friend, a childhood friend, elementary and high school batchmates, and a mentor who always inspires and motivates me in life.
However, depending on their roles in my life, various sorts of friends coexist. Hindi naman kailangang kinakausap o kasama mo sila araw-araw. A simple 'how are you?' actually helps kasi doon mo malalaman kung sino talaga ang nakakaalala sa 'yo. And thinking that these friends continue to stay in my life, put my heart at ease. Alam kong kahit papaano ay may matatakbuhan ako in case I need someone like them.
Ang talagang meron lang ako ngayon ay si Mab, my loyal and honest best friend. We always share our darkest secrets, warm moments, hot mess experiences, and mutual support. Kahit na almost sa school lang kami palagi ay sapat na sapat na iyon sa amin. We can be nonjudgmental or brutally honest with each other, but we always make an effort to understand each other's attitude depending on the situation.
Kuya Io and Kuya Iz are my cousin friends. Like I mentioned before we arrived in the club — well, we're in the club, I nearly forgot that since I'm still so focused on my thoughts — anyhow! As I previously stated, they serve as my companion, support system, energy booster, and happy pill.
Sa mga pinsan ko naman sa father's side at sa ibang kaibigan ko na sangkot sa kanila, sila iyong mga kaibigan na adventurer na matatawag, the one that always introduces me to something new in life that pushes me out of my comfort zone before and now baka pwede ko magawa ulit. Magbago man ang lahat, makakilala man ng mga bagong tao, sila iyong mananatili sa 'yo hanggang sa huli. But... these kinds of moment rarely happen to me.
"She's really drunk. We need to go home."
Nabalik ako sa ulirat ko nang marinig ko na naman ang boses ni Kuya Io. Biruin mo 'yon? Kahit pala sa isip lang binabash, lumalabas, nagpapakita, o nagpaparamdam pa rin in reality. Wow, I must've been thinking out loud.
"See? Hindi na natin siya makausap. She's lost in—"
"Sinong nawawala?" bigla kong sabat sa usapan. Biglang lumiwanag at umayos ulit ang paningin ko. Pakiramdam ko nagising ako mula sa tulog. "Hey, Sas, sino nga iyong irereto mo sa akin?" Naglakad ako palapit sa kanila. Ramdam ko naman ang pag-alalay sa akin ng dalawa kong lalaking pinsan. Tinabig ko nga.
"Gaga ka! Ayusin mo muna sarili mo!" Hinawakan ako ni Sas sa braso at kamay. "'Tsaka tingnan mo oh, uuwi na raw kayo."
"Huh? Sinong uuwi? Walang uuwi!" Inabot ko 'yong isang bote ng alak saka ito tinungga. After that, I shouted to relieve myself. Naramdaman ko naman agad ang kamay na lumipad sa bibig ko. "Ano ba! This is a club! Huwag niyo ako patahimikin!"
"I'm sorry, we're going." Malakas akong hinigit ni Kuya Io sa braso ko na siyang ikinainis ko.
"Let me go!" Pagpumiglas ko pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakahawak niya sa 'kin that it teary-eyed me. "Hindi sa lahat ng oras ay ituturing niyo akong mahina! Kaya nga ako nandito ay para sumaya at maging matatag! So, let me go!" Malakas man ang tugtog ay parang pumaibabaw ang lakas ng boses ko. They all went silent after I said those, eh. "Don't deprive me of the freedom I always desire." With those words, Kuya Io's hand slowly loosened up. Nagkatitigan kami.
It's funny, 'no? Only then will they realize that they're wrong when you voice out what you want to convey. I know I'm wrong too but gosh, this isn't about my blunders. This is about the life I hope to live before I die in one year.
"If I see you—"
"You won't." I took steps forward. "Watch me till I drop."
The tension didn't last long. Biglang umalis si Kuya Io kaya sumunod naman sa kanya si Kuya Iz. Of course, aalis sila. Naabot ko na ang limit, eh. Also, because of that argument, pakiramdam ko nawala 'yong kalasingan ko. I suddenly became hype once again.
Eh, pano ba naman kasi, pagkaalis nila Kuya Io at Kuya Iz ay si Mab naman ang kumausap sa akin kasunod nila Gia. So, I assured them I can handle myself. Sasabihin ko naman kung hindi ko na talaga kaya.
"Okay, kung iyan ang gusto mo, hindi kita pipigilan," si Mab. "Pero sinasabi ko sa 'yo, Lu, nakinig ka na lang sana kay Kuya Io. Kargo kita kaya umayos ka."
"Nandito lang kami, Lu. Kung gusto mo kami pa maghatid sa 'yo o sa amin ka pa matulog," Gia suggested.
Aren't they sweet?
Pagkalapag ko ng baso sa lamesa ay biglang tumabi si Sas sa akin. Our table became one, pero hati ang bayad. Nakuha naman agad ng mga kaibigan ni Mab ang vibes nila Gia kaya wala namang masyadong problema, except sa pang-e-eksena ni Kuya Io kanina. Isn't he a killjoy? Buti na lang umalis na. If I know, nagpapalipas lang sila sa labas, but who cares!
"May ni-send akong picture sa messenger mo. Tingnan mo, dali!"
"Wait!" Tumayo ako para hanapin 'yong bag na dala ko. Nakita ko namang dinadaganan na ng mag-jowa sa may gilid. Aba, respeto naman! "Uhh, excuse me!" Bahagya nila akong binigyan ng daan para makuha ko ang bag pero patuloy pa rin sila sa kung ano man ang ginagawa nila.
"Ang tagal!" reklamo ni Sas pagkatapos niyang mag-shot.
"Puwede mo naman kasing ipakita ng direkta sa akin, 'di ba?" I unlocked my phone and immediately opened the data.
"Buksan mo na lang kasi!"
"Ito na nga! Atat lang?"
Sasithorn San Jose
Today 11:12 PM
Sasithorn San Jose sent you a photo
This is the only clue. You have 30 minutes to find this guy in the club. Introduce yourself by mentioning my name first. Failing to do so means a surprise consequence.
"What?" Hinarap ko si Sas. "You serious? Eh, ito ngang pinapagawa mo ay parang consequence na." Pabagsak kong nilapag sa couch ang phone ko.
"Aarte pa ba? Malay mo maging kayo. Dali na! This is your time to shine, bakla!" Tuwang-tuwa naman ang bakla. May pahampas pa 'yan sa braso ko. "Oh, shot muna."
Tumanggi ako. Swear! Nagtalo pa kami ng ilang minuto, but here I am going table to table with a phone in my hand to find whoever this guy is in the photo. Ang pangit naman kasi ng dare na 'to! How am I supposed to find this guy using a mirror selfie? Ang hina ko pa naman sa mga pagkakakilanlan pero pakiramdam ko pamilyar siya kaya confident naman akong mahahanap ko agad siya.
Well, that's what I thought for a second!
It's been twenty minutes pero paikot-ikot pa rin ako rito. Gosh, akala ko maliit lang ang club na 'to. Hindi ko rin alam kung paano at bakit nga ba talaga ako napapayag ni Sas. But what amazed me is that I feel like I belonged. Nawala 'yong pakiramdam ko sa unang pagpasok ko rito kanina, thinking that wala man lang akong kilala rito kahit isa, except sa dalawa kong lalaking pinsan at si Mab, but now, everything feels different. Pakiramdam ko nakahanap ako ng panibagong rason para sa panibagong mundo na gusto kong mabuo.
I stopped from walking when I heard a ringing in my ears along with the dizziness. Tila biglang tumigil ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang mabibigat na hininga ko. Slowly, I touched my head and closed my eyes when I felt a pang of pain in my head again. Pinakiramdaman ko iyon, at sa pagmulat ko ulit ay bigla akong nahilo sa kakaibang sakit na ito. Tumambol ang puso ko sa pag-aakalang magtatagal pa iyon pero nang may malakas na bumunggo sa akin na muntik na akong matumba ay doon palang ulit ako natauhan.
"Pasensiya na, Miss!"
I looked at that person. Kumunot naman agad ang noo ko pero mas pinili kong hindi siya pansinin. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang pigilan niya ako.
"Uh, excuse me?"
I faced him with a faint smile on my lips. "Yes?" Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"Puwede po kami magpa-picture sa 'yo? Kanina ka pa po kasi namin nakikita sa table niyo at masyado po kaming nagagandahan sa 'yo." May biglang sumulpot na isa pang lalaki mula sa likod niya. Hawak nito ang isang phone.
"Sure."
Hindi ko alam kung isa na rin ito sa mga epekto ng alak or nadala lang ako since this is the first time someone asked me a photo with them that I feel like I suddenly became special. Hindi naman kasi talaga ako ganoon kaganda. Masasabi ko na average lang pero siyempre wala ring puwedeng manlait sa 'kin. Wait, really, self? Baka pa-humble lang 'yan?
There is just one take for the first guy who asked for the photo, followed by another guy who's holding the phone earlier. Same pose lang din ang ginawa ko, tamang ngiti lang. Mas gusto ko kasi sa sarili ko na palaging nakangiti sa pictures. Being fierce or edgy doesn't suit me, eh. Well, anyway, the two guys do not appear to be odd. Hindi naman kasi sila ganoon dumikit sa akin while taking the photo. Sabagay, it's just a photo lang naman.
"Thank you!" sabay nilang sabi bago nagpaalam na aalis na sila. Nagpasalamat din ako at binigyan sila ng huling ngiti at tango bago sila talikuran.
I was about to continue what I'm doing earlier, looking for that guy, when my eyes saw the bathroom. Saka lang ulit bumalik sa akin na kailangan ko nga pala mag-CR. Kanina pa ako pumipigil, eh.
After that, I'm on the verge of giving up and accepting that surprise consequence when a bunch of noisy guys grabbed my attention. Nasa pinakagilid sila. I looked at the photo on my phone again bago sila isa-isang sinuri. Biglang lumakas ang kutob ko na isa siya roon.
"Gotcha!" I whispered and couldn't help myself to smirk. Sinilid ko sa bulsa ng jeans ko ang phone. Maglalakad na sana ako palapit sa kanila nang mapatigil ako. I took a deep breath and ready my mind on what I should say to him. Hinanap ko muna 'yong puwesto namin para malaman ko kung gaano ba sila kalayo sa puwesto namin. Then, I looked at that bunch of guys again. Nang tiningnan ko ulit 'yong lalaki na pakay ko, biglang nangatog ang mga binti ko kasabay ng pagtambol ng puso ko.
Why is he looking at me already?!
Okay, kalma, Lu. Baka nahagip ka lang niya. Medyo malayo ka pa sa kanila at may ilang tao pa ang nakaharang bago ka makarating sa puwesto nila. Nahagip ka lang — oh, my! He's staring at me! I swear!
Nagkunwari akong nakatingin sa ibang direksiyon o tao na may pangiti-ngiti pa pero nang ibalik ko sa kanya ang tingin ko ay nakatitig pa rin siya sa akin. So, this time, katawan ko naman ang sinuri ko. Bahagya akong yumuko. Pagkatapos ay ginulo ko ang buhok ko. Tinatagan ko ang sarili ko na salubungin ang titig niya kahit na pakiramdam ko matutunaw na ako.
I walked towards them without leaving his eyes. Natigil lang ako nang nasa tapat na ako ng table nila. Sorry for the attitude, but I'm only interested in this one guy.
"Kilala mo si Sasithorn San Jose?" I confidently asked him, eye to eye.
He blinked several times before he smiled. Inayos niya ang plaid jacket niya kaya nagkaroon ako ng panandaliang pagkakataon para masuri ang outfit niya. Pakiramdam ko nakasuot siya ng puting shirt sa ilalim ng black and white plaid jacket niya na bumagay sa black denim pants niya. Nang ibalik ko ulit ang tingin ko sa mga mata niya ay nakatitig pa rin siya sa akin. Seriously?
"I'm Kenneth Blake."
"Oh, hello, Kenneth!" I instantly answered without looking at him, just at the guy in front of me, smiling uncontrollably and unable to take his gaze away on me for a second. Some booed the guy who had just made a move on me for ignoring him.
Nakita ko sa kanya ang pagkamangha. Umayos siya ng upo at pinatong ang dalawa niyang siko sa mga binti niya bago kinuha ang isang baso ng alak, still not taking his eyes off on me. Matapos ang isang lagok ay sinagot niya na ako.
"Oo, bakit?"
I smiled and extended my hand. "Hi, I'm Lu Gonora."
Bakit pakiramdam ko hindi pa rin mawala 'yong spark ng mangha sa mga mata at ngiti niya, lalo na ngayong nagpakilala na ako? Or maybe, this is just another effect of alcohol?
He stood up and kindly accepted my hand. "Inus Tansley."
His name is kind of familiar. I think I've heard it before? Or maybe we had a small interaction before? Hmm. Interesting.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro