Chapter 3
Napagitla ako nang biglang may kumatok sa pinto. I closed my eyes and sighed deeply. Agad akong napatayo para buksan ito.
"Ano po 'yon?"
"Your cousins are already here." It's Mom.
"Okay po. I'll just fix myself up."
Pagkasara ko ng pinto ay biglang lumiwanag ang mukha ko. Tumakbo ako palapit sa kama at kinuha ang phone. Binura ko 'yong sasabihin ko sana kay Mab at pinalitan iyon ng panibagong mensahe.
Mabry Perez
Today 8:19 PM
We're coming!
Sa sobrang pagkataranta ko ay natapilok ako papunta sa walk in closet. Bumangon naman agad ako at naghanap ng maisusuot. Medyo nahirapan pa ako kasi hindi dapat halatang sa galaan ang punta ko. Something nice and casual lang para hindi sila magduda. But hey, we're going to a club tapos dapat casual ang suot? Oh, my!
What should I wear, Mab?
'Yong hindi sana nila mahahalata.
May oversized jacket ka ba?
Meron.
Suotin mo
Iilalim mo 'yong outfit mo talaga
What outfit? Wala pa nga akong mahanap.
Jeans, heels, tube top
Okay, thanks!
See yoouuu!
Sinunod ko kung ano ang sinabi ni Mab sa akin. Okay naman siya, I think. This is exactly my fashion style. Naglagay din ako ng konting make-up at tinali ko into a bun ang mahaba kong buhok. Hinanda ko rin 'yong bag ko para hindi talaga sila mag-isip ng kung ano. Gosh, I just hope.
Sinuri ko pa ang sarili ko bago lumabas ng kuwarto. Habang pababa ng hagdan ay hindi ko maiwasang kabahan, especially Kuya Io and Iz are talking with my parents. I wonder kung ano na ang mga napag-usapan nila.
"Kuya Io, Kuya Iz," bati ko nang makalapit na ako sa kanila. "Mom, Dad, can I get your permission now?"
"We already gave it to Io and Iz," kaswal na sabi ni Dad habang nakapamulsa. "You only have three hours, Lu."
Napatingin ako kay Kuya Io. This is his idea for sure. Nang ibaling ko naman ang tingin ko kay Kuya Iz ay napangiti lang siya sabay kibit-balikat.
"Okay po."
"Drive slowly, Io and Iz," paalala ni Mom.
I kissed them on the cheeks as I bade my goodbye. They even gave me a smile of assurance kaya mas nakalma na ako.
"I knew it!" Napapalakpak ako nang makalabas na kami sa bahay. "Papayag sila kapag kasama kayo. Thank you for doing this, guys! The best talaga kayo!" I gave them two thumbs up while smiling widely.
"Sad girl kasi," komento ni Kuya Iz.
"Hindi kaya!" depensa ko naman.
Pinagbuksan ako ni Kuya Io ng pinto kaya agad na akong pumasok.
"Please tell me we're really going to the library," si Kuya Io nang makapasok na rin siya. He gave me a serious look through the rearview mirror. Mas lumawak naman ang ngiti ko.
"Sa club po, Kuya."
"What?!"
Napapikit ako dahil sa sabay na reaksiyon nila.
"No, get out. We're not going anymore." Lumabas ulit si Kuya Io. Hihilahin niya na sana ako palabas nang magpumilit pa ako.
"Kuya Io naman! Nandito na tayo, eh."
"No. Isusumbong ka namin."
"Idadamay mo pa kami sa kagagahan mo," si Kuya Iz naman.
"Sige, simula ngayon hindi ko na kayo ituturing na pinsan!"
Natahimik ang dalawa. I don't know if I really meant it. Ang gusto ko lang talaga ay makaalis na at makapunta na kung nasaan si Mab ngayon.
"Nasasaktan ako, Kuya Io!" He immediately let go of my hand. "Tara na kasi! Alam ko namang hindi niyo ako matitiis, eh."
Walang nagawa ang dalawa kundi ang magmaktol na parang bata, lalo na si Kuya Iz. Nang nasa biyahe na ay panay ang tingin sa akin ni Kuya Io habang nagmamaneho.
"Quit looking at me, Kuya Io. Wala ka nang magagawa," pagtataray ko sa kanya. "Hindi ko kasalanan na nadala kayo sa 'kin." Muntik na yatang mabali ang leeg ko nang biglang pr-um-eno si Kuya Io. Sabay pa nila akong tiningnan. "What?" I rolled my eyes on them as I massaged my neck.
Just to inform you, they're not twins. Their Mom is the one who has a twin sister. Si Kuya Io ang matanda sa amin ni Kuya Iz ng tatlong taon. Magkaedad kami ni Kuya Iz pero lamang lang siya sa akin ng isang buwan. Still... I call him Kuya. Sadyang pinangalanan sila nila Tita na parang sa kambal since hindi na sila masusundan pa dahil sa komplikasyon sa health ni Tita, kapatid ni Mom. Buti nga naging normal pa rin ang delivery niya kay Kuya Iz at wala namang naging komplikasyon. After that, Tita didn't got pregnant again.
"You're learning to be a bad girl now, huh?"
"Kuya Io naman! Ngayon lang naman—"
"Huwag mo kaming idaan diyan dahil itong mararanasan mo ay tapos na naming maranasan." Naagaw naman ni Kuya Iz ang atensyon ko.
"Ibahin niyo ako sainyo."
"Anong ibahin? Baka nga mas malala ka."
"Tumigil ka nga, Kuya Iz. Balak niyo ba akong ikulong lang ayon sa mga kagustuhan niyo? Paano naman pala 'yong mga gusto ko?" Natahimik sila. "I'm already in college and mapapit na mag-legal age pero para pa ring bata kung ituring niyo ako."
"Well, you are our only little hope."
I looked at Kuya Io. "If I'm your hope, what about mine? My hope to live the way I want to? Okay, if you can't accept these changes, don't ever talk to me again after this night. Magkanya-kanya na tayo, walang pakialamanan. Para na rin hindi niyo na ako problemahin pa." I crossed my arms against my chest and focus my attention outside by looking at the window.
Bata palang kami ay close na close na kaming tatlo. Palagi silang nasa bahay since magkapitbahay lang naman kami pero minsan ako ang pumupunta sa kanila kapag gusto ko namang makahinga sa bahay at school. Even though we always fight with small or big reasons, we always find a way to fix that without saying the actual sorry or apologize. Kapag nagpansinan na lang kami bigla o kapag may offer ang isa sa amin ay doon lang kami ulit nagkakaayos.
Throughout the whole trip, wala na akong narinig sa kanila hanggang sa makarating na kami sa club. Nakita ko naman agad si Mab. Sinabihan ko kasi siya kanina na hintayin ako sa may labasan, so that I wouldn't spend too much time looking for them.
"Mab!" Nagyakapan kami. "Kilala mo na naman sina Kuya Io at Kuya Iz, 'di ba?" Bahagya kong tiningnan at tinuro sina Kuya Io at Kuya Iz na nasa likod ko.
"Siyempre naman. Tara na, pasok na tayo." Hinila niya na ako papasok. Nakita ko naman na tahimik lang sumunod sina Kuya Io at Kuya Iz. "Ipapakilala kita sa kanila," bulong niya pa sa akin kaya napatango at napangiti na lang ako.
Pagkapasok namin ay sinalubong agad kami ng blinding lights at malakas na tugtog. Panay sigaw din ang mga tao habang sumsayaw. Ilang beses din akong natamaan ng mga taong lasing na. Oh, my! Isn't it too early to get drunk and be wild? I just got here.
"Dude, be careful!" si Kuya Io nang may muntik na ulit makatama sa akin. This time kasi ay parang sinadya na idikit sa akin 'yong katawan ng isang random at stranger guy.
I smiled secretly. There are both protective of me since I'm their only girl cousin, but Kuya Io is such an OA and sensitive sometimes compared to Kuya Iz na low-key at joker. Minsan nakakapikon na, but I didn't take it as a big deal. Nasanay na rin naman ako sa kanila.
"Guys! Sa wakas, makikilala niyo na ang best friend ko!" Nagulat ako nang bigla na lang sumigaw si Mab nang makarating kami sa puwesto nila. "Elu Gonora!"
Mainit naman nila akong tinanggap sa pamamagitan ng pagpalakpak, pagsigaw, at pagbeso. Nga lang, hindi hinayaan nila Kuya Io at Kuya Iz na may makalapit o makahawak man lang sa akin na lalaki.
"Ay, oo nga pala. Kasama niya ang dalawa niyang pinsan. Io at Iz Velasquez. Protective kaya hayaan niyo na."
"Boring naman!" komento ng isa.
"Huwag kayong mag-alala, marunong naman silang makisabay. Mga pro na 'yan. 'Tsaka mayamaya lang niyan si Lu na mismo ang mawawalan ng kontrol."
And they all shouted in enthusiasm again. Uupo na sana ako sa upuang itinuro sa akin ni Mab nang pigilan nila ako.
"Shot muna!" Binigyan naman agad ako ni Mab ng inumin. "Bottoms up!" Umasim agad ang mukha ko nang maamoy ko ito.
"Come on, girl, don't be a killjoy!"
"True! Nandito tayo para sumaya at magpakalasing!"
"Shot! Shot! Shot!"
Napatingin ako kina Kuya Io at Kuya Iz bago uminom. They gave me a signal not to do it, but I just shrugged my shoulders and ignored them. Nilapag ko agad ang baso sa lamesa at muntik ko pang maisuka 'yong ininom ko. Ang pait naman! Pasensiya na, first timer here kaya akala ko hindi ko na gugustuhin pang uminom pero habang tumatagal ay pasarap nang pasarap ang lasa niya. Lahat sila full shot palagi kaya ganoon na rin ang ginawa ko nang tumagal na.
"Don't get too drunk, Lu. Uuwi pa tayo," Kuya Io whispered in my ear. Nang tingnan ko siya ay biglang umikot ang paningin ko.
"Don't worry, Kuya Io. Kalma lang kayo. I'm just enjoying, sana kayo rin." I smiled without showing my teeth as I closed my eyes.
When I opened my eyes, I saw him glaring before leaving. Pumuwesto kasi sila ni Kuya Iz doon sa may counter mismo kasi hindi raw nila ramdam na makisalamuha sa amin. Ang arte, 'no? Ako ngang hindi sociable ay nandito tapos sila itong pa-low-key kahit na sila itong mas active sa social life.
"Strip it off, Lu! Hindi ka ba naiinitan?" suhestiyon ng isang lalaki. Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil blurry na at parang panay ang galaw nila.
Oh, my! Are they dancing or am I drunk already? Ang bilis naman!
"All right!"
They cheered for me kaya mas ginanahan akong hubarin ang jacket ko. Basta ko lang iyon itinapon sa couch kaya mas lalo lang silang nagtilian. I took another shot after stripping. Uminit agad ang lalamunan at tiyan ko. Nang uupo na sana ako ay biglang may humigit sa akin.
"Oh, hi again, Kuya Io. What's up?"
"What the fuck are you doing?" malutong na pagkakasabi niya. "You're drunk. We're going home." Kinaladkad niya ako pero agad ko siyang tinulak.
"Ano ba! You're ruining the fun!" Bumalik ako sa puwesto namin. Kinuha ko 'yong vape sa kamay ng isang lalaki and immediately inhaled it into my mouth. Napaubo agad ako.
"Wooaaahhh!" They cheered. "Malakas pala 'tong best friend mo, Mab!"
"Tumahimik nga muna kayo!" Naramdaman ko ang paglapit ni Mab sa akin. "Huwag mong pilitin ang sarili mo, Lu. Hindi ko 'to in-expect sa 'yo."
"Psh! Puro na lang kayo expectations sa akin. Hayaan niyo naman ako minsan."
For a first timer like me, siyempre susulitin ko talaga. Lahat talaga susubukan ko. Lahat dadamdamin ko. Matagal-tagal ko rin itong pinagmunihan kahit noong wala pa ang sakit ko. It's just that... I couldn't find the courage to do it since the reasons are also hard to find. Now that my life has a time limit, isn't it the right time to live to the fullest?
"Oh, my God, Lu?" My head turned to my right. Nanliit ang mga mata ko para suriin kung sino iyon. "Ikaw nga! Lu! Kumusta na?"
"Gia?" Bahagya akong nagulat.
Gianna's my cousin in father's side. Kaedad ko lang din siya. We're close since we were little. Napagkakamalan pa ngang magkambal kami. Nga lang, nagkahiwalay kami 'nong high school kaya bihira na lang kung magkita. It's been also months since I last saw her. I didn't expect I'd see her here in this kind of place.
"Yes, the one and only!" Then, she hugged me. May ilan ding lumapit pa sa amin pagkakalas namin sa yakap.
"Hi, Lu! Kailan ka pa natuto?"
"Ana!" Yinakap ko rin siya.
Violana is a friend. I met her through my cousins in father's side, hindi lang dahil kay Gia. Mas close kasi sila ni Trish, nakatatandang kapatid ni Gia, at ng ibang common friends namin.
"Girl, lasing ka na!" komento niya.
"Hindi, ah! Nakilala ko nga kayo!" I chuckled.
But really... bumibigat na ang talukap ng mga mata ko, parang may wangwang sa ulo ko, pakiramdam ko kumukulo ang tiyan ko, at ang lalamunan ko ay parang may nakabara na something. Please don't tell me hindi ko ito isusuka rito.
"Baklaaa!" Napunta sa sumigaw ang atensyon namin. Nabuhayan ulit ako nang makita ko siya.
"Sas!"
Meet Sasithorn, Ana's sister, ang bakla sa barkadahan na nabuo ng mga pinsan ko sa lugar kung saan sila nakatira ngayon. I remember... kalaro ko rin ito noon kaya may pinagsamahan na rin kami kahit papaano. So, yeah, I also considered him a close friend of mine.
"Bakla ka! Bakit ka nandito?" Hinampas niya ako sa balikat. "May irereto ako sa 'yo!" Sabay kurot niya sa tagiliran ko.
Napatawa ako na may pakunot-noo. "Sino naman?"
"Ay, basta! Mamaya makikilala mo!" She fixed her hair as she gave me a meaningful look. "Papi 'yorn! Aarte pa ba?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro