Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

It's been a week, and I still can't seem to grasp what just happened to us. Sa tuwing gigising ako, pakiramdam ko palaging may kulang sa buhay at pagkatao ko. I tried contacting Inus numerous times but ended up stalking his profile. Gusto ko ring bumisita sa kanila pero kapag nandoon na ako ay pagmamasdan ko lang ang bahay nila hanggang sa magsawa ako't magpatuloy lang sa pagmamaneho. I even wonder if he's also doing the same thing? Miss niya na rin ba ako? Hinahanap-hanap niya pa rin ba ako?

Napahampas ako sa manibela at napasigaw dahil sa frustration. Later on, nag-unahan na naman ang mga luha ko sa pagbagsak. I closed my eyes and leaned back against my seat. Our shared memories flashed back like a never-ending loop.

"I should move on as fast as possible..." I tried to encourage myself. "Walang magbabago kung palagi lang akong ganito." I wiped away my tears and bit my lower lip. "Alam kong masaya na siya... masaya na rin naman ako..."

This is how it is everyday. My mind and heart are constantly in conflict after checking in on him and reminiscing about our times together. Hindi ko alam kung alin ba ang dapat kong sundin pero as long as alam kong wala nang kami, uuwi't uuwi akong mag-isa.

I always drive to get away and clear my mind, but at the end of the day, it's not enough. I kept on longing for him. I'm constantly reeling from various questions and realizations. Pero sino ba naman ako para bumalik pa? Ako ang nakipaghiwalay kaya, so I should face this head on hanggang sa makaya ko na. Alam kong kaya ko. Kakayanin ko. Para sa sarili ko.

"Ngayon na lang ulit kita nakita..." panimula ni Mab nang magkita kami sa kasal ni Elio.

Kung sino pang pinakabata sa magkakaibigan ay siya pa pala ang mauunang magpakasal. He's madly in love with my cousin. Ang dami rin nilang pinagdaanan. Who would've thought that I would attend our friend's wedding without experiencing my own wedding, which I always look forward to?

"Oo nga, eh," tanging nasabi ko. To relieve the tension and awkwardness, I sipped my wine. Ngayon na lang ulit kami nagkausap after ilang years simula nang magkaroon kami ng matinding away. It was in college, so it was the toughest time of my life. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Kumusta ka? Nabalitaan ko nga pala 'yong sainyo ni Inus. Gusto sana kitang puntahan pero..."

I can feel her stares in my peripheral vision, but I can't bring myself to look at her.

"It's fine. I'm fine. Everything's fine now... I guess."

Isang taon na rin ang nakalipas. I'm glad I was able to complete my therapy with Dr. Israel. Hindi naging madali because I've lost some of my real memories as well, pero bumalik din naman.

"Mabuti naman kung ganoon."

Ni minsan ay hindi dumapo sa isip ko na darating kami sa ganitong punto. We're best friends. Halos alam na namin ang lahat ng tungkol sa isa't isa. Then, all of a sudden, everything fell apart due to a scandal. Hindi ako makapaniwalang ako agad ang pagsususpetsiyahan niya. I thought our friendship is more than that. Pero sa tingin ko, ang purpose ko lang ata sa kanila ay... taking all the blame.

"Ikaw? How are you?" I sipped on my wine once more. Parang gusto kong lunukin lahat ng boses ko. Kahit na alam kong sa sarili ko na napatawad ko na rin siya ay hindi ko yata inasahang makakapag-usap pa kami. I just thought that we just knew each other now, with no ties or anything. Pero kung maibabalik pa namin ang pagkakaibigan namin, I still believe we can do it.

"Sino bang hindi dumaan sa hirap bago naging masaya? Heto ako ngayon, magkakapamilya na rin. Ninang at maid of honor ka, ah?"

Dala ng gulat ko ay napatingin ako sa kanya. Tinawanan niya naman agad ako. She's still the Mab I know, but something about her has changed. She is now more composed and calm. Pumayat din siya kaya lalong pumorma ang katawan at mukha niya. Para bang ang taas na rin ng estado niya sa buhay. I always believe she deserves the best in life and that she is more than worthy of anything.

"Pano ba 'yan, Lu, mukhang mas mauuna pa ako sa 'yo? Bakit ba kasi kayo naghiwalay kung kailan ang tatag-tatag niyo?"

I swallowed and looked down his baby bump. Hindi ko ito napansin kanina. Hindi rin naman kasi ito ganoon kalaki o sadyang malaki lang talaga ang suot niya ngayon kaya hindi agad ito kapansin-pansin?

"Can I... touch it?"

She simply laughed at me before approaching me. Dahan-dahan kong nilagay ang kamay ko sa tiyan niya at pinakiramdaman ito. When it had a strong kick, I almost jumped. Napadaing naman si Mab dahil doon.

"I think it's a boy..." komento ko sabay tingin sa kanya.

She smiled and nodded. "Sarap na sarap 'yong ama nito sa sex, eh. Nakakailang round pa."

"Mab!" Napatingin-tingin ako sa paligid kung sakaling may nakarinig 'non. Napatawa't napailing na lang ako. Pasmado pa rin talaga ang bibig nito.

"Bakit virgin ka pa rin hanggang ngayon? Akala ko ilang beses nang may nangyari sainyo ni Inus? Sa tagal niyong 'yon!"

"How I wish, Mab."

Hinampas niya agad ako sa braso.

"So, wala talaga?"

"Sige, makipag-sex ka sa taong nasa coma." I rolled my eyes.

"Gaga! As in simula sa simula ay walang nangyari?"

Unti-unti akong napailing suot ang isang ngisi na siyang naging halakhak na dahil sa naging reaksiyon ni Mab. Bakit ba hindi siya makapaniwala? Hindi naman sa lahat ng pagkakataon sa mga in a relationship ay kailangang mag-sex agad. That is not even a prerequisite.

"Tigang na tigang pala ang bruha! Hindi pa yata tuli si Inus 'nong time na 'yon. Jusko! Napaka-weak!"

"Hindi ba puwedeng ang laki lang ng respeto niya sa akin?"

"Respect mo puwet mo! Alam kong gusto mo rin."

"Well..." Umiwas ako ng tingin habang nilalagok ang laman ng kopita. "Muntik na sana."

"Tangina?! Kailan?! Bakit hindi ko alam?!"

Tinakpan ko agad ang bibig niya. "Sshhh! Ang bibig mo talaga!"

While we waited for the event to begin, we talked for nearly an hour. Para ngang mas tumagal pa. Madami-dami rin kaming napag-usapan. She even revealed some information about her boyfriend, and I must say, he's hot – I mean, a good man. Samantalang ako ay puro drama pero gaya ng dati ay nakinig pa rin siya. Hindi ko rin alam kung pano napunta sa paghingi ng sorry sa isa't isa hanggang sa mag-iyakan at magyakapan. Mabuti na lang ay hindi gaanong expose sa mga bisita ang lugar.

"Masaya ako para sa 'yo, Lu. Ingatan mo naman ang sarili mo ngayon."

"I'm happy and proud for you too, Mab," I said, smiling. "Na-miss kita..."

"Ako rin!" She pouted, knowing that her tears were about to fall again. "Puwede bang ikaw na lang ulit ang best friend ko?"

"Tinatanong pa ba 'yan?"

After that, nakisalamuha na rin kami sa ibang bisita. Kaunti lang ang kilala ko kaya tahimik lang din akong nagmamasid at nakakailang kopita na ng wine. Kumaway agad ako nang makita ko ang ilang pinsan ko sa father's side. Speaking of cousin, kumusta na rin kaya sino Kuya Io and Kuya Iz? Halos bihira na rin kasi magsama at mag-usap simula nang lumaki na kami. Yes, we were close when we were kids. Well, may kanya-kanya nang buhay.

Everyone I knew was talking with the newlyweds, but I just stood there watching them. Ayokong makipagsiksikan. They already knew I was coming. I even put my gifts to them on the shelf too. I think it's enough to see them happy and to express my support for them.

"Lu! Halika na rito!" Kinawayan ako ni Mab. Napangiti lang ako.

Isang lagok ay naubos agad ang wine sa pang-sampung kopita ko. Ramdam kong malapit na rin akong malasing or lasing na nga since I'm starting to get dizzy and sleepy kahit na sinanay ko ang sarili ko sa wine kaya mataas na rin ang alcohol tolerance ko. During the time when I was reeling, wine became my all-time favorite.

"Ops, sorry!" Natapilok ako kaya tumama ako sa katawan ng isang tao. Hindi ko na nagawang tingnan kung sino ito. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang walang nangyari, still owning the confidence and courage I composed before coming here. Tila ba mas nalasing ata ako nang wala na akong wine na hawak at iniinom.

Nakarating ako kina Elio na medyo distorted na ang paningin. Pero kaya ko pa naman ang sarili ko. Mas strong na kaya ito. I even burp, indicating that I'm about to vomit. Shit! Did I just get drunk here? Hindi puwede. Tipsy lang ito.

"Elio! Congratulations!" Binigyan ko siya ng yakap kaya bahagyang nagsilayuan ang kanina pang mga kaibigan niyang nandito. If I'm not mistaken, they can also smell how drunk I am. Ramdam ko na rin kasi ang pamumula ng mukha ko.

"Oh, you go, girl! I'm so happy for the both of you!" Sa bride naman ako lumapit at yumakap ngayon.

"Thank you, Ate Lu." She hugged me back. "Okay ka lang po ba?"

Kumalas agad ako sa yakap. "I'm okay! Matagal na! Salamat sainyong mga nanakit..." Napatikom agad ako ng bibig nang madulas ako. Ilang beses akong napamura sa isip ko. "I... I think I should leave. Thanks for the invite. I'll see you again, guys." Nang talikuran ko sila ay agad nawala ang malawak na ngiti sa mga labi ko pero kung sinusuwerte ka nga naman talaga.

"Oh, hi, Ken!"

"Lu..." He scanned me from head to feet. "Bakit ka nagpakalasing? Halika ihahatid na kita." Hinawakan niya ako sa braso pero winaglit ko agad ito.

"Hindi naaa..." Umayos ako ng tindig. "Kaya ko na ang sarili ko. I came here by myself, so I should leave by myself."

"Hindi mo na kaya, Lu. Pinagtitinginan ka na rin ng mga tao."

"So? Kailan ba nawala ang atensyon sa akin?" Oh, God! What the fuck is going on with me? "I mean... sorry... you should stay and celebrate with them. I can manage, Ken, thanks." Nilagpasan ko na siya pero hinarap ulit para sabihing... "It's nice to see you... all, again."

Isang atras ay tuluyan akong nawalan ng balanse.

"Lu!" agap ni Ken pero may ibang umalalay sa akin.

Ramdam kong bagsak na ang katawan ko kaya napapikit na rin ako. The scent is familiar so I'm safe with him, right? Siguradong isa ito sa mga kaibigan nila.

I woke up in an unfamiliar place with a throbbing headache. I'm still half-asleep, but I have to get up right now. Ang dami ko pang inaasikaso. Kahit kailan talaga ay palagi na lang akong pinapahamak ng wine. Take note: it's just wine, not a hard liquor.

"Shit..." I muttered and groaned when I fell to the floor. "Five minutes wouldn't hurt..." And I closed my eyes once again to sleep. Baka man lang mas mabawasan ang pangit na nararamdaman kong ito.

Nagising ulit akong hapon na. Saka ko lang din nalaman na nasa hotel pala ako. May nakahanda na ring ilang pagkain na may labels: breakfast, lunch, dinner. Wait... am I with someone while I'm sleeping here?

Napahawak ako sa ulo ko nang may mabilis na dumaang kirot dito dahil sa pagbabalik ng alaala ko sa nangyari kagabi. Oh, God. I nearly ruined the wedding. Napatakip agad ako sa mukha pero mas nagulat ako nang may sumagi pang alaala.

"Can I kiss you?" My vision is still hazy. Tumagilid ako sa shotgun seat para maharap ko ang kung sino man ang nasa driver's seat. He just glanced and didn't say anything. "Kamukha mo kasi ex-boyfriend ko..." Bigla siyang prumeno. "Gago ka!" Bigla kasing humigpit ang seatbelt sa may tiyan ko. Kapag ako sumuko rito, hindi ko na kasalanan.

"You want to kiss a stranger because he reminds you of your ex?"

"Oh? Pati boses niyo magkapareho!" I said, ignoring his irritated question. Nanliit pa ang mga mata ko para suriin siya pero nakikipaglaro ata sa akin ang paningin ko. "Don't mind me. Continue driving. Alam mo ba kung saan ako nakatira? Kung hindi, sa hotel mo na lang ako dalhin."

He went back to being quiet and just drove. Patulog na naman sana ulit ako nang may biglang pumasok na ideya sa isip ko. I couldn't help but giggled.

"Are you a virgin?"

"What the fuck, Lu?" He stepped on the brakes again.

"Because if yes, we can have our first sex. Kung willing ka lang naman..." I kept my eyes closed. "For experience na rin..."

Napatigil ako sa pagbabalik-tanaw sa nangyari kagabi. Mabilis kong sinuri ang buong katawan ko. I even touched my private parts and sighed in relief when I couldn't feel something strange. Hindi naman siguro ganoon 'yong lalaki. Ginawan niya pa ako ng food for the rest of the day, but too bad, I didn't get the chance to eat those. Malapit na rin maggabi. Sa bahay na lang siguro ako kakain.

When I went to look for my phone, I saw four missed calls. It's from Mab, which took me by surprise. She still has my phone number pala. The last three came from my Mom, Ken and... Elio? Oh, right. I must apologize for what happened. Tinawagan ko agad si Elio na siyang mabilis niya namang nasagot.

"Lu! Nakauwi ka ba ng maayos? Okay ka na ba?" Halatang nag-aalala pa siya na siya na nga itong nagawan ko ng mali.

Napasapo ako sa sentido ko. "Nasa hotel ako. Kaibigan mo ba ang naghatid sa akin?"

"Ahhh... oo, oo."

"Pasensiya na sa nangyari kahapon, Elio. I didn't mean any of it." I bit my bottom lip. Lumapit ako sa malaking glass window at tinanaw ang labas. "Sana ay wala akong na-offend sainyo? Pakisabi na rin sa asawa mo na pasensiya na. I'm really sorry."

"Okay lang iyon, Lu! Walang kaso iyon sa amin. Naiintindihan naman namin."

"You sure?"

"Yeah. Kahit kausapin mo pa si..."

"No, it's okay. Ikaw na lang ang magsabi. I just called to apologize, and I'm still embarrassed to face her."

"Ano ka ba! She's your cousin! Huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano. Okay lang talaga, Lu."

Napabuntonghininga ako. "Thanks, Elio. It's actually nice to see you before I leave. Bigla ko kayong na-miss."

"Aalis ka?"

"Oo... to study..."

Ilang buwan ko rin itong pinagplanuhan. Wala na sana akong balak na ipaalam sa kahit na sino, except for my parents, of course. Pero baka magbaon na naman ako ng guiltiness. Deserve pa rin naman nilang malaman, lalo na't okay na rin naman kaming lahat. May konting ilangan lang pero... we're good now. Bitter pa rin naman ako minsan, lalo na kagabi, pero I'm really happy that things have worked out this way.

Matapos kong makausap si Elio ay si Sas naman ang tinawagan ko since ilang beses siyang nabanggit ni Elio sa tawag. Besides, I didn't get to see him yesterday. Ngayon lang din ulit kami makakapag-usap kaya hindi ko maiwasang dapuan ng kaba. Grabe, it's been years since my last interaction with them. It feels like they've become so far to me yet so close.

"Sas..."

Ilang segundong tahimik ang linya niya bago siya makapagsalita.

"Bakla ka ng taon! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?"

"Hiyang-hiya naman ako sa 'yo. Ikaw 'tong hindi namansin kaya." I rolled my eyes as if he were just right in front of me. "Tell me why. Aalis na rin naman ako."

"Sorry, Lu! Sorry talaga!" Napamura siya sa kabilang linya bago napasinghot. I knew from that moment that he was crying.

Aww, my heart. Kahit pala talaga nawasak kami, we still have that care and love to each other. Pero alam kong hindi na iyon maibabalik sa dati pa. May lamat na. Pero alam ko sa sarili kong may parte pa rin sila sa puso ko.

"Malalaman mo rin soon. Hindi na muna ngayon, lalo na't aalis ka na rin naman pala."

"Grabe naman. Why not now?"

"Basta! Mag-ingat ka palagi, ha? Mami-miss ka namin lalo!"

Mabilis lang natapos ang usapan namin ni Sas kaya si Ken naman ngayon ang tinawagan ko. Ilang beses na rin naman kaming nagkausap. So I just called him to say thank you and goodbye. Pinadalhan ko rin ng mga messages ang mga pinsan ko. Then there's Mab, who I called last.

"Mab, I'm leaving..." I ran a hand through my unkempt hair. Nagpabalik-balik din ako ng lakad bago sinundan ang sinabi ko. "I'm afraid I can't attend to your wedding, but I can still be a Ninang, you know?"

"Hindi puwede! Kung kailan okay na tayo!"

Napapikit ako sa biglaang pagsigaw niya. "I'm sorry, Mab. You know I'm choosing every bit of myself now. Gusto ko lang magpatuloy ang buhay ko."

"Puwede namang dito mo gawin. Nandito kami, eh..."

"Mas mahihirapan lang ako, Mab. I need to get away from here as much as possible. And maybe I'll live there... for good. Kung babalik man dito, siguro ay bibisita na lang. Malay mo mahanap ko na rin doon ang the one ko at... ma-devirginized na ako." I chuckled, but she remained silent. "If you want, we can always call and chat. You know... update-update lang kung buhay pa o patay na."

"Lu naman!"

"I'm just kidding! Masasanay din tayong lahat sa buhay na mayroon tayo ngayon. Sa pag-alis ko, iiwan ko rin ang naging buhay ko rito, so I could start a new one."

"Masyado ba talagang masakit, Lu?"

"Well... you know..." Napangisi ako. "Realizations just came rushing in."

"Akala ko pa naman healthy ang relasyon niyo."

"Akala ko rin, Mab."

I considered calling Inus, but instead chose to write him an e-mail that he will receive ten years from now, hoping that we'll both be okay and ready to face each other again. When were happy and content. There is no more resentment or remorse.

It's funny how I wrote it while on a plane to Luxembourg. Matagal-tagal din ang biyaheng ito, pero habang lumalayo ang plane ay mas nakakahinga na ako ng maayos. Guess this is really a goodbye, huh?

Probably a pleasant and gratifying goodbye...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro