Chapter 24
Narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga niya. Napansin ko rin sa peripheral vision ko na humarap siya sa akin. Kumabog ang dibdib ko.
"Gayunpaman, gusto ko pa ring humingi ng tawad, Lu. I want you to acknowledge my mistakes, and not place too much blame on yourself. This would never have happened if it hadn't been for us. I'm truly sorry, Lu."
I didn't say anything.
"Matagal ko nang gustong gawin ito pero pasensiya na't pinangungunahan pa rin ako ng takot. Takot na baka mas lumala pa ang lahat at mas masira ka pa namin."
"Don't... please," I said as I closed my eyes. "I told you, hindi lang ikaw ang may kasalanan at matagal ko na kayong pinatawad."
"Paano ka? I need to do this to lighten the burden and reasons you've clung to for so long. It's time to let go, Lu."
"Ken." Hinarap ko siya. "It's not that easy to let it all go. It's easy for me to forgive, but it takes time to forget and just move on." For some strange reason, my heart began to hurt again.
"You didn't realize it but... we're just protecting you and Inus. Akala niyo masigla ang relasyon niyo pero, Lu, marami ang nakakapansin kung gaano kayo napipilitan sa isa't isa. It's more like an obligation rather than love and sincerity."
Nandilim agad ang paningin ko nang marinig ko iyon. "Huwag mong sabihin iyan." I clenched both of my fists to control myself. "Wala kang alam sa kung ano ang nararamdaman namin kaya huwag mo ulit pangunahan at diktahan ang relasyon namin." I gritted my teeth in secret, tears slowly forming in my eyes.
"I'm just saying, Lu. Paano ka gagaling kung nakadikit ka pa rin kay Inus hanggang ngayon?"
"You're telling me that Inus is the one who's making me weak?"
"Hindi, Lu. Ang akin lang ay unahin mo naman ang sarili mo ngayon."
"I warned you not to poison my mind again!" Nagulat siya sa biglaang paglakas ng boses ko. "Wala kang alam! So, stop saying bullshit things to me! I don't need any of those! Kayo ang sumisira sa akin, hindi si Inus!"
"Lu..." Sinubukan niyang lumapit sa akin pero napatili at napaatras agad ako. It made him stopped and stiffened.
Bigla akong nahilo. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko para mas matingnan ng mabuti kung ano na ba ang nasa harap ko ngayon. It's Ken. But with every blink of my eyes, his expression shifts from worried and shocked to angry and evil grin. Minsan ay nakikita kong lumalapit siya para alalayan ako pero kalaunan ay nakikita ko kung para saan ang kamay niya.
"Lu, calm down."
"This is all your fault! Hindi mo deserve si Inus! Hindi ka na dapat dumating pa sa buhay namin! Gulo lang ang dala mo! Tangina ka! Dapat ka nang mamatay! You only deserve to rot in hell!"
"Stay away from me!" Sunod-sunod ang pagluha ko. Napahawak ako sa ulo ko't sinubukang patigilin ang papalakas na sakit. Ringing in my ears enveloped me, followed by voices I'd never heard before. Wala silang ibang ibinubulong sa akin kundi ang mamatay ako at magdusa.
"Lu!"
Pagtingin ko ulit sa harap ko ay nasakal na ako ni Ken. Napahawak ako sa kamay niya para alisin iyon pero pahigpit lang ito nang pahigpit.
"K-Ken..." I couldn't breathe.
Pagpikit ko, panibagong luha ang rumagasa. Nalipat din sa dibdib ko ang kamay ko dahil tuluyan itong naninikip. Pakiramdam ko bumabalik na naman ako sa madilim kong mundo, but in just a snap, all the screaming demons inside me suddenly went into silence.
"Lu, anong nangyayari sa 'yo?" Napatitig ako kay Ken. I motioned with my hand to keep him at bay and walked out of the rooftop without saying anything.
Muntik pa akong matapilok dahil sa panginginig ng mga paa ko, maging ng mga kamay ko. Sobrang lakas na rin ng tibok ng puso ko at hindi ko na naman alam kung paano ito kontrolin. Nang buksan ko ang pinto, umikot na naman ang paningin ko, dahilan ng pagkakamali ko ng apak. I just realized that I was rolling down the stairs before everything fades into darkness.
Paggising ko ay para bang bumalik na naman ako sa dati. Tulala sa kisame ng ilang segundo bago nanghihinang bumangon. Sinakop ng dalawa kong kamay ang mga binti ko para mayakap ang sarili habang ang baba ay nakapatong sa isang tuhod ko.
I kept on glancing at the empty room, searching for an appearance of any person with the thought of hearing those dreadful voices again. Nang makumpirma na walang ibang nasa kuwarto kundi ako, dinagsa agad ng luha ang mga mata ko hanggang sa sunod-sunod na ang naging hagulhol ko. With a clenched fist, I tried to punch my own chest for several times to stop the unbearable excruciating pain. Hindi ko rin matukoy kung alin ba talaga ang masakit sa akin, ang utak o puso. Or maybe, they are both hurting without me realizing it.
Akala ko tapos na ako sa ganito. Akala ko gumagaling na ako. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng ganitong episodes. But the more I tried to pretend I'm okay, the more pain it causes me, not controlling the flashbacks of such heartbreaking memories. Hindi ko alam kung bakit patuloy na nagpapatong-patong ang lahat.
I want this to end. This is always making me look so weak. I couldn't live to my present time because the past keeps on haunting me and the future always complicates things. Isa lang ang palaging napupuntahan ng mga ito: the perplexed, dark thoughts.
Kahit nga nababanggit palang ang mga pangalan nila, iniisip ko agad kung paano ito iwasan. Wala rin akong masagot ng matino sa mga tanong na 'kumusta ka?' at 'bakit ka nagkakaganyan?' Ang hirap lang. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung sa paanong paraan. I'm just too tired to explain my side when all they did in the past is to ignore it.
Pagod na pagod na ako...
"Cut your wrist!" Umalingawngaw sa tainga ko ang nakakarinding solsol at tawa. "Cut it so you can be free. Kapag hindi mo ginawa magsisisi ka."
Napasigaw ako. Napatakip ng tainga. Patuloy na umiiling-iling, iniiwasan ang mga kakaibang boses. Mga luhang bumubuhos na parang sirang gripo, hindi maubusan ng tubig ang katawan.
I'm at a loss for what to do now. These voices are not the same as before. Mas malalim, mas nakakapanindig balahibo, mas nakakadala, unti-unting hinihila ang mga paa ko pailalim sa lupa. Pakiramdam ko ay may nagmamasid at nakahawak din sa akin pero sigurado akong walang ibang tao sa kuwartong kinaroroonan ko ngayon.
Hindi ito maaari.
Hindi dapat ito nangyayari.
Not now that everything will return to normal.
"May salamin sa banyo! Puntahan mo!"
Tumigil ako sa pag-iyak. Halos may naging kusa ang katawan ko na pumunta sa banyo kahit na hindi ko naman naisip. That voice is far too powerful and scary.
Bumukas ang pinto ng banyo. I remained motionless, staring at my own reflection in the rectangular-shaped mirror. I appeared to be a different person. What a mess.
"Basagin mo!"
The sound of glass shattering echoed as my hands smashed it repeatedly. I stood there watching the blood flow through my hands, but I felt nothing. Parang nagustuhan ko pa nga ito. Nang malipat ang tingin ko sa isang bubog, kinuha ko agad ito.
"Do it! A simple cut won't hurt! Do it!"
I felt its sharp, cold point slowly sink into my skin as the blood keeps on spurting out.
"Excellent! Sleep well, dear..."
Nang maglaho ang mga panunulsol sa tainga ko, as if on cue, the still-bleeding cut on my wrist hurt like a burning wound, but I couldn't bring myself to react. I just stood there watching it until my legs wobbled and my eyes became heavy. Before I could even fall to the floor, a blurry vision of Inus came rushing to me, saying something I couldn't understand.
"Kailan pa po 'to nagsimula?"
Nagising ulit ako pero pinili kong nakapikit lang ang mga mata. Maingay ang paligid, iba-ibang boses ang pumapasok sa tainga ko. Nangingibabaw din ang tila galit subalit nag-aalalang boses ni Inus.
"Are you seriously asking us that question? You didn't even notice it?" boses ito ni Mom. "It's already happening when you've involved your life to her. Hindi mo ba nakikita ang rason? Ikaw! This is due to her undying love for you! Hindi ko nga alam kung bakit nagkakaganito siya dahil lang sa 'yo. Kaya kapag tuluyang nabaliw ang anak namin, sisiguraduhin kong mananagot ka."
May kung anong pumitik sa dibdib ko. Parang gusto ko biglang bumangon at ipagtanggol ang sarili ko't si Inus.
"Tita... huwag ka naman pong magsalita ng ganyan. I'm sorry, ginawa ko naman po ang lahat para alagaan siya."
"Really?" Mas lalong tumaas ang boses ni Mom. "Then, what is she doing here?! You didn't witness all of her rough times while you were in a coma! You had no idea how much she yearned for you without thinking of herself! Hindi mo alam kung gaano kasakit iyon sa amin!"
"I, too, am struggling, Tita."
"Magaling ka na! Every procedure has been carried out in order to treat you! It's a lengthy procedure! But what about our daughter? Parehas nga kayong may sakit sa utak pero ang tumor ay naaalis lang, ang kondisyon niya hindi!"
"Tita..."
"Kasalanan mo 'to!" My Mom sobbed. "Kasalanan mo 'to..."
A sharp pain enveloped my entire left hand, as if I needed to touch it to stop the pain. But... I tried to not mind it as much as I can. Ayoko ng gulo pero para bang hinahanap-hanap din ito ng katawan ko – the pain. Parang gusto ko na lang saktan nang saktan ang sarili ko hanggang sa tuluyan na akong mamanhid pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko balak na isakripisyo ang kaligayahan ko?
"Eleanor, please... not here."
Ako lang ba? I think Dad's voice is on the verge of giving up... giving up on me? Oo nga naman, sino ba naman kasi ang gustong manatili sa taong hindi mawala-wala ang sakit sa utak?
"This is not the best time to point fingers. We're all just doing what we can to help our daughter, Lu. Wala tayong mapapala kung pagtatalunan pa natin ang bagay na walang sinuman ang may gusto. Huwag na nating dagdagan pa ang paghihirap ni Lu."
What I just said vanished into thin air in a fraction of a second. Alam kong matagal nang mahina ang puso ko sa mga ganitong bagay pero ngayon, gusto kong bumangon at yakapin ng napakahigpit ang mga magulang ko. Yes, I hate them, but I can't afford to harbor that hatred all the time. Hindi ko kinakaya pero hindi ko rin mapatuloy ang pagsusubok na i-approach ulit sila gaya ng dati. I just don't know how to talk with them... sincerely. Maybe I can... once I can finally say I'm completely healed, or when all of these nightmares cease.
"I just couldn't stand the fact that they are still together up until now. Good god!" patuloy na pagdadrama ni Mom.
I couldn't help but wonder how it is that the mother is always the one who overreacts to everything, whereas the father is as calm as the undisturbed sea. Because mother always knows best? Or is it because Father knows what actually is the worst in feeding us with all the best things?
"Tama na, Eleanor."
The door squeaked open.
"Anong nangyayari dito?" Ina iyon ni Inus.
Oh, I can already feel the heated tension rising. Kaya bago pa man ulit makapagsalita ang kung sino man sa kanila ay bumangon na ako. Napansin ko agad ang mabilis na paglingon ni Inus sa gawi ko. Hindi naman halata na inaabangan niya ang paggising ko, hindi ba?
We stared at the depths of each other's eyes. Aangat na sana sa isang ngiti ang mga labi ko nang makita ko ang kagustuhan niyang lapitan ako pero naudlot iyon. Marahil ay dahil sa naging usapan kanina.
"Mom, Dad..." My voice had become so raspy that I couldn't speak normally. I immediately cleared my throat and tried to smile, but I can tell it's reverting to a poker face. "Tita, Tito... can I talk to Inus?"
Halos matulala sila sa akin. Their eyes blinked several times before they forced a smile. Bahagya rin akong nilapitan ng tahimik ng mga magulang ko.
"Lu..."
Iniwas ko agad ang tingin ko sa mga magulang ko. I fixed my gaze on Inus' parents and waited for their response. Tumingin muna sila sa gawi ng mga magulang ko bago nagawang maka-react sa nangyayari.
"Oo naman, hija." Like always, nakakagaan ang pag-ngiti ni Tita Carolina. Mukha lang talaga siyang masungit pero napaka-down to earth niyang tao and she maintained her sunny personality despite our nightmarish situation. She never once questioned my relationship with Inus, not even Tito Harry.
Bakit kaya ganoon? Ang hirap makuha ng loob ng mga magulang sa side ng babae sa tuwing pumapasok sa isang sitwasyon. I'm speaking from personal experience. Nakakalungkot lang. At... ang hirap. Nakakasawa rin na paulit-ulit mo na lang pinaglalaban ang kung ano man ang sa tingin mo'y tama kasi kahit na anong gawin niyo, hindi nagiging sapat ang lahat, kahit simpleng bagay, para lang tuluyan kayong matanggap.
Looking back to everything we've been through, is it still worth the fight? Is every memory of us worth our parents' broken hearts? Are we selfish enough to risk everything, even our sanity?
"Besides... mukhang kailangan din naming mag-usap ni Balae."
Nagkatitigan si Mom at Tita Carolina.
"Ah, hija, Inus, huwag kayong mag-alala. We'll talk smoothly," agap naman ni Tito Harry.
Hindi na ako umimik. Hinintay na lang namin ni Inus na makalabas sila. Hindi yata nila nahalata pero ako oo. Mom's being a bitch as always. Pasimple siyang tumataray-taray habang nagdadabog ang matutulis niyang heels. I couldn't help but smirk at that.
Nang sumara ang pinto, katahimikan agad ang bumalot sa amin. Nawala na ang mahihinang boses sa utak ko na mukhang sumasabay lang din sa ingay kanina. I don't know if it's good enough.
Our gazes locked. Ako ang unang bumitaw para umayos ng upo. My eyes widened in surprise as I noticed Inus' sudden movement. Nakahawak na agad siya sa akin para maalalayan ako na para bang anumang segundo ay mababasag. Hindi ko tuloy maiwasang kaawaan na naman ang sarili ko. When in fact, ako rin naman ang nagpapahirap sa sarili ko't sa kanila. Oh, the irony...
"Does it hurt a lot?"
God! His voice is so soft. How am I supposed to go on with this? And the way he touched my wounded wrist feels so gentle, just like how he caught my heart. Parang mga haplos niya lang. O sadyang dahil sa laki at lalim ng pagkakahiwa ay ang bigat-bigat nitong dalhin habang may kirot sa bawat pagpintig ng puso ko.
"I can call a nurse if you want..."
Ramdam ko ang maingat na pagbitiw niya ng mga salita.
"Or do you want something else?"
Isang hinga ng malalim at isang lingon sa gawi niya, I said, "I want us to talk, Inus."
He looked at me with teary-eyes. Napasinghot pa siya bago umiwas ng tingin. I can even feel the trembling in his hand. Wala akong ginawa kundi sundan ang bawat galaw niya. Nang bumagsak ang tingin niya sa kamay kong may gauze, doon na siya tuluyang naiyak. Samantalang ako, hindi ko pa sana mapapansin na nakikisabay na rin pala ang mga luha ko sa luha niya kung hindi pa ito pumatak sa puting kumot.
"Okay, let's talk, love." He sniffed, wiping away his tears. Hinaplos-haplos niya rin ang kamay ko bago ito hinalikan ng ilang beses. "Let's talk." Napatango-tango pa siya.
This is the first time I can truly feel my heart breaking into pieces. May isasakit pa pala sa mga pinagdaanan ko? Konti na lang talaga ay tuluyan ko nang hahangaan ang sarili ko.
"All this time, I had no idea my love for you could actually ruin me. Do you think all of the memories we've created are worthwhile? Will that be enough reason to let you go?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro